Krisanta's POV
Pagdating ko sa condo ni Clyde, halos alas-diyes na ng gabi. Halos maubos ko na ang pasensya ko sa trapik, at sa nangyaring eksena sa parking lot—at si Liam! Grrr! Ang lalaking iyon talaga, kung hindi lang ako niligtas ng galit ko, baka natulala lang ako doon buong gabi.Pagbukas ko ng pinto sa unit ni Clyde, sinalubong agad ako ng malakas na tawanan, tunog ng wine glasses, at ang paborito naming playlist na acoustic hits ng 2010s.
“THIRTY MINUTES MY ASS!” sigaw agad ni Dhea mula sa couch habang may hawak na wine glass at naka-cross legs. Nakasuot siya ng silk na pajama set, classy as always, pero may pagka-mommy vibes ang aura ngayon.
“Two hours, told you guys!” sigaw ni Ethan habang nakaupo sa sahig, naka-backrest sa sofa, at may hawak na malaking bowl ng chips.
“Nandito na nga ako diba?” sagot ko habang hawak ang box ng baked sushi at padabog na inilapag ito sa center table.
“Aw, she's mad—but hey, your hair! What happened?” tanong ni Clyde habang nilalapitan ako. Nakasuot ito ng loose white shirt at shorts, mukhang relaxed pero ang flawless pa rin. Typical Clyde—kalma pero mapanuri.
“Long story,” sagot ko sabay upo sa ottoman. Hinila ko ang hair tie sa aking buhok, sabay hagod dito—kulot, magulo, parang buong araw akong nag-ahas.
“May nangyari ba?” seryoso agad ang tono ni Clyde. Mapapansin mo sa kanya kapag nag shift ang mood—mula chill sa caring kuya mode.
“May frat war sa parking lot. Tapos may lalaking bugbog sarado, sinubukan kong tulungan, pero guess what? Si Liam ang lider ng grupo!” sagot ko sabay dampi ng palad sa noo ko.
“WHAT?!” sabay-sabay halos silang apat. Si Dhea napalunok, si Ethan napaubo, at si Clyde napatigil sa pag-open ng wine bottle, samantalang si Eduard, lumapit pa sa akin na sinipat sipat ang mukha ko.
“Oh my god. Liam as in Morales? Your infamous ghoster? The one who ghosted you at the restaurant?” sunod-sunod na tanong ni Dhea.
"And who told you that? Ikaw, chismoso ka malala Fernandez!" binigyan ko ng matalim na tingin si Ethan na ngingiti ngiti language sabay sulyap sa kanyang phone ulit. Tumawa sina Clyde at Eduard.
“Yes. That Liam Morales. Tapos ang kapal pa ng mukha—ako pa ang tinanong kung anong karapatan kong makialam. Tsk, I swear, pag may lahi siyang ahas, boa constrictor siya,” sagot ko, nanggigigil habang binubuksan ang coke.
“Kris,… you attract chaos,” sabay tawa ni Eduard. “First, nagka-misunderstanding sa prof mo. Next, you had an encounter argument with Liam, and he ghosted you. Now, you interfered in what seems like a frat mafia situation.”
“Hoy, hindi ako chaos magnet. I’m just a normal girl na minamalas kapag that Liam Morales is around, damn! I hate his face,” sabay subo ng baked sushi. Nang tumingin ako kay Etha, umiling iling ito, he doesn't like my non stop swearing.
“Speaking of that,” sabat ni Clyde habang tumingin sa akin. “Are you sure you're okay? Wala bang sumunod sayo? Baka may retaliation ang frat ni Liam.”
Napatingin ako sa kanya. Si Clyde, kahit laging masayahin, may instinct talaga sa danger. Lalo na sa mga nagdaang taon namin—lagi siyang nagbabantay kapag may issues ako sa org sa University. His family has power, last name palang--alam na kung sino siya.
“I think hindi naman,” sagot ko pero medyo may alinlangan. “Although... ‘yung lalaking tinulungan ko, kapatid daw ni Liam. His name is Sky.”
“Sky?!” sabay lingon ni Eduard. “Dude. Sky Morales. Siya ‘yung pambato ng Engineering sa Adamson. Hindi siya masyado kilala ng iba, pero may chismis na matalino at magaling ‘yun pero parang tinakwil sa frat. May falling out kay Liam.”
“Well, ngayon alam ko na kung bakit. Pina-bugbog siya! By his own brother!” sagot ko. “That guy is twisted.”
Tumahimik sandali ang buong grupo. Si Dhea lang ang umusog para magbukas ng second tray ng sushi. “Girl, you are officially in a K-drama plot. May frat, may bugbogan, may misteryosong lalaking nasagip, tapos ang ex-ghoster mo ang kontrabida.”
Nagkatawanan kaming lahat, at kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. I needed this—laughter, food, and friends. Kahit ang gulo ng araw ko, at kahit may banta ng frat drama sa ere… at least, I’m not alone.
“Cheers to surviving a chaotic day!” sigaw ni Eduard habang nagtataas ng wine glass.
“Cheers!” sabay-sabay naming sigaw.
At habang nagkakainan at nagkukulitan kami, may isang bagay akong narealize—this isn’t over. Si Liam, si Sky, at ang box na hinahanap nila... something tells me, kasali na ako sa gulo nila. Whether I like it or not. Habang tawa kami ng tawa sa mga lumang bloopers ni Ethan na pinapanood namin sa TV—iyong isang video pa nga ay habang tumatalon siya sa pool na nadulas siya at napasubsob—bigla akong napatigil. Tumunog ang cellphone ko. Hindi dahil sa tunog nito kundi dahil may kakaiba. Hindi ko kilala ang number.
Unknown Number Calling...
Tumigil ang tawa ko. Napansin agad iyon ni Clyde na naka-upo sa tabi ko.
“Hey, you okay?” tanong niya habang nakatingin sa screen ng phone ko.
“Yeah... may tumatawag lang. Unknown number.” Sagot ko habang nakakunot-noo. Tumigil na ang tunog ng tawag, pero hindi pa man ako nakakahinga ng maayos—tumunog ulit.
Same number. Unknown.
“Uyyy, baka secret admirer,” biro ni Dhea habang naka-chew pa ng sushi sa bibig.
“Or baka ‘yung Sky na guy. Baka gusto ka nang ligawan after mo siyang sagipin—classic damsel saves the distressed boy trope!” dagdag ni Eduard sabay tawa. Ngumiti lang ako pero hindi ako natawa. May kaba na akong nararamdaman. Gabi na, tapos hindi ko naman kilala ‘yung number. Pinindot ko ang answer at inilapit ang phone sa tenga ko.
“Hello?”
Saglit na katahimikan. Huminga ang nasa kabilang linya. Pagkatapos, isang pamilyar pero malamig na boses ang bumasag sa katahimikan.
“Thirty minutes turned to two hours. That’s so... you.”
Nanlamig ang batok ko. Napatingin ako kay Clyde, tapos kay Dhea at Ethan. Hindi nila alam, pero tumigil na ang mundo ko sa isang iglap.
Si Liam. Kilala ko ang boses na ‘yon kahit pa binalutan ng sarcasm at bahid ng mapanganib na katahimikan.
“How did you get my number?” mahina pero matapang kong tanong.
“Did you forget? I got it from your friend after you punched me in that damn karinderia...” sagot niya, may diin ang bawat salita. “Too bad. You wasted a perfectly good evening meddling with something you shouldn’t have. Or are you one of them huh?”
Napaangat ang balikat ko, hindi ko naitago ang tensyon. Aba't pinaghihinalaan pa ako ng mokong na ito!
"Excuese me?!" naiirita kong saad pero humalakhak lang ang nasa kabilang linya. Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko dahil nagsisimula na namang tumaas ang presyon ng dugo ko.
"Now, tell me Kitten, where's the box? I know, you've been dealing with Sky" ulit na naman nito. Marahas akong napamura. Talagang pinagbibintangan na niya ako. Ano ba kasi ang nandon sa box na iyon at prang gusto na niyang pumatay ng tao para makuha iyon.
“Who are you talking to?” tanong ni Clyde, nakakunot noo. Hindi ko agad nasagot. Sa kabilang linya, narinig ko ang tunog ng isang lighter. May sindi.
“You saw something, Kris. You interfered. And now... you’re part of the story.”
Tumayo ako bigla mula sa kinauupuan ko. Nalaglag ang throw pillow na hawak ko.
“Anong gusto mong sabihin? Na dapat akong matakot? Sorry, but that’s not happening,” sagot ko, medyo nanginginig ang boses pero pinipilit kong itago. Tumawa lang siya—mahina, parang may kinikimkim.
“Let’s see if you’ll still be that brave when they come knocking. I suggest you start watching your back, kitten.”
CLICK.
Natapos ang tawag. Napatingin ako sa phone ko, nanginginig na ang daliri ko habang hinahawakang mahigpit ito.
“Hoy, ano’ng nangyari?” lumapit agad si Dhea, bakas na rin ang pag-aalala sa mukha. I swallowed hard.
“I think I just made an enemy.” bulong ko.