Chapter 4

1939 Words
Krisanta’s POV “Kris, don’t forget the baked sushi na daanan ha—you know naman na iyon ang favorite ni Clyde” rinig kong saad ni Dhea sa kabilang linya. I am on my way to the parking lot dito sa isang mall. May week end get together kaming magkakaibigan ngayon sa condo ni Clyde pero dahil may dinaanan lang ako sa University bago pumunta doon ay sa akin na ibinilin ni Dhea ang pagbili ng baked sushi. “I got it already, Dhey, ilang ulit ka ng tumawag. Nasa parking lot na ako, I’ll be there in thirty mintues” sagot ko dito, habang nakaumang ang cp ko sa aking tenga at ang isang kamay ko ay nagkakalkal ng susi sa bag ko. Ewan ko ba, minsan hindi ko maiwasan ang kabahan kapag Hindi ko agad nakikita ang susi ng aking sasakyan, feeling ko kasi lagi itong nawawala. “Oh no, don’t give me an exact time girl, I know you—ang thirty minutes mo, nagging two hours. Kadarating lang ni Ethan—and— “She’s still probably lured in her laptop. Dhey—hi Kris! Isang americano for me—" pinutol ko ang gusto pang sabihin ni Ethan. Napasimangot ako pagkarinig ko sa boss ni Ethan, hindi dahil sa sinabi nito mundi naisip ko na naman ang nangyari doon sa pag ghost sa akin ng lalaking iyon. “Great! Great! Gago, ikaw na ang bumili ng gustong mong kainin!” galit kong sabi dito. Narinig kong tumawa lang ito ng malakas sa background. Natagpuan ko ang aking susi at agad tinungo ang kinaroroonan ng aking sasakyan. “I gotta go—see you later!” saad ko kay Dhea. “Don’t forget the baked sushi---” inis ko ng pinatay ang tawag. Uulitin na naman nito ang tungkol sa baked sushi na hawak ko na ngayon. Tsk. Napailing ako, masiyado ng bine baby ni Dhea ang kaibigan naming si Clyde, kung ano ang gusto, pinagbibigyan niya ito. Napailing kong binuksan ang pinto ng sasakyan ng masusian ko ito. “Give me the f*****g box” bigla akong napahinto sa pagbukas ko ng aking sasakyan ng marinig ko ang isang boses na parang mariin ang pagkakabigkas ng mga salita. Lumingon ako, pero wala naman akong nakitang tao sa aking likod, so meaning hindi ako ang pinagsasabihan nito. Medyo may kaba akong naramdaman dahil nasa dulo ako ng parking lot dito sa 2nd floor, kaya parang mangilan ngilan ang tao ngayon dito dahil 8pm na. Nagkibit balikat lang ako at ibinaba ang box ng baked sushi sa passenger’s seat ng sasakyan. And then umikot na ako sa driver’s side. “ What do you want from me?!” rinig kong may sumigaw. Kunot noo kong inilibot ang aking paningin, hoping na makita ang taong nagsasalita. Napaatras ako ng makita ang isang group ng mga lalaki, siguro mga sampu yata. May kaharap silang isang lalaki din, halos nakaluhod na dahil hawak ito ng dalawang lalaki sa balikat. Duguan ang kanyang labi, at may pasa na sa mukha, meaning, binugbog na ito ng mga lalaking kasama nito. May isang lalaking nakatalikod sa puwesto ko, kaharap ang lalaking nakaluhod. “You know what we want from you. The box, give it to us” nagsalita ang lalaking kaharap nito, hindi naman ito sumisigaw, pero ramdam mo ang tigas ng boses nito. Umiling ang lalaking nakaluhod bago nagsalita. “Wala sa akin ang box na sinasabi niyo. It didn’t slipped on my hands---ahhhhhh!” napaigik ito ng biglang kunin ng isang lalaki ang kamay nito at pinaikot. Umupo sa harap niya ang lalaking nasa harapan, hinawakan ang mukha nito. “The thing I really hate the most is a liar Sky—and a traitor.” He said. Bigla akong nainis sa ginagawa ng mga lalaking iyon, bakit kailangan pa nilang daanin sa dahas kung gusto nila ang isang box, gaano ba kaimportante ang box na iyan bakit kailangan pa nilang saktan ang lalaki. “I didn’t do it--- “I'm counting Sky, tell me where the box is or I'll cut your---!” tumayo ang lalaki sa kanyang harapan at agad naman tumalima ang ibang kasama nito. “Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya ha??!” galit kong sigaw na papalapit sa mga ito. Natigil ang lahat at lahat ng mata tumingin sa akin except ang lalaking nakatalikod sa akin. Nang makalapit ako sa mga ito ay dali dali kong dinaluhan ang lalaking nakalugmok na sa sahig—duguan. “Are you ok?” tanong ko dito at hinawakan ang kanyang mukha na tigalgal na nakatingin na sa akin. Sinunod kong hinawakan ang kamay nito habang ang isang kamay ko ay inaapuhap ang cellphone ko sa aking bulsa. Nang matagpuan ko ay nag dial ako at iniumang ito sa aking tenga. “Iwan mo ako--- “No, you need to be treated. I’ll call an ambulance—I’ll even call the police—what the f**k?!” galit akong lumingon ng may humablot sa aking cellphone. Isang lalaki ang galit, ito iyong nakahawak kanina sa balikat ng sinasaktan nilang lalaki. “What are you doing Miss?! Umalis ka diyan” sabi nito at marahas na hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa lalaking nasa sahig. Galit kong hinila ang kamay ko at tumayo bago ko hinarap ito. “Who the hell are you touching me ha?! At anong karapatan mong kunin ng lang ang cellphone ko --- “At anong karapatan mo na makialam sa business namin dito?” isang tining ang nakapagpatigil sa akin. Umalis ang lalaking kumuha ng cellphone ko at tumambad sa akin ang isang pigura na malamig na nakatingin sa akin. Nakapamulsa ito, titig na titig sa akin. Tangina! May utang pa ito sa akin! Dahan dahan itong lumapit sa akin dahil hindi ko maapuhap ang sasabihin ko. Tumigil ito sa aking harapan, ilang metro lamang mula sa akin. “Nalunok mo na yata ang dila mo kitten huh. Answer me, anong karapatan mo na makialam” ulit nito sa akin. Galit kong sinalubong ang tingin nito—hindi ko alam pero talagang sobrang kulo ng dugo ko sa Liam na ito, hindi ko pa nakakalimutan ang pag ghost niya sa akin sa restaurant, ngayon naman iba na naman ang ginagawa nito. Wala na ba talagang kahihiyan ang lalaking ito? “As a concern citizen in this country Mr, may karapatan akong makialam dahil sa ginagawa niyo sa lalaking iyan.” Sagot ko dito. Humalakhak ito ng malakas, kapagkunwa’y humarap ulit sa akin, naging seryoso na naman. “Really?” “At may karapatan din akong magsumbong sa police dahil sa pagbugbog ninyo sa kanya! Mga troublemaker!” matigas kong sagot bago ko ulit binalingan ang lalaki sa sahig at hinawakan ang braso nito. Pilit ko itong pinatayo. Nang makatayo ito ay tinignan ko muli ito. “Kayong mga frat, feeling ninyo sa inyo na ang mundo, pag aari niyo na ang bawat sulok na ginagalawan ninyo.” Sabi ko ulit, nakatingin lang ang lalaki sa akin. Pero iyong iba ay nagtangkang lumapit sa akin at kunin ang hawak kong lalaki na bugbog sarado. “Let her.” Rinig kong sabi ni Liam sa mga kasamahan. Walang nagawa ang mga ito. Bumaling ulit siya sa akin. “Alam mo ba kung saan pinupulot ang mga pakialamera Miss? Sa ilog—walang ng mata, wala ng dila--- “Are you threatening me asshole?! Pwes, hindi ako natatakot sainyo!” galit kong putol dito. Anong akala ng lalaking ito sa akin, madaling takutin?! “Hindi porke’t mga frat kayo matatakot na ako sa inyo, lalo na sayo—naturingan kang lider, wala ka namang bayag! Malakas lang ang loob mo dahil may mga kasama ka. Matapang ka lang dahil alam mong may kasama kang magtatanggol sayo pero in reality, you are a coward---you hear me, YOU ARE A COWARD!” pinagdiin diinan ko pa ang bawat salitang binitiwan ko sa huli. Nakita kong dumilim ang kanyang mukha at kumuyom ang kanyang dalawang palad. Napangiti ako sa aking loob, dahil marunong din naman palang magpakita ng totoong emosyon ang lalaking ito. “Are you done Miss?” kapagkunwa’y sabi nito. Parang papatayin na ako ng kanyang tingin. Humakbang itong papalapit ulit sa akin pero hindi ko alam kung namalik mata ako dahil bigla itong tumigil na parang may masakit dito. Nang tignan ko ito sa kanyang mga mukha, nakakunot noo ito. “What will you do? Hit me? Gaya ng pagbugbog niyo sa taong ito?! Iyon lang ba ang kaya ninyo, dahil isa, dalawa lang kami dito? Tsk—you are all bunch of cowards—walang bayag! “Tumigil ka Miss!—Master, this woman needs to be punished! Masiyadong matalas ang dila—” sabat ng isang kasama nila. Tumingin sa akin ng ilang segundo si Liam, pansin ko ang pagbabalik ng malamig nitong aura. “Let her go. She’s just a kitten. I want the box by tomorrow.” Malamig nitong saad at tumalikod na. Galit na tumingin sa akin ang lahat ng kasama nito bago sinundan ang kanilang master. Nang sundan ko ng tingin ang mga ito, sumakay si Liam sa isang sasakyan at pinaharurot na ito samantalang iyong ibang kasama, ay lumulan sa dalawang van. Naiwan kami ng lalaki sa parking lot. “Are you ok?—you need to be hospitalized, malalim ang mga sugat mo sa mukha” nag aalalang sabi ko dito. Tumawa ito ng pagak at nag iwas ito ng tingin sa akin. “Isang pusa lang pala ang magpapakalma sa kapatid ko huh” tumango tangong saad nito habang pinupunasan ang mga dugo sa kanyang labi. Napakunot noo ako, kapatid?! Huwag niyang sabihin na kapatid niya ang demonyong Liam na iyon?: At kung sakali mang totoong kapatid niya, bakit siya nito sinasaktan?! Tanginang lalaking iyon! Wala talagang puso! “Don’t look at me in horror, Miss. That man---” iyong ngiti niya may pait. “is my brother—my brother, hear that?” again, he’s still laughing without emotions. “Anong klaseng kapatid ba siya at pinabugbog ka—naku, iyang kapatid mo, daig pa si Lucifer-buti pa si Lucifer may kabaitan---” napatigil ako sa pagsasalita ng humalakhalk ng malakas ito. Halos mamilipit na sa sakit ang tiyan nito sa pagtawa. Baliw ba ito?! Tsk, ewan ko sa mundo, bakit ganito na ang mga tao. Halos mamatay na kanina tapos ngayon parang hindi iniinda ang sakit sa katawan, nakatawa naman na. Binitiwan ko ito at inis kong tinignan. “Sige tumawa ka pa! mukhang hindi ka naman nasaktan, diyan ka na nga! Mga baliw!” galit kong sabi at tinalikuran na ito. Pero hindi pa ako nakahakban ng hawakan niya ng braso ko. “Not so far. I am Sky.” Sabi nito. Tinaasan ko ito ng kilay at hinablot ang braso ko dito. “Ok.”sagot ko.” Bye!” naglakad na ako papunta sa aking sasakyan. “Hey, hindi ko pa alam ang pangalan mo” sumunod pala ito sa akin. Liningon ko siya at sinimangutan. “Hindi ka lang pala baliw, makulit ka din no.” pinamaywangan ko ito. Ngumiti siya sa akin at lumabas ang pantay pantay nitong ngipin. Guwapo siya, kahit bugbog sarado ang mukha. “What’s yours?” “Ewan!” sagot ko at agad na akong sumakay sa aking sasakyan. Nakita ko sa aking side mirror na napasuklay ito sa kanyang buhok at napahawak ito sa kanyang baywang habang tinitignan niya akong palayo sa parking lot. Haisst, what a day, napatingin ako sa aking relo, tama yata si Dhea, iyong thirty minutes ko, magiging two hours na naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD