Chapter 21

1582 Words
Third Person POV CRASH. Ang tunog ang mas tumatak kaysa sa mismong impact. Isang putok na parang galing sa kalangitan—hindi isang banggaan, kundi isang pagsabog ng mundo niya. Sa panaginip ni Liam, malinaw ang lahat—higit pa sa dati. Bumalik siya sa edad na anim, nakaupo sa likod ng kotse. Nasa harap ang mommy niya, hawak ang manibela habang kumakanta ng paborito niyang lullaby. Ramdam niya ang init ng araw sa bintana, at ang pakiramdam ng ligtas sa ilalim ng tinig ng ina. "Almost home, sweetheart," narinig niya. Masaya ang boses nito, pero may lungkot na hindi niya naintindihan noon. Ngunit biglang dumilim ang paligid. Isang kotse ang bumangga sa gilid nila—hindi basta aksidente, dahil sobrang bilis nito. Narinig niya ang sigaw ng ina. Tumilapon ang sasakyan. Tumama sila sa poste. Duguan ang noo ni Liam, pero buhay siya. Gumagapang siya palabas ng backseat, umiiyak, hinahanap ang mommy niya. “Mommy?” tinig ng batang Liam, pasigaw na naglalaban sa sirena at kaluskos ng mga taong dumarating. Nakabukas ang pinto sa driver's seat. Nakalugmok ang katawan ng ina, may dugo sa gilid ng bibig, pero ang mata—nakadilat, diretso ang tingin sa kanya. Para bang may gustong sabihin. Para bang sinadya nitong harangin ang bagsik ng impact—para siya ang mabuhay. May mga lalaking dumating. Hindi sila rescuer—maayos ang suot, parang hindi galing sa emergency. Isang lalaking may itim na coat ang yumuko sa katawan ng ina. Isang maliit na papel ang isinilid nito sa bulsa ng babae, saka ito tinakpan ng kumot. Ang batang Liam, na hindi pa rin napapansin, ay nanatiling nakasilip mula sa damuhan. Ang puso niya’y mabilis ang t***k, habang unti-unti niyang siyang nawalan ng malay. Nang magmulat siya ng mata, nasa hospital na siya, naka plaster ang kanyang paa. May benda ang kanyang ulo. Sa murang edad niya, hindi niya maintindihan ang mga nangyayari ngunit hindi niya mawala wala sa isip ang mukha ng mommy niya bago tinakpan ng kung sino ang kumot ang mukha niya. "Mommy..." hindi niya alam pero ito ang unang lumabas sa bibig niya pagkamulat niya. Biglang tumayo ang daddy niya na nasa gilid lang pala, may pag aalala ang mukha nito. Hinaplos niya ang ulo ng kanyang anak, ngunit wala man lang reaction mula dito, nakatingin lang ito sa kanya habang binabanggit ang mommy niya. Nang suriin ng mga doktor, ligtas na ito sa kapahamakan. Pero, ilang linggo pa ang lumipas, may napansin ito sa kanyang anak. Nakatulala lang ito, pero kapag hinahawakan niya ay bigla itong mapapangiwi, parang hindi ayaw niyang magpahawak. Mas lalong naging parang bato ang kanyang anak ng makita nito ang bangkay ng kanyang mommy. Hindi ito nakitaan na umiyak, nakatingin lamang ito dito. Ni hindi makita ang emosyon niya ngunit isang gabi, nagising ang kanyang ama na parang naririnig niyang impit na umiiyak ito sa kanyang silid. Nang pumasok niya, nakita niyang nanginginig ito, na parang hirap na hirap na nakahawak sa kanyang tuhod. "James anak, look at daddy--you're ok huh.." hindi maiwasan ng ama ang mapaluha habang nakatingin sa anak na parang mahuhugutan na ng hininga dahil sa hindi niya maipaliwanag na sakit na pinagdadaanan niya. Tinangka niyang hawakan ito at yakapin ngunit mas lalo lamang itong nanginig. "Daddy...it hurts! It hurts!" umiiyak na ito. Umiling iling ang kanyang ama, halatang pinipigilan ang mapahagulgul. "Husshhh, daddy is here son..." "I can't stand it dad--ang sakit" mariin itong napapikit. "Hey listen...listen..even pain can be quiet son, you just have to listen to the parts that don't scream" malamlam nitong tinignan lang ang anak dahil hindi naman niya pwedeng yakapin o hawakan man lang dahil mas lalo lang itong masasaktan. Pumikit ang anak nito, at sa murang edad niya, unti unti niyang natutunan ang pagiging tahimik kapag ito ay nasasaktan. "I love you son..daddy will always be here for you." Pagmulat ni Liam, nanlalagkit ang leeg niya sa pawis. Nakadikit pa rin ang kamay niya sa dibdib ni Krisanta, pero naninigas ang buong katawan niya. Tumitig siya sa kisame. Ang alaala ng gabi ng “aksidente”—ng gabi ng kanyang unang pagkamatay, ay bumalik sa kanya at iyon ang dahilan kung bakit hindi siya tumitigil. Kung bakit siya sumali sa fraternity. There’s this fraternity no one talks about—but everyone powerful seems to belong to. Alam ni Liam na hindi ito ang klase ng brotherhood na may tarp sa labas ng campus o open recruitment sa social media. Tahimik lang ito, parang anino sa pagitan ng mga pader ng unibersidad—pero naroroon. Hindi siya opisyal, pero mas makapangyarihan kaysa sa kahit anong samahang kinikilala ng eskwelahan. Isa itong lihim na binubuo ng mga pangalan na mabibigat sa lipunan—politiko, negosyante, military officials. The kind of people whose names open doors and whose silence closes investigations. His dad had their crest tattooed under his collarbone. Natagpuan niya iyon sa isang lumang litrato—isang grupong nakasuot ng formal na itim, hawak-hawak ang baso ng alak, mga matang puno ng yabang at misteryo. Pero sa dibdib ng kanyang ama, halos nakatago sa laylayan ng polo, ang marka: isang uod na nakapalibot sa espada, may nakaukit na salitang Latin na halos mabura na. “Fidelitas ante omnia.” Loyalty above all. Noon, hindi pa alam ni Liam ang ibig sabihin niyon. Akala niya, barkada lang niya. Pero pagtagal, habang lumalaki siya at unti-unting nakikita ang pagkakaiba ng tatay niya sa ibang ama—kung paano siya iginagalang ng mga tao, kung paanong kahit mga pulis ay yumuyuko sa presensya niya—naramdaman niyang may mas malalim pang kwento roon. Same crest was on the ring of the man who showed up at his funeral but never introduced himself. Matangkad, naka-itim, may suot na dark sunglasses kahit loob ng simbahan. Wala siyang sinabi. Tumayo lang siya sa dulo, sa pinakatahimik na bahagi ng burol. At bago umalis ang taong iyon, huminto ito saglit sa harap ng kabaong ng kanyang ama—at tumango. Parang may sinumpaang pangako na tinutupad. At doon niya nakita—ang singsing. Ang parehong crest. Parehong espada. Parehong Latin. Parehong katahimikan. So when he turned eighteen, he did the only thing he knew how to do. He applied. Pero hindi ito basta aplikasyon. Wala kang lalapitan. Wala kang form. Wala kang schedule ng orientation. Ang proseso ay parang kabaligtaran ng normal na frat life—ikaw ang kailangang hanapin. Pero kung gusto mong mapansin, kailangan mong gumawa ng ingay sa tamang frequency. Kaya naghintay siya. Nagbasa at gumalaw sa mga lugar kung saan sila gumagalaw. Pumasok siya sa kursong may malalaking pangalan, sumali sa mga organisasyong may koneksyon sa alumni boards. Lahat ng kilos niya, sinadyang mapuna. At nang dumating ang gabi ng "initiation call," wala pa ring pangalan, walang address. Isang sulat lang na naiwan sa ilalim ng pinto ng kwarto niya. Walang lagda. Walang petsa. Isang linya lang: “Truth requires sacrifice. Be ready.” At doon niya alam—nakita na nila si Liam.,na naroroon hindi bilang gustong sumama kundi bilang gustong maghukay because for them, it was loyalty above all. But for Liam, it was justice… above everything else. Naikuyom niya ang kanyang kamay nang maalala ang box, hindi pa niya ito natatagpuan hanggang ngayon kaya pati ang kapatid niyang si Sky ay inoobserbahan niya. Napatingin si Liam sa mukha ni Krisanta na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Mahina ang hilik nito, halos hindi marinig, pero sapat para maramdaman niyang totoo ito—hindi isang bangungot o alaala lang. Ang liwanag mula sa lampshade ay dumadampi sa makinis nitong balat, nagpapatingkad sa natural nitong ganda kahit pa halatang pagod ito. May bakas ng luha sa gilid ng mata ni Krisanta, at para kay Liam, iyon ang pinakamaliit ngunit pinakamabigat na sugat na nakita niya ngayong gabi. Hinaplos niya ang pisngi nito, dahan-dahan, halos parang natatakot siyang magising ito o tuluyang mawala sa kanya. Mainit pa rin ang balat ni Krisanta sa ilalim ng kanyang mga daliri—tanda ng buhay, ng damdamin, ng koneksyon. Pero alam niyang kahit gaano pa ito kainit, kaya siya nitong sunugin hanggang sa laman-loob. Napangiti siya. Mapait. Pilit. This woman could destroy him. Hindi sa isang bagsak, kundi paunti-unti—gamit ang bawat salita, bawat titig, bawat hakbang palayo. Hindi na niya mawari ang sarili. Araw-araw, parang may laban sa loob niya—isang bahagi ng kanyang pagkatao ang gustong protektahan ito, itago sa mundong marumi at puno ng panlilinlang. Pero may isa pang bahagi, mas madilim, mas makapangyarihan, ang gustong ilayo ito… o wasakin bago pa siya masira. Kanina, nang marinig niya mula sa sariling bibig ni Krisanta na mahal siya nito, isang sandaling parang may humiwang matalim sa puso niya. Imbes na sumaya, natakot siya. Natigilan. Parang pinilas ang naipon niyang galit, takot, at pangamba. Muli siyang nasaktan, sa paraang hindi niya maipaliwanag. He was hurting again. At doon siya natakot. “Anong ginagawa mo…” Maliit, paos, halos hindi marinig ang boses ni Krisanta. Napalingon siya. Gising na ito. Namumungay ang mga mata, at halatang gulo pa ang isip mula sa pagod at emosyon. “Wala,” sagot niya, pilit na kalmado. “I just want to stare at your beautiful face. Just sleep, it's still dawn” sagot ni Liam at niyakap ng mas mahigpit ang dalaga. Tahimik lang si Krisanta, pero hindi inalis ang tingin sa kanya. Parang may gustong basahin sa mga mata niya, parang may pilit na iniintindi. Pero hindi niya bibigay. Hindi pa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD