Chapter 10

1990 Words
Krisanta's POV Halos liparin ko na ang daan mula sa UP papuntang Makati Medical Hospital dahil sa balitang naaksidente si Ethan. Galing siya sa Baguio dahil may community service ang klase nila. The last time we talk is noong nag night out kami sa pad ni Clyde, busy din kasi siya sa studies niya plus may gf itong kasa-kasama niya kapag free time niya. Ethan has been my constant, siya ang tinuturing kong kapatid dahil pareho lang kaming nag-iisang anak kaya para kaming hindi mapaghiwalay. Ang malaman na may nangyari sa kanya ay para akong mawawalan ng lakas, iniisip ko palang ang sinapit nito ay parang hindi ko na siya kaya pang tignan. Nadatnan ko na sina Eduard at Clyde sa labas ng ICU, tulad ko, tulala din, hindi makapaniwalang nangyari ito sa kaibigan namin. He is not a reckless driver, baka mas ako pa ang tawaging reckless dahil maiksi ang pasensiya ko sa daan kung saan lagi lagi niya akong pinapagalitan kapag nakikisakay siya sa akin. "Who's with him when the accident happened?" tanong ko sa kanila. Umupo si Eduard sa bench bago niya ako sinagot. "Joanna Buenaventura--his classmate." "How is she?" tanong ko ulit. Napabuntunghininga si Clyde, para din itong hindi maapuhap ang mga sasabihin. "She's out of danger. Hindi siya napuruhan. According to the doctor, minor lang ang natamo niya." patuloy nito. Tumingala siya, kuyom ang mga palad. Natahimik kaming tatlon ng ilang minuto. Dumating si Dhea, umiiyak ng malaman ang kalagayan ng kaibigan namin. Napasalampak siya sa floor at walang ginawa si Clyde kundi pakalmahin ito. "Alam na kaya ng kanyang pamilya--I mean his mom?" tanong ko. Tumango si Eduard. Tumingin ulit siya sa pinto ng ICU. "Nakausap na daw ng school na pinapasukan niya ang kanyang mama, and she's flying tonight from Spain." sagot nito. Wala ng kumibo sa amin, may kanya kanya kaming iniisip siguro para sa kaibigan namin. Wala dito ang family ni Ethan, I mean ang mommy niya nasa Spain--samantalang ang daddy nito ay matagal ng patay. Mag-isa lang dito si Ethan, pero may mga relatives parin siya sa probinsiya namin, na siyang inuuwian niya kapag sinasamahan niya akong uuwi. Napabuntunghininga ako. Tahimik pa rin ang paligid. Ilang sandali pa, tumingin ulit ako sa mga kaibigan ko. Si Deah ay nakaupo sa dulo ng bench, yakap ang tuhod. Si Eduard ay nakasandal sa dingding, nananahimik. Si Clyde ay nagkukumpuni ng basong papel na wala nang laman, pinapaikot-ikot sa kamay, para lang may magawa. “Guys…” basag ko sa katahimikan. “May nakakakilala ba sa pangalan ng girlfriend ni Ethan?” Lahat sila, napaangat ang tingin sa akin. Walang sumagot. Suminghot si Deah, bahagyang napangiwi. “Hindi ko pa nga siya nakikilala eh.” “Same,” sabay ni Eduard. “Ni minsan, ‘di niya pinakilala. Ni hindi niya binanggit ang pangalan.” “Wala man lang clue?” tanong ko ulit, pilit pa rin. “Nickname? Initials? Kahit anong pwedeng hanapin?” Umiling si Clyde. “Wala. Ang tanging sinabi niya lang minsan… ‘She’s very private’ Yun lang. Tapos nagbago agad ng topic.” Nagkatinginan kaming lahat. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib. Parang mas lalo akong nabaon sa kaba. “Ethan… bakit mo siya itinago?” Parang gumuho ang loob ko. Iniisip ko kung alam ba ng babaeng ‘yon na halos mamatay na si Ethan. Kung may balita ba siya. Kung umiiyak ba siya sa ibang parte ng mundo—o kung wala siyang kamalay-malay na ang lalaking nagmamahal sa kanya ay walang malay ngayon, nilalabanan ang kamatayan. “Dapat nandito siya.” Hindi ko alam kung sinabi ko ba ‘yon sa isip ko o pabulong na ba talaga. "What if si Joanna ang tinatago niyang gf?" si Dhea. Marahas na umiling si Eduard, parang pareho lang kami ng iniisip. "Sigurado akong hindi. Ethan and I were classmates in High School, kaklase namin si Joanna, but never na nagustuhan ni Ethan siya--- "Yeah, that's what he said to me." putol ko kay Eduard para dumagdag sa sasabihin nito. " He swore it to me noong kinukulit ko siya na baka si Joanna na classmate niya ang tinatago niyang gf. So, malayong siya" umiiling kong sabi. "Dapat nandito siya, paano kung hinihintay niya pala si Ethan? May nakita bang cellphone sa car ni Ethan--baka doon tayo makakakita ng lead para matunton natin ang gf niya" sabi ulit ni Dhea. Malungkot na umiling si Eduard. "The device, parang papel na lang. It was devastatingly wreck." si Clyde. Napabuntunghininga na naman kami. "Paano kung… hindi niya alam kung saan hahanapin si Ethan?” “Paano kung hindi niya tayo gusto?” sabat ni Clyde, medyo pilit ang tawa. “Alam mo ‘yon? Yung tipong ‘secret girlfriend, secret life.’” Tahimik ulit. Pero sa puso ko, nag-ugat na ang isang tanong na hindi ko matanggal: “Nasaan siya?” At sa dami ng sagot na gusto naming malaman—wala kaming kahit isang pangalan na maaaring hanapin. Nang lumalim ang gabi, mabigat ang hakbang ko palabas saglit ng hospital. Gusto kong lumanghap muna ng hangin, ang bigat bigat ng loob ko dahil sa kalagayan ng bestfriend ko. Naiwan sa loob sina Deah, Clyde, at Eduard—lahat tahimik, nag-aabang, naghihintay ng himala. Pero ako, kailangan kong huminga. Hindi ko na rin alam kung ilang oras na akong gising. Ilang beses na akong umiyak. Ilang ulit ko nang sinubukang tawagan ang hindi ko nga kilalang babae na minahal ni Ethan. Wala man lang kaming pangalan.Wala akong mapanghawakan kundi mga tanong. “Nasaan siya?” “At bakit… parang may hindi kami alam tungkol kay Ethan?” Hinawakan ko ang railing sa gilid ng hallway habang naglalakad. Malamig ang bakal at malamig ang hangin. Tahimik ang paligid, para bang ang ospital ay humihinga na lang ng mahina. Pagdating ko sa dulo ng hallway, tumingin ako sa bintana. Parang umuUlan. Nang bigla—may narinig akong mabigat na yabag. Hindi mabilis pero buo at parang hindi takot sa oras. Nilingon ko iyon. Mula sa kabilang wing ng hallway—isang emergency access door ang bumukas. Isang lalaki ang pumasok. At agad kong nakilala ang tindig, ang tikas, ang presensyang para bang pumupunit ng hangin kahit hindi nagsasalita. Liam. May kasunod siyang dalawang lalaking naka-itim. Malalaki at nakatakip ang mukha. Mukhang hindi staff ng ospital. Nanatili akong nakasilip mula sa likod ng isang haliging bakal. Hindi niya ako nakita. Si Liam ay tumigil sa harap ng isang bukas na pintuan ng utility room. At mula sa loob—may hinila ang dalawang lalaki. Isang lalaking halatang bugbog. Halos di makatayo. Nanlaki ang mata ko. Ano ‘to…? Wala silang salita at walang sigawan. Walang aksyon na hayagan pero malinaw ang eksena: May taong bugbog sarado, hindi ko alam kung sino ang may gawa pero base sa nakikia ko, may posibilidad na sina Liam at ang mga kasama nito ang may gawa. At si Liam—Tahimik lang siyang nakatayo. Tinitigan ang lalaking bugbog, parang walang damdamin. Parang wala lang sa kanya ang lahat. “Pasok,” mahinang utos niya sa dalawang lalaki. Sumunod ang mga ito at dinala muli ang lalaki sa loob, at isinara ang pintuan. Si Liam ay tumalikod, parang tapos na ang misyon. Pero bago pa siya makalayo, tumigil siya. Bahagyang umikot ang katawan niya, parang may naramdaman. At nagtama ang mata namin. Nakita niya ako! Biglang nanginig ang katawan ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Liam’s gaze hardened. It was cold and sharp. Nakita ko kung paano bahagyang nanigas ang panga niya, at kung paano bumigat ang bawat hakbang niya papalapit. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang. Then—he was standing right in front of me. “What are you doing here?” boses niyang mababa, mapanganib ang tono. “Are you following me?” “W-What was that?” paos kong tanong, hindi ko sinagot ang tanong niya, I was after with the man na nabugbog. “Sino ‘yung lalaking ‘yon? Anong ginawa niyo sa kanya?” Hindi siya sumagot agad. Tiningnan niya ako na parang wala lang, as if weighing if I was a threat—or a liability. “Hindi mo dapat ‘yon nakita, Krisanta.” “Too late,” sabi ko, pilit ang tapang sa boses. “I saw everything, Liam.” Nakita kong napakuyom ang kamay niya sa gilid. “You think you did.” “Don’t gaslight me!” halos sigaw ko. “Ano ‘to? Ano ‘tong ginagawa mo?! Hindi ‘to normal! Nasa ospital tayo, Liam! Bugbog na bugbog ‘yung lalaking ‘yon tapos—what? Para kayong sindikato!” He stepped closer. Too close. “I said... you didn’t see anything.” Mas mababa pa ang boses niya ngayon. Halos bulong pero matalim, punong-puno ng babala. “Alam mo kung anong tawag sa ganyan? Crime. At ikaw—ikaw Liam, kung akala mong makakalimutan ko ‘tong nakita ko—” “Will you tell them?” putol niya. “Will you run back to anyone here and say, "Oh my God, I saw Liam Morales with a beaten man and two thugs’? Go ahead.” Napatitig ako sa kanya. May galit sa loob ko dahil sa tabas ng kanyang dila. Kung matapang ako, mas matapang ito. Parang wala siyang kinatatakutan sa buhay niya. Idagdag pa ang parang robot lang, na walang pakiramdam, walang emosyon. “Don’t do that,” sambit ko, naluluha na. “Don’t act like you’re some… some monster na wala nang pakialam sa lahat." hindi ko alam kung bakit para akong naging maamong tupa sa harap niya dahil sa naisip ko. Pero nabigla ako ng biglang sumiklab ang galit sa mga mata niya. “Hindi mo alam kung anong sinasabi mo,” aniya, halos pasigaw. “You don’t know what world I’m part of now. You think this is a game? I am in war kitten” For the first time mula noong nagkrus ang landas namin, inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at langhap na langhap ko ang kanyang mabangong hininga. Nagkatitigan kami, mata sa mata, hininga sa hininga. Ilang pulgada lang ang pagitan. “You shouldn't have followed me,” bulong niya. “You shouldn’t have seen any of this.” “Then tell me the truth,” bulong ko pabalik, pilit pinipigilang bumagsak ang luha. “Tell me what you’re hiding. Tell me bakit kailangan mong ipabugbog ang isang tao sa ospital, Liam. Sa ospital!” “Because people like him,” kumuyom ang panga niya, “deserve worse than that.” “At sino ka para magdesisyon kung sino ang deserving?” sigaw ko. “Hindi ka Diyos, Liam! Hindi mo pwedeng—” At bigla na lang---Nagdidilim na ang hallway, parang umuulan pa sa labas, pero ang katawan ko ay parang lumutang. Isang hakbang at isang hinga. At hinalikan niya ako. Hindi marahan at hindi rin mabagal. Marahas. Galit. Mapang-angkin. Parang gusto niyang saktan ako sa halik na ‘yon, pero sa halip, isinumpa niya ang sarili niya habang ginagawa ito. Parang sumabog ang lahat ng emosyon ko. Hindi ako agad gumalaw habang nakapikit at hinahayaan nalang si Liam na angkinin ang labi ko. First kiss ko ito--and its...its...tangina! Nanigas ang buong katawan ko dahil ilang saglit lang, nagbago na ang paghalik niya sa akin, masuyo at...at, bakit parang gusto kong ibalik ang ginagawa niya sa labi ko?! Hindi ko siya tinulak, nang ibuka ko ang labi ko para bigyan sana siya ng mas malayang access sa labi ko, bumitaw na ito. At nang bumitiw siya, halos hingal siya. Parang nagising sa sarili. “Forget what you saw,” bulong niya. “Forget this. Forget me.” Tumalikod siya. Mabilis ang lakad paalis. At ako? Naiwan ako sa hallway, hawak pa ang labi ko, nanlalambot, naguguluhan, nalilito— At higit sa lahat...Nagtatanong kung bakit ang halik na ‘yon ay mas masakit pa sa kahit anong bugbog na nakita ko sa hallway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD