Krisanta's POV
"Did you eat?" ito ang unang bumungad sa akin ng buksan ko ang cellphone ko ng mag lunch break kami mula sa duty namin. Napakunot noo ako, at sino naman kaya itong unknown number. Napailing ako, very private ang number ko, iilan lamang ang may alam dito. Tanging ang mommy ko at daddy tapos ang mga kaibigan ko at dalawang classmates ko. Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin, bagkus inayos ko ang pagkakapusod ng buhok. Napalingon ulit ako sa cellpnone ko ng umilaw ito sa lamesa.
"Love--reply please. You want me to go there and see it for myself kung kumain ka na?" Ano daw? Love?! At sinong ponso pilato naman ang binigyan ko ng karapatan para tawagin akong love? Tsk! Mga tao talaga, wala sigurong magawa ito. I erased the text then isinuksok ko na ulit sa bag ko ito. Time na namin para ipagpatuloy ang duty. Halos hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami naming ginawa. Alas singko eksakto ng mag time out ako sa hospital. Dali dali akong lumulan sa aking sasakyan, kailangan kong pumunta ng UPBRH dahil naghihintay ang aking thesis adviser para sa pagpapatuloy ng pagkompleto ng aking thesis. Nang makarating ako sa parking lot, tinignan ko ulit ang aking cellphone.
5 miscalls
Napakunot noo ako--ito na naman ang number na nagtext sa akin kaninang lunchbreak. Nang tignan ko ang messsage box ko, may text itong dalawa.
"Are you busy love?"
"Krisanta, damn it! You're freaking me out. Please reply!"
So, talagang para sa akin ang mga texts at tawag. Tsk, parang mukha ni Liam na nakakunot noo ang nakikita ko sa huling text. Pero sino ba kasi ito. Bago ako pumasok sa laboratory, nagreply ako dito.
"Get lost!" ito ang message na isinagot ko sa kung sino man na nagtetext sa akin ngayon. Ibinalik ko na naman ang cellphone ko sa aking bag. Pero medyo napatda ako ng may humawak sa aking balikat. Nang lumingon ako, mukha ni Sky ang nakasalubong ko.
"Stalker ba kita?" agad kong tanong. Paano naman kasi, bigla bigla na lang itong sumusulpot sa harapan ko. Huwag niyang sabihin sa akin ngayon na coincidence lang itong pagkikita namin baka mabigwasan ko ito sa nguso. Ngumisi ito, para bang ang dali dali nalang para sa kanya na tanggapin ang mga negative na statement na maibabato sa kanya. Hindi gaya ng kapatid niya na hindi mo mabasa kung galit ba, masaya ba or malungkot ba.
"Eh kung sabihin kong oo, magagalit ka ba?" asar nitong sagot. Sinuntok ko ito sa tagiliran kaya napaatras ito at dumaing.
"Whew, kaya naman pala ganon nalang umiinit ang ulo ng kapatid ko sayo, dahil sa ibang klase ang kamay mo Kris. Damn ang bigat!" nakangiwi nitong sabi at umiling iling.
"Anong kailangan mo na naman?" pinamaywangan ko siya. Bigal itong tumuwid ng pagkakatayo at ngumiti ulit sa akin.
"Sama ka?"
"Hindi. Period" pasuplada kong sabi. Ngumuso ito at hinawakan ang end ng buhok ko na parang gusto niya akong sabunutan.
"Wala pa nga akong sinasabi, hindi na agad, may period pa. Tsk, ang tindi mo talaga!"
"Ano ngang kailangan mo--busy ako Sky, andiyan sa loob ang thesis adviser ko, and she's waiting form me" bored na bored kong sabi. Sumeryoso naman ito at tumikhim muna bago sumagot.
"Come with me tonight. May pupuntahan tayong party." nakangiti na naman ito na parang siguradong sigurado na sasama ako sa kanya. Umiling parin ako.
"I'm busy sa theis ko at this moment Sky. Next time na lang."
"I'll just wait you nalang. Deal?" ang kulit talaga, bakit ba kasi nakikipag close pa ito sa kanya, ngayon parang ang hirap naring hindian. Bumuntunghininga ako bago sumagot.
"Three hours Sky. And it's already 5."
"Ok lang. Kaya ko, I'll just see you at the parking lot. Pumasok ka na. Bye!" saad nito at naglakad na palayo sa laboratory. Napapailing nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa akin bakit lagi nalang siyang nakabuntot sa akin. Tsk.
Nagtagal nga ako ng three hours sa lab bago kami naghiwalay ng thesis adviser ko. Natanaw ko si Sky sa harap ng kanyang sasakyan na kumaway pa habang nakangiti. Nang makalapit ako sa kanya ay pinagbuksan niya ako ng pinto, pinasakay muna bago siya umikot sa driver's seat at binuhay ang makina. Nakangiti siya habang nagdadrive. He was asking kung gutom na ako pero itinanggi ko dahil habang gumagawa ako ng thesis, ay nag snack kami ng thesis adviser ko. Mahigit 30 minutes kaming nag travel bago huminto sa isang malaking bahay na medyo isolated from the neighborhood..
Hindi ko alam kung sinadya ni Sky na hindi sabihin kung anong klaseng party ito, pero the moment I stepped inside that house, my body knew what my brain refused to admit. Bass thumping. Dim lights. Smell of alcohol, smoke, and adrenaline. And that familiar banner—the frat’s insignia. Napahinto ako at lumingon kay Sky.
“Sky,” bulong ko, mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. “This is a frat party?”
Tumango siya habang nakangiti. “Don’t worry, safe 'to. Nandito rin naman ako.”
Pero hindi siya ang iniisip ko. Dahil sa loob ng masikip na crowd, kahit pa patay-sindi ang ilaw, I saw Liam.
Nakahoodie ng itim at nakaupo sa armrest ng isang sofa. Ang postura niya, parang hayok na lobo sa gitna ng mga nagpapanggap na leon. Tahimik, walang ekspresyon, pero matalim ang tingin—sa akin. Bigla akong giniginaw. Ang mga paa ko, parang ayaw na humakbang.
“Come on,” ani Sky, hinila ako papunta sa bar area. “Let’s get drinks.”
“Sky…” nanginginig ang boses ko. “Let’s just leave—”
“Relax,” putol niya. “Just one drink, Kris. Please.”
Gusto kong tumutol. Gusto kong umatras pero nauna ang braso niya sa baywang ko, at bago ko pa maitulak, may isang anino ang dumaan sa gilid ko—mabilis, matalim, tahimik.
At isang iglap may malakas na kamay ang humila sa akin palayo.
“Why is she here Sky?” Hindi siya sumisigaw—pero ang bigat ng kanyang tinig ay parang kuryenteng bumalot sa paligid. Nakangiting aso si Sky na tumitig sa kapatid niya na nasa harapan ko na.
“Anong problema mo, bro--she's with me.”
Liam stepped forward. Mataas pa rin ang hoodie niya, ngunit ngayon ay tanaw na ang panga niyang mariin at ang titig niyang nanunuot. Hindi siya umimik agad. Sinukat niya si Sky mula ulo hanggang paa, saka bumaling muli sa akin.
“You shouldn't be here. Let's go” kinuha niya ang kamay ko at tinangka niya akong hilahin pero pumagitan si Sky na nakataas ang kilay.
"Woooww, easy brother. Birthday mo pa naman--ang init ng ulo mo" tumatawa pa ito. Napatingin ako bigla kay Liam, blangko ang mukha niyang nakatingin sa kapatid. So, birthday niya ngayon?--ano bang date ngayon? Pero bakit dito siya nag se celebrate? Bakit hindi ang pamilya nila ang kasama nito?
“Let's go Krisanta." imbes na sagutin si Sky ay hinila na niya ako ng tuluyan ngunit ramdam ko ang nginig sa kamay nito. Naptingin ako sa kanyang mukha, eto na naman ang pag igting ng kanyang panga na parang may pinipigilang masakit.
"Kuya naman, she's with me--she's my date, why would you--
"Stop Sky! One more word, you'll be kick out from here" mariing saad nito bago bumaling sa akin.
“I'll drive you home.” Walang emosyon. Pero ang mga kamay niya, nakahawak na ngayon sa braso ko—hindi marahas, pero mariing nagsasabing wala akong karapatang tumanggi.
“Bro, chill ka lang. Hindi mo siya pag-aari,” galit na sagot ni Sky, sabay hawak ulit sa braso ko. At doon sumabog si Liam.
Isang iglap lang—binuwag niya ang pagitan nila. Tinulak si Sky sa dingding, hindi sapat para manakit pero sapat para iparamdam na he’s done playing nice.
“Huwag mo siyang hawakan.”
Bulong niya iyon pero parang umalingawngaw sa buong paligid.
“LIAM!” sigaw ko, sabay tulak sa kanya. “Tama na!”
Tumigil siya at humarap sa akin. At sa unang pagkakataon sa gabing ito—nagsalubong ang mata naming may galit, may luha, at may lahat ng sakit na hindi pa namin nasasabi. He stared at me. Long and hard. And I saw it—the way his jaw clenched, the way his eyes glistened but refused to cry. He wanted to speak. To yell. To beg.
But instead—
BOOM!
Biglang may sumigaw mula sa kabilang dulo ng bahay.
“Tumakbo na kayo, may rambol sa labas”
Nagtakbuhan ang mga tao. May nabasag na bote. Sigawan. May mga lalaking may dalang kahoy na biglang sumugod mula sa labas. Mga naka-hoodie. Mga rival frat.
“Sh*t,” bulalas ni Sky. “Sugod ‘to!”
“Krisanta, sa likod ko!” sigaw ni Liam, sabay hawak sa akin at itinulak ako palayo sa gitna. Bigla akong niyakap ni Liam mula sa gilid. Tinutulak niya ako papasok sa isang hallway habang umiikot na ang mundo sa labas—sigawan, suntukan, ingay, takot.
“Krisanta, stay behind me!” sigaw ni Liam habang pilit akong itinatago sa kanyang likod. Ngunit sa dami ng taong nagsisiksikan at nagsisigawan, nagkagulo ang lahat—at isang iglap lang, may tumama sa akin mula sa kaliwa. Isang siko. Matigas. Malakas.
“Agh!” napasigaw ako, hawak ang tagiliran ko. Napaatras ako, natapilok, at sumubsob sa malamig na tiles ng hallway.
“Krisanta!”
Mabilis ang lahat. Mula sa gilid ng paningin ko, nakita kong napalingon si Liam, at parang may pumutok sa mukha niya nang makita akong nakayuko, nanginginig, at nasasaktan. Lumipad ang kamao niya at walang babala, walang pasintabi.
Pak!
Isang suntok ang tumama sa panga ng lalaking malapit sa akin—isa sa mga nakahoodie na mula sa iba sigurong frat, ang lumusob sa kanila. Tumilapon ito. pero hindi pa siya natapos. Isa pang sapak. Isa pang tulak. Tinulak niya ang isang mesa, sinunggaban ang lalaking may dalang kahoy. Tinadyakan ito sa tiyan. Ang galaw niya—halos walang pag-aalinlangan. Para siyang hayop na napuno. Hindi na niya ininda ang sariling sakit sa katawan habang nakikipag rambulan sa dalawang lalaki. Wala na ang control ni Liam. Wala na ‘yung malamig, misteryosong Liam na parang walang nararamdaman. Ang natira—isang lalaki na parang sasabog ang buong mundo.
"You touched her?!” sigaw niya habang sinusuntok ang isa pa. “Gago ka, wala kang karapatang saktan siya!”
“Liam, tama na!” pilit kong tinawag, nanginginig habang pilit akong umaahon sa pagkakadapa. Pero hindi niya ako naririnig.
Tinulak niya ang isa sa mga kalaban palapit sa pader, sinakal ng bahagya, at para siyang sasabog sa galit. “You and your f*****g buddies are too brave para lusubin kami dito. Pwede ko kayong lahat patayin dito and no one will care!" mariing saad nito.
"Tell your leader to get out from my property kung ayaw niyong maghalo ang dugo sa bawat pagkakataong magsasalubong ang mga landas natin!" tila isa siyang pinaghalong tigre at leon habang sinasabi niya ito sa lalaki. Agad umalis ang dalawang lalaki na binugbog niya--at isa isang nawala na ang mga kasama nito. Nang makarating si Sky sa tabi ko, siya na ang sumalo sa akin. “Okay ka lang? Nasaan ang sakit?”
“H-hindi ko alam. Tagiliran ko...”
“D*mn,” usal ni Sky. “May tama ka. Pero mas okay ka pa kaysa sa magiging kalagayan ng mga ‘yon kapag hindi natin napigilan si Liam.”
Napatingin kami pareho sa kanya. Si Liam, duguan na ang kamao. Pawis na pawis. Galit. Hingal. Nanginginig sa adrenaline. Pero nang magtama ang mga mata namin—parang may bumagsak na harang sa pagitan.
Lumapit siya sa akin. Maingat. Mabigat ang bawat hakbang. Tila hindi sigurado kung puwede ba siyang lumapit. At nang makita niya ang hawak ni Sky sa baywang ko para suportahan ako—napaatras siya. Napailing.
At sinabi niya, sa napakalamig pero namumulang tinig—
“Hindi ka dapat dinala rito.”
At tumalikod siya.