Krisanta's POV
After few days, bumalik ako sa dati kong buhay. School, lab and thesis. Hindi ko na ulit nakita si Liam kahit iisang University kami nag-aaral. Base sa mga naririnig ko, he is now in his 5th year taking up BS Business Administration and Accountancy. Nagmula sa isang mayamang pamilya na ang business ay nakapalibot sa medical equipments at educational institutions. Hanggang doon lamang ang alam ko tungkol dito dahil na rin sa tulong nina Nico and Jenna.
"Bakit ba hindi mo nalang tanungin siya--ikaw, pakipot ka pa eh, gusto mo naman iyong taong iyon" si Nico habang nakaupo kami ngayon dito sa dati naming tambayan. Sabado ngayon, kaya may time kaming magrelax nang ilang oras. Sumipsip ako sa aking kape bago inirapan ito.
"Hindi ko siya gusto no. I am just curious about him" mariing sagot ko. Tumawa lang silang dalawa ni Jenna.
"Hay naku Kris, if I know, you are falling for that hot man. Umamin ka na kasi" si Jenna pero umiling lang ako. Hindi ko lubos maisip na magkakagusto ako doon sa taong iyon---galawan palang niya na parang robot na walang pakiramdam--juskoo never! Napansin kung palinga linga si Nico ng tumahimik ang dalawa. Tinaas kilayan ko ito.
"Bakit parang hindi ka mapakali diyan?" tanong ko. Malungkot ang mukha niya ng ibinalik ang atensiyon sa amin.
"Isang buwan na mula noong last na makita ko iyong crush ko. Dito siya lagi tumatambay pero wala na siya--hindi ko na siya nakikita" malungkot na saad nito.
"Hindi ka parin tumitigil sa kaka stalk doon sa tao?" mulagat na saad ni Jenna na iniikot ikot din ang tingin sa paligid na para bang baka sakaling makita niya ang sinasabi ni Nico.
'She might be busy like us, ano ka ba" segunda ko pero umiling lang ito.
"I asked iyong friend kung nasa debate team--nag drop na daw si Lianne De Vera" sagot nito. Bigla din akong nalungkot sa balitang iyon para sa kaibigan ko. Though wala namang connection si Nico doon pero bilang isang estudyante, sayang lang din ang pagkakataon niyang makapagtapos on time.
"Hay naku Nico--yaan mo kapag nakita ko siya, sasabihin kong hinihintay mo siya" tumatawang saad ni Jenna at nakitawa narin ako dito. Biglang napalis ang ngiti nito ng mapatingin sa likod ko. Nang lumingon ako, mukha ni Sky na nakangiti ang nakatingin sa akin ng diretso. May hawak itong kape din.
"Mind if I'll join you guys?" swabeng tanong nito. Tumaas ang kilay ko, bakit ba nandito na naman ang isang makulit na ito? Feeling close na talaga.
"Ay, tamang tama, paalis na rin kami ni Nico Kris, pupunta kami ng Hospital--we need to get the samples para doon sa second batch ng data for our respondents" si Jenna. Inayos na nito ang mga gamit nila ni Nico at pagkatapos ay tumayo pang sabay. Humalik sila sa aking pisngi bago tumalikod na.
"Pwede na ba akong maupo?" si Sky na nanatiling nakatayo pa pala magmula kaninang paalis ang mga kaibigan ko. Hindi na niya ako hinintay na sumagot, umupo na ito sa tapat ko.
"Why are you here again? Sinusundan mo talaga ako no" nakasimangot kong sabi. Tumawa siya.
"Sort of." saad nito. Napairap ako.
"Sort of? Wow ha, proud ka pa talaga? Hindi ba nakakahiya ‘yan? Harassment na ‘yan, Sky."
Humagalpak siya ng tawa habang sinisip sip ang dalang kape. "Why would it be harassment? I didn’t even say I was following you, did I? For all you know, maybe it’s your friend I like."
“Yuck,” mabilis kong sagot habang kunwaring nasusuka. “Jenna would probably rather be late to her thesis defense than be with you.
“Ouch. That hurts,” sabay hawak niya sa dibdib na parang tinamaan. “Alright, fine—I'll admit it. Ikaw talaga ang pakay ko”
Napakunot ang noo ko. “Excuse me?”
“Relax, hindi kita liligawan, not now,” sabay ngiti niyang may kapilyuhan. “I just wanted to invite you to the party later."
Napataas ang kilay ko. Bakit naman niya ako iimbitahin samantalang hindi naman kami close ng lalaking ito. Sadya lang yata na feeling close na. Isang beses lang kaming nagkaroon ng medyo mahaba habang kuno pagliligtas sa kanya, tapos kung pasulpot sulpot na sa everyday life ko, parang kilang kilala na niya ako.
"Oh, I'm harmless ok. I know what you are thinking" nakataas ang kilay nito na parang nabasa niya ang nasa isipan ko. Iniiwas ko ang tingin dito at ibinalik sa lamesa ang atensiyon ko.
“Party? Saan naman ‘yan? At bakit mo naman naisipang imbitahan ako?”
“Simple lang. Kasi boring ang party kapag wala ka.”
Umiling ako, pero hindi ko maitago ang ngiti na pilit kong pinipigilan. May pagka kengkoy din ito, masiyadong maasar katulad ni Eduard na parang hindi nawawalan ng banat. Hindi buo ang buhay ni Ethan kapag walang Eduard na nang aasar sa kanya at itong lalaking ito, parang magiging soulmate na yata ni Eduard, parehong pareho ng ugali.
“Anong klaseng party ‘to? Baka naman frat party ninyo ‘yan na puno ng lasing, sigawan, at lalaki sa mesa.”
“Hindi naman. Chill lang. Birthday ng pinsan ko. Malapit lang, sa isang private house sa Antipolo. Sunset hangout, may acoustic music, coffee bar, tsaka rooftop overlooking the city lights. Wala masyadong tao, mostly mga kakilala lang. Wala rin frat drama. Promise.” itinaas pa ang kamay habang nakangiti sa akin ng ubod ng lawak.
Tumingin ako sa kanya, suspicious pa rin. “Why me?”
“Bakit hindi ikaw?” sagot niya agad. “Wala ka naman sigurong ibang lakad, diba? Tsaka, sayang naman ‘yung outfit mo kung dito ka lang sa tambayan niyo magpapaganda.”
Napatingin ako sa sarili ko. Nakasuot lang naman ako ng simpleng jeans at off-shoulder top. “Wow, simpleng ayos lang ‘to. Feeling mo naman nagpaganda ako para sayo.”
“Bakit, hindi ba?” nakangisi niyang tanong.
“Delusional.” Tumayo ako, hawak ang kape. “Thanks, but I’ll pass. I still need to read later for the data analysis chapter of my thesis."
Bigla siyang tumayo rin. “Sige, ito na lang—if sumama ka sa party at hindi ka nag-enjoy kahit konti, libre kita ng kape for one whole week. Pero kung mag-enjoy ka…”
Napalingon ako, interesado. “Kung mag-enjoy ako?”
“Then samahan mo ulit ako sa susunod na party.”
“May susunod agad?”
“Baka. Depende kung magugustuhan mo ang company ko mamayang gabi.”
Tinitigan ko siya. Ang kulit. Ang lakas ng loob. Pero kahit ayoko aminin, medyo natuwa ako. Kasi kahit papaano, gusto ko rin naman ng kaunting break. Lalo na ngayong parang tinatamad akong magbabad sa pagkompleto sa thesis ko mamayang gabi. Busy din ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang buhay, until now, simpleng kumustahan lang sa text o tawag kaming apat, minus Ethan na hindi namin alam kung ano na ang kanyang kalagayan.
“Fine,” sagot ko sa wakas. “Pero aalis ako agad kung maging weird o maingay ‘yung party. Hindi kita sasamahan sumayaw o kumanta o kung ano pa mang trip mo, okay?” Nakapamewang kong sabi.
“Deal!” sagot niya sabay abot ng kamay para makipag-shake hands. Tiningnan ko lang ‘yon, sabay irap.
“Shake hands ka pa talaga. Ang arte.”
“Arte mo rin eh. Pero game ka naman.”
“Shhh. Before I change my mind.”
Tumawa lang siya habang sabay kaming naglakad papunta sa labas.
At habang naglalakad kami, ang tanong lang na gumugulo sa isip ko ay: Ano bang pinasok ko na naman?