Chapter 23

1719 Words
POV Krisanta Tahimik lang kami sa biyahe ng ihatid ako ni Liam sa aking condo. Ayaw niya sana akong pauwiin muna pero nagpumilit ako dahil kailangan kong pagtuunan ang thesis ko ngayonng araw. Next week na ang defense namin at kailangan kong mag focus. Wala akong narinig sa kanya kundi niyakap niya lang ako at hinalikan ang aking ulo bago kami lumululan sa kanyang sasakya. "I'm ok here, thank you sa paghatid--sa harap ng building mo nalang ako ibababa" sabi ko ng malapit na kami ngunit hindi niya ako nilingon. Bagkus ay ipinasok niya ang sasakyan sa compound ng building namin at pumarada sa parking lot. "I said, you don't--- "I didn't say yes, love. Common, let's get out of here. Ihahatid kita sa unit mo. Ok ka naba?" hinawakan niya ang kamay ko at dinala ito sa kanyang labi. Napakagat ako ng aking labi dahil sa init na hatid nito. "Ok naman ako ah" pasimpleng sagot ko. Nakita kong dumako ang kanyang paningin sa gitnang bahagi ng hita ko. "What I mean is--are you sore?" tumaas ang gilid ng kanyang labi. Namula ako sa tanong nito, biglang bumalik sa aking imahinasyon ang nangyari sa amin kagabi. "Love..." ulit nito. Nang tumingin ako sa kanya, nakataas na ang kanyang kilay at matamang nakatitig sa labi ko na mariin kong kinagat dahil sa hindi ko mapigilan ang mahiya sa tanong niya. "I'm fine." maikling sagot ko. Ngunit lumapit ang kanyang mukha sa akin, amoy na amoy ko ulit ang kanyang mabangong hininga. "Then, don't bite your lip, hindi ko maipapangakong uuwi ako agad kapag nasa taas na tayo." iyong bulong niya, juskooo, para akong magdedeliryo dahil sa bolta boltaheng kuryente na lumukod sa katawan ko. Suminghap ako ng hawakan niya ang labi ko. "You're beautiful love--so fuckingly beautiful." saad nito habang patuloy ang paghaplos sa labi ko. Pumikit ako, hindi ko na hinintay na bumaba ang labi niya sa akin, ako na ang nagkusang tumingkad at hinalikan siya sa labi. Naramdaman ko ang pagkabigla nito dahil dumiin ang kamay niya sa balikat ko. Pero ilang sandali lang iyon at sinalubong niya ng mas mainit ang aking mga halik. Ilang minuto din kaming naghalikan. Nang maghiwalay ang aming mga labi, pareho kaming hinihingal habang lumalanghap ng hangin. Ikinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya, pinangbunggo ang aming mga noo. "Let's get out of here before I'll take you here" humihingal nitong saad. Ngumiti ako dito ng matamis at hinawakan ko ang kanyang pisngi. "I love you." bulong ko lang iyon pero alam kong narinig niya dahil tumitig siya sa akin ng malalim. Napapikit na naman ako ng lumapit na naman ang kanyang labi and it landed again on mine. Marahan lang na para bang babasagin akong kristal. Nang maghiwalay ulit ang aming mga labi, kumalas ito sa akin at lumabas na ng sasakyan. Umikot ito at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hawak niya ang aking bewang ng pumasok kami at lumulan ng elevator. Pagdating namin sa condo nadatnan namin si Eduard nakatayo sa labas ng pinto ko, halatang kanina pa naghihintay. May backpack siya sa balikat at mukhang balisa. Naramdaman kong dumiin ang pagkahawak ni Liam sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. Salubong ang kilay nito. “Kris, buti dumating ka na,” agad niyang sambit. Halata sa boses niya ang kaba. Saglit na sumulyap si Liam kay Eduard bago bumaling sa akin. “May pupuntahan lang ako sa university,” maikli niyang sabi, malamig. “Text me kung may kailangan ka.” Tumango lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ito kay Eduard--hindi ko naman alam kung ano kami. Hindi na siya naghintay ng sagot mula kay Eduard—dumiretso na siya sa elevator, mabigat ang hakbang. Pagkasara ng pinto ng elevator, agad akong lumingon kay Eduard. “Ano’ng ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba?” “Yeah, kanina pa. Kailangan mong makausap si Clyde,” diretso niyang sabi. “Si Dhea… hindi ko makausap ng maayos. May pinagsimulan silang dalawa at lumalala na. Ayaw makinig ni Clyde sa akin, pero baka sa’yo—anyway, can we discuss this inside, kanina pa ako dito, bakit ba ayaw mong sagutin ang mga tawag ko” pinamaywangan niya ako na parang nanunudyo. Inirapan ko ito, mas malala pa yata itong mang asar kaysa kay Ethan. Binuksan ko ang unit at pumasok kami. Lumingon ako kay Eduard, ayun he found his place on my couch easily, na para bang sa kanya itong unit. Agad itong nahiga. Napapailing nalang ako, umalis nga si Ethan, naging triple nito itong kumag na ito. “Bakit ka ba nandito, at ano yang pinagsasabi mo tungkol kay Clyde at Dhea?” nakasimangot kong tanong. Nagkibit-balikat siya at ngumiti ng parang wala lang. “Kailangan mo sanang makausap si Clyde, pero… actually, wala naman talagang malaking away. Magka-asaran lang kami ni Dhea. Alam mo naman ‘yon, mababaw lang. Nainis siya sa joke ko, tapos ayun—drama queen mode. Pinagsabihan ni Clyde--walk out malala!” Napairap ako at tumungo sa may counter. “So, pinatayo mo ako sa hallway para sa ‘magka-asaran’ lang pala?” inis kong saad. Tumayo siya sa pagkakahiga at sumunod sa akin. Umupo ito sa harap ng counter. “Hindi lang ‘yon, ah. Na-miss din kitang inisin. At saka…” bahagyang ngumisi siya, “…gusto ko lang tumambay dito. Mas malamig aircon mo kaysa sa amin.” “Ano?! Eduard…” Pinagkrus ko ang braso ko, pero hindi ko mapigilan ang maliit na ngiti. “Talagang ginawa mo pang dahilan ang away niyo ni Dhea para lang makapasok dito?” “Guilty.” Umirap siya pero bakas ang pilyong ngiti. “At saka… may nakita ako kanina.” Napahinto ako sa pagkuha ng tubig sa refrigerator. “Ano’ng nakita mo?” “Nakakita ako ng isang lalaking matangkad, guwapo, parang galing sa magazine cover… at alam mo bang nakasama niya si Krisanta. Sino ‘yon? New tenant dito? O…” ngumisi siya nang mas malaki, “…special delivery?” kumindat ito sa akin. Namilog ang mata ko. Pabagsak kong inilagay sa harapan niya ang baso ng tubig. “Eduard!” “Uy, tinatanong ko lang. Hindi mo rin kasi sinasabi kung bakit bigla ka lang nawala nitong mga nakaraang araw, tapos ngayon, may escort ka pa pauwi. Mmm… interesting.” saad nito na tumatawa pa bago ininom ang tubig. "So, anong meron?" kulit parin nito ng hindi niya marinig ang sagot ko. Napairap ako at umupo sa opposite chair. “Wala ‘yon. Kaibigan lang.” “Kaibigan? Di ba kaaway mo iyon?” Tinaasan niya ako ng kilay, obvious na hindi naniniwala. “If I remember, you hated that man tapos ngayon kaibigan na, wow, kung ganyan ka-close ang ‘kaibigan’ mo, paano pa kaya kung boyfriend na? I mean, nakita mo ba itsura niya? Pati ‘yung tingin niya sa akin---parang gusto na niya akong matunaw sa lagablab ng mata niya.” tawang tawa ito. Napanguso ako, pilit tinatawanan lang ang sinabi niya. “Drama mo.” “Hindi, seryoso ako.” Yumuko siya sandali, kunwari may iniinspeksyon sa phone niya, pero rinig ko pa rin ang sunod niyang bulong. “Hindi ordinaryo ‘yung tao na ‘yon, Kris. Kita sa galaw niya—yung tipong sanay sa laban, sanay sa kontrol. Wala ‘yan sa vibe ng mga simpleng kakilala mo.” "Siyempre, leader ng frat diba?" inis kong sagot dito. Umiling iling ito. "He's more than that Kris--" “Eduard, masyado kang maraming nababasa sa pelikula,” sabat ko, pero ramdam ko na tumama siya kahit papaano. “Tsaka bakit ba ikaw ang parang na-curious? Wala ka bang ibang hobby?” “Meron—ang guluhin ka,” mabilis niyang sagot, sabay ngiti ng pilyo. “Pero seryoso, gusto ko siyang makilala next time. Gusto kong malaman kung deserving siya sa friendship mo… o kung may kailangan akong ibulgar para protektahan ka.” Umiling ako, pero hindi ko mapigilang matawa. “Ikaw talaga, feeling mo guardian ka?” “Exactly, Ethan is not here” sabay sandal niya sa headrest ng upuan na parang settle na settle na siya. “At kung dito ako magbabantay, aba, ayos na ‘to. Malamig aircon, may libreng kape, at may drama pa sa personal life mo. Jackpot.” Inirapan ko ito at lumakad akong palayo sa kanya. Tumungo ako sa living room at umupo sa sofa. Sumunod ito sa akin at gaya kanina, humiga ito ulit na parang kanya na ang unit. Kinuha ko ang throw pillow at inihagis sa kanya. “Huwag kang masyadong kumportable, hindi ka nakatira dito.” pairap kong sabi. Tinawanan lang ako ni Eduard at nag-inat pa sa sofa. “Relax, Kris. Baka sakaling maipakilala mo rin sa’kin ‘yang misteryosong kaibigan mo.” Bago pa ako makasagot, biglang nag-vibrate ang phone ko sa center table. Agad kong dinampot at napatingin sa screen. Liam. Napansin ko agad ang pagkurba ng kilay ni Eduard. “Uy, si Mr. Tall-Dark-and-Mysterious.” bumangon pala ito at nakisilip sa phone ko. Tinampal ko ito sa balikat at inilayo ang cellphone ko. Tumawa ito ng malakas pero hindi ko pinansin, ngunit ramdam kong mainit ang titig niya habang binabasa ko ang message. Liam: Let me know when Eduard leaves. Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Paano niya nalaman ang pangalan ni Eduard, hindi ko pa naman ito pinakilala sa kanya, kahit ang mga kaibigan ko. Mabilis kong binaba ang phone sa sofa at umaktong walang nabasa. “Friendly text lang ‘yon.” “Friendly text?” Kumunot ang noo niya, pero nanunuya ang ngiti. “Kris, kung friendly text ‘yon, bakit parang nahuli kang may tinatagong love letter?" Napatingin ako sa kanya, hindi makasagot agad. “Oooh…” tumawa siya ng mahina, saka umiling. “May something nga. Huwag mo nang tanggihan. Kita ko na sa mata mo.” “Eduard…” babala ko, pero lalo lang siyang ngumisi. “Relax, hindi ko ipagsasabi—hangga’t may unlimited kape ako dito.” muli na namang humiga at pakanta kanta pa. "Ewan ko sayo, lock the door when you leave. Marami akong gagawin." saad ko bago ko tinungo ang silid ko. Ngunit narinig ko pa ang tinig nito. "Lokohin mo na ang lahat--huwag ako Krisanta Perez! inlove ka na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD