Krisanta's POV Malamig ang simoy ng hangin sa ospital, pero mas malamig ang nararamdaman ko sa loob. Itinakbo ako dito ni Eduard ng nagdugo ako sa condo ko. It's been five months, and Eduard already bought a unit near mine para mabantayan ako. Hindi ko alam pero bihira kung makita sina Clyde and Dhea, dahil ayon kay Eduard, they are into trouble right now. But Eduard didn't give the details. Napabuntunghininga ako, inayos ko ang aking kumot dahil nilalamig talaga ako, hindi ko alam kung dahil ba sa aircon o sa mga titig na palihim na ipinupukol sa akin ng mga taong every fifteen minutes yatang papasok. Nakaupo ako sa kama, nakasuot pa rin ng patient gown, habang abala ang isang nurse sa pag-aayos ng IV line ko. Kanina pa ako sinusuri. Kanina pa rin ako kinakabahan. “Miss Krisanta, rela

