Liam's POV "Look for a CPD patient Leo. I want it tomorrow" Kaharap ko ngayon ang aking lawyer at masasabi kong pinaka loyal sa aking pamilya simula pa noong buhay si Daddy. Siya ang taga ayos lahat ng aking kailangan mula noong mamatay ang aking ama, siya na ang nagiging ama-amahan ko. Lahat ng tungkol sa kompanya na pag-aari ng pamilya ko, siya ang lihim na nagtuturo sa akin sa lahat ng pasikot sikot dito until I become ready to face the realities of being the heir of a giant company. Sa akin napunta ang kompanyang ito dahil nagmula ito sa angkan ng aking mommy na siyang pinalago ni daddy. Kasabay ng malaking responsibilidad ni daddy sa kompanya, nagtayo din ito ng sarili niya na siyang minana ng aking kapatid na si Sky at ang mommy nito. "Where on earth will I find a CPD patient with

