Liam's POV Nakatitig lang ako sa entrance ng ospital kahit alam kong wala na siya roon. Sa bawat segundong lumilipas, lalo lang akong pinapainit ng inis at kaba. Damn it, Krisanta. Bakit ba lagi niyang pinipilit mag-isa? I stayed there for another twenty minutes, hoping she’d suddenly appear from the doors, pero wala. No calls, no texts. As if she had completely erased her presence. So I drove, hindi pa uuwi sa condo—my gut told me that. Pero alam ko, kahit saan siya pumunta, doon pa rin siya babalik sa dulo. At ayun nga, almost 11PM na nang makita kong dumating ang kotse niya sa harap ng building. Nakapwesto ako sa tapat mismo ng entrance, nakasandal sa hood ng kotse ko, at halos mamutla ang guard sa gilid dahil kanina pa ako hindi gumagalaw. Headlights washed over me when her car stop

