Krisanta’s POV
“What’s your problem?!” inis kong singhal sa taong nasa likod ko nang maramdaman kong may humawak sa buhok ko. Nasa labas ako ng University para kumain. May activity kasi ang College namin kaya punong puno ang canteen sa loob kaya napagpasyahan kung sa labas na lang kumain at sakto naman na walang klase ang kaibigan kung si Ethan at sinundo niya ako para sabay kaming mag-lunch. Ayon dito ay wala siyang klase ngayon. He's from another university pero best friend ko siya simula pa pagkabata. Pareho na kaming fourth year sa kanya-kanyang kurso.
Dahil siksikan sa napuntahan naming kainan, ako ang pinapila niya. Napaka-feelingero kasi ng kaibigan kong ito—ayaw makihalubilo sa maraming tao. Kung hindi lang dahil sa pagpupumilit ko na dito kami kumain para hindi na ako lalayo pa, mas gugustuhin pa niyang sa mamahaling restaurant kami dumeretso. What’s new about this Spanish man, he lives in comfort.
Since mahaba pa ang pila, nilabas ko muna ang phone ko para balikan ang notes ko. Isa ako sa magbibigay ng speech mamaya sa activity kaya hindi ako dapat lalayo sa University baka ma traffic lang ako at hindi na ako makabalik on time. Pero ni hindi pa ako nangangalahati sa pagbasa nang biglang may pumatong na kamay sa buhok ko—seriously?!
That’s it.
I snapped.
Tumalikod ako, para harapin ang taong nasa likod ko. “Ano bang problema mo?!”
Pero nakatalikod na lalaki lang ang nabalingan ko. Huminga ako nang malalim, pilit kinakalma ang sarili. Pero ilang minuto lang, ayun na naman. May humawak na naman sa tuktok ng ulo ko.
Kumulo ang dugo ko. Ikinuyom ko ang aking mga kamay at napapikit na lamang.
Kalma Kris. Kalma. Ang pinaka ayaw ko ay ang hawakan ang buhok ko, sabi kasi ni mommy noong bata ako, huwag ko daw ipapahawak ang buhok ko sa mga lalake dahil masisira lang daw ang ganda nito dahil ang mga kamay ng mga lalake, mainit daw. Gusto kong matawa sa ideyang iyon na nakatanim sa isip ko, alam kong sinasabi lang iyon ni mommy noon para hindi na ako makipaglaro sa mga lalake.
“Isa pa!” mariing sabi ko sa aking sarili ng mas lalo pa yatang pinag igi ng kamay sa tuktok ng ulo ang pagdantay doon. Kalma…kalma…Pero bago pa tuluyang makalma ang sarili, may humila na sa pusod ng buhok ko at bumagsak sa balikat ko. That’s it. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humarap ako, iniumang ang kamao ko at nasuntok ko ang lalaki sa likod ko. Itinapon ko rin sa kanyang dibdib ang hawak kong tray. Bumagsak siya sa sahig, hawak-hawak ang dibdib niya, halatang hirap huminga.
I don't care. I am furious. I am piss off sa walang modong lalaki na ito!
“What the heck?!” sigaw ng isa sa grupo nito, agad lumapit sa kasamang nasa floor parin na mariing nakatingin sa akin na nakakunot noo.
“Why did you do that?!” ang malamig pero matalim na boses nito, hawak hawak ang kanyang mukha—tila hindi siya nasaktan pero gusto na niya akong patayin sa tingin.
“You have the nerve to ask me that?!” sigaw ko. “Ano bang ginawa mo, ha?!” pinamaywangan ko ito at idinuro pa. Tumaas ang gilid ng kanyang labi, nakatitig parin sa akin na parang hindi guilty sa ginawa.
Tinulungan siya ng mga kasama niyang tumayo, pero bago pa makapagsalita ang isa, pinigilan siya ng lalaki. He faced me—blanko ang ekspresyon, pero ang presensya niya? Nakakagigil.
“Mind if you tell me why you punched me?” malamig niyang tanong, para bang wala lang ang nangyari.
Tinaasan ko siya ng kilay. Gago pala 'tong lalaking to.
“Gago ka rin no?! Hinawakan mo buhok ko, tapos magmamaang-maangan ka?!”
Tumahimik ang paligid. Commotion started building up. Biglang nagsulputan ang mga lalaki, lahat nakapaligid sa akin. Parang eksena sa pelikula.
“Dahan-dahan ka sa pananalita mo, Miss,” mariing sabi ng isa sa kanila. “Hindi mo kilala ang pinagsasalitaan mo.”
“Wala akong pakialam kong sino siya, baka gusto niyang maputulan ng kamay---” napahinto ako ng aking sasabihin ng tumawa ito sa aking harapan pero ang tawa niya, halatang pilit lang. Napangisi ako. Iniikot ko ang aking paningin, nakaagaw na pala kami ng atensiyon, lahat matalim ang pagkakatingin sa akin.
“Master, this woman needs to learn her place” sabi nung isa. Master? Did I hear it right? Tinawag siyang master? Tinignan ko ang mga kasama nito, halos nasa sampu silang katao na nakapaligid sa akin na kulang kulang na lang ay pipilipitin na nila ang leeg ko. Great. Mga fraternity boys pala ‘to.
“So what? I don't care kung master pa ng fraternity ang kaibigan mo—bastos pa rin siya! I demand an apology!”
“What?! Siya ang dapat mag-sorry? hindi ka ba aware kung sino ang sinaktan mo?” pasigaw na sabi ng isa pa. Lumapit pa siya. Lalo akong uminit.
So, siya nga. The man I punched is their leader.
Napailing ako. Seriously? Takutin nila ako?
“Back off!” singhal ko, sabay turo sa lalaki. “You, don’t you dare use your frat para apakan ako. You want an apology? Fine. Let’s go to the police.”
Lumapit siya, walang sinasabi. He looked down on me—literally. Dahil hanggang dibdib lang niya ako. Damn his height.
Hinawakan niya ang baba ko, pinatingala ako. Tinangka kong tabigin pero hinigpitan niya lalo.
“Watch your words, kitten. Ikaw ang walang modo. You punched me like that—”
“Hoy, lalaking higante! Ilang beses mo akong hinawakan sa ulo, so yes, you deserved that! Hindi dahil may posisyon ka, may karapatan kang bastusin ang ibang tao!”
“Excuse me?” kunot-noo niyang tanong, halatang insulto ang naramdaman.
“Excuse you! Don’t tell me hindi ikaw ang gumawa noon?”
“Newsflash. I didn’t. At bakit ko naman hahawakan ang buhok mo, sa ingay mo pa lang, iikot na ang tenga ko. I’m not into talkative kitties.”
“Kitty mo mukha mo!” singhal ko. “Hindi ako pusa!”
“Tsk—”
Hindi ko na siya pinatapos. Hinila ko siya sa braso at pinatumba ulit. Bago ko pa siya masuntok muli, may pumigil sa kamay ko—isang lalaki mula sa grupo nila. Galit na galit. Isa-isa silang lumapit at hinawakan ako nang mahigpit.
“Let go of me! Bastards! I’m not scared of any of you!” sigaw ko habang nagpupumiglas. Lumapit ulit ang tinatawag nilang “master.” Tumayo ito at inayos ang suot nito saka ako tinapunan ng malamig na titig, at mariing nagsalita.
“Let her go.”
Agad akong binitiwan ng mga lalaking humawak sa akin. Lumapit siya, hinawakan ang pisngi ko. Tinabig ko ang kamay niya, pero natawa siya—isang kalma pero nakakainis na tawa.
Then he turned serious. Too serious.
“You’re brave, I’ll give you that,” ani niya, nanlilisik ang titig. “What’s your name?”
“Wala kang karapatang malaman iyon!”
“I said, what. is. your. name.” paulit-ulit niya, emphasizing every word. Nakipagtitigan ako dito. Hindi pa ako nakontento at pinamaywangan ko ito, trying to put into his mind na hindi ako natatakot sa kanya, sampu ng kanyang mga kasamang frat.
“I said, wala.kang.karapatan.malaman. Entiendes? matapang kung sagot dito. Mas lalong nag isang linya ang noo ng lalaki at umiling iling. Napatingala ito na parang may pinipigilan na gawin dahil nakita kong nakakuyom na ang kanyang mga kamay. Nang ibaba niya ang kanyang ulo para tumingin sa akin, still malamig ang nakikita kong emosyon dito. Sumenyas ito sa mga kasama niya at bigla nalang tumalikod. Linampasan niya lang ako na parang walang nangyari. Hindi pa ito nakalayo sa akin ng biglang sumulpot si Ethan. Halatang hinahabol ako.
“Kris! What did you do?!” singhal niya, sabay hawak sa braso ko. Lahat napatingin sa kanya—including their leader na napahinto. Nagtagpo ang mga mata nila. Wala naman akong mabasa na kahit ano pa man sa mga ikinikilos ng dalawa pero parang magkakilala ang mga ito.
“So, you know her, she’s your girl, Fernandez?” tanong ng isa. Umiling si Ethan at ngumiti. Kunot-noo akong tumingin sa kaibigan ko. Really Ethan? Binawi ko ang braso ko, tumalikod, at nagmartsa palayo. Pero bago iyon, binagsakan ko ng matalim na tingin ang lalaki—ang lider ng frat. Diretso ako na pumasok ng University. Wala na akong pakialam kung anong nangyari kay Ethan. Even if they beat him up, fine! Inis na inis ako sa lahat. Pagkalipas ng thirty minutes, ilang beses tumunog ang phone ko. Si Ethan. Hindi ko sinagot. Pinatay ko pa ang tawag. Pagkatapos ng event sa school, umuwi na agad ako sa condo. Hindi ko alam kung sino talaga ang mas nakakainis—si Ethan, ang lalaking “master,” o ang buong araw ko.