Krisanta's POV Tatlong araw mula nang binuksan ni Mommy ang katotohanan tungkol kay Daddy, pero pakiramdam ko’y parang kahapon lang iyon dumurog sa akin. Ang bawat alaala, bawat salita, paulit-ulit na umuugong sa tenga ko. At ngayon, narito ako sa London. Dapat ay excited ako—isang international conference na dinaluhan ng mga piling medical students mula iba’t ibang bansa. Isang pagkakataon na noon pa lang ay pinapangarap ko. Pero habang nakaupo ako sa loob ng maluwang na lecture hall, punong-puno ng mga taong nagsusulat ng notes at kumukuha ng litrato ng slides, wala akong maramdaman kundi malamig na kaba sa dibdib ko. Hindi ako makapag pokus sa mga sinasabi ng mga speakers. Gusto kong makita si Liam, gusto ko siyang tanungin kong may alam ba siya sa mga sinabi ni mommy sa akin. Ngunit s

