Krisanta's POV Liam…” mahinang sambit ko habang mariing nakatingin sa elevator na katatapos lang magsara. Parang gusto kong habulin, kahit wala naman akong kasiguraduhan kung siya nga ang nando’n. Ang tanging sigurado ako ay ang pamilyar na amoy na kumapit pa sa hangin—amber and spice—ang amoy niya. Napapikit ako, trying to calm myself. Siguro dahil sa kakaisip ko sa kanya this past few days, para na lang akong nawawala sa katinuan, na pati amoy niya parang nasa tabi ko lang. Nahugot ko ang aking hininga at nagpasya na akong tumungo sa aking suite. Ngunit bago ko pa tuluyang maihakbang ang mga paa ko, isang boses ang pumigil sa akin. “Long time no see, Kris.” Parang may sumabog na kidlat sa pandinig ko. Dahan-dahan akong lumingon, halos hindi makapaniwala sa narinig ko. At doon, sa tapa

