Krisanta's POV Naririnig ko pa rin ‘yung malalakas na palakpakan sa hall matapos ang thesis defense ko. Ramdam ko pa rin ‘yung init ng projector lights, pati bigat ng mga tanong ng panel na buti na lang natuldukan na. Pero higit sa lahat, ramdam ko ‘yung pagkalam ng tiyan ko—hindi dahil sa gutom, kundi sa kaba na halos kainin ako kanina. Dalawang linggo na since dumating ‘yung mysterious replacement ni LX09. In those two weeks, tinapos ko lahat ng revisions, requirements—lahat. Ngayon, waiting game na lang bago graduation. I should be happy. Dapat maluwag na ang dibdib ko. After all, ito na ‘yung bunga ng lahat ng puyat, pagod, at iyak. Pero kahit anong smile ng classmates ko, kahit ilang congratulations from professors, andoon pa rin sa dibdib ko ‘yung mabigat na tanong: Sino ang guma

