Krisanta's POV Isang buwan. Isang buwan na ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita. Walang tawag, walang text. Walang kahit anong paramdam mula kay Liam. His phone—still off. His presence—like smoke that slipped through my fingers. Maraming gabi akong nagtanong sa sarili ko kung pupuntahan ko ba siya. Ilang beses kong hiniling na sana may lakas ako ng loob na tumayo sa tapat ng bahay nila, kahit hindi niya ako kilalanin, kahit sipain pa niya ako palayo. Pero palagi kong pinipigilan ang sarili ko. Dahil ano nga ba ako sa kanya? Sino ba ako para maghabol?Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para pumunta rito. The whole ride after graduation, I was restless—my heart pounding, my mind running in circles. Ang sabi ng utak ko, stop, Krisanta, huwag kang umasa. Pero ang pus

