Chapter 1 –Daily Routine
In present
“How I wish mabalik ko pa ang nakaraan… sana pinili kita.”
“Pero huli na. Sana noon pa.”
Before it began:
Kate: “Ang tagal mo, asan ka na?”
Luke: “I’m outside.”
Kate: “Finally.”
Lumabas si Kate at nakita si Luke na nakasandal sa kotse, nakatingin sa phone. Paglapit niya, agad itong tumuwid ng tayo.
Sumakay sila.
Kate: “Male-late na tayo.”
Luke: “Bibilisan ko.”
Tahimik ang biyahe, parang parehong may iniisip.
School — Morning
Pagdating nila sa school ay agad silang nagkahiwalay.
Si Luke, ay sobrang popular at marami rito ang bumabati at kumakausap sa kanya.
Basketball Team Member: “Captain, practice later!”
Basketball Team Member: “Bro, meeting sa gym!”
Cheerleader; “Hi Luke!”
Si Kate naman ay tumuloy sa building niya kung saan naghihintay ang barkada niya.
Gina: “Hoy! Late ka na naman!”
(Gina—cool chick ng grupo, palaging naka-jacket at naka-headphones. Hingang malalim pero chill ang aura.)
Risa: “Girl, I saved you a seat! Grabe, ang gulo ng section natin kanina.”
(Risa—ang sweet at kikay, laging may clips sa buhok at may dalang candy.)
Drew: “Ayan na ang reyna ng mga tahimik!”
(Drew—beki, maarte in the best way, at laging may commentary.)
Kate: “Guys, pasensya na. Traffic. And… Luke.”
Drew: “Ahhh kaya pala late. Kung hindi dahil sa basketball prince mo—”
Kate: “Best friend ko yon.”
Gina: “Best friend… for now.”
Risa: nagpapakitang kilig “Uy uy uy.”
Kate: “Guys, stop.”
Pero nakangiti siya. Sila ang comfort zone niya.
Lunch — Cafeteria
Si Luke ang naunang kumuha ng table at pagkain sa Cafetreria, ilang minuto lang ay dumating si Kate at ang barkada niya—
Luke: “Hey, dito kayo.”
Umupo si Kate sa tabi niya; sina Gina, Risa, at Drew sa harap.
Risa: “Grabe, crowded today.”
Gina: “Normal ‘pag star player ang katabi natin.”
Drew: “Captain, aura mo nag-cause ng traffic.”
Natawa si Luke.
Luke: “Ano ba kayo, kumain na kayo.”
Kate: “Ignore them, Luke. Hyper lang ‘yan.”
Habang kumakain ang grupo, may mga random na sulyap ang ibang estudyante. Normal iyon kapag kasama si Luke… pero mas sanay na ang barkada ni Kate kaysa sa kanya.
Teammate Luke: “Kate! Sama ka sa amin mamaya?”
Kate: “May quiz pa ako.”
Drew: “Priority ang grades namin, sorry!”
Luke: nakatingin kay Kate: “Okay. I’ll take you home.”
Nagtitigan sila saglit.
May hindi sinasabi, pero hindi rin tinatanong.
Afternoon — Gym
Si Kate, Gina, Risa at Drew ay tapos na sa kanilang klase, madalas hinahatid ng tatlo si Kate sa gym bago sila dumeretso pauwi sa kanilang kanya kanyang bahay. Alam nilang tatlo na lagi nag aantay si Kate sa Gym dahil sabay sila umuuwi ni Luke.
Gina: “Sige, ihatid ka na namin hanggang dito.”
Risa: “Ingat ka, ha?”
Drew: “If may nang-bully, tawagin mo ako. May dalang attitude ako.”
Kate: “Guys… gym lang ‘to.”
Tumawa sila. Umalis ang barkada. Si Kate mag-isang pumasok.
Pagpasok niya, humina ang ingay ng gym. Sanay na ang players.
Teammate: “Captain, andyan na si prinsesa mo.”
Luke: “Tumigil ka nga.”
Si Kate umupo sa gilid at nagbukas ng notes. Si Luke naman practice ulit—
pero halatang distracted.
Coach: “Luke! Focus!”
Luke: “Yes, coach.”
Minsan napapatingin siya kay Kate.
Minsan si Kate, pero binabalik ang tingin sa notes.
After Practice
Papalapit si Luke kay Kate ng biglang lumapit si Liz ang Cheerleader ng cheer squad ng school.
Liz: Hi Luke!
Luke: Oh, Liz, wassup?
Liz: Ang galing mo talaga mag shoot no?
Ngumiti language si Luke.
Liz: Pwede ka rin mag shoot dito sa puso ko. (sabay kindat kay Luke)
Luke: Ikaw talaga Liz, sige na I have to go.
Umalis si Luke at lumapit kay Kate.
Liz: Makukuha rin kita (Bulong nito sa kanyang sarili)
Nakatingin lamang si Liz kay Luke habang kinakausap ni Luke si Kate. Nag seselos ito dahil mas pinapansin ni Luke si Kate kahit na sya and pinaka maganda sa school nila at cheercaptain pa.
Liz: Kate nanaman! Ano bang meron yang babae na yan?! Kami dapat ang mag kasama cheercaptain and basketball team captain bagay na bagay. (sambit nito sa kanyang sarili)
Luke: “Uwi?”
Kate: “Sige.”
Tahimik silang naglakad palabas. Ngunit hindi alam ni Luke na napansin ni Kate and masamang tingin sa kanya ni Liz.
Alam ni Kate na gustong gusto ni Liz si Luke kaya nag seselos ito, ngunit alam din naman ni Liz na best friend lang ang tingin ni Luke kay Kate. Hindi maiwasan ni Kate mailang kay Liz at matakot, alam niya kung paano magalit si Liz at paano ito gumanti kapag Hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Kate: “May nangyari ba kanina?”
Luke: “Wala.”
Kate: “Mukha kang lutang.”
Luke: saglit na titig sa kanya “Hindi ko alam.”
Tumigil si Kate.
Kate: “Luke?”
Luke: “Kate…”
ilang segundo ng katahimikan
Luke: “…let’s just go.”
Tumango si Kate.
Naglakad silang magkasabay. Walang paliwanag, walang dagdag na tanong, walang confession.
Pero nandun ang routine:
sabay pasok, kanya-kanyang buhay, sabay lunch, gym, sabay uwi.
At sa paligid nila—
barkadang maingay, teammates na makulit, at araw-araw na paulit-ulit…
…may mga bagay na hindi nila inuungkat.
Sa bahay - Afternoon
Hinatid ni Luke si Kate sa kanilang bahay.
Kate: Thanks Luke! See you tomorrow.
Luke: Okay.
Kate: don't be late tomorrow, I have a quiz.
Luke: okay okay I promise.
Kate: oh.. And text when you get home.
Luke: Yes my princess.
Ngumiti ng pang asar si Kate.
Kate: Bye! Take care.
Pumasok sa bahay si Kate dumeretso sa kanyang kwarto, nagpahinga, naligo gumawa ng assignment.
Si Luke naan ay nakarating na sa kanilang bahay.
Luke: Got home, my princess. (text into kay Kate)
Kate: Thanks for the update. See you tomorrow. Again, do not be late!
Luke: Yes my princess, I won't.
Kate: goodnight!
Ngumiti si Luke at nag reply.
Luke: Goodnight my princess.