Almost everyone looked at Renzo as he entered the elegant hall at halos ang mga matang iyon ay makikitaan mo ng paghanga at lalong nakagdagdag pa sa taglay nyang karisma ang maskarang kanyang suot suot at idagdag pa na-- he also possess the title as one of the youngest billionaires in the country.
Most of the guests were socially influential people. Mga kilalang businessmen, kilalang artista. At matataas na tao sa lipunan. Everyone inside the hall has with personality possessing power, fame, elegance and wealth.
"Oh Renzo pare, mabuti at nakarating ka." Masaya syang sinalubong ni Val mahigpit silang nagkamayan at nagtapikan ng balikat. Isa ito sa mga business partner nya.
"Happy birthday pare, parang successful ang ginawa ng asawa mong party ah." Puna nya na inilibot pa ang mata sa paligid.
"Yeah... It's good to see that there are still many rich people like you who are willing to dig their own pockets to attend a charity event like this." Nakangiti nito sabi. Isinabay kasi ang charity ball sa birthday nito.
"Medyo masakit nga sa bulsa but it's worth it naman." Aniya.
Tumawa ito. "Malay mo, makuha mo iyong grand price nila mamaya, you can still make the most of your money. Maganda daw eh." Nakangisi ito.
Tinawanan lang nya ito. "Tado! 'Not interested."
Val just laughed at what he said. "Come, let me introduce you some of my family close friend." Yaya na nito sa kanya.
Lumapit muna sila sa mesa ng mga magulang nito.
"Mom, Dad. Renzo is here."
Hindi na nya hinintay na tumayo ang mga ito dahil sya na ang lumapit para humalik sa pisngi ng ginang at nagbigay galang naman sa ama ng kaibigan.
"Oh darling, It's been a long time. How are you." Napakalamyos ng tinig ng ina ni Val.
"I'm good tita."
"Bro, sila Tito Jefferson and his wife tita Samantha. He is one of our dealers in our supermarkets and malls." Mabilis namang tumayo ang lalaki at nakipagkamay sa kanya na malugod naman nyang tinanggap. Well, kilala na nya ito.
"Wow.. Glad to finally meet you young man." Masayang bati nito.
"Ngayon lang po ninyo iyan makikilala tito. Sa daming negosyo nyan ay puro mga partners nya ang namamahala." Natatawang sabi naman ni Val na tinapik pa ang balikat nya. Tama ito. Bawat negosyo nya ay mayroon syang kapartner at sila ang pinamamahala nya. Nagkalat ang mga restaurant, malls, hotel at malalaking supermarket nya sa bansa At isa lang sila Val at Dark sa mga pinagkakatiwalan nya.
Okey lang na ipagkatiwala nya ang mga iyon dahil puro naman ligal ang pamamalakad nila, mas tutok sya ngayon sa mga iligal na negosyo nya. Mga malalaking Casino at club. p**********n. But he's not into drug business, Iyon ang isa sa mga pinaka ayaw nyang negosyo.
Dahil sa may pera sya ay nagagawa nyang maging ligal ang Casino at Club nya. Ligal iyon pero maraming iligal na transaction na nagaganap sa loob. Kaya kailangan parin nyang tutukan dahil maraming mga kalaban na naghihintay lang ng pagkakataon para mapabagsakbsya.
"And I think you already know the wonderful couples who are here. Tito Ronald and his beautiful wife tita Ella, Tito Alex and tita Nickoline. Atty. Tim and tita Crisa. Sayang kasi wala iyong iba. Actually, sila talaga ang nasa likod ng event na ito si Cherry lang ang nag organize." Si Cherry ang asawa. "And everyone, this is Renzo Monterial. My best buddy." Pagpapakilala ng kaibigan sa kanya.
"Renzo Monterial?" Napatingin sya sa ginang na sumambit sa kanyang pangalan. Nakatakip na ito ng bibig at parang naiiyak, ganon din ang asawa nito na hinahaplos ang likod ng asawa.
"Ikaw ba ang anak nila Joanna Monterial?" Naguguluhan syang tumango.
"My god..." kitang kita nya ang luhang nalaglag sa mata nito.
"May problema po ba?" Taka nyang tanong.
Hanggang sa tuluyan na itong naiyak. "Pasinsya na kung naging imosyonal kami na makita ka." Ani Ronalad Aragon.
Hindi sya nakaimik pero nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Pamangkin ko si Abcde kung naaalala mo sya."
Lalong nagsalubong ang kanyang kilay. Narinig na nya ang pangalan iyon pero bakit ngayon ay para iyong barena na pumapasok sa kanyang utak.
"Hindi ko sya kilala." Naguguluhan nyang sabi.
Parang nagulat ang mga ito aabsagot nya at kitang kita nyang nagkatinginan ang mag asawa.
Malungkot na ngumiti sa kanya si Mr Aragon. "Hindi ko alam kung bakit hindi mo sya kilala-- o pwede din nakalimutan mo na sya dahil maliliit pa kayo noon--"
"Pwede pong sabihin nyo sa akin ng deretso kung sino sya sa buhay ko." Bumangon ang inis sa kanyang dibdib dahil hindi nya makapa sa isip kung saan nya nakilala ang mga ito.
"Sya ang kasama mo sa sunog twentysix years ago."
Bigla syang nanghina sa narinig at napasapo sya sa kanyang noo dahil pumipintig iyo.
"Are you okey bro?" Mabilis syang inalalayan ni Val.
"s**t! f**k! f**k! f**k! Wala akong maalala." Mariin at sunod sunod ang kanyang mura.
Napakislot sya ng hawakan sya sa braso. "I'm sorry kung pinaalala namin sayo ang nangyari twenty six years ago. Hindi lang kasi namin maiwasan dahil ng araw na iyon ay nawalan kami ng pamangkin at isang mahalagang tao sa aming buhay." Pagpapakalma ni Mrs Aragon sa kanya.
"I'm sorry," halos naging bulong lang iyon. Parang ramdam nya kasi ang sakit at lungkot ng mga ito.
"Bakit ka nagsosorry--"
"Dahil hindi ko po sila matandaan. Wala akong lakas ng loob para alalahanin ang nangyari noon dahil hanggang ngayon ay natatakot parin ako. P-para parin akong nilalamon ng apoy pag dinadalaw ako ng bangungot na iyon." Parang nawala sya sa kanyang sarili dahil sumisiksik sa utak nya ang apoy na sumunog sa kanila noon.
Dream
Pabiling biling ang kanyang ulo at tagaktak ang kanyang pawis.
Ang laki ng apoy! Sobrang init at halos hindi na siya makahinga sa sobrang usok. May naririnig syang ungol at daing.
Nakakakilabot ang mga iyon.
Help!!! Help!!! Sigaw nya kahit parang nauubusan na syang ng hangin at nilalamon na din sya ng apoy. Para syang nasa inpyerno dahil sa lumalagablab na apoy.
Ang sakit ng balat nya, ang mukha niya. Umiyak sya ng umiyak at sumisigaw ng tulong pero hindi sya naririnig.
Patuloy ang ungol at daing ng mga kasama nya pero hindi nya makita ang mga ito.
Biglang may bumagsak
hah. hah.. hah.. habol habol nya ang kanyang hininga ng bigla syang magising sa kanyang bangungot.
Halos bumangga sya sa pintoan ng kanyang banyo dahil sa pagmamadali nyang pumasok. Binuksan nya agad ang shower at agad na tumapat doon dahil ramdam parin nya ang sakit ng kanyang balat na parang nasusunog.
Hindi nya mapigilang umiyak habang maingat na hinahaplos ang mga iyon. Ang kanyang mukha. Para parin iyong nilalapnos sa sobrang sakit. Sobrang tagal na iyong nangyari pero paulit ulit parin nyang nararamdaman ang sakit at kahit na katiting ay hindi man lang nabawasan ang sakit.
Ilang doctor na ang tumulong sa kanya, ilang psychiatris na din ang tumingin sa kanya pero hindi nito magamot ang trauma nya. Minsan, kinakatakotan na nyang matulog dahil baka pag gising nya ay mararamdaman na naman nya ang sakit.
Ito ang kinakatakotan nya. Habang may nagpapaalala sa nakaraan nya ay mas lalo syang dinadalawa ng bangunot nya at hindi natatahimik ang kanyang isip.