Ring... Ring... Ring...
"Emmm sino ba ang tumatawag ng des oras ng gabi." Reklamo ni Shannon at pupungas pungas na tinignan ang kanyang cellphone.
Nalukot ang kanyang noo.
Hindi nya kilala. Inis nya iyong pinatay at saka bumalik uli sa pagtulog. Pero tumunog uli iyon.
Inis nyang sinagot. "Hello." Antok na antok nyang sagot.
"Open your f*****g rotten door lady." Bungad ng walang hiya nyang caller. Sa tinig palang nito ay kilala na nya.
"Anong kailangan mo?" Aniya na hindi man lang bumangon para sundin ang utos nito.
"Just let me in or else gigibain ko ito kahit mabulahaw pa mga kapitbahay nyo." Mayroong pagbabanta ang tinig nito.
Inis syang napabangon at agad na tinungo ang pintuan. Maingat parin naman ang galaw nya dahil tulog ang kanyang kaibigan.
"Ano gang problema mo?" Inis nyang bungad ng mabuksan nya ang pintuan.
Para itong si Dracula na nawawala sa gitna ng ulan. Nakasuot ito ng ternong hoodie jacket na drak gray ang kulay. Wala itong suot suot na maskara pero halos hindi na nya makita ang mukha nito dahil sa lalim ng sombrero ng jacket nito.
Hindi ito sumagot.
Napabuga sya ng hangin bago niluwagan ang pagkakabukas ng kanilang pintuan.
"Ano bang pumasok sa isip mo at sumugod ka dito kahit malakas ang ulan at saka des oras na ng gabi." Tanong nya habang pigil na pigil nya ang boses. Hindi pa alam ng kanyang kaibigan na nagpatulog sya ng lalaki sa kanyang kwarto.
Ang walang hiya ay parang bahay lang nito ang bahay nila dahil tinungo agad nito ang kwarto nya.
"Saglit nga--" Pinigilan nya ito sa braso.
"Shhh... gusto mo bang magising ang kaibigan mo." Sabi din nito na pabulong din saka uli dumeretso ng pasok sa kanyang silid.
Naiinis parin syang sumunod.
Pag pasok palang nito ay nag alis na ito ng jacket. At home na at home talaga itong demonyong ito. Gigil nyang bulong.
"Narinig ko iyon Shan-shan." Anito.
Nanlaki ang mata nya. Tinawag sya nitong Shan-shan. Ilang lang ang tumatawag sa kanya ng pangalan na iyon.
Napakislot sya ng hawak nito ang doorknob na hawak hawak nya. Ang lamig ng kamay. Parang nanoot iyon sa kanyang balat. Siguro ay kanina pa ito sa labas.
"Ako na ang magsasara." Anito pero titig na titig sa mukha nya. Wala sa sariling napatitig din sya sa mga mata nito.
Hindi kaaya aya ang balat nito sa mukha pero tuwing matititigan nya ang mga iyon ay parang gusto nyang itong abotin at haplosin. Ilang sigundo syang nalunod sa titig nito hanggang sa napakislot sya ulit dahil sa tunog ng doorknob.
"Matulog na tayo." Paanas nitong sabi saka na tinungo ang kanyang kama.
Biglang nagising ang kanyang diwa. Sumunod uli sya dito. "Bakit ka uli dito matutulog?" Nakasimangot nyang tanong.
"I want to sleep beside you." Simple nitong sagot habang patuloy parin sa pag aayos ng dalawang unan.
Nakabusangot parin syang umupo sa side kung saan sya mahihiga. "Ang sikip sikip na nga ng kama ko makikisiksik kapa." Pagmamaktol nya.
Humihikab pa ito ng tuluyang humiga. "Gusto mo bang bumili tayo ng mas malaki dito. Baka mas lalong sumikip itong kwarto mo." Anito na para bang normal lang ang lahat ng ginagawa nito.
Napahilot sya sa kanyang noo. "Hindi naman iyon ang problema e.. bakit ka nakikisiksik dito sa kwarto ko kung ang laki laki ng bahay mo." Pigil nyang bulalas.
"Because you are not there." Sagot nito na itinakip pa ang braso sa mga mata.
"Why nga?! Bakit ano ba ako sayo. Ano ba ang gusto mo sa akin para balik balikan mo ako ng ganito?!" Gulong gulo na kasi sya sa inaakto nito. At ang lalong ikinakainis nya ay nagiging sunod sunoran sya dito. Hindi man lang nya ito kayang ipagtabuyan.
Inalis nito ang braso sa mga mata at matiim na tumitig sa kanya. "Gusto mo talagang malaman?" Nang aarok ang mga titig nito.
Nilabanan nya ang mga titig nito. "Bakit nga."
"Be with me in my bed every night." Anito na matiin na nakatitig sa kanya.
Napaawang ang kanyang bibig at halos umakyat na yata lahat ng dugo nya sa kanyang mukha. "Inaalok mo ba akong maging bed warmer mo?" Taas baba ang kanyang dibdib. God knows kung papaano sya nagpipigil sa sarili ngayon.
"Bed warmer?--" Ngumisi ito na parang wala lang dito ang inis nya. Umayos uli ito ng higa at ibinalik uli ang braso sa mga mata nito. "Not bad. But the main reason is, I just want to have a good sleep everynight." Dagdag pa nito.
Napasimangot sya. Hindi parin nya maintindihan.
"As the little boy's dream... that when he grows up he can be with that baby girl name Shan-shan on his bed and he will kiss her always."
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Sumidhi ang t***k ng kanyang puso. Nang makabawi ay mabilis syang sumampa sa kama at hinarap ito. Sya na ang nag alis sa braso nitong nakatakip sa mata nito.
Nagtama agad ang mga mata nila.
"P-papaano mo nalaman iyon?" Nanginginig na ang kanyang labi dahil sa imosyong lumulukob sa kanya.
"We share the same dream, sweetie. But I am not the little boy who's with you in that dream." May lambong ang mga mata nito.
Para syang biglang nanghina sa narinig.
Papaanong nangyari iyon? Hindi sya makapaniwala sa narinig. Wala syang napapagkwentohan ng panaginip nyang iyon.
"Bakit? Sino kaba?" Naguguluhan nyang tanong.
"Naguguluhan din ako. Wala akong matandaan noong bata pa ako." Anito.
Hindi sya nakaimik. Wala sa loob na pahiga din sya. Parehas silang nakatihaya at parehong nilamon ng katanongan ang kanilang isipan.
Naalimpungatan sya ng mayroong humapit sa kanyang baywang at pumulupot na braso doon. Pero parang tulog pa ang kanyang diwa.
Nagustohan nya ang init na nasasandalan ng kanyang likod kaya isiniksik pa nya ang sarili doon saka uli bumalik sa pagtulog.
Malamig ang panahon kaya masarap matulog ng may kayakap.
Wait?!
Kayakap?!
May yumayakap sa kanya!!!
Hindi lang nakayakap dahil pati binti nito ay nakadagan din!
Tok! Tok! Tok!
"Bakla, tulog kapa?" Tinig ng kanyang kaibigan sa labas ng pintoan.
Bigla syang kinabahan.
Parang nagising naman ang kanyang katabi dahil mas hinigpitan pa nito ang lingkis sa kanya.
"Bakla?" Katok uli ng kanyang kaibigan.
"G-gising na!" Sigaw nya habang binabaklas ang braso sa kanyang baywang. Parang nagpapaligsahan ang t***k ng kanyang puso.
"Bitawan mo ako baka pumasok dito iyong kaibigan ko." Pigil ang boses nyang sabi sa katabi.
"Emm.. matulog muna tayo." Pakiusap naman nito na mas isiniksik pa ang mukha sa batok nya. Parang hindi man lang nabahala na baka mapasokan sila ng ganong ayos.
Siniko nya ito. "Tsansing ka ha." Inis nyang wika dito.
Ramdam nya ang pagpipigil nito ng tawa dahil dikit na dikit ang mukha nito sa batok nya. Tayuan tuloy ang mga balahibo nya sa katawan.
"Bakla, papasok kaba. Baka malate ka. Mauuna na ako dahil may dadaanan pa ako." Sigaw ng kaibigan sa labas ng pintuan.
"Sige Bakla." Sagot nya agad dahil baka pumasok pa ito.
"Huwag kanang pumasok." Anas ng lalaking hindi man lang nahiya sa kanya.
"At bakit naman? Papaano ang klase ko kung umabsent ako." Masungit nyang tanong habang patuloy na binabaklas ang malabakal nitong braso.
"Ako ang bahala sa klase mo." Anito na naging relax uli ang katawan.
Napabuntong hininga sya at tumigil na sa kakapalag. "Hindi pwede." Aniya. Napayuko sya sa braso nitong nasa tyan nya. Iyon pala ang braso nitong kulubot.
Wala sa loob na hinaplos nya iyon.
Naramdaman nya na bahagyan itong natigilan pero hinayaan lang din sya.
Tahimik nya iyong hinaplos.
"Hindi kaba nandidiri na hawakan ang mga iyan?" Tanong nito.Tumihaya sya kaya halos dimikit ang mukha nito sa kanyang pisngi habang ang braso nito ay nasa ibaba ng kanyang dibdib.
"Mas naiinis ako sa ugali mo kaysa sa mga ito." Nakanguso nyang sabi habang hinahaplos parin ang piklat nito sa braso.
"Ang tanong ko ay kung nandidiri ka at hindi naiinis. At saka bakit nasali na naman ang ugali ko dito em?" Maktol naman nito na hindi man lang inilayo ang mukha sa pisngi nya. Hindi din naman kasi sya lumayo.
Alam nyang hindi tama ang ginagawa nyang pagpapaubaya dito pero hindi din nya maramdaman na mali ang ginagawa nila.
Napasimangot sya.
"Ayaw mo ba ng ganito tayo?" Seryoso nitong tanong.
"Kailangan pa bang tanongin iyan?" Inirapan nya ito.
"So ibig sabihin ay gusto mo din." Doon na sya napalingon dito.
"Ang kapal! Mahiya ka. Anong gusto? Kahit naman ayaw ko ay hindi ka naman masaway." Bulalas niya.
Hindi na ito nakaimik dahil sa labi nya ito nakatingin at kitang kita nya ang pag taas baba ng lalamunan nito.
Shit! Halos magdikit na pala ang mukha nila.
Bigla tuloy syang nailang.
"Emm.." tikhim nya saka uli nag iwas ng tingin pero hinuli lang nito ang baba nya at pinaharap uli sya dito.
Nagkatitigan sila. Napalunok din sya ng masuyong dinama ng daliri nito ang kanyang labi. "Ano kaya ang pakiramdam ni little Abcde ng matikman nya ang mga labing ito?" Anas nitong tanong na nasa kanyang mga labi ang mga mata nito.
Hindi sya nakaimik.
"Bakit pakiramdam ko ay ako ang batang iyon?" Anito na parang ang sarili ang kausap.
Hindi nya alam kung ano ang pumasok sa kanyang isip dahil ipinikit pa nya ang mga mata ng unti unting bumaba ang labi nito.
Halos sabay pa silang napaungol ng magtagpo ang mga iyon.
Pikit na pikit ang kanyang mga mata.
Mainit ang labi nitong dumampi sa labi nya. Sa una ay para syang tinutukso na tumugon pero nang kalaunan ay sinakop na nito iyong ng tuluyan hanggang sa nabasa na ng laway nito ang kanyang labi. Lalo syang napapikit at mariing napakapit sa braso nitong hinahaplos lang nya kanina.
Ang maliit na awang kanina ng kanyang bibig ay pilit pinapasok ng matamis nitong dila kaya umawang iyon at agad itong pumasok ng walang kaabog abog.
Ang lambot ng labi nito at ang tamis ng dila.
Shit! Ganito pala ang halik.
Kaya pala marami ang naaadik dahil masarap pala sa pakiramdam. Parang may mga paru paro na nagliliparan sa kanyang tyan.
Ring... Ring... Ring...
Damn! Istorbo!