Chapter 12

1780 Words
"What right do you have to disturb my time with my woman huh?!" He's fuming mad. Gigil na gigil nyang pinagsasampal ang lalaki habang hawak hawak ng dalawa nyang tauhan. Nasa basement sila ng kanyang club kung saan nila dinadala ang mga taong kagaya nito at tinuturuan ng leksyon. Ito ang dahilan kung bakit naistorbo ang sexy time sana sila ng sweetie Shan-shan nya kaya sya galit na galit ngayon! Nagkagulo kasi sa loob ng club nya kagabi dahil sa pambabastos nito sa dalawang babae na nagpapart time sa kanila at kaninang umaga lang sinabi ni Garry sa kanya dahil alam nitong nasa bahay siya ni Shannon syempre ayaw nitong maistorbo sila sa kung ano pa man ang gagawin nila. Ang alam nito ay okey ng tawagan sya dahil umaga na pero wrong timing parin talaga ang tawag nito dahil kasisimula palang ng loving loving nila. Kaya pagbabayarin nya ito ng mahal! "Ang lakas ng loob mong mangbastos ng babae dito sa club ko ha!" Mahigpit nyang dinakma ang buhok nito at pinatingala sa kanya. Napaungol ito at napangiwi ang duguang labi pero nakuha pa syang Nginisihan at dinuraan sya sa mukha na tumama lang sa suot nyang maskara kaya lalong nagdilim ang paningin sya. Hinugot nya ang baril na nakasukbit sa baywang ni Garry at agad na itinutok ito sa ulo ng lalaki. "Renzo!" Pigil sa kanya ni Jack. Mariin syang napapikit ng mata. Ano na naman kaya ang ginagawa nito sa club nya?! Kinasa nya ang baril at hindi pinansin ang pinsan. "Ang dapat sa mga katulad mo ay binubutas ang kukote para magtanda." Aniya na idiniin pa lalo sa ulo nito ang nguso ng baril. "Renz, stop it! Anak ni senator Galvez iyan." Inis na pigil uli ni Jack sa kanya at hinawakan pa sya sa braso na naglalabasan ang ugat dahil sa higpit ng hawak nya sa baril. Nakita nya ang pagngisi ng lalaki na parang nag mamalaki pa ang gago. Napangisi din siya. "I don't f*****g care kahit sinong demonyo pa ang ama nya, Jack. I will f*****g kill this bastard if I want!" Nanlilisik at mamulamula na ang kanyang mga mata. "No Renzo. Hayaan mo akong mag ayos nito." Seryoso wika ni Jack na pilit ibinababa ang kanyang braso na nakatutok sa lalaki. Napahinga sya ng malalim para kalmahin ang sarili. "Ilapag nyo ang kamay nyan." Malamig nyang utos sa dalawa nyang tauhan. Inabot nya ang isang kamay kay Garry at agad naman itong kumilos para ibigay ang hinihiling nya. Alam na alam na ng mga ito ang kailangan nya. Ilang beses nadin naman na kasi nilang ginawa ang ganito. "Wait, anong gagawin mo." Tanong ni Jack ng makita kung ano ang inabot ng kanyang tauhan. Nginisihan nya ito pero sa isang iglap ay umikot ang katawan nya at nawala sya sa harapan nito kasabay ng malakas na sigaw ng lalaki. "What the f**k--" Ani Jack na napakurap habang nakatingin sa lalaking namimilipit na sa sakit. Parang napako ang kamay nito sa mesa gamit ang kutsilyong ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan. Umagos agad ang masagana nitong dugo. Napangisi sya sa pinsan. "Hawak mo ang batas pero nasa teritoryo kita kaya ako ang batas. Paparusahan ko sya sa paraang alam ko at sa paraang masisiyahan ako." Malamig nyang sabi dito. Hinarap nya uli ang lalaki at marahas na sinabunotan ito sa buhok at pinatingala sa kanya. Inilapit nya ang mukha sa taynga nito. "Oras na bumalik ka pa uli dito sa teritoryo ko ay papatayin na kita. At huwag na huwag kang magkamali na gamitin ang kapangyarihan ng ama mo dahil sisiguraduhin kong buong pamilya mo ay gagapang sa lupa." Patulak nyang binitawan ang ulo nito kaya halos masubsob sa kamay na hindi pa natatanggal sa pagkakapako sa lamesa. Iniwan nya ang mga ito na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang pinsan pero sinundan sya nito. "Mag usap tayo Renzo Monterial!" Buong igting ang boses ng pinsan. Sa tuno nito ay alam nyang hindi nito nagustohan ang kanyang ginawa. Hindi sya tumigil pero hinila sya nito at kwenelyohan. "Hanggang kailan ka titigil ha?!" Namumula ang mukha na tanong nito. "Hanggang kailan ka magiging marahas sa mga taong nagkasala sayo?!" Halos hindi maghiwalay ang ngipin nito. Napangisi sya at hindi man lang ininda ang galit ng pinsan. "Wala akong ginagawang masama." Aniya. His teeth gritted "f**k you! Don't make a fool of me coz I know everything!" Marahas nyang tinanggal ang kamay nito sa kwelyo nya. "Walang pumipigil sayo para gawin mo ang trabaho mo pinsan. Kung mahuli mo akong may ginagawang labag sa batas mo ay walang pumipigil saiyo." Naglaban sila ng titig. Walang gustong magpatalo. "f**k you! Alam mong hindi ko kayang gawin iyon! Kung saiyo, walang halaga ang pagiging magkakadugo natin, ibahin mo ako! Dahil kahit mali pa kayo ay itataya ko ang pangalan ko para sa kaligtasan ninyo." Matagal ng wala ang kanyang pinsan pero nakatulala parin sya sa daang nilabasan nito. Ang init ng ulo ay dinala sa tinatawag nilang under ground. Kung saan may ginaganap na labanan. Matira matibay at walang repere na magpapatigil ng laban. Walang ibang sandatang gagamitin kundi ang kanya kanyang lakas lang. Inuna nyang inalis ang suot na maskara at isinunod ang damit. Tumambad ang maskulado at mabukol nyang katawan. "Sigurado kang lalaban ka?" Tanong ni Dark bago nito sinimulang balutin ng tela ang kanyang kamay. "Kahit na anong mangyari ay huwag ninyong patitigilin ang laro." Manlilisik ang kanyang mga mata at naggagalawan ang mga muscle nya sa dibdib at balikat. Gusto nyang ilabas ang frustration nya sa katawan at ito lang ang alam nyang paraan para kumalma sya. "Pero matagal ka ng hindi lumalaban at ang balita ko ay isang notorious na kriminal ang makakalaban mo." May pag aalala sabi nito. "Just do what I've said. kahit na nakikita nyong alanganin ako. huwag ninyong patitigilin ang labanan." Matigas nyang sabi sa kaibigan. Napailing ito. "You're such a suicidal person." Sigawan ang tao ng pumasok ang kanyang kalaban sa ring. Malaki ang katawan nito. Mas malaki pa ang katawan kumpara kay Garry at mas matangkad pero hindi man lang sya nakaramdam ng takot. Kahit naman papaano ay maalam sya sa pakikipaglaban. Kaya mananalig sya sa sarili nyang kakayahan at lakas. Sumunod syang pumasok. Lalong nag ingay ang paligid. "Demon! Demon! Demon!" Isang ngisi ang gumihit sa kanyang labi. Hindi na nakapagtataka kung kilala na sya ng ibang nandoon dahil marami ng nakapanood ng laban nya. The scream grew louder-- scream of those who bet big money for that fightng. magsimula ang laban. Hinayaan muna nyang sya ang atakihin ng kanyang kalaban. He let some of his blows hit him at ang mga iba ay iniilagan nya. Gumaganti sya pero hindi nya ibinibigay ang lahat ng kanyang lakas. Malakas ito kaya hindi sya pwedeng pakampanti. Nagpatuloy ang kanilang laban at nakakalamang ito ng tama sa kanya. Dumudugo na ang kanyang labi pero ang kalaban nya ay parang wala pang iniindang sakit. At nararamdaman na din nya ang pagod. But still not enough to alleviate his anger. Dinamba sya nito at pareho silang napahiga. Naghalo ang kanilang pawis, tama dito tama doon at medyo nahilo sya ng tamaan sya nito sa ulo. Malakas nya itong sinuntok sa tagiliran pero para lang syang sumuntok sa pader. Inulit nya ng inulit hanggang sa ito mismo ang umalis sa ibabaw nya. Agad syang tumayo at para sana kumuha ng bwelo pero naramdaman nyang malakas na hampas ng siko sa kanyang batok. Napaluhod sya sa sakit at halos panawan sya ng urirat at agad sya nitong sinunggaban halos hindi na sya makahinga ng sakalin sya nito gamit ang malakas nitong braso. Halos lumabas na ang kanyang mata sa higpit niyon. Sa ganon syang setwasyon ng biglang lumitaw sa imahinasyon nya ang batang si Abcde na hinahalikan ang batang si Shannon. Parang bigla syang nakaroon ng lakas. Hindi sya pwedeng magpatalo! Siniko nya ang kalaban pero hindi na sya makapalag. Nakakabingi na ang sigawan pero wala na syang marinig. Pinilit nyang kunuha ng bwelo. Iniyuko nya ang sarili at pilit na inabot ang mahaba nitong buhok at hinila nya ito paharap. Isang malakas na suntok ang ibinigay nya sa puno ng taynga nito kaya nabitawan sya. Kinuha nya ang pagkakataong iyong para tumakbo para kumuha ng bwelo. Nagbounce ang katawan nya sa harang sa ring at flying kick ang binigay nya dito. Tama na ang pagpapabugbog nya. Sya naman ngayon. Tumalon sya at binagsak ang sarili dito pero sinigurado nyang tatama ang siko nya sa p*********i nito. Napatayo ito and he's groaning in pain! Hindi na nya ito hiyaan na magkaroon ng pagkakataon para makatama pa sa kanya. Wala itong malay ng iwan nya ito sa ring. Agad syang lumabas at hindi na pinansin pa ang hiyawan ng mga tao. Tahimik na sumunod ang kanyang mga kasama sa kanya. Alam ng mga ito na ayaw nyang kinakausap sya pag ganitong katatapos lang ng kanyang laban. Dahil sa pagod ay nakaidlip sya sa sasakyan. At nadatnan na naman nya ang dalawa nyang pinsan sa bahay nya na sadya yatang inaabangan talaga ang pagdating nya. Dahil may alak na pinagsasaluhan ng mga ito sa living room nya. Si Jack na kasagotan lang nya kanina at si Ivan. He curses Dark in his mind dahil alam nyang ito ang tumawag sa mga ito. "Buhay kapa palang nakauwi?" Sarkastikong salubong sa kanya ni Ivan. Kagaya ni Jack ay ayaw din nito ang pinag gagagawa nya. "Wala pa akong pambili ng kabaong kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." Aniya na kumuha ng baso at nagsalin ng alak. "f**k!" Mura nya ng maramdaman ang hapdi sa kanyang labi "Ako na ang bibili para sayo." Sabi naman ni Jack bago din tumagay. Napangisi sya at naiiling. Ilang saglit ang lumipas bago sya uli nagsalita. "Nagpunta lang ba kayo rito para siguradohing humihinga pa ako?" Tanong nya. "I am here to treat your wounds." Sagot ni Ivan na ipinakita pa ang bag na may lamang mga gamot. Isa kasi itong doctor at nagmamay ari din ng malaking hospital dito sa Pilipinas. Tumawa sya. "How sweet of you." He said but in sarcastic tone. "Don'b be sarcastic Renz. Sobrang nag aalala si tita sayo dahil nalaman nyang nagpupunta kana naman doon at sya ang tumawag sa amin para papuntahin kami dito." Sermon ni Ivan sa kanya. Napamura sya. Papaanong nalaman ng ina ang laban nya?! "How long will you make her cry huh? sobra na ang pag aalala nya sayo." Patuloy na sermon sa kanya ng kaibigan. "Ano ba ang problema ng boss nyo at kailangan nyo pa akong dalhin dito ng des oras ng gabi?!" "f**k!" Bigla syang napatayo ng marinig ang boses na iyon papasok sa bahay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD