Chapter 13

2096 Words
Mabilis syang tumayo para salubungin ang dalaga pero nakapasok na at nakita na ng dalawang kumag nyang pinsan. "What are you doing here?" Tanong nya agad na halos magsalubong ang kanyang kilay. "At ikaw pa ang may ganang magtanong nyan! My god.. nanahimik ako ng bigla akong kaladkarin ng mga tauhan mo para lang madala dito!" Alam nyang galit na galit na ito dahil sa sobrang pula na ng pisngi nito at parang maiiyak na din. Nagtatanong nyang tinignan ang dalawa nyang tauhan. "Eh boss, tinawagan kami kanina ni Sir Dark at tinatanong nya sa akin kung kilala namin iyong Shannon at sinabi namin na girlfriend mo. Sabi nya sunduin namin dahil kailangan mo daw sya ngayon." Paliwanag naman nito agad. "What?" Lalong nadagdagan ang kulubot nya sa noo. Saan naman narinig ni Dark ang pangalang Shannon eh hindi naman sya nagkukwento sa kaibigan. "At anong nangyari sa mukha mo ha?"Hindi nya napansin na sinusuri na pala ng dalaga ang kanyang mukha. Tunog galit parin ang tanong nito sa kanya. Napatingin sya sa mukha nitong parang tigre. "Wala" maiksi nyang sagot at agad na iniiwas ang tingin dito. Pinanlakihan sya ng mata"Anong wala?! Tignan mo nga ang labi mo, may dugo pa." Bulalas nito at tinaas ang kamay para abutin ang kanyang mukha pero agad nyang hinawakan ang kamay nitong dadampi sana sa labi nya. Hindi nya pinansin ang sinabi ng dalaga. "Garry, ihatid nyo na ulit sya sa bahay nya." Utos nya sa tauhan. "Ayaw ko. Pagkatapos mo akong ipakaladkad papunta dito tapos pauuwiin mo din ako agad." Pinamaywangan sya at nakipaglaban ng titig sa kanya. Hindi na talaga ito marunong matakot sa kanya. "Just do what I've said Shannon. Umuwi kana." Malamig nyang sabi dito. "Garry." Baling nya uli sa tauhan at tinanguan ang mga ito tanda ng utos nya. "Subukan nyo akong hawakan." Matapang na hinarap nito ang kanyang mga tauhan. "Uuwi ako kung gusto ko." Matigas nitong sabi. Napahilot sya sa kanyang ulo. "Garry. Hindi nyo ba ako narinig?" Inis nyang tanong sa mga ito ng hindi na tuminag sa utos nya. Napakamot sa ulo si Garry."Sabi mo kasi sir na mas sundin namin si ma'am kaysa sayo." Sagot naman nito. What?! May sinabi syang ganon? f**k! Narinig nya ang mahinang tawa ng dalawa nyang pinsan na kanina pa sila pinapanood. Sinamaan nya ang mga ito ng tingin bago binalingan ang maliit na babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Napabuga sya ng hangin tanda ng pagsuko. Nilagpasan sya nito at tinungo ang kanyang kitchen. Pinaalis nya ang dalawang tauhan bago bumalik sa dalawa nyang pinsan na hanggang ngayon ay may pinipigil na ngiti sa labi. "So, totoo pala na may nagpapatiklop na sa mga tuhod mo." Tukso ni Jack sa kanya. "And If I'm not mistaken that's the same woman Brigette says she saw with you inside your car." Aliw na aliw ang gago. "She's also the woman he dragged to the bar na nagsauli sa kanya ng pera." Sabi din ni Ivan. Hindi nya sinagot ang mga ito at pinagpatuloy ang pag inom. Napaayos uli sya ng upo ng lumabas ang dalaga mula sa kusina at may dala dalang maliit na palangganita na may lamang ice pack. Umupo ito sa tabi nya na hindi man lang pinapansin ang mga pinsan nyang nakamata lang dito. "Harap ka sa akin." Utos nito na nakabusangot parin ang mukha. Napalunok muna sya at lihim na sinulyapan ang dalawa bago sya humarap sa dalaga. "Ang pangit pangit na nga ng mukha mo tapos magpapapasa kapa." Inis na dinampi sa gilid ng labi nya ang ice pack. "Aww.." Daing nya na inilayo ang mukha dito. "Hay naku huwag mo nga akong ma aww aww dyan!" Hinila uli ang baba nya at dinampi ang ice pack sa gilid ng kanyang labi pero mas magaan na ngayon. "May ointment din ako dito binibini baka gusto mo din syang pahiran." Mapang inis na sabad ni Ivan sa kanila. Pero namangha sya ng inirapan ito ni Shannon at hinarap uli ang mukha nya. Mabigat yata ang dugo nito sa pinsan nya. Pinatingala sya nito at sinuri ang kanyang leeg. "Ano bang pinag gagawa mo at mayroon kang mga ganyan?" Inis na tanong nito pero nakita nya ang luha sa gilid ng mata nito. Ibinaba nito ang ice pack at hinagilap ang kanyang mga kamay, huli na sya para itago ang mga iyon. Naramdaman nya ang bahagyang panginginig ng kamay nito. Napalunok sya uli habang nakatingin lang sa ginagawa nito. Napakislot sya ng hinawakan nito ang laylayan ng damit nya. Agad nyang hinawakan ang kamay nito. Parang may sariling isip ang kanilang mga mata na nag usap. Kagaya kanina ay ito parin ang nanalo. Napalunok uli sya ng itaas nito ang kanyang damit. "My god.." anas nito nang makita ang mga pasa nya doon. "Shan--" "Ano ba ang nangyari at halos mapuno ng pasa ang katawan mo?!" Galit na bulalas nito kasabay ng luhang nalaglag sa pisngi nito. Hindi sya agad nakaimik dahil titig na titig parin sya sa mukha nito. Hindi sya makapaniwala sa imosyong nababasa nya sa mga mata nito. Nag aalala ito sa kanya. "Kayo ba ang kasama nya?! Bakit nyo sya pinabayaang bugbogin ha?!" Galit nitong binalingan ang dalawang nakatunganga din sa kanila. "Anong klase kayong mga kaibigan?!" Dagdag pa nito saka sya binalingan uli. "Hindi kaba naawa sa katawan mo ha?" Anito na napahikbi na. Hindi nya mapigilan ang sarili na kabigin ito ng yakap. Tinago nya ang mukha sa balikat nito dahil nangingilid na din ang kanyang luha. "Ssshhh stop crying." Anas nya habang hinahaplos ang likod nito. Ilang minuto bago ito kusang kumalas sa kanya. Tahimik uli nitong kinuha ang ice pack. Nagsimula din si Ivan na ilabas ang mga gamot na nasa bag nito. "Huwag ka ng magalit sa amin dahil hindi naman namin sya kasama noong nagpabugbog sya." Paliwanag nito sa dalaga kaya sinamaan nya ito ng tingin pero nginisihan lang sya. "Hayaan mo Miss. Huhuliin ko ang mga bubugbog sa kanya sa susunod. Pulis kaya ako." Sabi naman ni Jack na parang bata lang ang kausap. "Doctor din ako kaya pag napuruhan sya ay ako ang gagamot sa kanya." Sabi uli ni Ivan kaya binato nya ito ng pillow ng sofa. Hanggang sa ipinagpatuloy na ni Ivan ang paglilinis at paglalagay ng benda sa kamay nya habang si Shannon naman ay pinapahiran ng ointment ang nga pasa nya. At si Jack ay kanina pa kuha ng kuha ng stolen picture nila. "Inomin mo nalang ang gamot pag may naramdaman kang sakit at puntahan mo ako sa hospital bukas para ma x-ray ka dahil napansin ko ang tayo mo kanina na masakit ang likod mo." Sabi ng pinsan habang ibinabalik ang mga gamit nito sa bag. "Ayos lang ako." Tanggi nya. "Sasamahan ko sya bukas." Sabad naman ni Shannon. Napatingin sya dit pero tinaasan lang sya ng kilay. "May pasok ka bukas." Sabi nya. Inirapan sya. "Gawan mo ng paraan, ikaw naman ang boss." Anito na dinampot din ang ice pack at palangganita at tinungo ang kusina para iligpit ang mga iyon. Hindi sya agad nakaimik at napasipol naman ang dalawa. Ng nawala ang dalaga sa paningin nila ay bumunghalit ng tawa ang dalawang gago na parang tuwang tuwa pa na nasasabon sya. "Tang*na ikaw pa ba iyan?" Buska ni Jack sa kanya. "Parang hindi na ako gigising sa kalagitnaan ng gabi ah para lang sa mga babaeng---" "Don't you dare Ivan, marinig ka nya." Banta nya kay Ivan na napatingin pa sya sa kusina baka biglang lumitaw doon ang dalaga. Tawanan uli ang dalawa. "Malala na ito." Ani Jack na napapasapo pa sa tyan. Hindi nalang nya pinansin ang mga ito at nagsalin nalang uli ng alak. "Oppsss... bakit ka umiinom?" Natigil sya sa pagtagay ng marinig na naman ang boses nito. "Pampasarap tulog lang." Aniya na naguguluhan sa tanong ng dalaga. "Hindi pwede!" Kinuha nito ang baso sa kanya at nilapag iyon sa center table saka umupo sa tabi nya. Pumihit sya paharap dito. "Sweetie, hindi ba masyado naman na yata akong under nito." Malumanay nyang tanong. Nilukotan sya nito ng ilong bago sinandal ang likod. "Under ka dyan. Hindi ka pwedeng uminom dahil iinom ka ng gamot mamaya." Napalabi sya at tumango tango. "Ahh.. pero sabi ng doctor ko, pag may masakit lang." Aniya na tumingin pa sya kay Ivan. "Di baliin natin ang mga buto mo kung hindi pa masakit ang mga pasa at sugat mong iyan." Masungit nitong sabi sa kanya habang nakataas pa ang kilay. Natawa uli ang dalawa pero natigil din agad dahil masama ang tingin na binigay nya sa mga ito. "Tsk. Magsiuwian na nga kayo." Inis nyang pagtataboy sa mga ito. "Okey.." sabi naman ni Jack na tumayo na. "Gusto mo bang sumabay na sa amin Miss. Idadaan ka nalang namin sa bahay mo." Tanong ng kumag sa dalaga. Sinamaan nya ito ng tingin. "Walang magpapainom ng gamot sa akin pag umuwi sya." Natawa na naman ang dalawa. "Tss.. tigilan mo na ang pinsan natin Jack dahil paniguradong sya na ang hot topic sa gc natin dahil sa kagagawan mo. Kanina pa nag iinit ang cellphone ko sa katutunog. And knowing tita Joanna--" pambibitin pa ni Ivan. Napahilot sya sa kanyang noo dahil sa narinig. Wala talagang maitagong sekreto sa pamilya nila. Wala silang imikan ni Renzo ng paakyat sila sa hagdan ng bahay nito. Pinapauna sya nito pero sinasabayan nya. Tama nga ang pinsan nitong doctor dahil parang pinipilit lang nitong tumayo ng ayos. "Masakit ba ang likod mo?" Tanong nya na mas binagalan ang pag akyat. Umiling ito pero hindi naman makatingin sa kanya. Hindi na sila nag imikan hanggang sa marating nila ang silid nito. Sya na ang nagbukas ng pintuan. Tumigil ito sa paglalakad kaya hinarap nya ito. "Mauna ka ng matulog." Sabi nito. Nagtaka sya. "Huh, bakit?" Tanong nya. "Maliligo muna ako." "Ano?! Hindi pwede. Kapapahid lang ng gamot sa mga pasa mo at mababasa ang kamay mo nyan." Aniya na tumingin pa sa kamay nitong nabalutan. "Pero nan--" "Hindi mo ikamamatay kung hindi ka maliligo ngayon. Kaya halika kana. Kukuha nalang ako ng bibihisan mo sa cabinet para makapagbihis kana." Tinalikuran nya uli ito para tungohin ang walk in closet nito. Medyo pamilyar naman na sya doon pero hindi nya alam kung saan banda ang mga pantulog nito. Inikot nya ang tingin sa loob at nag iisip kung alin ang una nyang bubuksan. "Nasa bandang right side ng salamin ang mga pantulog ko." Napakislot sya ng bigla itong nagsalita sa kanyang likoran. Napatango sya at agad na tinungo ang sinasabi nito. "I want the same color as yours." Anito. Naka terno kasi syang pantulog na royal blue ang kulay at silk ang tela. Mabuti nalang at nagsuot pa sya ng bra dahil baka bigla na naman itong dumating sa apartment nila. Mabuti na iyong handa! At hindi na din sya nakapagbihis dahil bigla nalang syang tinangay ang dalawa nitong tauhan. Sinuri nya ang laman ng cabinet nito at hinanap ang katulad ng sa kanya at agad naman nyang nakita. Mayroon nga itong parang katerno ng sa kanya. Nagtungo din ito sa tabi nya at nagbukas din ng isa pang pintuan at nakita nya na mga underwear pala ang laman. Nakahilira ang mga puting sando at sa baba nito ay mga boxer short. Tumingin ito sa kanya kaya agad syang nag iwas ng tingin pero nakikita nya ang kilos nito sa gilid ng kanyang mata. Isinara nito iyon at sinandal ang balikat nito doon habang nakaharap sa kanya. Agad nyang isinara ang cabinet at inabot dito ang hinihingi nito. "M-mag bihis kana para makapagpahinga ka." Nauutal nyang sabi saka na sana nya ito iiwan pero agad nito hinila ang kanyang braso at hinatak sya kaya tumama ang katawan sya sa dibdib nito. "A-anong ginagawa mo?" Magkanda bulol bulol ang kanyang dila. "I miss you." Anas nito at masuyong hinaplos sya sa mukha. Nagtama uli ang kanilang mga mata. Unti unting bumaba uli ang labi nito sa mga labi nya at kagaya ng nangyari kaninag umaga ay nagpaubaya sya. Sabihin nyo ng marupok sya at wala syang taste sa lalaki pero anong magagawa nya kung sa tuwing tititig sya sa mga mata nito ay para syang nalulunod sa sarili nyang damdamin. Parang kilala kilala na ito ng puso nya. Na sa tuwing tititigan nya ang mukha nito ay hindi ang pangit nito mukha ang kanyang nakikita. Kundi ang hind maipaliwanag na damdamin na nakikita nya sa mga mata nito. Yes.. mahal na nya ang mukhang demonyo ito na umaangkin ngayon sa kanyang labi. Masyado bang mabilis? Bulag nga ang pag ibig
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD