Nahihirapang lumunok si Shannon habang titig na titig sa asawang unti unting lumalapit at hindi pinuputol ang matiim nitong titig. Gusto nyang umatras pero parang naipako sya sa sofa. Sobrang kabog ng kanyang dibdib. Mahigpit na napadakot ang kanyang mga kamay sa suot nyang bestida dahil sa sobrang kaba. “Emm— g-gutom na yata a-ako.” Anak naman ng tinapa oh! Halatang halata naman ang palusot nya! Gusto nyang kaltokan ang ulo dahil parang ang dila nya ay ayaw makisama. Sobrang init na ng kanyang mukha at unti unti na ding lumalabas ang kanyang butil butil na pawis. Nakita nya ang bahagyang pagngisi nito. “It seems like you are not sure sweetie?” Napanukso nitong tanong at itinukod ang dalawang kamay sa sandalan ng sofa at pinagpanatay ang kanilang mukha.. at kitang kita nya ang kislap ng

