Laglag ang panga ni Jessica habang nakatingin parin sa dalawang taong kasalukuyang pumiperma ng isang perasong papel at sila ang tumayong witness ng mga ito. Anak ng tinapa! Anong nangyayari dito sa mundo?! Hindi parin sya makapaniwala sa nangyayari. Hindi pa nya nakakausap ang kaibigan dahil pagkapasok na pagkapasok palang nila sa maluwang na silid na hula nya ay library o opisina ay nandoon na ang kanyang kaibigan nakasuot ng puting bestida. Simple lang ang ayos nito pero lumitaw parin ang maamo na mukha at mas tumingkad pa ang kagandahan nito. Katabi nito ang taong nakasuit at may suot na maskara habang sa harapan ng mga ito ay isang hindi naman katandaan at mukhang kagalang galang na ginoo na nakasuot pa ng salamin at nagsimula ng basbasan ang dalawang tao na nasa harapan nito. Pin

