Chapter 20

2006 Words
Jessica Nanggigigil parin sa inis si Jessica dahil sa lalaking hambog at feeling gwapo na kanina pa nya kasagotan pero kahit na inis na inis sya dito at nananaig parin ang takot nyang sa kapatid ni Lucifer. White version lang ito. Parang itong— iyon bang nababasa nya sa mga pocketbook na mga alpha at Lycan o kaya mga Dracula. Ang laki at ang tikas ng katawan nito at nakakatakot ang itsura dahil kulubot ang balat nito pero malinis namang tignan. Kanina pa asar sa kanya ang binata kung saan sya nakakapit pero nungka syang bibitaw. “Please, hanapin na natin si Shannon baka kung ano na ang nangyari doon.” Bahayan pa nyang niyugyog ang braso ng binata. Natatakot na sya baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan. “Tss! Pwede bang bitawan mo na ako!” Lalo nyang hinigpitan ang hawak dito. “Hindi! Hangga’t hindi nyo inilalabas ang kaibigan ko ay hindi kita bibitawan. Baka bigla nalang sumulpot si kapatid ni Lucifer.” Napapikit ng mariin si Jack para kalmahin ang sarili. “Miss. That man is my cousin.” May diin na sabi nito. Napasimangot naman ni Jessica. “Ah I don’t care! Natatakot ako kaya magdusa ka. Tulungan mo akong mahanap ang kaibigan ko para tapos ang usapan!” Pagmamatigas din nya. Napabuga ng hangin si Jack dahil sa inis. “Okey fine.” Anito saka nagsimula itong maglakad patungo kung saan pumunta iyong mamang bakulaw. “Tayka, bakit dyan?” Pigil nya. Baka mas lalo nilang magalit iyon dahil halatang hindi sila gusto nito. Napatingala si Jack dahil kunting kunti nalang talaga. “Pwede bang sumunod kana lang at huwag ng putak ng putak.” Halatang inis na inis na ito sa kanya kaya itinikom na nya ang bibig kahit nagngingitngit parin ang loob nya. Sobra na kasi syang nag aalala sa kaibigan lalo na at hindi nya kilala ang mga taong ito. Sumunod lang sya ng pumasok sila sa dining area at naabutan nya ang isang may edad na babae na naghahanda ng pagkain sa tray at ang lalaki na kamukha ni Lucifer ay nasa tabi lang ng matandang babae na parang ito ang nagsasabi kung ano ang idadagdag pa sa tray na inihahanda ng matanda. Napakadaming masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa. Ang mayaman nga naman. Samantalang sila tama na ang isang putahing ulam na pinagsasaluhan nilang pamilya. Mabuti nga at may trabaho na sya. Noong nag aaral palang sya palaging kape ang ulam nya sa umaga. Pero kahit papaano ay nairaraus din nila. Ang pinagpapasalamat nalang nya ay malulusog ang mga kapatid nya at malakas pa ang tatay nya. Ulila na sila sa ina dahil namatay ito noong ipinanganak ang bunso nila at hindi na din nag asawa ang tatay. Pito lang naman silang magkakapatid at sya ang panganay. Kaya palagi syang naghihigpit ng sentron dahil anim ang pinag aaral nila. Pangarap talaga nyang makapangasawa ng mayaman para pag nagkaanak siya hindi nito maranasan ang hirap na kagaya ng nararanasan nilang mag anak ngayon pero syempre, pangarap lang iyon. Libre lang namang mangarap diba? Pero hindi sya gold digger. Hindi nya iaasa ang pag asenso sa iba. Mapagtapos lang nya sa pag aaral ang mga kapatid ay okey na sya. “Why don't you ask him now kung nasaan ang kaibigan mo? Don’t tell me na tutunganga ka nalang dyan.” Utag sa kanya ng katabing lalaki. “Manang padagdag pa ng fish fillet at iyong grapes po.” Rinig pa nyang utos nong kapatid ni Lucifer sa matanda. Napalunok muna sya dahil parang nakakatakot na kausapin ito. Nakapamaywang kasi na para bang napakaseryosong task ang ginagawa nila paghahanda ng pagkain sa tray at ni hindi man lang sila tinataponan ng tingin. Nakikita kaya sila nito? “Kumain na kayo kung hindi pa kayo uuwi.” Sabi pa nito na hindi parin sila tinataponan ng tingin. Tumingin naman sa kanila ang matanda at bahagyan pang ngumiti sa kanya. “Maupo na kayo Ser, Mam. Ihahanda ko lang po sandali ang pagkain ni Senyorita Shannon.” Masigla sabi ng matanda. Namamangha parin talaga sya dahil parang kabisado din ng matanda ang kanyang kaibigan. “N-nasaan po sya Manang?” Alanganin nyang tanong. “She’s in my room at natutulog pa.” Baliwalang sagot nong kapatid ni Lucifer. Nanlaki ang mata nya. “I-in your room- natutulog?” Doon palang ito tumingin sa kanya. Tumaas ang kilay nito at nginisihan sya ng nakakakilabot. Nakakatakot ang kislap ng mata nito. “May problema ba doon?” Bahagyan nyang itinago ang sarili sa katabi nyang lalaki. “Tss.. stop that you fucktard! You are scaring her.” Inis naman na saway nito sa lalaki. “I din’t do anything.” Patay malisya naman nitong sagot. “Kayo ngang dalawa ay magsitigil kayo.” Saway ng matanda sa mga ito at saka sya binalingan. “Huwag kang mag alala hija, mababait naman ang mga ito lalo na pag tulog.” Pagpapakalma ng matanda sa kanya. “Ang dami naman yata niyan manang.” Puna ng katabi kay manang. Tss. Hindi man lang nya alam ang pangalan ng mga ito. “Dalawa kaming kakain may reklamo ka?” Masungit talaga ang mukhang impakto. “Tss.. good for you.. enjoy then.” Sarkastiko ding sagot ng katabi. “Sana lang ay magkaayos na kayo dahil kawawa ang mga nakakasalubong mo pag tinotopak ka.” Pasaring pa nito. “They deserve it.” Maiksi lang nitong sagot. “Yeah right.” Gusto nyang matawa ng inikotan ng katabi ng mata ang kausap. “Manong ano— baka pwede kong makita ang k-kaibigan ko.” Kinakabahan syang sinilip ito pero agad din nyang iniiwas ang mata dahil baka bigla syang bugahan ng apoy. “Don’t worry she’s fine and I won't do anything that can hurt her.” Anito pero nakakaintimidate parin ang boses kaya laglag ang kanyang balikat. Binuhat nito ang tray na punong puno ng pagkain saka na sila iniwan. Napabuntong hininga ang kanyang katabi. Na ramdaman yata nito ang pagkabalisa parin nya. “Huwag ka nang mag alala dahil ayos lang ang kaibigan mo, at saka ilang beses na din iyong pabalik balik dito kahit tanongin mo pa si manang.” Tumingin sya sa matanda na nakangiti sa kanya. “Ayos lang sya hija. Kumain na kayo. Ipagtitimpla ko kayo ng kape. Amoy ng kape ang gumising sa diwa ni Shannon. Dahan dahan syang nagmulat ng mata at bumungad sa kanya ang malamlam na mga matang nakatunghay din sa kanya. “Good morning sweetie.” Malambing nitong bati saka sya pinatakan ng halik sa labi. Hinila nya ang kumot para matakpan ang kanyang bibig at saka mabilis na kinusot ang mata dahil baka may muta pa ang mga iyon. Para namang naaliw ito habang pinapanood sya. “Good morning... kanina kapa gising?” s**t! Bedroom voice. Ngumiti ito. “Yup. Come on, it’s time to get up and let’s eat our breakfast.”Iginiya sya nito para makabangon. “Nag abala kapa pwede naman tayong bumaba nalang para doon na kumain.”Nahihiya nyang sabi pero kinilig sya. “Nah.. maingay ang kaibigan mo kaya baka hindi ako matunawan.” Biro pa nito sa kanya. Napatulala syang napatitig dito dahil sa pagngiti nito na may kasamang mahinang tawa. “W-what?” Parang bigla naman nailang ng makitang nakatitig sya dito. “I love your smile.” Mahina nyang sabi na para bang nawala sya sa sarili. Namula ito at parang nahiya sa kanya kaya mahina syang napahagikhik. “Kinikilig ka?” Tukso nyang tanong. Napakamot ito sa ulo. “I don’t know the feeling of kinikilig sweetie.”Umiwas ito ng tingin sa kanya. Lalong lumawak ang ngiti nya. “Anong nararamdaman mo ngayon?” Kulit nya na sinilip pa ang mukha nito. Tumingin ito sa kanya na para bang hindi alam ang sagot sa tanong nya. “I-I can’t explain.” Nautal pa nitong sagot. Tuluyan na syang natawa. “Oi hindi pwedeng hindi mo alam.” Giit nya na himig nanunukso parin. Ito naman ang natulalang tumitig sa kanyang mukha. “Your laughter is like a music into my ears.” Napatigil sya at sya naman ngayon ang namula. Hinaplos nito ang namumula nyang pisngi. “I never thought I would fall for you this deep, your eyes, your nose, those sweetie lips. — Ah.. I love everything about you.” Napakasuyo ng bawat haplos nito at napakalamlam ng mata. Pansamantala silang nagkatitigan pero biglang pumasok sa isip nya ang nangyari kahapon. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi dahil hanggang ngayon ay hindi parin nya alam kung ano ba talaga sila ng binata. Nagtatabi na nga sila sa higaan at may nangyari na din sa kanila pero hanggang ngayon ay wala parin silang level. “Renz, ano ba talaga tayo?” Nalungkot nyang tanong. Ayaw nyang sirain ang moment nilang iyon pero mangangapa nalang ba sya palagi. Pinakatitigan sya nito sa mata at dinala sa labi ang kanyang mga palad at hinalikan iyon. “Be my wife Shannon.” Anito kaya pansamantala syang napatunganga pero napasimangot din ng sya ng makabawi at tinampal pa ito sa dibdib. “Ang seryoso na nga ng usapan eh.” Reklamo nya. Hinuli naman uli nito ang kanyng kamay at hinalikan iyon. “I’m serious sweetie. Will you be my wife?” Seryoso uli nitong tanong kaya napaawang ang kanyang labi. Para naman itong biglang kinabahan ng makita ang reaksyon nya. “Seryoso ka talaga?” Nanlaki pa ang mata nyang tanong. “Yes. Kahapon, narealise ko na hindi ko na pala kayang mawala ka. I want to make sure you will be mine. You will be my forever. Gusto kong umuwi sa mga yakap mo. Gusto kong matulog sa tabi mo—“ “Pero papaano iyong mga sinasabi mo na aayosin mo pa?” Naguguluhan din nyang tanong dahil kahapon lang ay gusto na nitong makipagkalas sa kanya. Napabuntong hininga ito saka nilaro laro ang kanyang mga palad. “Aayosin ko parin, Gusto ko lang makasiguro na nandyan ka parin naghihitay sa akin hanggat hindi ko naayos ang mga kailangan kong ayosin.” Napakunot sya ng noo. Patuloy nitong nilarolaro ang kanyang mga daliri pero nababasa nya ang kaba sa kilos nito. “G-gusto kong sa atin lang muna ang kasal natin hangga’t inaayos ko pa ang mga dapat kong ayosin—“ “Ano iyon secret marriage?” Putol sa nya sa sinasabi nito. Para namang mas nahihirap itong magpaliwanag. Tumayo ito at napatingalang napasuklay sa buhok gamit ang daliri. Kitang kita nya ang pagtaas baba ng balikat nito at mabibigat na paghinga. Ilang minuto ang lumipas. “Just forget what I’ve said.” Malamig nito sabi. Napatingin sya sa likoran nito dahil nakatalikod ito sa kanyan. “Renz—“ May pag aalala tawag dito.Naguhuluhan sya. Hindi nya alam kung ano ba dapat ang kanyang maramdaman. “I’m fine.” Anito na akmang lalayo sa kanya pero maagap syang tumayo at yumakap sa likoran nito. “Okey, kung iyon ang kaya mong ibigay muna sa akin ay tatanggapin ko.” Garalgal nyang sabi. s**t! Bakit ba ang rupok nya pagdating sa binata. Alam nyang napakalaking disisyon iyon para sa part nya dahil maaaring magalit ang tatay nya at ganon na din ang pamilyang itinuring syang parte ng mga ito. Pero kung kailangan nyang magsakripisyo para sa kanyang mahal ay gagawin nya. Hindi ito agad nakagalaw at ramdam na ramdam nya ang tensyon sa mga muscle nito. Binaklas nito ang kanyang braso na nakapulupot sa baywang nito. “No. Sorry sa pagiging selfish ako, hindi kita—“ “Mahal kita. Kung ito ang magpapanatag sa loob mo then magpakasal ako sayo tapos taposin at ayosin mo ang mga bagay na dapat mo pang gawin saka ka bumalik sa akin. Pero mangako ka. Babalik ka ng ligtas at walang kahit na ano mang bakas ng pasa sa katawan mo.”Panay ang tulo ang kanyang luha. Humarap ito sa kanya at kinabig sya at niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD