Chapter 19

1754 Words
Nalukot ang ilong ni Shannon pagkabukas palang na pagkabukas nya ng pintuan ng kwarto ni Renz dahil sumalubong na sa kanya ang pinaghalong amoy ng pabango at alak ng binata.. Dim lang ang ilaw sa loob dahil tanging ang lamp shade lang na nasa gilid ng kama nito ang nakabukas at nasa gitna ng malaking kama ang binatang nakatihaya na nakadipa pa ang dalawang braso at nakabuka ang dalawang binti. Sa laki nito ay halos maabot nya ang magkabilaang gilid ng kama. Naluluha syang lumapit dito para suriin ang mukha nito at tuluyan ng tumulo ang mga iyon ng makitang may benda na naman sa gilid ng kilay nito at sugat sa labi na bahagyan pang namamaga. “He is suicidal Shannon at hindi na namin alam kung papaano namin sya pipigilan.” Paulit ulit na bumabalik sa kanya ang sinabi sa kanya kanina ni Jack. Hindi nya alam kung ano ang nangyayari dito, kung saan nito nakukuha ang mga pasang iyon. Nanlulumo syang umupo sa gilid ng kama at tinitigan ang mukha nito. Kumikirot ang kanyang puso dahil sa nakikita nyang pasa nito. “When will you gonna stop hurting yourself huh?” Hindi nya maitago ang sakit habang pinapanood nya itong payapang natutulog. Mabuti nalang at nandyan pa ang pinsan nitong doctor para gamotin ang mga sugat nito. Pero papaano kung hindi lang pasa sa katawan at sugat ang abutin nito sa susunod. Parang sya ang naawa sa katawan nito. Sumisinghot singhot syang tumayo at nagpunas ng luha. Tinungo nya ang paanan nito.“Hmp. Hindi man lang inalisan ng sapatos.” Nakabusangot sya habang bumubulong bulong na lumapit sa paananng binata. Mabigat syang napabuntong hininga, Hindi na sya dapat nandito eh dahil mismong ito na ang gustong tumapos ng kung ano mang mayroon sila pero hindi parin nya maiwasang mag alala at puntahan ito. Kahit na minsan ay hindi pumasok sa isip o hindi nya inakalang sa ganitong tao sya iibig. Mauuna pa yatang syang mamatay dito dahil sa pag aalala. Maayos nyang ibinaba sa gilid ng kama ang inalis nyang sapatos at isinunod nya na hinubad ang mga medyas sa mga paa nito. Kahit na mabigat ang loob ay hindi nya maiwasang humanga ng makita ang makinis nitong kutis doon at napakalinis nitong mga kuko na para bang ang nipis nipis lang ng mga iyon. Hindi nya namamalayang nakangiti na pala sya. “Tss.. tinalo pa ang paa ko.” Bulong nya saka suminghot uli. Pero bigla nyang naipilig ang ulo saka napasimangot. Pinaalalahanan nya sa sarili na galit pa sya dito. “Magkapag labas na nga muna ng bibihisan mo bago kita punasan.” Pagkakausap nya sa sarili ng maisip nyang kailangan din nya itong bihisan dahil hindi man lang binihisan ang punit nitong longsleeve. Gusot gusot iyon at ilang butones nalang yata ang natira doon. Tinungo nya ang closet at parang kabisadong kabisado na nya ang loob nito dahil noong may nangyari sa kanila ng binata at nagkasakit sya kinaumagahan ay hindi sya agad nakauwi at mga gamit lang nito ang isinusuot nya. Apat na araw din syang nilagnat noon ah at araw araw syang binibisita at sinusuri ng kaibigan ni Ivan na doctor. Panay nga ang mura ni Ivan sa pinsan ng tumawag ito at tinatanong kung kumusta naba sya. Marami itong sermon sa pinsan pero hindi na nya maintindihan dahil parang may sariling mga lenguwahe ang mga ito. Hiyang hiya sya ng mga oras na iyon pero sinabi naman ni Ivan na normal lang daw iyon sa mga first time lalo na kung katulad daw ng pinsan nya ang makakauna. Parang umakyat lahat ng dugo nya sa kanya mukha ng maalala ang nakakahiyang tagpo na iyon. Naglabas nalang sya ng white shirt at gray na panjama para sa binata. Napanguso sya ng makita ang underwear nito. “Bahala kang mangati dyan... hindi hindi kita bibihisan ng underwear.” Napairap pa sya sa mga iyon at sinarado na ang cabinet. Binaba nya sa side table ang damit na inilabas nya saka na tinungo ng bathroon at inihanda ang gagamitin nyang pamunas nito. Napanguso uli sya dahil daig pa nya ang maybahay na inaasikaso ang lasinggong asawa. Mabilis lang nya itong pinunasan pero punong puno ng pag iingat lalo na sa mga parteng may pasa at kulubot dahil baka masakit ang mga iyon, nahirapan lang talaga sya sa pagbibihis dito dahil napakalaki nitong tao lalong lalo na sa paghuhubad nya sa pantalon nito at pagsusuot ng panjama. Tagaktak ang kanyang pawis at para syang hinabol ng sampung kabayo dahil sa kabog ng kanyang dibdib. Ikaw ba naman ang makakita ng tent sa harapan nito kung hindi ka pagpawisan ng malapot na kahit anong iwas nya sa mata na para naman nananadya ito at nagpapapasin sa kanya dahil mas lalong tumitikas ang tayo nito. Bagama’t may suot pa naman itong boxer short pero hindi kaba mag iisip ng kung ano ano pag nakakita ka ng ganon. Parang latangParang latang lata ang kanyang pakiramdam ng matapos nya itong bihisan at sobrang kabog ng kanyang dibdib. Matapos nya itong kumutan ay umupo sya sa paanan nito at humiga para iunat ang likod habang ang kanyang mga paa ay nakalaylay parin sa sahig. Napatitig sya sa ceiling at tanging ang pantay pantay na paghinga lang nito ang naririnig nya. Isang malalim uli na buntong hininga ang pinakawalan nya saka ipinikit ang mga mata. Mga samot saring alalahanin ang gumugulo sa kanyang isip. Dapat ba nyang pagsisihan na sa ganitong lalaki sya umibig? Hindi nya namalayan na tuluyan na syang iginupo ng antok. Napamulat ng mata si Renz habang may kunot sa kanyang noo ng may masagi ang kanyang paa ng umunat sya. Iniiwas nya iyon at sinilip kung ano ba iyon at bigla ang pagdaloy ng kanyang dugo at pagsidhi ng t***k ng kanyang puso ng masilayan ang dalagang minamahal na nakahiga sa kanyang paanan habang ang mga paa ay nakalaylay parin sa sahig. Ang dalawang kamay nito ay nakasalikop na nasa ibaba ng dibdib nito. Napakaganda parin nito sa paningin nya kahit na saboh ang buhok nito at medyo nakaawang ang mapupula nitong labi. “What are you doing here?” Mahina nyang bulong dahil sarili lang naman nya ang kanyang kausap. Maingat syang gumalaw para hindi ito magising at inayos ang unan sa kanyang tabi para doon nya ito ipapahiga. Bahagyan lang itong gumalaw ng buhatin nya ng walang kahirap hirap. Napapalatak sya. “Para ka lang bulak, kumakain kapa ba?” Bubulong bulong sya. Gumalaw ito pero para isiksik lang ang mukha sa dibdib nya. Napangiti sya. “Sleep tight sweetie.” Bulong nya. Maingat nya itong pinahiga saka pinagsawa ang mata sa maamo nitong mukha. “What am I going to do? Because I feel like I'm going crazy when I think of losing you.” Masuyo nyang hinaplos ang mukha nito. Hindi nya akalaing na mahuhulog sya dito sa ikli ng panahon na nakasama nya ito. “I’m sorry for hurting you sweetie. But promise I will not going to let you go again. Magalit na ang magalit pero akin ka lang. I don’t care kung may nauna ng nagmamay-ari sayo.” Maigting nyang pangako. Halos inabot yata sya ng kalahating oras na tinititigan lang ang mukha nito. Natapos na syang maligo pero tulog na tulog parin ang dalaga habang yakap yakap ang unan na ginamit nya. Isang masuyong halik sa noo ang iginawad nya dito bago sya bumaba. “May sariling isip na ang kaibigan mo at alam naman na nya siguro kung sino at kanino sya magtitiwala.” Boses iyon ni Jack na parang naiirita. “Ah kahit na! Mali parin na basta nalang kayo susugod sa apartment namin ng dis oras ng gabi at kaladkarin sya kung saan saan!” Binagalan nya ang lakad at halos magsalubong ang kanyang kilay. “Let me remind you MISS.. hindi namin kayo kinaladkad dahil kusa kayong sumama.” Pinagkadiin diinan pa nito ang salitang MISS. “Kahit s-i-n-o ay—“ parang nakakita ng multo ang babaeng kasagotan ng pinsan ng maagaw nya ang atensyo nito. Kitang kita nya ang pagguhit ng takot sa mukha nito na parang ipinako sa kinatatayoan nito pero ng makabawi ay isang malakas na tili ang pinakawalan nito saka dalidaling nagtago sa likoran ng lalaking kanina lang ay kaaway nito. “Hey...” nagulat din ang pinsan at napaikot pa ang katawan nito dahil parang ginawang panangga ito sa kanya kaya napaharap ito sa kanya ng wala sa oras. “What the hell with you?!” Malas lang dahil malakas ang kiliti nito sa baywang kaya malakas nitong naipiksi ang babae pero mahigpit ang kapit ng babae sa damit nito kaya nagtalsikan ang butones ng suot nitong longsleeve na nakatupi hanggang siko nito. “What the—-!!!!” Gigil na napapamura nalang si Jack na napatingin pa sa mga butones na naglaglag sa paanan nito. “Mahabangin Diyos...bla bla bla..” hindi na nya naintindihan dahil para na itong nag oorasyon at nanginginig na sa takot. “Grabe sya oh.. takot na takot ka pero ang kaibigan mo ay inlove na inlove sa lucifer na tinatawag mo.” Inis na sabi ng pinsan. Malamang ay rinig na rinig nito kung ano man ang dinasal ng babae dahil nakasiksik ito dito. Nakabusangot parin ang mukha ng pinsan. Hindi nya alam kung matatawa ba sya o ano dahil sa itsura nito na parang tumanda ng ilang taon dahil sa kunsomisyon sa babaeng pilit paring sumisiksik sa kilikili nito. “What's going on here and why did you bring your woman—sa bahay ko pa talaga?” Taas kilay niyang tanong ng pisan. Sinamaan sya nito ng tingin habang pilit parin inilalayo ang babaing nakasiksik sa likoran nito. “Tss.. she’s not my woman asshole!” Asik pa nito sa kanya pero seryoso parin sya habang nakatingin sa mga ito. “As if naman magugustohan kita.” Madiin namang alma ng babae sa likoran nito. “So hindi mo pa ako magugustohan sa lagay na iyan, eh kung makasiksik ka sa sarili mo—and promise baby I really feel your boobs behind me.” Mapang inis na sabi nito na parang nang uuyam. “Awww..” daing nito dahil malakas na palo sa likod ang inani nito sa babae kaya lihim syang nangiti. Serve you right! “p*****t! Maniac!” Iskandalusa. Napailing nalang sya. Iniwan nya ang mga ito habang patuloy paring nag aaway. Titignan nya kung may naluto na bang pagkain dahil baka gutom na ang mahal nya pag gising nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD