Chapter 18

1604 Words
Author: nadidisappoint ako kasi hindi ko naisulat ang story na ito kagaya ng flow na nasa utak ko kaya ngayon hindi ko alam kung papano ko sya itutuloy pero gusto ko sya taposin. At saka doon sa mga nagtatanong kung bakit ABCDE.. hehe.. basahin nyo po sya as in AB-C-DE po hindi po literal na ABCDE. Thank you... Tulala si Shannon pero ang kanyang luha ay patuloy sa pag agus habang ang dibdib nya ay naninikip dahil sa sama ng loob. “Anong karapatan mo para paglaroan ang damdamin ko?” Mahigpit nyang naikuyom ang kanyang kamay. Tahimik ang kanyang buhay eh! Pero bakit bigla nalang itong sumulpot at basta basta nalang pumasok sa buhay nya, tapos ngayon... ahhh!!! Tang*na kang demonyo ka! Imbis na umuwi pa sya sa mansyon ay pinili nalang nyang magmukmok at umiyak ngayon sa apartment nila. s**t! Masakit palang mabrokenhearted! Tapos sasabihin sa kanya na aayosin muna nito ang buhay?! Putik sya! “Siguraduhin mong hindi na magkrukrus ang landas natin Demonyo ka dahil tutuluyan ko na ang mukha mo!” Gigil na gigil yang nilamukos ang unan na ginamit ng binata at tuluyan na syang napahagulgol ng maamoy ang naiwang amoy nito doon. “Ang sama sama mo!!!” Ngawa nya na parang bata. Sa iksi ng panahon na nakasama nya ito ay ibinigay nya na lahat pati ang p********e nya. Tapos ganon ganon nalang sya kung iwan ng mukhang demonyong iyon! Diba ang sakit?! Habang si Renz tulala din habang mahigpit na nakahawak lang sa manobela ng kanyang sasakyan. Parang walang laman ang kanyang utak pero ang bigat ng kanyang dibdib at nahihirapan syang huminga.Parang nakaukit na sa isipan nya ang sakit na gumuhit sa mukha kanina ni Shannon and he wants to kill himself because he is the reason why she’s hurting now. Sya ang dahilan ng mga luhang tumulo sa pisngi nito. “I’ll get back to you.” Maigting nyang pangako sa sarili. Natagpuan nya ang sariling nagpapakalunod ng alak sa loob ng kanyang club kasalo ang kanyang mga pinsan. Kung bakit nandito na naman ang mga ito ay hindi nya alam. Ganon naman palagi ang mga ito parang may mata sa kung nasaan man sya dahil palagi nalang sumusulpot pag ganitong gusto nyang magpakalunod sa alak. “Hindi ako magtataka kung bukas ay mamamatay kana dahil natunaw na ang atay mo’ng tang*na ka!”Mura sa kanya ng pinsan na si Ivan na kanina pa sya pinapanood habang ginagawa lang nyang tubig ang alak. Pero hindi nya ito pinapansin. Samantang si Jack naman ay tahimik lang ding nakamasid. Asual, Si Danzel at Deniel ay pagkain ang tinitira ng mga ito na para bang mga patay gutom. Hindi din naman kasi sila umiinom ng alak dahil hindi sila pwede dito. May allergy kasi ang mga ito sa alak kaya bawal sila kahit tumikim man lang. well good for them. But for him, he would rather get drunk than take his drunken cousin’s home. Na syang palaging ginawa ng dalawa nilang pinasan. Taga alaga ng mga lasing. That’s the family Montreal, they care about each other. “Huwag kanang magsayang ng laway mo para paalalahanan iyan.” Patamad na saway ni Jack kay Ivan at sumimsim uli sa alak na nasa baso nito. Kilalang kilala na kasi sya nito. Parang sumusuko namang napabuga ng hangin si Ivan. “Ang sa akin lang naman ay kung may problema ay pwede naman syang magsabi sa atin hindi ang tang*nang bote ng alak na ito ang kaharap nya.” Inis pa nitong inilayo ang mamahaling alak na nasa harapan nya. Mabigat din syang napabuga ng hangin saka itinungga lahat ang laman ng kanyang baso. Alam nyang lasing na sya dahil halos hindi na nya maidilat ang mga mata pero bakit tang*na?! Hindi parin maalis alis ang sakit sa dibdib nya at ang parang batong nakabara sa kanyang lalamunan. Bakit napakahirap sa kanya ang mabuhay ng normal? Palagi nalang may balaked sa kaligayan nya. Mariin nyang naipikit ang mga mata at napakuyom nalang sya sa kanyang mga kamao. Natigil din sa pagkain ang kambal at mataman ng nakikiramdam sa kanila. Naramdaman nya ang pagtapik nito sa kanyang balikat. “You know we are just here at handa kang damayan sa ano mang oras pero hindi ka namin matutulungan kung palagi mo nalang kinikimkim mag isa kung ano man ang problema.” Tinapik tapik uli nito ang kanyang balikat pero may bigat ang mga iyon. “Sino na naman kaya ang mang iistorbo ng ganitong oras?” Naalimpungatan si Shannon sa kaluskos ng kaibigan at ang pagbukas nito ng kanilang pintuan. Nauulinigan nyang may kausap ito. “Tulog na sya.” Masungit nito sagot sa kausap. Hinihila uli sya ng antok pero naririnig parin nya ang mga boses ng mga ito. “Kaya nga pakigising miss dahil kailangan sya ng Master namin.” Napakunot sya ng noo, kilala nya ang boses na iyon kaya pilit nyang nilalabanan ang antok. Bumangon sya at hinagilap ang kanyang slipper at kinusot pa ang mata bago tinungo ang pintuan ng kanyang silid. “Bakla sino ang kausap mo?” Antok nyang tanong at nabitin ang paghikab nya ng makita kung sino ang nasa pintuan nila. Biglang nagising ang kanyang diwa. Pansamantala syang hindi nakahuma pero nakabawi din agad. Agad syang lumapit sa mga ito. “Baks pulis daw ang kasama niya at pinapagising ka.” Halatang natatakot na ang kanyang kaibigan. Kumakabog na din ang kanyang dibdib. “M-may kailangan kayo?” Tanong nya na pilit pinapatatag ang boses. “Hindi ko alam kung ano ang problema nyo ng pinsan ko pero kailangan ka nya ngayon.” Si Jack ang sumagot. Pinsang pulis daw ito ni Renz. Napalunok sya dahil parang may nagbara sa kanyang lalamunan. “M-may nangyari na naman ba?” Hindi nya maitago ang pag aalala dahil baka puro pasa na naman ang demonyong iyon! Pinaglipat lipat nya ang tingin dito at kay Garry na tahimik lang na nakamasid. Napabuntong hininga si Jack. “He needs you right now.” Maiksi pero may pakiusap nitong sagot. Hindi sya agad nakaimik. Kinalabit sya ng kanyang kaibigan. “Kilala mo sila baks?” May pag aalala parin na tanong nito at paminsan minsan ding tumitingin kay Garry. Tsk! Nakakatakot naman kasi si kuya Garry, para hindi ba gagawa ng mabuti. Pero sa iksi ng panahon nakilala nya ang mga ito ay medyo napapalagay na din ang loob nya. Hindi na kagaya ng una na parang nanginginig na ang tuhod nya pag tinignan sya ng mga ito. Kimi nya itong nginitian. “Huwag kang matakot, kilala ko sila. Pagpapakalma nya dito dahil ramdam nya ang panlalamig ng palad nitong nakawak sa braso nya at bahagyan pa iyong nanginginig. Nagsalubong ang kilay nito at parang inaarok kung nagsasabi sya ng totoo. “Kailan at papaano?” Nagtataka nitong tanong. “Saka ko nalang ikwekwento sayo.” “Will you come with us?” Untag sa kanya ni Jack. “Anong will you come with us ang sinasabi mo dyan? Anong oras na kaya tapos isasama nyo pa sya?”Mataray na sabad nito kay Jack. “Miss, wala kaming gagawing masama sa kaibigan mo.” Parang pinipigil mairita si Jack sa kanyang kaibigan. Inirapan ito ni Jessica. “Kahit na! Babae parin sya at baka hindi kayo aware sa oras?! Madaling araw na po kaya.” Patuloy na talak nito. Napahilot naman sa noo si Jack at kitang kita nya ang pagkagat nito sa labi na para bang kinakalma ang sarili. “Baks, okey lang. kilala ko sila.” “So sasama ka?” Sikat nitong tanong. Parang naging ngiwi ang kanyang ngiti. Nagpapadyak ito ng paa. “Baks naman eh.. sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala kahit pa sabihing pulis iyan.. papaano nalang kung repist ang—-“ “What the f**k—-“ hindi maituloy ni Jack ang pagmumura dahil pinandilatan na ng mata ito ng mataray nyang kaibigan. “Hey... huwag na huwag mo akong mawhat the f**k what the f**k diyan! Kahit pa ikaw ang pinakagwapong pulis sa mundo ay hindi parin nakakasigurado sa kaligtasan ng kaibigan ko!” Inis na dinuro pa nito si Jack. “Baks” pigil nya dito pero parang gusto nyang matawa dahil halata ang pamumula ang taynga ni Jack. Inirapan din sya ng kaibigan. “Sige pero sasama ako! Pasalamat ka at wala tayong pasok bukas, dahil kung hindi nungkang papayagan kita kahit presidente pa ng pilipinas ang susundo sayo.” Anito saka na nagmartsang pumasok uli sa loob ng kwarto nito. “Hintayin nyo ako kukuha lang ako ng Jacket ko!” Bahabol nito sigaw. Napapakamot sya ng ulo na sinundan nalang ito ng tingin bago nya binalingan si Jack. “Pasinsya na,mataray lang talaga iyan pero mabait naman.” Tahimik silang apat sa loob ng kotse pero palagi parin nyang nahuhuli ang pag irap ng kaibigan kay Jack kaya pinipigil nya ang matawa. Mahigpit na humawak sa braso nya ang kaibigan habang papasok sila sa bahay ni Renz na para bang mawawala ito pag bumitiw sa kanya. “Wow baks,” manghang bulong pa nito habang inililibot ang mata sa loob. “Garry samahan mo si Miss— ang kasama ni Miss Shannon sa isang guest room.” Utos ni Jack kay kuya Garry. Hindi nya mapigilang mapangiti dahil parang kinapa pa sa isip nito ang pangalan ng kanyang kasama na palaging nakairap. “Tayka—“ apila pa ng kaibigan. “Baks okey lang.. mabait si kuya Garry.” Pagpapakalma nya dito. Inirapan din sya. “Marami kang ipapaliwanag sa akin.” Napangiwi nalang sya at napakamot sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD