“Anong nangyari sayo?” Nagtatakang tanong ng kaibigan ng humahangos syang lumabas galing sa kanyang silid. Nagmamadali nyang kinuha ang pitcher na may lamang tubig na nasa ibabaw ng pandalawan nilang mesa at nagsalin agad ng tubig sa malinis na basong nakataob lang din doon.
Nagtataka naman ang kanyang kaibigan habang nakatingin lang sa kanya. “Binangungot kaba kaya ka ganyan ngayon?” Hindi maalis alis ang kunot noo nitong tanong.
Ilang hinga pa ang pinakawalan nya bago unti unting bumalik ang t***k ng kanyang puso.
Nag-iwas muna sya ng tingin dito bago sumagot. “M-may g-gumapang lang na ipis sa akin kaya nabigla ako.” Palusot nya.
Hindi ito agad nakaimik kaya hindi nya alam kung naniwala ba ito sa sinabi nya.
“Akala ko ba ay uuwi ka?”Pag-iiwas nya para hindi na ito magtanong.
Nakahinga sya ng maluwag ng binalikan uli nito ang niluluto. “Pagkatapos kong kumain. Baka kasi tanghaliin na naman ako sa crossing mamaya habang naghihintay na mapuno ang tricycle na tutungo sa amin.
Napabuntong hininga sya. “Bakit hindi mo nalang kasi arkilahin para hindi kana maghintay ng matagal.” Punuhan daw muna kasi ang mga tricycle bago sumibad kaya medyo may katagalan din itong maghihintay. Sa baryo pa kasi ang mga ito at madalang lang din ang nagtutungo sa bayan.
Inilapag nito sa harapan nya ang pretong itlog at tuyo na katatapos lang nitong iprenito. “Sus.. sayang ang pera. Pang allowance na iyong ng dalawang kapatid ko.” Dinampot nito ang bawang at sinimulang maggisa para sa sinangag na kanin. Kung saan ito nagpreto ay doon na din ito nagsangag ng kanin.
“Sigurado kang hindi mo kailangan ng tulong bakla?” Maingat nyang tanong. Naaawana na din kasi sya sa sobrang pagtitipid nito.
Narinig nya ang mahina nitong tawa pero ramdam nya ang lungkot doon at parang nahihiya pa. “Kaya ko pa. Hindi ko pa nga nakakalahating bayaran iyong naibigay mo noong nahospital si tatay.” Anito na nasa sinasangag parin ang tingin.
Napanguso sya. “Ikaw lang naman kasi. Sabi naman kasi sayong huwag mo na akong bayaran dahil halos wala naman akong ibang pinagkakagastosan.”
Pinatay nito ang kalan bago ito bumaling sa kanya. “Pagtatalunan na naman ba natin iyan?”
Tumayo sya at kumuha ng plato at mga kutsara. Dalawang pares iyon pero hindi pa sya kakain.
Inilapag nito uli sa mesa ang sinangag na kanin.
“Pabayaan mo na iyang kawali dyan ako na ang maghuhugas mamaya.” Maagap nyang bawal dito ng makitang huhugasan na sana nito agad ang kawali na pinaglutoan nito. Ganon sila, masikip lang kasi ang lababo nila kaya agad nilang hinuhugasan ang mga pinaglutoan. “Baka tanghaliin kapa sa daan.” Mabuti nalang at agad naman itong nagpabawal, hinarap na din nya ang pagtitimpla ng kape nilang dalawa.
Nagsandok naman ito ng kanin. “Ikaw, hindi kaba uuwi?” Tanong nito at sinimulan ng kumain.
Inilapag nya ang tinimplang kape sa tabi nito. “Mamayang hapon na siguro. Wala pa sila papa eh,” isinama kasi ang kanyang ama papuntang Davao.
“Hindi pa ba bumabalik sa ibang bansa iyong anak nila Mr Aragon?” Tanong nito na halatang minamadali ang pagkain.
“Hindi ko alam,” napaisip din sya, hindi pa kasi nya nakakausap si Kenneth.
Hindi na din ito umimik at pinagpatuloy ang pagkain.
“Next week na pala ang birthday ni papa, punta tayo ha. Friday naman iyon kaya after ng klase natin ay deretso na tayo sa Mansyon tapos doon kana din matulog. ‘Hatid kana lang namin sa sakayan ng bus kung uuwi ka uli sa bahay ninyo.” Pag iimbita nya dito.
Nanlaki ang mata nito. “As in sa Mansyon ng Aragon?!”
Napangiti sya. Hindi pa kasi nakakapasyal doon ang kaibigan. Palagi kasing ang tatay nya ang lumuluwas pag kaarawan nito para makasama sya. “Oo, naipagpaalam naman na kita kaya okey lang na doon kana din matulog.” Hindi naman sya pinagbabawalan magdala ng kaibgan doon pero sinanay kasi sya ng papa nya na huwag kung sino sino ang niyayaya nyang pumasok doon dahil trabahador lang sila. Kahit pa parang kapamilya na ang turing sa kanya ng mga Aragon.
Parang bigla namang naexcite ang kanyang kaibigan. “Nandoon ba iyong mga pinsang hilaw mo?” Kumikislap pa ang mga mata nito. Crush kasi nito si kuya Sky at palaging nakaabang sa magazine kung saan naka feature ang anak ng pitong magkakaibigan na hinahangaan at tinitingala sa lipunan, hindi lang sa sobrang yaman ng mga ito at magaling sa pagnenegosyo kundi dahil sa tibay ng samahan ng mga ito.
Ayon kay Mommy ganda, hindi naman daw kasali doon dati si daddy pogi nya pero palagi daw itong hinahatak ng anim kaya naging pito sila.
“Hindi ko alam eh, pero si Kenneth paniguradong nandoon sya.” Masaya nyang sagot.
Parang nanghinayang naman ang kaibigan. “Hay sayang,”
Napangisi sya. “Huwag kang manghinayang dyan dahil pogi din naman si Kenneth.”
Napanguso ito. “Palagi namang madilim ang mukha noon.” Bahagyan pa syang inirapan kaya napatawa sya.
“Hindi mo pa kaya sya nakikita ng personal. O sige, try kong tawagan si kuya tanongin ko kung makakapunta sila. Alam mo namang sa Davao pa ang mga iyon.”
Biglang bumalik ang kislap sa mga mata nito. “Sige. Kahit isang picture lang namin dalawa na magkasama ay okey na ako.” Para itong sinisilihan sa kilig.
Natawa sya. Natutuwa sya dito dahil ang babaw ng kaligayahan. “Bilisan mo ng kumain para makauwi kana.”
Pansamantala nyang nakalimutan ang lalaking natutulog pa sa kanyang silid.
Paktay! Baka gising na iyon!
“Iwanan mo nalang ang pinagkainan mo sa lababo at ako nalang maghuhugas may gagawin lang ako sa kwarto.” Mabilis nyang tinungga ang kape at saka na tumayo.
“Sigurado ka bakla?”
“Tsk! Bilis na at tatanghaliin kana!” Pagmamadali pa nya saka na tuluyan itong iniwan.
Maingat nyang binuksan ang pintoan at nadatnan parin nya itong tulog na tulog habang yakap yakap ang unan nya. At gusto nyang maiskandalo dahil wala ang kumot na nakatakip sa katawan nito dahil nasa lapag na iyon. Pinulot nya iyon at itinakip agad sa maskulado nitong katawan.
Napakalaki nito. Kayang kaya syang itago sa mala bakal nitong bisig. Malalaki at magaganda ang katawan ng mga kabinatahang Aragon pero mas malaki ang katawan nito na parang siksik na siksik talaga ang muscle. Mas malaki pa yata ang katawan nito kay kuya Russel na batak na batak sa trabaho sa farm. Si kuya Russel ay ang panganay na anak ni Tito Ron na magsasaka. Hehe...
Napakunot syang noo. ‘Puyat siguro ang demonyong ito kaya ang sarap parin ng tulog.’ Bulong nya.
Umupo sya sa side kung saan ito nakaharap at pinanood ang pantay pantay nitong paghinga.
Inangat nya ang kamay para haplosin ang kulubot nitong mukha. At kagaya noong una ay nandoon na naman iyong kakaibang pakiramdam habang nakatitig at habang hinahaplos ang mga iyon.
Hindi nya maiwasang maalala ang kanyang ina.
Binawian ito ng buhay dahil sa sunog. Palagi nyang naiimagine ang dinanas nitong sakit habang nasusunog itong buhay at sa tuwina ay hindi nya maiwasan ang hindi maluha. At palagi nyang tinatanong ang Diyos kung bakit sa ganoong paraan pa nya kinuha ang kanyang ina. Bakit hindi nalang iyong natulog tapos hindi na nagising. Iyong sanang hindi na ito nakaramdam ng sakit bago binawian ng buhay.
“Umiiyak ka?” Napakislot sya ng ginagap nito ang palad nya. Mabilis nyang kinapa ang kanyang pisngi.
Basa nga! Mabilis nyang ipinihit ang katawan patalikod dito at pinahid ang kanyang pisngi gamit kamay na hindi nito hawak.
“Hehe.. pasinsya na, may naalala lang ako— Ayyy!!” Impit syang napatili ng hilahin sya nito at biglang ikinulong sa matitigas nitong bisig.
“Shhh...” pagpapatahimik nito sa kanya.
Tok!tok!tok!”bakla alis na ako!” Sigaw ng kaibigan mula sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto.
Bigla syang nataranta. “O-oo bakla. Ingat! Ikumusta mo nalang ako kila tito.” Halos hindi sya makasagot ng maayos sa kaibigan dahil sa sobrang kabog ng kanyang puso at ang demonyong nakalingkis sa kanya ay parang natutuwa pa pag natutuliro sya. Papaano nalang pag binuksan ni Jessica ang pintuan ng kwarto nya!
Nakahinga sya ng maluwag ng marinig ang kaluskos papalayo sa pintuan at ang langingit ng pintuan nila sa labas.
Mariin nyang kinurot ang braso nitong nakapulupot sa kanyang baywang. “Nakakainis ka talaga!” Nang gigil sya sa sobrang inis dito pero tinawanan lang sya habang hinuhuli ang kanyang kamay at tuluyang pinagsalikop nito ang mga iyon para hindi na nya makurot ito.
“Ang sakit non sweetie ha. Buntis kana ba at ang sakit mong mangurot!” Alam nyang birong tanong lang iyon pero namula ang kanyang mukha at parang natigilan din ito sa sariling biro.
Parang naging awkward ang hangin sa kanilang paligid.
Tumikhim ito na parang nag-alis lang ng bara sa lalamunan. Akala nya ay magsasalita pero isiniksik lang uli ang mukha sa buhok nya.
Tumikhim sya. “W-wala kabang trabaho ngayon?” Kaswal nyang tanong.
Parang sinamyo naman muna nito ang amoy ng buhok nya bago sya sinagot. “Wala kang pasok kaya wala din akong pasok.”
Nakaramdam sya ng inis dahil hindi naman seryoso ang sagot ito. “Uuwi ako kaya bumangon kana para makauwi kana.” Inis nyang binaklas ang braso nito pero mahigpit iyon.
“Gusto muna kitang makasama.” Mahina nitong wika na hindi man lang tumitinag sa likuran nya.
Lalo syang nainis. Napatawa sya ng mapakla. “Gustong makasama? Tapos bigla kang hindi magpaparamdam, tapos lilitaw ulit kung kailan mo naisin?” Sarkastiko nyang tanong. Masama ang loob nya dito. Dahil pakiramdam nya ay pinaglalaroan lang sya nito.
Hindi agad ito nakaimik pero ramdam nya ang pagkatense ng katawan nito dahil bahagyang nag galawan ang mga muscles nito.
“I’m sorry.” Anas lang nito na lalo nyang ikinainis.
“Sorry? Iyon lang ang sasabihin mo?” Pinipigil nya ang sarili na huwag itong sigawan. Inaalis nya ang braso nito sa kanyang baywang pero mahigpit parin iyon.
“I miss you.” Pabulong uli iyon.
Natigilan sya. “Dapat ba akong maniwala?” Nanunuya nyang tanong.
Pinihit sya nito paharap at mas hinapit nito ang kanyang baywang. Nagtama ang kanilang mga mata at ilang sigundo din na naghinang ang mga iyon. Hindi nya maiwasang mapalunok ng mabasa ang emosyon doon. Bumaba ang mata nito sa kanyang mga labi at kitang kita nya ang paggalaw ng lalamunan nito.
“When I say I missed you, you must believe me because I don't know how to say a word that is meaningless.” Seryoso nitong pahayag.
“Then bakit ngayon ka lang?” Hindi na nya itinago ang pagdaramdam.
Hinaplos nito ang kanyang mukha pero ilang saglit lang ay nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Binaba nito ang kamay na humahaplos sa mukha nya saka tumihaya at napahilot sa sariling noo na para bang may mali sa nangyayari at narinig pa nya ang isang mahinang mura galing dito at bahagyang pag taas baba ng dibdib.
Napakunot noo sya. “May problema?” Nagtataka nyang tanong.
“I'm just not used to how I feel right now. I'm not used to being asked kung saan ako galing at kung bakit ngayon lang ako nagpakita. Hindi ako sanay na may naghihintay sa akin at may nag aalala sa akin.” Hindi nya alam kung natutuwa ba ito o nagagalit.
Hindi sya nakaimik.
Napabuga uli ito ng hangin na para bang may mabigat sa dibdib nito. “I don’t want to hurt you pero—- I can’t promise you anything— I can’t be with you gaya ng gusto at inaasahan mo sa akin.”
Parang biglang tumagos ang tingin nya dito dahil hindi pa man ay parang pinipiga na ang kanyang puso. Pilit nyang pinipigilan ang kanyang luha.
“Bakit nandito ka? Bakit patuloy mo parin akong ginugulo kung ayaw mo din palang mangako? Magiging ano ako sayo? Parausan mo pag sumasakit ang puson mo. Gagawin mong yakap mo pag hindi ka makatulog?” Halos manginig ang kanyang boses dahil sa pinipigil nyang iyak.
Hindi ito umimik.
Bumangon sya at mahinang suntok sa dibdib nito ang ginawa nya. Paisa isa lang iyon pero habang lumalabo ang paningin nya ay naging sunod sunod ang suntok nya dito.
Hinuli nito ang kamay nya. “I’m sorry kung hindi ko mapigilan. Kahit na anong gusto kong iwasan ka pero hinahanap parin kita. Ayaw ko ng matulog ng wala ka sa tabi ko.” Ramdam din nya ang paghihirap sa boses nito.
“Pero bakit?” Naguguluhan nyang tanong?
Inabot nito ang pisngi nya at pinunas ang luha nya doon. “Marami pa akong dapat ayosin, dapat na tuklasin sa pagkatao ko. At habang binubuo ko ang sarili ko ay ayaw kong nandyan ka, naghihintay kung kailan ako darating at kailan uli ako mawawala.” Mabigat nitong paliwanag.
Marahas nyang binawi ang kamay dito. “Bumalik ka lang dito para magpaalam, ganon ba?” Punong puno ng pait nyang tanong?
Bumangon din ito at pinihit sya paharap dito. Masuyo nitong itinaas ang baba nya at isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi nito. “Ayaw kong sabihin sayong hintayin mo ang pagbabalik ko dahil ayaw kong umasa ka. Pero babalikan kita, kung nakahanap kana ng taong magpapasaya sayo sa mga oras na iyon ay tatanggapin ko.”
Nag unahan uli ang kanyang mga luha. Bakit ang sakit! “Galit ako sayo ang sama mo.” Humihikbi nya sumabat dito. Mali ba sya ng taong pinag alayan ng una nyang pag ibig?