Chapter 4

1951 Words
"Ready kana Sha-- wow... alam ko ng maganda at sexy ka pero hindi ko parin maiwasang mamangha. Grabe Shan... ang sexy mo!!!" Impit na tili ng kanyang kaibgan ng bigla nalang itong pumasok sa kwarto nya. Ito ang kasama nya sa apartment at isa ding teacher sa Monterial University. "Kung makawow naman ito, ikaw nga dyan may pa bare back kapa." Aniya na sinipat pa ang makinis nitong likod. Tumawa ito at hinawi pa ang buhok. "Alam mong dyan lang naman ako bumabawi sa pagiging makinis. eh ikaw, makinis na nga tinalo pa ang coca cola 8oz ang katawan tapos ang ganda ganda pa. Ikaw na talaga pero---" "May kaliitan lang." Pagtatapos nya sa sinabi nito dahil alam na nya ang susunod. Memoryadong memoryado na nya dahil palagi nyang naririnig ang papuri nito at pang mamurder nito sa hight nya. Eh anong magagawa nya kung hindi talaga sya pinagpala sa laki. 5'2 lang kasi sya. Tumawa ang kanyang kaibigan. "Tara na, baka lasing na ang birthday girl pag dumating tayo sa bar." Yaya nito. Birthday kasi ng isa nilang kaibigan at nakatrip magbar dahil kabrebreak lang nito sa nobyo nito. Buti nalang at Saturday bukas, wala silang pasok. Dahil paniguradong malalasing na naman sila. "Magdala ka pala ng cash Shan, dahil wala tayong pang taxi hindi kasi ako nakapagcash out kanina." Paalala nito saka na binirahan ng labas. Napakamot sya sa kanyang ulo, pati pala sya, magkano lang ang cash nya. Biglang nagliwang ang mukha nya ng maalala na iyong pera sa bag nya noong umuwi sya. Dali dali nyang kinalkal iyon at inilabas ang kailangan. Basta nalang nyang kinuha. Wala naman sigurong holdaper sa daan. Ang ingay nilang magkaibigan sa loob ng taxi. Halatang nakaparty mood talaga sila. Well, madalang lang naman nilang gawin ito kaya susulitin na nya. "Sana mahanap ko na ngayon ang prince charming ko." Parang nangangarap pang sabi ni Marinel. "Nakaka miss na ding magkaroon ng jowa." Anito na napanguso pa. "Iwan ko sayo." Mahina syang natawa habang napapailing. "Hoy ang dry talaga ng buhay mo. Masubukan mo lang madiligan baka ayaw mo ng tigilan." Parang bangag talaga. Hindi pa ito lasing ha. Napangiwi sya. "Bakit naman kasi magpapadilig ako eh, hindi naman ako tuyot." Napasapo sya sa ulo ng sapokin nya nito, mahina lang naman. Lambingan na nila iyon. "Bakit tuyot lang ba ang dinidiligan? Mas gusto pa kaya nilang diligan iyong naglalawa na sa basa. Hmmmp... wala kasing alam sa s*x kaya napag iiwanan." Sabay irap nito sa kanya. Pinandilatan nya ito ng mata at tinangkang takpan ang bibig nito dahil baka marinig sila ng driver. Ang lakas lakas pa naman ng boses. "Ikaw bruha ka ha. Para kang hindi teacher kung magsalita. Pag ikaw nabuntis dyan sa sinasabi mong dilig dilig na iyan, hindi lang sapok ang abot mo sa akin." Tumawa lang ito. Gustong gusto talaga nitong dinudumihan ang virhin nyang isip. "Hanap muna ako ng bubuntis sa akin." Kindat pa nito kaya napailing nalang sya. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bar a hindi nga sila nagkamali dahil lumalaklak na ang dalawa pa nilang kaibigan at namumula mula na din ang mukha. Apat lang sila pero sobrang ingay nila. Si Cristy, ang iniwan. Si Tamina, ang pinagpalit. Si Marinel, ang naghahanap ang boyfriend. At sya NBSB. Puro sila mga loveless. "Bibilang ako ng tatlo Berto kakalimutan na kita!" Sigaw ni Cristy. Akala yata nito ay nasa rooftop sila. Nakapikit na kasi dahil sa sobrang kalasingan. "Isa!!!! Isa!!!! Tang*na ka! Ang yabang mo pero ang liit naman ng t*t* mo!" Ang lakas ng tawa nila pero napatakip sya sa kanyang taynga dahil sa sinabi nito. "Dalawa!!! Dalawa!!!" Sumabay sa malakas na tugtog ang boses ng kabigan. "Tang*na mo! Hindi ako katutulog ngayong gabi ng wala kang kapalit!" Tinungga nito lahat ng laman ng baso nito. "Apat!!!--" "Tanga! Teacher ka pero hindi ka marunong magbilang. Tatlo muna bago apat!" Batok ni Tamina kay Cristy na halos masubsob dahil sa kalasingan. Tawanan uli sila. Iinom na sana sya sa baso nya ng naagaw ng atensyon nya kumislap sa balcony. Naningkit ang mga mata nya para maaninagan nyang maayos ang mga nandoon. Ganon nalang ang panlalaki ng mga iyon nang biglang lumapit ang malaking mama doon sa lalaking may takip ang mukha at may ibinulong dito. Hindi sya pwedeng magkamali. Naalala nya tuloy ang perang ibinigay sa kanya. 'Tama! Kailangan kung ibalik iyon." Aniya saka na tumayo. "Oi, saan ka pupunta ha?" Pigil ni Marinel ang kanyang braso. "Restroom lang." Aniya saka na nagmamadaling umalis. Dali dali syang umakyat sa hagdan pero pagkaakyat nya ay may dalawang lalaking nakabantay sa pintoan. Ngayon nya lang napansin na nakaglass wall pala ang sa taas. "Saan ka pupunta miss?" Hindi nakakatakot ang itsura ng mga ito pero masyadong seryoso. "May ibibigay lang po ako sa loob." Aniya. "Hindi ka pwedeng basta basta nalang pumasok sa loob." Pigil pa noong isa. Pananguso sya. Ipinakita nya ang sling bag nyang kulay pula. "May ibibigay lang ako doon sa mamang may maskara." "Siya na siguro iyong hinihintay nila." Mahina pero dinig nya ang pag uusap ng mga ito. "Sige pumasok kana." Seryosong tango ng isa at pinagbukasan na sya. Bigla syang nanlamig dahil ang lamig pala sa loob at biglang naging tahimik. Soundproof pala pero kitang kita ang mga nagsasayawan sa baba. At nasa gitna pa talaga ang mga kaibigan nyang mukhang nagwawala sa pagsasaway. Natuong ang atensyon nya doon. "Are you came here to do your work or what?" Napalingon sya sa nagsalita. Napamaang sya dahil nakatingin lahat ng tao sa kanya. Lihim syang napalunok at bahagyang iginala ang tingin. Mga fifteen na katao ang nasa loob. Natatandaan nya ang dalawang mamang maskulado. Nakatayo ang mga ito sa likoran ang isang lalaking may gintong maskara. Kahit na nakaupo ito ay nagsusumigaw ang kakisigan kahit pa may harang ang mukha. Nakaupo ang mga ito sa black lether couch. Sa bandang kalewang halera ng upuan ay nakaupo naman ang dalawang lalaki na may kanya kanyang babaeng nililingkis. Iyong isa ay may nakakadung pa. Tapos sa bandang tapat ng lalaking may maskara ay dalawa ding lalaki na may katabi din babae. Parang walang pakialam iyong isang lalaki sa kaharap nito dahil patuloy parin sa pakikipaglaplapan. Nanpangiwi syang nag iwas ng tingin. Sa gitna ng mga nito ay may mesa na pinapatungan ng ilang bote ng alak at mga baso. Lahat ng lalaking nakaupo ay pawang nakabusiness suit at sila mamang maskulado ay nakaitim na damit na hapit na hapit sa katawan ng mga ito. Mabuti nalang at hindi nya niyaya ang mga kaibigan. Sigurado nya kasing maglalaway ang mga ito sa mga lalaking nasa harapan nya ngayon. "Did you bring the item " tanong ng may kandung na babae. Napakunot sya ng noo na parang napaisip pa. Pero agad din nyang naalala ang pakay. "Ah. Oho." Aniya at mabilis na kinalkal ang bag. Baka iyong pera ang tinutukoy nito. Fifty thousand din kasi iyon. Mga baliw kasi. Sino ba naman kasi ang nagsabing bigyan sya ng ganoong kalaking pera. Lumapit sya banda doon sa may masakara dahil ang mga ito naman ang nagbigay sa kanya ng pera. Nilunok nya ang kaba dahil pakiramdam nya ay kinakain sya ng buhay ng mga tao sa loob. Lalo na ang taong nakamaskara. . Lumapit sya at tahimik na ibinaba sa harapan nito ang pera. "What is that?" Kinilabotan sya sa tuno ng boses nito. Napakagat sya sa kanyang kabi dahil kinakabahan talaga sya. "Pera." Sagot na. Totoo namang pera iyon pero parang hindi nito nagustohan ang sagot nya dahil nakita nyang gumalaw ang panga nito. Napakamot sya sa ulo. "H-hindi ko kailangan ang pera nyo. Ang gusto ko lang naman noon ay magsorry sila Mamang-- ano sa akin." Aniya na nag iwas ng tingin. "What the f**k is this Ivan Gabriel Monterial." Mahinahon iyon pero ibang kilabot ang hatid sa kanya. "What--? Why me? Ikaw ang nagbayad sa kanya." Naguguluhan din sabi noong taong nakikipaglaplapan. "I need that f*****g item now, idiot!" Dumagondong ang sigaw nito sa loob ng silid kaya napacover pa sya sa sarili dahil sa gulat. "You! Where's the item? Ilabas mo! Or else I will f*****g kill you!" Baling na sigaw nito sa kanya. Halos mabasag yata ang eardrum nya dahil sa lakas ng boses nito. Ang lapit lapit lang pero kung makasigaw-- Masama nya itong tinignan. "Gago kaba?! Iyan lang ang ibinigay nyo sa akin noo-- sandali oi... bakit mo kinuha ang bag ko--oi akin na iyan. Bakit mo pina--" Nanlaki ang mata nya ng basta nalang nitong hinawi ang ibabaw ng table at doon ibinuhos ang laman ng kanyang bag. Pipigilan sana nya ito pero maagap syang hinawakan sa magkabilang braso ng mga maskuladong mama. "Hoy!!! Anong ginagawa mo sa mga gamit ko--- huwag mong buksan--- tang*na napkin ko iyan!!?" Sigaw nya ng bulatlatin pa nito ang sanitary napkin nya na hindi pa bukas. "f**k!!!" Mura nito na napasuntok pa sa mesa kaya talbugan ang mga gamit doon. "Saglit lang--" "You f*****g shut up!" Marahas itong bumaling sa kanya. Tumayo ito at kitang kita nya ang panlilisik ng mga mata nito. Napaatras sya ng lumapit ito sa kanya pero mahigpit sya pinigilan ng dalawang nakahawak sa kanya. Pilit syang pumapalag dahil mas natatakot sya sa kaharap ngayon kasya sa dalawang nakahawak sa kanya. "Bitiwan nyo ako, ano ba!" Pilit syang kumakawala pero parang wala lang dito ang lakas nya. Nanghihina na sya pero wala man lang nagawa ang lakas nya. Pumantay ang mukha nito sa mukha nya kaya pilit nyang sinisiksik ang sarili sa dalawang mamang malalaki ang katawan pero pinipigil lang din sya. "This is my last question to you woman. Siguradohin mo lang na magugustohan ko ang sagot mo or else, I will bury you alive." Hindi nya nakikita ang emosyon sa mukha nito pero sa mga mata palang nito ay nakikita na nya kung gaano ito kabagsik. "Nasaan ang item?!" Dahil sa inis ay buong lakas nyang inapakan ito sa paa. "f**k!!!" Ungol nito na mukhang nasaktan. Lalo syang dinagsa ng kaba. "Ikaw kasi eh..." paninisi pa nya dito. "Kayo nga eh bitawan ako! Grabe kayo, dalawa pa talaga kayong humawak sa akin--" Pak! Pak pak! "Boss may mga pulis!" "s**t!" Mariing uling mura noong nakamaskara at masama pang tumingin sa kanya. At ganon nalang ang gulat nya ng bigla nalang sya nitong hatakin sa pulsohan at kinaladkad. Hindi na sya makaprotesta dahil natatakot na din sya sa mga putukang naririnig. Nag aalala sya sa mga kaibgan dahil baka kung ano nang nangyari sa mga iyon. Naglalakad lang ito habang hawak hawak sya. Samantalang sya ay hingal kabayo at halos masubsob na sa bilis ng hakbang nito. Paglabas nila sa madilim na dinaanan nila ay parking lot na at mayroon na agad sasakyan doob na naghihintay. Agad nitong binuksan iyon at halos magkanda untog untog na sya ng itulak sya nito papasok at agad ding sumunod sa kanya. "Move! you idiot!" Mura uli nito kaya padaskol syang umusog at napatili uli sya ng biglang umikot ang sasakyan. Tumilapon ang katawan nya sa pagitan ng hita nito. "Diyos ko... mamatay na ba ako ngayon? Patawarin mo po ako Diyos ko. Hindi na po ako magpapasaway basta iligtas mo--" "Will you shut the f**k up!" Inis na namang sigaw nito sa kanya. "Hoy Demonyo na kakambal ni Satanas! Kasalanan mo ito eh---" Napatigil sya bigla ng maramdaman ang malamig na bagay na dumikit sa kanyang pisngi at halos panawan sya ng dugo sa mukha ng makita kung ano iyon. "P-papatayin mo ba ako?" Nangatal bigla ang kanyang bibig. "Pag hindi ka tumigil sa kadadada mo ay malamang na iputok ko saiyo ito.And will you please... go back to your seat!" Nasa pagitan parin pala sya ng hita nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD