Chapter 3

2051 Words
"Surprise!!!" "Ayyy!!!" gulat na sigaw ni Shannon na pahawak pa sa dibdib dahil pakiramdam nya ay nahulog iyon. Pero saglit lang dahil napatakip agad sya sa kanyang bibig. Nanlaki ang mata nya. "Oh my-- oh my-- nandito kayong lahat?" Hindi makapaniwalang sambit nya. "Hello baby, how are you?" Nakangising si Kuya Sky. "Oh my god! Nandito nga kayo!!!" Tili nya na dinamba ang mga ito ng yakap. Halos matatalon sya habang nakayakap sa mga ito. Tawanan ang mga ito. "Parang gusto kong magselos ah... inuna mo pa talaga silang niyakap kaysa sa akin na kapatid mo?" Natigilan sya at nanlaki uli ang mata nya ng marinig ang boses na iyon. Agad nyang nilingon ang nagsalita. "Kenneth?!Woaahhh!!!" Sa sobrang tuwa ay agad nyang tinakbo ito at tumalon pa sya para makarga sya nito. iniyakap ang mga braso sa leeg at pinulipot nya ang binti sa baywang nito. Agad naman syang sinalo habang tumatawa. Inikot ikot pa sya habang yakap yakap nila ang isa't isa. "Woaaahhh... I miss you na talaga bunso." Aniya kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. "Wait, umiiyak kana naman ano?" Tukso nito na bahagyan pa syang inilayo pero mahigpit parin syang yumakap sa leeg nito. "Halata ngang sobra kang namiss ni babygirl Ken." Sabi naman ni Ate Light na parang tinutukso sya. Bumaba sya sa pagkakarga ni Kenneth. "Sabi kasi nya one year lang syang aalis." Nagtatampo nyang inirapan ang kapatid, ang anak nila Mami Ganda. Sobra silang close nito. Tumawa ito saka payakap na inakbayan sya. "Blame Dadi Keith, sya ang nagburo sa akin sa Hongkong." Paninisi nito sa ama nito. "Ah bakit ako? Si tito mo Jerome ang hindi maiwan ang tita Brenda mo." Salag naman ni Dadi Pogi na pinapanood lang pala sila. "Hay naku dad. Stop pointing tito Jerome dahil pareho lang kayo. You can't also live without Mom by your side." Anito sa ama. Napakamot naman si Dadi Keith na mukhang nasapol ng anak. "I don't understand you guys why you choose to build your business in the other country when you don't have a plan to stay there to manage it." Patuloy nitong sermon sa ama. "Listen to your son Manong." Pinalo naman ni Mami Ganda ang asawa ng mukhang hindi na ito nakikinig sa anak. Actually, pwede naman nilang imanage ang negosyo ng mga ito habang nandito sila sa Pilipinas. Talaga lang sinadya nitong ipadala ang anak doon para mapalawak pa ang kaalaman nito sa kanilang business. "Anyway Ate. Why you're stinky?" Kenneth wrinkled his nose. Nahihiya naman syang panalayo dito. "Yeah.. She smell like a poop." Kuya Sky said while sniffing himself. Paniguradong dumikit din ang amoy nya dito dahil mas dito sya nakayakap kanina. Napakamot sya sa ulo. "Pasinsya na po, nasabuyan kasi ako ng tubig baha kanina eh habang naghihitay ako ng bus." Paliwanag nya. Hindi na nya ikwenento ang paghaharap nya ng mga kuyang maskulado kanina dahil paniguradong mag aalala lang ang mga ito. "Bakit hindi mo nalang kasi gamitin iyong isang kotse ko dito sa bahay. Hindi din naman nagagamit iyong mga iyon." Sabi ni Kenneth. Napangiwi sya. Ilang beses na nitong sinabi iyon, pero "Alam mo namang hindi ako marunong magdrive eh." Aniya. "Tss. Until now you don't know how to drive a car? Diba pinaturoan kana namin noon." Sabi naman ni Ate Shine. "Hindi na ako nagtuloy Ate, natatakot ako eh. Baka maibangga ko uli iyong sasakyan kagaya noong nangyari sa kotse ni Dadi Pogi." Aniya na ang tinutukoy ay ang kotse ni Dadi nya Keith. Nasanay na kasi syang Dadi pogi ang tawag dito, dahil Mami Ganda ang tawag nya kay Mami Athena. "Guy's magsi ligo nga muna kayo dahil sumasakit ang ulo ko sa mga amoy ninyo." Sabi ni Mami Ganda na akbay akbay ni Dadi Pogi. Tawanan sila at inamoy uli ang sarili. Imbis na magbabus sya kanina ay nagtaxi nalang sya. Napamahal pa tuloy sya sa pamasahe. Sabay sabay na silang umakyat. Mayroon din kasi syang sariling kwarto sa Mansyon, kagaya din ng mga kwarto ng mga ito. Mamaya nalang nya siguro pupuntahan ang ama nya pagkatapos nyang maligo. Miss na miss na din kasi nya ito. Dapat kasi every weekend ay umuuwi sya pero dahil naging busy sya nitong mga nakaraan linggo ay hindi sya nakauwi. Nawala man ng maaga ang kanyang ina ay hindi nya masyadong ininda iyon dahil sa napupuno sya ng pagmamahal dahil sa mga Aragon at masyado pa kasi syang bata noong namatay ang ina nya at hindi naman talaga nya palaging nakakasama noon dahil nga nagtratrabaho na ito sa mga Aragon. Sabi ni Mami Athena nya noong bata pa sya, si Inang na daw nya ang nagbabantay sa anak nito dahil pareho na silang nasa heaven kaya ito naman ang magbabantay sa kanya. Pagkapasok nya sa kwarto ay agad nyang inalis ang bag at deretso sya agad sa banyo para maligo. Nangmakita nya ang itsura sa salamin ay bumalik uli ang inis nya. Para syang gusgusin magandang gusgusin. Atleast, maganda parin kahit na marusing sya. Napasimangot sya ng maalala iyong nangyari sa kanya. Matapos syang maligo ay tinungo nya agad servant quarter. Nandoon kasi ang kwarto ng kanyang ama. "Aling Bakekang, nakita mo si Amang?" Tanong nya ng makasalubong nya ang isa sa mga kasambahay. Si Aling Bakekang. May dala dala itong tray ng pagkain at halatang medyo aligaga. Busy siguro sila sa paghahanda ng pagkain. Tutulong nalang siguro sya mamaya pagkatapos nyang magpakita sa ama nya. May kusa naman syang tumulong sa gawain sa mansyon dahil iyon din ang itinuro sa kanya ng kanyang ama. "Oy, ikaw pala ganda. Kausap nya sila Pilo kanina. Puntahan mo nalang doon." Napangiti ito. "Sa itsura mo ngayon, sigurado kung nakita mo na iyong surpresa nila sayo ano." Lalong lumawak ang ngiti nya. "Oho." Maiksi nyang sagot. "Kami din ay masaya. Paminsan minsan nalang umuuwi dito ang mga iyon. Ang dami naming pasalubong." Tuwang tuwa na balita pa nito. Ito na yata ang pinakamatandang naninilbihan sa mansyon. Malapit din sya dito. Malapit daw na kaibigan ito ng kanyang ina. Tumanda na ito sa paninilbihan sa mga Aragon. Ganon din ang Amang nya, hindi na din ito nag asawa mula ng mamatay ang kanyang Ina. Nahanap nya ang kanyang ama na nagdidilig ng halaman habang kausap pa ang dalawang driver. Wala ng ginagawa ang mga ito dahil pagabi na din at paniguradong nasa bahay na lahat ng membro ng pamilya dahil nagsidatingan nga ang lahat. Dinig na dinig nga nya ang tawanan kanina sa living area. Ingay din ng mga bata. May kanya kanya na din kasing pamilya ang mga ibang pang apo nila Lolo Aaron at Lola Ina. Napakabait din ng mga ito sa kanya. Itinuring talaga syang apo dahil anak na daw sya nila Mami Ganda. Naalala pa nga nya noong bata pa sya. Kinukuha sya ni Mami Ganda sa kwarto ng mga ito at doon sya natutulog. Tapos noong naglilihi ito kay Kenneth ay ayaw nitong katabi si Dadi Pogi kaya naghahabilin si Dadi pogi sa kanya na bantayan nya si Mami Ganda. Tapos sa kanya pinabibigay ang mga bulaklak na ibibigay nito kasi palagi noong galit si Mami Ganda dito kahit wala naman itong ginagawang masama. Noon hindi nya maintindihan, pero ngayon, syempre alam na nya kung bakit. Dalawa lang ang naging anak nila. Si kuya Abcde at si Kenneth. Ayaw pala ni Mami na naririnig na tinatawag ng patay ang anak nya. Sabi nito, parang nararamdaman parin daw nya ang kanyang anak pero alam naman nito wala na talaga ang baby nito. Ganon daw siguro pag ina kana. Mahirap tanggapin na mawalan ka ng anak. "Manong Mario, nandito na pala si Ganda." Ani kuya Pilo na syang unang nakapansin sa kanya. Bumalin naman agad ang kanyang ama. Lumapit sya dito saka mahigpit na yumakap. "Para namang isang taon na hindi tayo nagkita." Nakangiti nitong sabi ng kanyang ama. "Parang hindi mo ako namiss." Napasimangot sya. Tumawa ito. "Syempre namiss kita." "Amang, magkwentohan tayo mamaya ha. Tutulong lang ako kila Aling Bakekang." Aniya ng kumalas sya dito ng yakap. "Kowww... para namang makakawala ka sa mga magpipinsan mamaya. Huwag mo na akong alalahanin anak." "Oo nga ganda. Kanina pa tanong ng tanong si Sir Kenneth sayo eh. Mukhang na miss ka talaga." Sabi naman ni Kuya Pilo. Napangiti sya. "Namiss nyang asarin kamu kuya." Aniya. Matapos syang magpaalam ay tinungo na nya agad ang kitchen. Hindi muna sya lalabas doon dahil paniguradong hindi na naman sya makakatulong pag nakita sya. Ayaw naman nyang samantalahin ang kabutihan ng mga ito sa kanila. Kahit naman parang pamilya na ang turing ng mga ito sa kanya ay alam parin naman nya kung saan sya lulugar. "Oi Ganda, hinahanap ka nga pala ni Sir Kenneth kanina, pero sinabi ko na pinuntahan mo ang tatay mo. Sabihin ko daw sayo na punta ka agad doon sa kanila pag bumalik ka." Ani Aling Bakekang. Napailing sya. "Mamaya nalang po ako pupunta doon. Basta huwag po ninyong sabihin na nandito ako para makatulong pa po ako sa inyo kahit kaunti lang." Aniya. Inabot ang isang apron saka iyong isinuot at sinimulan ng samsamin ang mga huhugasin. "Ano kaba, hindi mo naman trabaho iyan. Kami na dyan." Pigil nito. "Aling Bakekang, kilala nyo naman na ako diba, bayaan nyo na akong tumulong sa inyo. At saka, hindi na nga kayo magkandaugaga sa paghahanda eh." Giit nya. "Hay naku ikaw na nga ang bahala. Sige, pag nagtanong uli sya, sabihin kong hindi--" "Tsss... Talagang na kay Ate parin ang loyalty mo Aling Bakekang ha." Gulat silang nalingon kay Kenneth na nakasandal na pala sa amba ng pintuan at mataman silang pinapanood. Paniguradong narinig lahat nito ang sinabi nya. Nag iwas sya ng tingin. "Lalabas din naman ako agad pag natapos kami dito." Aniya depensa sa sarili, lihim syang napakagat sa ilalim ng kanyang bibig. Dinig nito ang pagbuga nito ng hangin. "Okey, tutulungan na kita dyan tapos sabay na tayong lumabas doon." Anito na sinimulan ng ilislis ang suot nitong longs sleeve. "Hep! Magtigil ka Kenneth." Pinanlakihan pa nya ito ng mata sabay harang. "I won't stop you from doing what you want to do, I'll help you instead." Sabi nito na inilusot ang sarili sa awang para makalapit sa mga hugasin. Nalaglag ang balikat nya. "Bakit ang tigas ng ulo mo Ken." Sumusuko nyang sabi dito. Hinarap sya at bahagyang tinaas din ang kilay. "Mana kaya ako sayo." Anito na kinuha na ang sponge. Napanguso sya. Alam naman nyang hindi sya mananalo dito. "Okey... you win. Lalabas na ako. Tigilan mo na iyan dahil baka madumihan ang ang damit mo. Kabibihis mo lang." Aniya na inalis na ang suot apron. Nadatnan nilang nagkakasihayan ang buong pamilya. "Oh Shannon." Bati agad sa kanya ni Tita Ella na kahit na medyo may edad na ay maganda parin. Ito ang dahilan kaya teacher ang kinuha nyang course. Naging teacher kasi nya ito noong nasa grade school pa sya pero umuwi din sila sa probensya at doon uli nanirahan. "Hello po Tita." Nakangiti nyang bati at saka inisa isa na humalik sa pisngi ng mga kapati ni Dadi Keith at mga asawa nito. "Hulaan ko, may boyfriend kana ano?" Pabiro sa kanya ni Tito Macky. "W-wala pa po." Kimi nyang sagot. "Aba eh.. bulag na ba ang mga kalalakihan ngayon?" "Stop that tito. Hindi pa sya pwedeng magboyfriend." Masungit na sabi ni Kenneth. "Bente sais na sya at malapit na namang madagdagan ang edad nya. Kung sa ating mga lalaki ay okey pa. Aba eh, mapag iwanan naman itong dalaga natin." Magaling talagang manukso ang mga ito. Lalong napasimangot si Kenneth. "Dadaan muna sa akin ang mga gustong manligaw sa kanya." Seryoso nitong pahayag. "Huwag mong masyadong bakuran ang ate mo Kenneth, hindi naman sya mag aasawa agad kung magboyfriend sya." Sabad naman ni Tito Macky. Napakamot sya sa ulo. Bakit ba kasi sya ang topic. Naiilang tuloy sya. "Sos nagsalita ang magaling. Papaano kung nakahanap sya ng kagaya mo na mang aasawa agad ng hindi naman nanliligaw." Sabi ni Tita Stephan sa asawa. Napatawa sila. "Honey naman." Anito na parang maamong tupa. Nakahinga sya ng maluwang nang nalihis sa kanya ang usapan. Tumabi sa kanya si Kenneth na seryoso parin ang mukha. Lihim nya itong binunggo sa balikat. Tumingin naman ito sa kanya pero mas lalo lang nangunot ang noo. Ipinagkibit nalang nya iyon ng balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD