“ganun ba ? sige tara ihahatid na kita sa inyo “ – sabi ni Kuya napatingin naman kaming dalawa ni Dewei sa kanya , Bat ang bait nyaa ngayon ?
“Kuya may sakit k aba ?” – tanong ni Dewei sa kanya
“Walaa ! sige na dali sumakay na kayo dun sa kotse , ikaw din jeon “ – sabi ni Kuya tapos hinigit na nya yung kamay ko kaya hinigit ko din yung kamay ni Dewei , pagkasakay namin dun sa kotse , ang tagal na tahimik , hanggang sa nakarating kami dun sa bahay nila Dewei
“Sige beshie , bukas na lang sa school “ – sabi ni Dewei habnag nababa ng kotse ni Kuya , kumaway naman ako sa kanya bago paandarin ni Kuya yung kotse.,
“Gusto mo bang kumain tayo ngayon sa labas ?” – tanong ni Kuya sakin
“Libre mo ?” – tanong ko din sa kanya
“Talagang nakalimutan mo aano ?” – sabi nya sakin kaya napatigil ako sa paglalagay nung tape dun sa notebook ko , ANong nakalimutan ko ? Ano bang meron ngayon ?
“Pag birthday nung kaibigan mong namatay di mo nakakalimutan , samantalang birthday ng kuya mo kinakalimutan mo “ – himutok nya sakin , kaya napangiti ako , langya ~ di ko talaga alam na birthday nya pala ngayon , Si Kaerel kasi eh !!
“Sorry kuya , ang dami ko kasing problema sa school eh , representative kasi ako ng school namin sa cooking at pastry baking na ilalaban sa ibang school “ – palusot ko sa kanya
“Talaga ?” – manghang tanong ni Kuya sakin lagi naman syang ganto , pag sinabi kong representative tuwang tuwa na sya. Tapos mabilis nyang pinatakbo yung kotse nya hanggang sa nakarating kami dun sa dati naming paboritong kainan ni Kaerel , Sana naman totoo yung sinabi sakin ni Dewei kanina , Pagkapark ni Kuya binuksan nya yung pinto nung kotse nya at pinababa ako , saka kami pumasok , umupo naman agad ako dun kung san naupo kami dati ni Kaerel , pagkaupo din ni Kuya nilapitan kami ng waiter , tapos namili na si Kuya ng kakainin namin , pag kasi si kuya ang kasama ko sya ang nasusunod sa lahat ng kakainin namin , kaya minsan ayaw kong sumama sa kanya pag kakain sa labas , pinagbigyan ko lang ngayon kasi birthday nya , baka lalong magtampo sakin pag hindi ako sumama ., pagka order ni kuya
“Kamusta naman ang grades mo sa school ?” - tanong nya sakin, nag sign ako sa kanya ng ‘better’ kaya tumango sya , kinuha ko naman yung nasa goblet na tubig sa unahan ko at ininom , habang nilalasap ko yung lasa nung tubig na may nakababad ng lemon , luminga linga naman ako sa paligid nung resto , wala pa ding kupas , pano kaya nila namamaintain itsura neto ? Ganung ganun pa din eh , pagkalingon ko dun sa may kabilang estante , halos malunok ko naman yung baso nung Makita ko si Ms. Mina at si Kaerel
“Omoo ?” – sabay baba ko dun sa goblet na hawak ko ., tapos napatingin ako kay Kuya , nakatingin din sya sakin , kinusot ko yung mata ko , baka naman namamalikmata lang ako , pagkakusot ko tinignan ko ulit yung pwesto nila Kaerel.