CHAPTER 18

1046 Words
“Kung liligawan ba kita jeon may pag-asa ba ako ?” – tanong sakin ni Mark kaya napatingil ako sa pag subo ko at napaharap ako sa kanya , tapos pinaling ko ng konti yung mata k okay Kaerel , nanlalaki din yung mata nya kay Mark , Di ko naman alam kung ano ang sasabihin k okay Mark “Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo , Alam ko namang di kappa nakakamove on dun sa kainigan mo pero willing ako mag hintay kung kelan ka maging ready “ – paliwanag nya sakin kaya nakahinga ako ng maluwag kaya kinuha ko yung tubig sa harapan ko at ininom “YAn ang gusto ko sa lalaki , Straight to the point kung dumali “ – sabi ni Dewei , di ko na kaya to , di ko na tinapos yung kinakain ko at nagpaalam na ako kela Mark , hinigit ko na din si Dewei para ngang ayaw nya pa umalis eh , pagkalaba namin dun sa Resto agad ako namara ng Bus at sinakay si Dewei, pagkaupo namin “Alam mo ikaw ang KJ mo !” – reklamo nya sakin “Ano gusto mo gawin ko dun ? alam mo naman na andun si Kaerel oh ! Di ko kaya alam gagawin ko !” – reklamo ko din sa kanya “Di ba gusto mong bumalik si Kaerel sa dating sya , alam mo gamitin mo si Mark pagselosin mo si Karry , “ – suggest sakin ni Dewei , Yun na nga yung nasa isip ko eh kaso parang di ko kaya gawin , alangan naman nagawing kung tools si Mark para lang kay Kaerel, ang sama ko naman yata nun , Gagamitin ko yung feels ni Mark sakin para lang dun ? Di na , kawawa naman yung isa “Tutulungan kita !”- suggest ulit sakin ni Dewei “Di na ~!” – agad kong sagot sa kanya , alam ko naman na ako ang nadedehado sa huli oras na tulungan ako ng baklang to , baka yung plano kung bumalik si Kaerel sa dati mabulilyaso pa. “Sa Next Station po “ – sabi ni Dewei dun sa conductor nung bus saka inabot yung bayad naming dalawa “Next Station ?” – tanong ko sa kanya , humarap naman sya sakin ng ngiting ngiti ., San pa balak pumunta ng baklang to? Mag gagabi na ayaw pa umuwi . Pinabayaan ko na si Dewei sa gusto nya saka naman ako humarap sa bintana nung bus , Kung magpapaligaw naman ako kay Mark para namang pinagpalit ko na naman si Kaerel? Pero di bas i Kaerel na nga din naman ang may sabi na wala na syang pakealam sakin ?  Kung wala na syang pakealam sakin bakit sinabi nyang allergy sya sa hipon ? Ganung hindi naman talaga ? Means concern pa din sya sakin ? Ano ba yan dahil sa ginaw ani Kaerel kanina mas lalo ako naguguluhan , Pagkatigil nung bus agad naman hinigit ni Dewei yung kamay ko , Pagkababa namin naglakad lakad kami papunta dun sa may park “Tambay muna tayo beshie ang ganda kasi ng simoy ng hangin ngayon “ – sabi nya habang patalon talon sa paglalakad , may simoy simoy pa ng hangin na nalalaman , Kung sabagay iba din yung araw na to eh , Feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko kahit nahirapan ako kanina sa sitwasyon namin , Sana naman bago ako matulog ngayon  may maganda pa munang mangyari , Kita ko naman na umupo si Dewei dun sa may bench kaya binilisan ko yung lakad ko at umupo sa tabi nya , habang nanonood kami nung mga dumadaan na sasakyan dun sa may kabilang tulay . “Alam mo beshie kung ako ang papipiliin kay Papa Kaerel at Papa Mark “ – sabi nya tapos tumingin sya sakin kaya napaimik ako ng “Ano ?” “Mas pipiliin ko pa din si Papa Kaerel” – sabi nya ulit “Bakit naman ?” – tanong ko sa kanya , Naapektuhan ba to nung kinain nya kanina at nag-iba ang ihip ng hangin ng baklang to “Kasi base dun kanina sa sinabi ni Mark na gusto ka nya ligawan , nakita ko talaga yung expression ng mukha ni Kaerel kanina , yung para bang gulat na gulat sya tapos ramdam ko sa kanya na naaasar sya kay Mark , kahit di nya sabihin o kahit di nya ipahalata ramdam na ramdam ko sa kanya , alam mo beshh kahit ganun yung turing ni Kaerel sayo ngayon , I know gusto ka pa din nya “ – paliwanag sakin ni Dewei , Di ko naman alam kung matutuwa ba ako o maiiyak dun sa sinabi nya , kung sabagay di ko naman ipipilit yung feelings ko sa kanya kung di ko din ramdam na may pake pa din sya sakin .  “Alam mo babalik din sa dati yan si Kaerel, siguro nahanap lang sya ng time para magkausap kayong dalawa , Naliwanagan na din yun kanina dahil dun sa forum na ginawa natin alam mo hindi din pala maganda yung napagdaanan nya nun , Ikaw kasi ~ pahulihin ka kasi eh di sana nakinig mo yung kwento nya “ – paninisi sakin ni Dewei , Kasalanan ko bang mahuli ako , kawasat yung nasakyan ko kanina pabagal bagal ng takbo yan tuloy inabot kami ng traffic . habang may sinasabi sakin si Dewei natanaw ko naman yung kotse ni Kuya dun sa may kabilang kalsada . “Wait ~” – sabi k okay Dewei sabay hawak sa nguso nya , tapos inaaninag ko kung kotse ba talaga ni Kuya yung nakita ko , “Ano ba , bitawan mo nga lips ko “ sabi nya sabay tanggal nung kamay ko dun sa bibig nya . “JEON!? “ “Paktay ! si Kuya nga “ – sabi k okay Dewei, di ko naman malaman kung hihigitin ko palayo si Daehwi o sasalubungin ko na lang si kuya ., Kita ko naman si Kuya na bumaba dun sa kotse nya at nagtatakbo papalapit samin  ni Daehwi “Hi bratha~ “  - bati ni Dewei kay Kuya “Anong ginagaw anyo dito ? gabi na ah ? ikaw Dewei bat hindi ka pa nauwi ?” – sunod sunod na tanong samin ni Kuya  “Pauwi na nga po kami kuya kaso napagod lang si jeon sa paglalakad kaya umupo kami dito “ – palusot ni Dewei kay Kuya , ako pa ang ginawang sangkalan ng baklang to .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD