CHAPTER 17

963 Words
“Beshie ipapakilala ka daw dun kay pogi oh ! taraa ~” – panunukso sakin ni Dewei , tapos hinila na nya ako papalapit kela Mark . pinipilit ko naman ngumiti sa kanilang dalawa ni Karry , Pagkalingon k okay Dewei ngiting – ngiti sya sakin , Kaasar tong baklang to “Jeon meet my bestfriend Kaerel Wang “ – tapos tumingin ako kay Kaerel “Kaerel , meet Yljeon Lai “ – sabi nya tapos may binulong sya kay Kaerel , ano naman kaya yung binulong ni Mark sa kanya “Nice to meet you ~” – sabi ni Kaerel tapos nilahad nya yung kamay nya sakin , napatingin naman ako nung mga time na yun kay Dewei , yung para bang gusto nyang tumawa ng malakas kaso di nya magawa “Oy beshie nakikipag kamaay yung tao oh “ – imik ni Dewei kaya napilitan na ako makipag kamay kay Kaerel , Ngayon ko lang ulit nahawakan kamay nya , para paring yung dati ang sarap pa din hawakan parang ayaw ko ng tanggalin yung kamay ko sa kamay nya “Hoy babae , sabi greet lang hindi holding hands “ – imik ni Dewei kaya bigla ako natauhan at tinanggal ko agad yung kamay ko sa kamay ni Kaerel , Nakangiti naman sakin ni Mark “kain tayo ?” – tanong ni Mark saming dalawa ni Dewei, agad naman sumang – ayon si Dewei sa kanya kaya wala na ako nagawa, habang naglalakad kami dun sa sinasabing Resto ni Mark di ko naman mapigilan yung leeg ko na pumaling kay Kaerel , nasa may likuran namin sya habang si Mark naman kasabay namin sa paglalakad , Tapos biglang pumasok sa utak ko yung plano ko , Sabagay , perfect time nga to para isagawa ko yung plano ko , Di ko naman napigilan tumawa dahil sa mga naiisip ko “May nakakatawa ba ?” – biglang tanong sakin ni Mark “Kanina pa yan ! Paliwanag ng paliwanag si Sir hindi nakikinig , bigla bigla na lang natawa “ – sabi naman ni Dewei, ngayon ka sakin Kaerel, Tignan lang natin kung hanggang san ang itatagal ng katigasan mo , Pagkadating namin dun sa resto inupo agad ako ni Mark di ko naman mapagilan ngumiti , maya maya umupo na din si Kaerel sa may harapan ko , sa katabi ko naman umupo si Mark at si Dewei “Ano gusto nyo kainin ? “ – tanong ni Mark samin , kinuha ko naman agad yung menu book para tumingin ng pwedeng makain “Jeon gusto mo ba ng Sweet & Sour Shrimp ?” – tanong sakin ni Mark bigla naman umimik yung waiter ng “Tamang – tama sir yan po ang best seller namin ngayon “ – sabi nya habang nakatayo sa may table namin “Ahm kasi Mark --- “ imik ni Dewei pero di na sya nakatapos kasi bigla din umimik si Kaerel “Allergy ako sa Shrimp, kaya pumili na lang kayo ng iba “ – sabi nya   “Allergy ka din ? Si Jeon din allergy sa Shrimp” – sabi ni Dewei habang nakaturo sya kay Kaerel “Allergy ka ? Sige iba na lang “ – sabi ni Mark kaya namili ulit sya dun sa menu ng ibang maoorder , kausap ni  Mark yung waiter  napatingin naman ako kay Kaerel sakto nakatingin din sya sakin kaya ngitian ko sya , umiwas naman agad sya ng tingin sakin , alam ko naman na hindi sya allergy sa hipon eh , paborito nya pa nga yun, pagkadating nung order namin kumain agad si Dewei , kahiya talaga tong baklang to eh , binigyan naman ako ni Mark sa plato ko , habang nakain kami … “So jeon about dun sa kwento mo kanina ? Ibig sabihin ikakasal ka na sana nun ?” – tanong sakin ni Mark “Oo kaso yun nga tinakbuhan ko yung fiancé ko “ – sabi ko naman sa kanya habang nasubo ako nung kinakain ko “Ano nangyari ? Di ba sabi mo tinakwil ka nan g mother mo ? Sino na kasama mo ngayon ?” – sunod sunod nyang tanong sakin , kita ko naman si Kaerel na subo lang din ng subo dun sa kinakain nya , wala syang pakealam dun sa mga tinatanong sakin ni Mark “Para makatapos ako nun sa paag aaral ko pumasok ako bilang waitress, tuwing lalabas ako ng school deretsyo agad ako sa trabaho ko, halos wala na akong tulog nun kasi night shift ang trabaho ko , minsan nga pag exam days yung pahinga ko galing trabaho ginagawa ko ng time paara mag review ganun ang naging Gawain ko hanggang sa makatapos ako ng Highschool , buti na lang umuwi si Kuya , simula nun sya na ang nagpa –aral sakin at nagpakain “ – kwento ko sa kanya , ok na dinm yun para malaman ni Kaerel ang naging buhay ko nun “Kawawa ka naman pala nun , Iniwan ka na nga ng Bestfriend mo tapos nag suffer ka pa dahil lang sa pagtalikod mo sa gusto ng mama mo , yun pala wala din mangyayari “ sabi ulit sakin ni Mark , Wala na akong magagawa , nangyari nay un eh . “Naku kung mamemeet mo naman yung kuya nya ngayon , matatkot ka , kahit ako takot dyan sa kuya ni Jeon eh , sa sobrang alaga nya kay Jeon handa nya akong ibaon sa lupa pag may masamang nangyari dyan kay Jeon , Daig mo pang 100karat na diamond ang turing nya kay Jeon” – sabat ni Dewei habang nakain “Kahit ako handa ko naman gawin yun oras na may masamang mangyari kay Jeon “ – sabi ni Mark habang nakatingin sakin , Bigla naman umubo si Kaerel kasi nasamid sya dun sa iniinom nya na Juice “May naamoy talaga ako eh , Umamin ka nga MArk “ – Intriga ni Dewei , kaya ngumiti si Mark feel ko naman ang init ng cheeks ko nung mga time na yun   .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD