Konti na lang , makakalabas na ako , pilit ko namang winawahi yung mga nasa unahan ko
“Ms. HRM , tek ayung price mo !” – sigaw nung announcer sakin , pero di ko na ginusto pang bumalik , Baka di ko maabutan si Kaerel , Nung time na nakalabas na ko , luminga – linga muna ako sa gilid ng Gym then nung wala akong nakita , Sinuyod ko bawat sulok at likod nung Gym , wala sila , Kaya pumunta naman ulit ako dun sa Theme Park , Nung makarating ako dun isa – isa ko tinitignan yung mga nakakasalubong kong lalaki , wala din akong makitang Kaerel , Sya na talaga yun eh , Umirap pa sya sakin , Kung multo sya eh di sana di sya kinuhit nung mga kasamahan nya , saka malakas talaga ang kutob ko buhay talaga si Kaerel
“Hoyyyy Jeooooon !!! Antay !!!!!” – sigaw ni Dewei sa likod ko tapos bahagya ko sya nilingon , Dala – dala nya yung kahon nung pressure cooker , Di ko na sya inantay magtuloy – tuloy na ako sa pagtakbo ko , Halos buong School sinuyod ko na kaso wala sya , ano ba nangyayari sakin? Nananaginip ba ako ? Tulog pa ba katawan ko ? Bat kada makikita ko sya nawawala na lang sya ? Sa sobrang pagod ko napahawak naman ko sa tuhod ko at huminga – hinga , Di pa man ako nakakabawi ng boung hininga ko , Tumakbo ulit ako hanggang sa makarating ako sa may gate , Deneretsyo ko lang yun , Napatigil na lang ako sa pagtakbo nung nakita ko na ulit si Kaerel sa labas nung gate
Napatulala naman ako sa kanya , Sya talaga to promise , Yung nakita ko kahapon at ngayon iisa at si Kaerel talaga , Anong nangyari ? Buhay talaga sya ? Sino yung dinadalaw ko sa Heavenly Garden ?
“Naabutan din kita !” – hingal na sabi sakin ni Dewei tapos binaba nya yung Pressure Cooker saka nagpapaypay ng kamay nya
“Sino ba kasi yung hinahabol mo ?’ – tanong nya sakin , then lumingon ako sa kanya tapos lumingon din ako kay Kaerel
“Sino yan ?” – tanong nya sakin tapos inaaninag nya yung mukha ni Kaerel halos di naman bumuka yung bibig kopara sabihin kay Dewei na si Kaerel yung nasa harapan nya , Saka kung multo talaga tong nasa harap ko ngayon eh di sana di sya nakikita ni Dewei , Para makasure ako tinanong ko din sya
“Nakikita mo ?” – tanong ko sa kanya tapos saba turo k okay Kaerel
“Hindi pa naman ako bulag para di ko sya Makita ? Saka ano yan langgam para di ko masight ?” – pilosopong sagot sakin ni Dewei kaya lumingon ulit ako kay Kaerel , Gusto ko sana ihakbang yung paa ko papunta sa kanya kaso di ko magawa , Humarap naman si Kaerel sa pwesto namin ni Dewei kaya napatakip na lang ako ng bibig , ngayon malapitan ko na sya nakita , Definitely BUHAY SI KAEREL ! , Tumingin muna sya sakin bago sya umayos ng pwesto dun sa bike saka pinatakbo , Nung dumaan na sya sa harap ko mas lalong malapitan ko na syang nakita , Di nya man lang ako nilingon
“Sino ba kasi yun ?” – tanong ulit sakin ni Dewei kaya nag hestirical na ako
“Si Kaerel yun Dewei ! Buhay sya ! Promise ! di multo yung nakita ko kahapon ! Si Kaerel Brian Wang yun !” – mabilis kong sabi kay Daehwi , medyo naweweirduhan naman yung reaction sakin ni Daehwi
“KAEREL !!!!!!! “ – sigaw nya , pero di man lang lumingon si Karry derederetsyo lang sya sa pagpapatakbo nung bike nya
“Di naman lumingon , Baka naman kamukha nya lang ?” – tanong ulit sakin ni Dewei , hindi eh ! Sya talaga yun , Syang –sya talaga , Di ko naman malaman gagawin ko , Pumasok naman sa isip ko yung bike na nakatali dun sa may Guard house kaya nagtatakbo ulit ako para kunin
“Ano ba ? !!!! Wala tayo sa Running Man kaya wag kang takbo ng takbo “ – sabi nya sakin habang nasunod ,Habang tinatanggal ko naman yung tali nung bike ko ..
“Mauuna na ako , magkita tayo sa inyo “ – sabi ko sa kanya tapos tuluyan ko na naalis yung tali at dali – dali ako sumakay saka pinatakbo ko ng mabilis , Una ko pinuntahan yung dating bahay nila malapit sa bahay namin kaso iba yung nakatira , Tapos pinuntahan ko dim yung mga dati naming pinupuntahan kaso wala akong nakitang Kaerel , Kung san – san na ako pumunta para hanapin sya pero kahit isang hibla ng buhok nya di ko nakita , Nung nakarating na ako sa park, tumigil muna ako ng konti , ang sakit na din kasi ng hita ko , Napatingin naman ako sa relo ko , dalawang oras na lang mag sisix na ng hapon , Nawalan na din naman ako ng pag –asa , baka tama nga si Dewei , baka kamukha lang ni Karry yun , Nung naka- recover na ako sa sakit ng hita ko , nagbike naman ako papunta sa Heavenly para kamustahin si Kaerel, Routine ko na kasi to everyday every morning and evening , Pumunta muna ako dun sa Flower shop sa park bago dumeretsyo kay Kaerel , Nung nabili ko na yung paborito nyang bulaklak , nilagay ko na sa Basket ng bike ko saka tinipa ko na ulit , Nung nakarating na ako sa puntod ni Kaerel , sinandal ko ulit yung bike ko saka kinuha yung bulaklak then tinabi ko dun sa bulaklak na dinala nung lalaki daw kaninang umaga sabi ni tatang , then umupo na ako , Mas lalo ko naman naramdaman yung pagod ko pagkaupo ko
“Hoy Kaerel naman , Pag magpapakita ka naman sakin wag mo na ako pahabulin , nakakapagod kaya maghabol sayo “ – sabi ko sa kanya habang hinihilot ko yung tuhod ko na parang tinutusok tusok sa sobrang ngimi ,
“Alam mo Kaerel kamukhang kamukha mo yung nakita ko kanina , Para talagang ikaw kaso nug tinawag sya ni Dewei sa pangalan mo di man lang sya lumingon , saka kung ikaw man yun papansinin mo naman ako diba ?” – sabi ko tapos pinapalo palo ko yung hita ko , pagkatapos ko maghilot nung hita ko , pinaputok ko naman isa – isa yung kamay ko , Di ko pa natatapos paputukin lahat may biglang may nagbaba ng bulaklak dun sa katabi nung bulaklak na nilagay ko , napangiti naman ako kasi same sya nung bulaklak na binili ko , alam na alam nya din yung gusto ni Kaerel, Siguro eto yung sinasabi ni Tatang kaya ..
“Siguro ikaw yung sinasabi ni ta—“ – napanganga na lang ako nung nakita ko mismo si Kaerel na nakatayo sa harap ko
“Ka-ka-kaerel ?” – tanong ko sa kanya tapos dahan dahan ako tumayo di ko naman maalis yung mata ko sa mukha nya , oo may nagbago man sa kanya pero ramdam ko talaga na sya si Kaerel, nakatungo lang sya nakatingin sya dun sa puntod , nagtataka naman ako , Kung buhay sya sino tong nakalibing dito ? Kita ko naman sa kanya na huminga muna sya ng malalim saka sya tumingin sakin at sa unang pagkakataon , nakinig ko ulit boses nya , di ako makapaniwala na kinakausap nya ako ngayon , nabagsak naman yung luha ko habang nagsasalita sya sakin
“Kung alam ko lang na dun ka pala napasok sa School na yun , hindi sana ako nagtransfer dun” – sabi nya sakin habang nakatitig , Walang expression yung mukha nya basta nakatingin lang sya sakin , Gustong gusto ko naman yapusin sya kaso dahil sa lamig ng pakikitungo nya sakin di ko magawang hawakan sya kaya puro pagbagsak lang ng luha ang nagagawa ko
“At isa pa wag na wag mo na akong tatawaging Kaerel , dahil yung Kaerel na kilala mo , Matagal ng nakalibing dyan sa puntod na yan , Wag na wag mo na din ako kakausapin o titignan dahil simula nung nawala ako , Kinalimutan ko na lahat tungkol sayo “ – di naman makabuka ang bibig ko sa sakit ng mga sinasabi nya sakin , Yung feeling na parang hinahampas ng martilyo yung puso mo , Halos walang pakiramdam yung buong katawan ko , Wala akong magawa kundi pakinggan na lang ang lahat ng sinasabi nya .
“Huling pagkakataon na tong mag-uusap tayo “ – sabi nya sabay talikod tapos kinuha na nya yung bike nyang nakaparking malapit dun sa puno at umalis , hindi man lang sya ulit lumingon kung san ako nakatayo , tinignan ko lang sya habang palayo ng palayo hanggang nawala na sya sa paningin ko , saka naman pumasok sa utak ko yung sinabi nyang huling pag uusap na namin yun , Yun yung word na pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya , Puro pagtatakwil lang ang narinig ko sa kanya , Yung kaerel na kilala kong mabait at palabiro , ibang iba na sa Karry na nakausap ko ngayon , Hindi na sya yung dati , Dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko habang kausap ko sya kanina , napapikit na lang ako at umiyak halos isang oras din ang tinagal kong nakapikit saka ako nagmulat ulit at tumingin sa puntod nya . Di ko naman alam kung anong gagawin ko ., Tumingin muna ako sa malayo para ikalma yung sarili ko saka kinuha ko na yung bike ko at inakay pauwi sa bahay namin .