Kukuhain ko n asana yung libro para dun sa kasunod na subject kaso
“Bat wala yung bag ko ?” – tanong ko sa sarili ko
“Aba ! malay ko sayo , Baka kinain nyang upuan mo ? Saka wala naman akong nakitang nakasakbit na bag sayo nung pumasok ka eh !” – sabi nya kaya napatungo at napahawak na lang ako sa mukha ko , Shete ! nakalimutan ko andun sa upuan katabi nung kama ko
“Bat kasi nalate ka ?” – tanong sakin ni Dewei habang nilalabas nya din yung libro nya para sa kasunod na subject
“Tinanghali ako ng gising eh “ – sabi ko sa kanya habang pinapanood ko syang buklatin yung libro nya
“Alam ko , kaya ka nalate kasi tinanghali ka ng gising , what I mean is anong pinag gagagawa mo kagabi at tinanghali ka ng gising ?” – tanong nya sakin habang may sinusulat sya
“Maniniwala k aba sakin Dewei kung sasabihin ko sayong buhay si Kaerel at nakausap ko sya kahapon ?” – sabi k okay Dewei bigla naman napatigil si Dewei dun sa sinusulat nya at tumingin sakin , yung reaction nya parang weird di ko maintindihan
“Bumangon dun sa hukay ? ganun ?” – pilosopo nyang sagot habang nakatingin sakin
“Alam mo ikaw babae ka , Kulang na lang isipin ko may nakain kang hindi maganda nung huling punta natin dun kay Papa Kaerel , Kasi simula lang naman nung dumalaw tayo netong last nagkaganyan ka na eh” – sabi nya sakin , sinabi ko na ngaba eh, hindi sya maniniwala sakin , Sino nga ba naman maniniwala sa sasabihin ko ? Kahit nga ako nung una di makapaniwala sa sarili kong buhay talaga si Kaerel eh , Siguro aakinin ko na lang to total problema ko naman to eh , labas si Dewei dito
“Hayaan mo mamayang breaktime ililibre kita ng meal para matauhan ka na dyan sa mga pinagsasasabi mo , Kulang ka lang sa gasolina “ – sabi nya tapos pinagpatuloy na ulit nya magsulat , Naki-usyoso naman ako dun sa sinusulat nya
“ano bay an ?” – tanong ko sa kanya kayaa lumingon sya sakin , tapos kumuha sya ng Papel sa bag nya at Extraa Ballpen saka binigay sakin
“Activity to girl magsagot ka na kasi pag bumalik si Sir at wala ka pang gawa , ma sususpend ka ng isang linggo sa klase nya “ – tapos nilapit nya yung upuan nya sa upuan ko saka shinare yung libro , Dali – dali naman ako nangopya sa kanya , kasi kung sisimulan ko lang ulit sa una yung pagsasagot ko at saka ko palang babasahin yung procedure kakapusin na ako sa oras , mabait naman to si Dewei sa mga gantong bagay eh kaya hinayaan nya na ako manulad sa kanya , Nung malapit na kami matapos bigla naman pumasok si Sir at ako agad ang napag-tuunan nya ng pansin
“Ms. Lai bakit nakapang P.E ka ?” – tanong nya sakin tapos nagtinginan naman sakin yung mga kaklase ko
“Asan pati ang libro mo ? bat nakikishaare ka kay Mr. Lee ?” – sunod nyang tanong sakin di ko naman alam ang sasabihin ko kasi pag sinabi kong di laba ang uniform ko at nakalimutan ko sa bahay ang bag ko , di nya tatanggapin as good reson yun , Baka palabasin ako sa room ng wala sa oras , Bigla naman umimik si Dewei dun sa tabi ko
“Sir pagpasensyahan nyo na po , pinilit ko lang po kasi syang pumasok kasi ngapo may activity tayo ngayon , May sakit po kasi sya , nabasa po kasi syaa ng ulan kahapon , nilalagnat pa ngapo sya ngayon eh “ – katwiran nya sabay hawak sa leeg ko para paniwalaan sya ni Sir
“umulan ba kahapon class ?” – tanong ni sir sa buong klase bahagya namang nanlaki yung mata ni Dewei kaya napatingin sya sakin saka
“sir sa inyo hindi siguro pero samin ang lakas ng ulan “ – katwiran nya ulit
“Baka nga , Sige continue , Ms. Lai kung masama ang pakiramdam mo pumunta ka sa School clinic mamaya humingi ka ng gamut , uminom ka agad para di lumala sakit mo “ – sabi ni Sir tapos umupo na sya dun sa unahan saka nag check nung mga papel namin nung last Exam
“See ? “ – sabi sakin ni Dewei sabay kindat , ang galing talaga umisip ng paraan netong beki na to , tuwing nalalagay ako sa mga ganung sitwasyon sya tagapag tanggol ko , Nung natapos na yung time namin kay Sir kinolekta na lahat ni Dewei yung mga papel saka pinasa sa unahan nung lalabas n asana si Sir
“Ms. Lai halika sasamahan kita sa Clinic “ – sabi ni sir kaya hinigit ako ni Dewei patayo saka sinamahan ako papunta sa Clinic habang nasa daan kami wala namg tigil ang bibig ni Dewei kadadaldal kahit walang kwenta yung mga sinasabi nya pinapakinggan at sinasang –ayunan ko na lang , Magagalit to sakin pag binaraa ko pa , Nung makarating kami sa Clinic binuksan ni Sir yung pinto para saming dalawa ni Dewei
“Thank you po sir “ – malanding sabi ni Dewei kay Sir kaya si Sir napatawa , kaya ako napatawa na din , nung pagkapasok namin ng pintuan agad bumungad sakin si Kaerel kaya yung ngiti sa bibig ko biglang nawala
“Oy bes hang gwapo “ – bulong sakin ni Dewei tapos kinikilig kilig pa sya, umiwas naaman ng tingin sakin si Kaerel kaya napaiwas na din ako ng tingin sa kanya
“Ms. Lai bat di ka pa naupo ?” – tanong sakin ni Sir
“Oo nga naman bes , halika upo tayo “ – sabay higit nya sakin tapos
“Dito ka , dito ako “ – sabay upo nya sakin tapos sya tumabi kay Kaerel , bat ba laagi ko na lang nakikita si Karry kung san – san ? Lahat na lang ng puntahan ko andun sya ? Baka mamaya isipin nya sinusundan ko sya .
“Anong problema sa Estudyante mo Sir ?” – tanong nung Nurse kay Sir
“Broken Hearted mam, di makamove on dun sa nachugi nyang bestfriend “ – biglang imik ni Dewei kaya napatawa si Sir at yung Nurse , tinapik ko naman si Dewei sa hita saka nilakihan ng mata , tapos saka ako humilig ng tingin kay Kaerel , Wala talagang kare-areaksyon yung mukha nya , Yung feeling na gustong – gusto ko naman itahi yung bibig ni Dewei , Kasi yung sinasabihan nya mismo katabi na nya .