“ikaw talaga Mr. Lee yang bibig mo ha “ – pabirong imik nung nurse kay Dewei , gaya nga ng sinabi ko sa inyo walang may hindi kilala si Dewei sa School na to , Mas lalo namang hindi ako makatingin kay Kaerel nung mga time na yun.
“Naulanan daw kasi mam kahapon kaya nilalagnat eto namang si Mr.Lee alam naman palang nilalagnat si Ms. Lai pinilit pa ding pumasok “ – paliwanang ni Sir dun sa nurse , kita ko naman na pumaling yung ulo ni Kaerel sakin saka ulit sya umiwas ng tingin
“Ah kasi naman di nagdadala ng payong kaya naaabutan ng ulan “ – sabi nung nurse tapos tumayo sya tapos may kinuhang gamot saka nilagay dun sa maliit na paper bag
“Mr. Wang eto na yung gamot na pinakukuha sayo , Sabihin mo kay Mam Shell 2x a day saka wag syang iinom ng hindi nakain ha” – paliwang nung hurse , tumayo naman si Kaerel at kinuha yung gamot na inaabot sa kanya
“Thank you Mam “ – sabi nya sabaykuha dun sa gamot at lakad palabas ng clinic , hinding hindi man lang sya lumingon sakin , bat pa nga ba ako aasa na lilingonin nya ako
“And as for you Ms. Lai halika dito ichecheck kita “ – sabi nya kaya tumayo naman ako at pumunta dun sa bed na katabi nya saka umupo , nagsign naman sakin ni Dewei ng ‘lagot ako’ alam ko na pinahihiwatig nya , na nagdadahilan lang ako , Sya naman kasi may kasalanan eh sinakyan ko na lang para sa kagustuhan ko na hindi ako pagalitan ni Sir , sinimulan ng tignan nung nurse yung hinga gamit yung stethoscope na nasa leeg nya kanina , pina inhale –exhale nya ako ng ilang beses , Kita ko naman sa reaksyon nya na nagtataka sya kaya pina inhale – exhale nya ulit ako then saka nya ako pinabalik sa pwesto ko
“Mam anong pong problem natibok pa bo pa yung heart nya ?” – tanong ni Dewei kaya yung nurse tatawa – tawa na lang sa kanya , Pumunta naman yung nurse dun sa tabihan nung mga ibang gamot saka kumuha sya nung isang kahon na gamot saka nilagay sa paper bag bago nya iabot sakin tinanong nya muna ako
“Ms. Lai may history ba family nyo na nagka spot sa baga or something ?” – tanong sakin nung nurse tapos may pagkacurious sa tono at hilatsya ng mukha nya
“Di ko po sure mam , bakit po ?” pagtataka ko din tanong sa kanya , Bat nya naisipan tanungin ako ng mga ganung bagay
“Kasi kanina kaya paulit – ulit kitang pina inhale – exhale di ko kasi masyado makinig yung beat ng heart mo kasi ang mas naririnig ko yung para bang tunog ng plema sa lungs mo , pero mas malala pa sya sa ordinary na plema , di ko kasi masyado maexplain ng detalyado sayo eh , Nurse lang ako dito wala kasi yung head doctor nasa field eh , Eto na lang ibibigay ko sayo , Inumin mo sya 3x a day then kapag feel mo mas better na yung lungs mo , itigil mo na yung pag inom , wag mo na sya ubusin , basta inumin mo lang sya habang di maayos yung paghinga mo ok ?” – paliwanag at sabi nya sakin kaya inabot ko yung inaabot nyang gamot sakin
“Mam , di naman po makakaapekto sa kanya yung sinasabi mong plema? Di po ba lalala yun ? “ – tanong naman ni Sir
“Hindi naman kung ordinary na plema lang yun , kaya nga binigyan ko sya ng ganyang gamot para ma-observe natin kung gagaling o matatanggal yun , pag natanggal yun means plema lang talaga sya na kumapit sa lungs nya at hindi natanggal “ – paliwanag naman ulit nung nurse nakahinga naman ako ng maluwag dun sa sinabi nya , akala ko may malala na akong sakit .
Sige po mam thank you po “ – sabi ko dun sa nurse saka tumayo na kami ni Dewei , nagthank you din si Sir dun sa nurse kami lumabas sa clinic , Pagkalabas namin ng pinto
“Oh Ms. Lai sundin mo yung procedure ng pag inom ng gamot ha para gumaling ka saka sa susunod magdala ka ng payong para di ka naabutan ng ulan “ – sabi ni Sir nagthank you din kami ni Dewei sa kanya bago sya umalis , Hinatak naman ako agad ni Dewei papunta sa canteen habang nasa hallway kami
“Oy bes , Kilala mob a yung andun na lalaki kanina ?” – tanong nya sakin tapos feel ko kinikilig sya , gustong gusto ko naman sabihin sa kanya na si Kaerel yun kaso baka mabatukan nya lang ako
“Di ba Wang yung apelyedo nya , ano kaya name nya ?”- tanong ulit ni Dewei , Kaya nga ano ? Ano na kaya pangalan nya ? Ayaw ko na syang tawaging Kaerel eh means may iba na syang pangalan ngayon , Pagkapasok naman namin sa canteen andun yung ibang HRM Student dun naman kami dumeretsyo ni Dewei sa Orderan ng foods , Dito sa School namin kahit wala kang dalang money pwede kang omorder ng pagkain kahit anong gusto mo kasi oras na pagdating ng bayaran ng tuition nakadeduct dun yung para sa School Foods namin depende kung magkano ang na consume namin per month , Monthly kasi ang bayadan namin ng Tuition , Pagkaorder namin , nagpunta naman agad kami dun sa bakanteng table ,pinatong ko muna yung tray ko saka umupo then nilabas ko yung gamot dun sa paper bag at tinignan
“Inumin mo yan pagkatapos nating kumain , eto kkinuha ng kita ng water “ – sabi nya sabay lapaag nung bottle ng mineral sa harapan ko , Pinatong ko naman yung gamot dun sa kalapit ng tray ko saka sinimulan kainin yung pagkain na nasa harap ko , Isusubo ko na sana yung karne na hiniwa ko nung nahagip na naman ng mata ko si Kaerel kaya binaba ko yung tinidor sa plato ko at binuhat ko yung tray ko saka ako naglakad palapit sa kanya , Kukulitin ko na lang sya para bumait ulit sya sakin , Kung pagmumukmok at pag iwas lang ang gagawin ko walang mangyayaring progress saming dalawa , Atleast baka pag nakulitan sya sakin magawa na nya akong kausapin
“Hoyyy Bruha !!! Hoyyyy Jeon !!! Saan ka pupunta ? “ – sigaw ni Dewei sakin pero ako tuloy tuloy lang paglalakad ko palaapit kay Kaerel , Nung makarating na ako sa pwesto nya nilapag ko yung tray ko saka ako umupo at tumingin sa kanya , Napatingin naman sya sakin saka nya ako inirapan , tumayo sya saka kinuha nya yung tray nya at pumunta dun sa kabilang bakanteng table , Nakakainis , sige lang ganyanin mo lang ako , Di magtatagal babalik ka din sakin ,Di ako titigil hanngat di ulit kita napapaamo
“Hoy nakakainis ka talaga Jeon , daig mo pang nasa Running Man ka lagi “ – reklamo sakin ni Dewei habang binaba yung tray nya , Pinatong nya din sa katapat nung tray yung gamot at tubig ko
“Ahm Vincent pwedeng pa-share ng table “ – kinig kong sabi nung 3rd Block Student na HRM kaya napatingin ako sa pwesto nila
“Sige , “ – sabi nyang nakangiti dun sa student nakakainis talaga yung iba nagagawa nyang ngitian samantalang ako pag walang ekspreyon mukha nya , iismiran at iirapan nya pa ako ganun na ba talaga ako kawalang kwenta sa kanya
“Bes nakinig mob a name nya ? Vincent daw ? Bess yang ganda ng name nya bagay sa pagkagwapo nya “ – landing sabi ni Daehwi sakin sabay nangalumbaba sya at tumitig kay Kaerel , Vincent ? San nya napulot yung pangalan na yun ? Lumingon naman ulit ako sa kanya , Nakikipag kwentuhan pa sya dun sa nakishare ng table , at ! ang ganda pa ng ngiti nya , Then nung time nay un tumingin sya sakin kaya ang ginawa ko para makaaganti, ako naman ang umirap sa kanya , Nakakainis talaga ! Di ko alam sa sarili ko kung nagseselos ba ako dun sa kausap nya o ano .
“Hoy Girl kainin mo na yang pagkain mo , Wala pang kabawas bawas , matatapos na lang ako ikaw magsisimula pa lang “ – sabi ni Daehwi sakin habang nasubo sya nung pagkain nya , Kaya isa isa ko na din sinubo yung pagkain ko
“Dahan – dahan lang Jeon baka naman matigakan ka dyan “ – sabi ni Dewei kaya medyo nag slow ako sa pagsubo , naakakainis kasi feel ko sasabog feels ko , Dati di man lang sya lumapit sa ibang babae ngayon ang saya nya pang nakikipag – usap sa kanila , Nakakainis talaga , Di ko na masyadong inubos yung pagkain ko at tumayo saka lumabas ng canteen
“Oyy Wait !” – sigaw sakin ulit ni Dewei , nung naabutan nya ako hinigit nya yung buhok ko saka hinagip yung braso ko at pumulupot sakin , Wala namang tigil ng karereklamo sakin ni Dewei dahil sa taas ng hagdan na inaakyat namin every pupunta kami sa Blocks ng HRM Students , Bat daw kasi di na lang lagyan ng escalator or Elevator para daw hindi nasisira beauty nya araw – araw sa pag-akyat , Pake naman ng School sa beauty nya XD . Nung papasok n asana kami ng Room biglang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako sa likuran ko
“Ms. Jeon , Nakalimutan mo yung gamot at tubig mo sa canteen “ – sabi sakin nung lalaki na napagtanungan ni Dewei kahapon kung may klase din sila o wala
“Ay ang gentleman mo naman pogi , Ano ba name mo ?” – tanong ni Dewei habang ngingiti – ngiti si sya dun sa lalaki
“Mark , “ – pakilala samin nung lalaki tapos nilahad nya yung kamay nya sakin para makipag kamay
“Mark ano ?” – tanong ulit ni Dewei sa kanya tapos kinuha nya yung kamay nung lalaki saka sya ang nakipag kamay , Loko talaga to si Daehwi nagtatanong palang ng apelyedo nakipag kamay na agad
“Mark Kang “ – pakilala ulit nung lalaki tapos nung natapos syang makipag kamay kay Dewei nakikipag kamay din sya sakin kaya nilahad ko na din yung kamay ko sa kanya saka nya hinawakan
“ayyy pwedeng pwede tayo, bagay pagsamahin ang pangalan nating dalawa “ – malanding sabi ni Dewei , Nginitian lang sya ni Mark tapos sakin ulit nabaling yung tingin ni Mark
“thank you ngapala “ – pasasalamat ko kay Mark , Ngumiti naman sya sakin saka sya tumalikod at pumasok dun sa 3rd block ng HRM Building
“Oy girl , Kilala ka nya , Haba hair ka talaga , sayang nga lang di kami pwede baka mamaya mag pinsan pala kami “ – sabi ni Dewei tapos hinila nya na ulit ako papasok sa room namin