CHAPTER 11

1308 Words
Kahit lagi ko nakikitang nadalaw si Jeon sa puntod ko  , hindi parin maalis – alis yung galit na nararamdaman ko sa kanya , Yung mga pasakit na dinanas ko sa kanya , Habang nagsusulat ako nun nung sulat na binigay sa kanya ni Ate Mina , biglang inatake ako sa puso kaya kenalangan kong ilipat sa ibang bansa para operahan , matagal din bago nakahanap si Ate ng mag dodonor ng puso kaya hirap na hirap ako nung mga araw na yun , pakiramdam ko nung mga oras nay un konting hinga ko na lang ay mawawalan na ako ng malay , Kaya simula din nung araw na nakarecover ako nung pagkakaopera ko , pinabaon k okay Ate yung pusong tinanggal sakin at pinalabas kong patay na ako , para di na ako hanapin pa ni Jeon , kaso pero bakit sa dinami – dami ng pagkakataon ngayon ko pa sya nakita , Kung kelan nakakalimutan ko na sya , ayaw na ayaw ko na talagang nakikita sya , Pag naaalala ko mga pinag gagagawa nya sakin kahit ibang puso na nakalagay sakin , ang sakit pa din , lalo na nung mas piliin nya yung fiancé nya kesa sakin , Akala ko talaga babalikan nya ako , pero nagkamali ako , Pero ngayong pagkakataon na to , sisiguraduhin ko na hinding – hindi na ako babalik sa dating ako , dahil pag nangyari yun parang nagpakatanga lang ako sa sakripisyo na ginawa ko habang nagpapagaling ako , Nginingitian ko lang yung babaeng nasa harap ko ngayon pero deep inside sakin ayaw na ayaw kong nakikipag usap sa ibang babae , Kaya lang naman ginagawa ko to para Makita ni Jeon na wala na akong pakealam sa kanya , Dahil sa totoo lang wala naman na talagang akong pakealam sa kanya  Kaya nung nakita ko silang tumayo nung bago nyang kaibigan , nilapag ko na yung kutsara ko , di ko na inubos yung pagkain ko dahil kanina pa ako naiirita dito sa babaeng nasa harap ko kasi kwento ng kwento , Nagpaalam muna ako dun sa babae saka ako tumayo baka sabihin naman wala akong manners , Nung time na dumaan ako dun sa pinag upuan na table nila Jeon , nasagi sa mata ko yung isang kahong maliit na gamot , kinuha ko naman saka tinignan , nagtaka na lang ako kasi iniinom lang to ng mga spot ang baga , napaisip na lang ako kung bakit meron si Jeon neto ? Kinuha ko naman yung gamot saka hinabol ko sila nung kaibigan nya , Nung matanaw ko sila lalapit n asana ako kaso nag dalawang isip naman ako kaya ang tinawag ko yung kaklase ko para pag abutin kay Jeon “Mark ! “ – tawag ko sa kanya kaya napalingon sya sakin  lumapit naman ako sa kanya saka “Pwede iabot mo to dun sa babae “ – sabi ko habang inaabot yung gamot sa kanya “Sino ?” – tanong sakin ni Mark tapos lilinga linga sya dun sa may unahan namin “Dun oh “ – sabay turo ko kay Jeon , kinuha naman ni Mark yung gamot sa kamay ko “Sige , iaabot ko na lang kay Jeon “ – sabi sakin ni Mark nag – thank you naman ako sa kanya tapos nagtakbo sya papalapit kela Jeon tapos nakipag kamay sa kanya yung kaibigan ni Jeon , tapos nakipag kamay din sa kanya si Jeon , Bat sila nagkakamayan ? Eh alam naman ni Mark yung pangalan ni Jeon , Di ko na sila pinanood na masyado tapos pumasok na ako dun sa Room namin , sunod na din pumasok si Mark at umupo sa may tabi ko kaya tinanong ko sya “Magkakilala ba kayo nung babae ?” – sabi ko habang nakatingin ako sa kanya “Ah si Yljeon Lai ? “ – sabi nya din sakin , Alam din nya ang buong pangalan ni Jeon ? “Kilalang kilala naman kasi silang dalawa ni Dewei dito sa Block natin kasi yung si Dewei clown ng HRM yun , Kaya pag sinabi mong Dewei Lee kilala na din si Yljeon Lai kasi ang alam ko matalik na magkaibigan yung dalawang yun eh “ – paliwanag sakin ni Mark habang nagbubuklat sya nung libro para sa next subject namin “Bat mo pala natanong ?”- tanong ulit sakin ni Mark , Umiwas naman ako ng tingin sa kanya saka tumingin sa may whiteboard sa unahan “Wala lang “ – sagot ko sa kanya , matalik na magkaibigan pala ha ? Napahinga naman ako ng malalim saka kinuha ko na din yung libro sa bag ko , Katratransfer ko lang kasi dito kahapon wala kasi akong choice kundi dito sa School na to kasi malapit dun sa kinuhang bahay ni Ate Minah , Teka ? “Mark di ba sabi mo Yljeon Lai ? Lai yung apelyedo nya ?” – biglang harap kong tanong kay Mark kaya nagtaka naman sakin ni Mark “Oo ? Bakit ? “ – pagtatakang tanong sakin ni Mark   “Wala “ – sabi ko ulit sa kanya , kaya napakamot ng ulo si Mark , Lai ? Di ba kinasal na sya ? Bakit Lai pa din ang gamit nyang apelyedo ? Bigla naman pumasok yung sunod naming teacher at tumayo dun sa unahan kaya umayos na din ako ng pagkakaupo ko “Class bukas ng umaga , may event ang Block ng HRM Students , kaya mula first Block hanggang 5th Block magtitipon tipon bukas sa Event Hall , then magdala kayo ng yellow paper at ballpen kasi mag sasagawa ng open forum boung HRM Students bukas “ – paliwanag nung teacher namin , bigla naman naghiyawan yung mga kaklase ko , tapos tuwang tuwa sila , anong nakakatuwa sa open forum ? “Alam mob a kung bakit sila natutuwa ? “ – tanong sakin ni Mark kaya tumingin ako sa kanya “Kasi Every open forum kasi nagkakabati – bati sila nung mga nakaaway nila, mission kasi ng School natin yun “ – paliwanag ni Mark sakin kaya medyo naliwanagan na ako sa mga nangyayari , ang hirap talagang mag adjust kapag bago ang School mo “Pero nasasayo naman yung kung gusto mong makipag – ayos sa kanila o hindi eh , nirerespeto pa din kasi ng School natin every decision ng Students “ – dagdag ni Mark kaya napaisip ako “yun lang class dismiss “ – biglang sabi nung teacher na nasa unahan namin kaya lalong naghiyawan mga kaklase ko “Masaya to , wala na tayong gagawin “ – sabi ni Mark habang tinataabi nya yung mga gamit nya sa bag nya , Ganto ba talaga sa School na to , Tapos maya – maya yung kabilang block naman ang naghiyawan , tapos napalingon ako sa may pintuan ng room namin , naglalabasan na din yung ibang blocks , tumayo naman si Mark saka sinakbit yung bag nya “Di k aba sasama sakin ?” – tanong nya , umiling na lang ako sa kanya kaya naglabas na lang sya . Tapos tinabi ko na din yung gamit ko saka tumayo at sinakbit yung bag ko , pagkalabas ko ng Room napalingon ako dun sa kabilang block , nakita ko si Jeon at yung kaibigan nya , kalalabas din ng Room nila , Kaya agad ako tumalikod at naglakad palayo , Habang naglalakad ako ng mabili nililingon ko naman yung likuran ko , tinitignan ko kung naabutan nila ako , Nung nakalabas na ako ng HRM Building nakahinga na ako ng maluwag , So ? HRM din pala si Jeon ? Kahit anong ayaw ko makita sya , bat pilit at pilit pa din kaming pinagkikita ?di na naman ako pwede lumipat ng ibang School kasi wala pang nahahanap si Ate na ibang School na malapit sa bahay namin., Nakakaasar talaga , pano sa forum bukas ? bat kasi may forum , forum pang nalalaman eh ., Naglakad naman ako dun papunta sa may pinaglapagan ni Ate Mina ng Bike ko kanina nung binaba nya sa kotse 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD