Habang naglalakad ako papunta dun , may mga lalaking sumalubong sakin hindi ko n asana sila papansinin kaso hinaharaan nila yung dadaanan ko , Kaya napatingin ako sa kanila at umimik ng
“Ano bang problema nyo ?” – tanong ko sa kanila habang nakatingin ako sa mga mata nila , Tumawa naman yung isang kasamahan nila at lumapit sa kin saka hinawakan yung kwelyo ng Uniform ko
“Bago ka lang ano ?” – tanong nya sakin
“Sino ka ba ?” – tanong ko din sa kanya tapos tinanggal ko yung kamay nya sa kwelyo ko , Tumawa muna sya sakin saka nya ko tinitigan ng masama , tapos inihaya na nya yung kamay nya sakin para suntukin ako nung
“Hoooooyyyyyyy !!!!!!!!! Mga bakulaw !!!!!!!!!! Ano na naman yan !!!!! Nam bubully na naman kayo ? ! Gusto nyo ipaoffice ko na naman kayo !!!” – sigaw dun sa may likuran ko kaya ibinaba nung lalaki sa harapaan ko yung kamay nya saka sila umismid sakin at umalis , tinignan ko naman kung sino yung sumigaw sa likod ko , nung pagkahaarap ko nakita ko si Jeon kasama yung bago nyang kaibigan , Napatakbo naman si Jeon sa may pwesto ko saka ako hinawakan sa balikat at kung san – san sa mukha ko
“Ok ka lang ba ? may masakit ba sayo ? Sinaktan ka ba nila ? “- sunod sunod nyang tanong sakin , tinitignan ko lang sya nung mga time nay un saka ko hinagip yung kamay nya at inalis
“Wag mo ko hawakan !” – sabi ko sa kanya , kaya medyo na paurong naman sya
“Ang suplado mo naman , concern lang naman sayo yung kaibigan ko “ – imik nung kasama nya
“Dewei , Wag ka na umimik “ – sabi naman ni Jeon dun sa kaibigan nya tapos tinignan ko muna silang dalawa saka ako tumalikod
“Kaerel !”- sigaw sakin ni Jeon
“Oy jeon ayan ka na naman “ – sabi naman sa kanya nung kaibigan nya , Di ko na sila pinansin at tinuloy ko yung paglalakad ko , pansin ko naman na sinundan ako ni Jeon tapos tinatawag nya ako sa pangalan ko , Halos makakarating na ako dun sa pupuntahan ko pero si Jeon sunod pa din ng sunod sakin at tinatawag yung pangalan ko , Kinig ko naman na inaawat sy anung kaibigan nya
“Kaerel , Please naman ! lingonin mo naman ako” – sigaw nya ulit sakin kaya naasar na ako at humarap sa kanya
“Di ba sabi ko sayo wag mo na akong tatawaging Kaerel !!!” – sigaw ko din sa kanya , HAlata naman dun sa kaibigan nya na nagtaka sya dun sa sinabi ko
“Teka ! Teka ! Jeon ? So totoo ? Yan talaga si Kaerel ?” – tanong nung kaibigan nya sa kanya di naman sya sinagot ni Jeon kasi nakatingin lang sya sakin tapos natulo na yung luha nya
“Magpapa—“
“Ano ?! Ano pa bang sasabihin mo ?! Di pa ba sapat yung sinaktan mo ko nun ?! na mas pinili mo yung fiancé mo kesa sakin ? Alam mo jeon ! Sobrang sakit sakin nung ginawa mo ! Akala ko sa tagal nung pinagsamahan natin di mo ko magagawang iwan kaso ano ? Ano ginawa mo ? Pinabayaan mo ako !!” – sigaw ko sa kanya tapos pilit nya kinukuha yung kamay ko pero inaalis ko naman yung kamay nya
“Wait ha ! Pero pwede pakinggan mo muna yung side ni Jeon ?” – sabi naman sakin nung kaibigan nya , bat ko pa papakinggan yung side nya ? Eh malinaw na sakin nun na di ako mahalaga sa kanya
“Sana di na lang kita naging kaibigan !! Sana di na lang kita nakilala!! Pinagsisisihan ko na yung araw na naging magkaibigan tayo !!” – sabi ko ulit kay Jeon taapos bigla ako hinagip nung kaibigan nya at sinuntok
“DEWEIIIIII!!! !!” – sigaw ni Jeon habang inaawat nya yung kaibigan nya , Natumba naman ako dun sa semento, nung paghawak ko sa bibig ko may dugo kaya tumayo ako at tinignan ko ng masama yung kaibigan nya , Habang naiyak si Jeon di naman nya bitawan yung kaibigan nya
“ang kapal din naman ng mukha mo ano ! di mo ba alam kung gano kasakit sakin na nakikita si Jeon na nagsasakripisyo para sayo !? alam mo arawin ulanin yan pag napunta dun sa puntod mo !! Lagi ka nyang dinadalaw , pagkagising nya sa umaga at bago umuwi sa bahay galing School ! Nilalayuan nya lahat ng lalaki para lang sa promise nyo ! tinutupad nya pa din yun kahit alam nyang wala ka na ! tapos ngayon ! Ganyan ang igaganti mo sa kanya !!!!” – sigaw din sakin nung kaibigan nya , pilit naman syang nag-aalpas kay Jeon para lumaapit sakin
“Dewei tama na !” – sabi naman ni Jeon sa kanya habang naiyak , Tapos bahagya syang tumingin sakin kaya tumalikod ulit ako at naglakad
“Kaerel ! Wala na ba talaga sayo yun gpagkakaibigan natin ! “ – sabi ni Jeon, Kaya napatigil ako sa paglalakad saka sinagot ko sya
“Di naman tayo naging magkaibigan !” – sabi ko habang nakatalikod tapos kinuha ko na yung bike ko at sumakay saka iniwan ko silang dalawa di ko na naman mapigilan mapaluha habang nagbibike pauwi samin , Di ko alam sa sarili ko kung bakit ako napaiyak , Matagal ko ng pinangako sa sarili ko na kahit kelan hinding – hindi na ako iiyak , pero ano tong nangyayari sakin? Bat nasasaktan pa din ako ng ganito ? Kaya ayaw ko syang nakikita , paulit ulit lang nabalik yung sakit na dati ko ng napag – daanan