CHAPTER 24

1153 Words
“Sir sorry po , masakit po kasi ngipin ko kaya hindi ako makapakinig na maayos” dahilan ko kay Sir, bigla naman hinawakan ni Kaerel yung upuan ko na iiisod ko sana ulit, kaya napatingin ako sa kanya pero kay sir sya nakatingin tapos yung kamay nya hawak bangko ko, kaya dahan dahan ko na lang binitawan silya ko. “ Ganun ba Ms. Lai, siguro pumunta ka na lang sa clinic humingi ka ng pain reliever” “Okay lang po sir, hindi naman masyado nasakit” sagot ko. “Sige, ganto na lang. Tandaan nyo kung sino mga kalapit nyo ngayon dahil sila magiging kagrupo nya dito sa activity na ibibigay ko” sabi ni Sir, kaya agad ako napatingin dito sa kaliwa kong kalapit. “Luh! Tinitingin tingin mo dyan! Hindi ako kapartner mo!”- sabi nung isa kong kaklase. “luh sya kapal mo. Hiya naman ako sayo! Kala mo naman gusto kita kapartner” – sagot ko sa kanya, kaya napabaling ako ng tingin dito sa kanan ko, hindi ko alam pero namula yata ako kasi nakatingin sakin si Kaerel tapos pumaling na ulit sya ng tingin kay sir, so it means sya kapartner ko?????!!!! bahagya naman ako napatingin kay Dewei, kasalukuyan na pala syang nakatingin sakin habang ngiting impakta. “Sir, ano naman po ang gagawin namin?” tanong ng isa ko na kaklase. “Since our subject is Musisc and Arts, as for music hahanap kayo ng kanta na kakantahin ng kapartner nyo, yung kanta na kakantahin ng partner nyo is parang message sa taong gusto nyo, halimbawa kapartner ko si Dewei, tapos ang napili kong kanta is Born For You, yung kantang yun kakantahin ni Dewei pero yung kantang yun is message ko para kay Mrs. Sanchez” paliwanag ni Sir, asawa nya kasi si Ms. Sanchez. “ganun lang sir? Dali dali naman” sabi ni Dewei “ganun din ang gagawin ng kapartner nyo, yung pinili nyong kanta ay kakantahin nila, pwede din naman na bago kumanta yung kapartner nyo ay sabihin nila kung para kanino yung kantang yun” pangbibiro ni Sir. “Easy easy lang sir” sabi ulit ni Dewei “Para sa Arts naman, gagawa kayo ng Vase Craft, lagyan nyo na din ng flowers craft para kompleto, meron kayong ilang raw pa para gawin yang project nay an, and for Monday mag peperform kayo sakin ng kanta, be ready, I’ll pick randomly” sabi ni sir, medyo kinabahan naman ako, hindi ko alam kung ano ipapakanta ko kay Kaerel, for the first time and forever ngayon ko lang sya makikinig kumanta, yung inlove na inlove ako dati sa boses nya. “Sir” kinig kong imik ni Kaerel kaya napabaling ako sa kanya “Yes, Mr. Wang” “Sir, baka po hindi ako makakanta, meron po kasing problem yung vocal chords ko” sabi nya. “Ganun ba, sige bibigyan na lang kita ng ibang gagawin, pero maari ka pa din mag bigay kay Ms. Lai ng Song message mo” mabait na sabi ni Sir, “Okay po Sir” – tugon ni Kaerel, medyo nanghinayang naman ako, akala ko makikinig ko na malambing nyang boses pero hindi pala. Ano naman kaya nangyari sa vocal chords nya? “Okay, if wala ng tanong class dismissed” sabi ni sir sabay labas ng classroom, kaya tumayo na din ako, di ko pa man nakukuha yung bag ko ng bigla ulit pumasok si Sir “Mr. Wang and Ms. Lai follow me in my office” sabi ni sir kaya bahagya ako napatingin ulit kay Kaerel, pagkatayo nya sumunod na din ako sa kanya, habang nasa hallway hindi ko maalis tingin ko sa likuran nya, dati pag gantong naglalakad sya habang andito ako sa likuran, natigil sya ng paglalakad tapos hinihintay nya ako tapos aakbay na sya sakin, bahagya naman ako napatungo, nakakamiss din talaga yung mga araw na yun, sana pala dati pa lang umamin na ako sa kanyang gusto ko sya, sana pala kahit ireject nya ako kung sakali nun atleast nakaamin ako sa kanya, sana pala hindi ko na sinaalang alang yung  friendship namin, napatingil na lang ako nung bigla ako nauntog sa likuran ni Kaerel. “Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!” reklamo nya sakin “Sorry naman, malay ko bang tumigil ka sa paglalakad” reklamo ko din sa kanya “Eh kasi andito na tayo sa tapat ng office!”  reklamo nya ulit “Ay sorry naman po, hindi ko sinasadya, may iniisip lang akong malaking problema, sorry naman” palusot kong reklamo sa kanya. Inismiran nya naman ako at pinihit na yung doorknob ng office ni Sir,pagkapasok namin sa loob, umupo kami dito sa sofa na nasa office ni Sir, pero yung distancing naming halos 1000 meter, kala mo namang may nakakahawang sakit ako, samantalang kanina ayaw ako paalisin sa katabi nya, hahawak hawakan pa yung upuan ko. “Ms. Lai para namang gusto mo katayin ng buhay si Mr. Wang” biro sakin ni Sir, naku sir kung pwede nga lang ibinaon ko na talaga sya dun sa puntod na pinipuntahan ko, sinayang ko lang luha ko dun sa puntod , yun pala buhay pa yung iniiyakan ko, kung pwede ko lang vacuumin pabalik yung mga luha ko na pumatak dun sa puntod ginawa ko na “Hindi naman po sir” pagbibiro ko na lang kay Sir “So, hindi daw makakanta si Mr. Wang, ganito na lang ang gagawin namin, willing ba kayong dalawa mag volunteer tomorrow?” tanong ni sir “Volunteer ng ano sir?” tanong ko din “Sa Orphanage, mag babahagi lang tayo nung mga donations na binigay samin ni Mrs.Sanchez, since wala kaming katulong yun na lang ang ipapaproject ko sa  inyong dalawa, saka wag kayo mag alala, masaya naman dun sa orpahanage, joker mg abata dun pero magagalang” paliwanag ni sir “Okay lang po sakin sir” sagot ni Kaerel “Ms. Lai?” tanong ni sir sakin, naalala ko may lakad kami ni Dewei, every Saturday napunta kami sa may seaside. “Mga ilang oras po kaya ang itatagal non sir?” tanong ko *KAEREL POV* “Mga ilang oras po kaya itatagal non sir?” tanong ni jeon kay sir kaya bahagya ako napalingon sa kanya. “Don’t Worry Ms. Lai, hindi naman tayo aabutin ng 12 hrs dun, makakapag date pa kayo ng boyfriend mo sa Saturday” pagbibiro ni sir. “Hindi naman po Sir sa ganun, may lakad po kasi kami ni Dewei, alam mo naman po yun diba” biro din ni Jeon, mukhang bestfriend na bestfriend silang dalawa ng Dewei na yun ah, kahit bakla yun wala pa din ako tiwala, kahit naman may galit ako kay Jeon, naging bestfriend din kami kaya may concern pa din ako sa kanya, tatanga tanga pa naman sya. “Eh di kung gusto ni Dewei, akitin mo din sya para mag volunteer” suggest ni Sir kaya napaimik ako “Sir, bakit isasama pa sya? Eh project lang naman namin ni Jeon to?” tanong ko “Mag kakilala ba kayo ni Ms. Lai?” tanong ni Sir sakin, napatingin naman ako kay Jeon nakatingin din sya sakin “Hindi sir” sagot ko kay sir “Kasi almost of her classmates Yljeon ang tawag sa kanya, ang kilala ko lang natawag sa kanya ng Jeon ay si Dewei, si Mr. Kang nakikinig ko din minsan” tanong ni Sir, napalunok naman ako ng laway, malay ko bang Yljeon pala tawag ng karamihan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD