CHAPTER 25

1054 Words
“Nakikinig ko lang din po kaya nakigaya ako” palusot ko na lang. “Pag madami kasi Mr. Wang mag vovolunteer, maaga tayo makakatapos” paliwanag sakin ni Sir. “Sige po sir, sasabihan ko na lang po si Dewei, pero hindi ko po alam kung sasama sya” sabi naman ni Jeon sa kanya “Okay, kung ganun, dapat 5 am nakaready na kayong dalawa kasi medyo malayo layo yun, isasabay na namin kayo papunta dun sa orpahanage may service naman tayo kaya wag kayo mag alala” sabi ni sir, parehas naman kami sumang ayon ni Jeon. “Okay ganun, see you tomorrow” sabi nya samin ni Jeon sabay ngiti. Pagkalabas namin ni Jeon sa office ni sir, habang naglalakad papunta ulit sa room namin. “Mr. Wang, kung may time ka mamayang tanghali, gawin na natin yung vase  at flower craft art kasi hindi ako pwede ng Sunday” sabi nya. “Mr. Wang? Para namang sobrang formal ng tawag mo sakin?”  tanong ko sa kanya “Di ba ayaw mo na tawagin kitang Kaerel, kung Brian naman itatawag ko sayo baka magalit ka, kaya from now on Mr. Wang itatawag ko sayo, baka mamaya mainis ka pa sakin eh” reklamo nya sakin habang naglalakad kaming dalawa, bahagya naman ako napangiti  dahil sa sinabi nya, hindi ko alam pero kahit may nararamdaman akong sama ng loob sa kanya, pag naman nakakasama o nakakausap ko sya kusang ngumingiti labi ko. “nginingiti ngiti mo dyan, seryoso ako nakikipag usap dito tapos ikaw pangiti ngiti lang” reklamo nya sakin “Sige, may time ako mamayang hapon, saan naman tayo gagawa?” tanong ko sa kanya, tapos napatigil sya sa paglalakad at napatulala, yung akala mong ang lalim ng iniisip nya, then napatingin sya sakin. “Pwede bang sa bahay nyo na lang?” tanong nya “Huh?? Bakit sa bahay namin? ” gulat  kong tanong, pag nakita sya ni ate for sure magugulat si ate. “Sige na” makaawa nya sakin “Hindi pwede!” pagmamatigas ko “Bakit hindi na lang sa bahay nyo?” tanong ko din sa kanya “Gusto mo bang mamatay sa takot si Kuya? Pano pag nakita ka??” asar nyang tanong sakin “Kung bakit ba naman kasing may nalalaman ka pang patay patay eh” dagdag nyang reklamo sakin “wow naman! Ikaw dahilan kung bakit ko nagawa mga bagay na yun, kung hindi ka ba naman kasi tanga’t kalahati, may gusto ka na pala sakin hindi ka pa umamin, gusto din naman kita eh” medyo pasigaw kong sabi sa kanya, medyo namula naman sya dahil sa sinabi ko, napatakip naman ako bahagya sa bibig ko, medyo pinaling ko din sa ibang direkyon yung mata ko at nagpatuloy ulit mag lakad papunta sa room, Kaerel!!! Ano na namang bang katangahan ang mga pinag- gagagawa mo! Pwede ba self kahit minsan magpigil ka ng sarili mo… Galit ka kay Jeon remember!! Ramdam ko naman na nasunod sakin si Jeon. Nung makarating na ako sa pintuan ng Room namin, nakaabang na agad yung kaibigan ni Jeon tapos dala dala nya bag ni jeon. “Ano sabi sa inyo ni Sir?” intriga nyang tanong. “Mag vovolunteer daw kami sa orpahanage tomorrow, 5 am dapat gayak na kami” sabi ni Jeon “Ayyy?? Volunteer parang masaya yan ah” sabat ni Mark “Kung gusto mo daw sumama, pwede ka sumama” – sabi ni Jeon kay Dewei “Ok gooo! Wa problem, pero diba sa Sunday may lakad kayo ni Kuya mo” sabi ni Dewei, medyo naintriga naman ako kung ano yung lakad na sinasabi ni Dewei. “Oo nga eh, di ko nga alam kung saang bahay kami gagawa nitong si Mr. wang ng project  namin” sabi ni Jeon pansin ko naman na napatawa kaibigan nyang si Dewei “Sa bahay nyo” sabi ni Mark “Hindi pwede dun, gusto mo bang makatay sya ng Kuya nya kapag nakitang may dalang lalaki kapatid nya” sabi ni Dewei, alam kong alam nya ang dahilan kung bakit hindi pwede dun sa bahay ni Jeon “ay ganun? Grabe naman Kuya nya” sabi ni mark “naku, wala kang kaalam alam kung gano ka protective kuya nya pag dating kay Jeon” sabi ulit ni Dewei “Kung ganun, iooffer ko ang bahay namin” dagdag na suggest  suggest ni Dewei “TALAGA!!??” sabay pa naming sabi ni  Jeon “Oo, habang nagawa si Jeon at Kaerel ng project , gumawa na din tayo” suggest din ni Mark “Ng ano???” ano gagawin natin??” pagbibiro ni Dewei “Ng project syempre!!” sagot ni Mark sa kanya “Gusto ko din kasi sumama dun sa Volunteer bukas, tapos ichachat ko o eemail ko si Sir na dun na tayo sunduin sa bahay nyo” – sabi ni Mark, hindi ko alam pero naaasar ako sa kanya, siguro dahil nagawa sya ng moves para mapalapit kay Jeon, pero ano naman pakealam mo dun Kaerel, matagal ka ng walang pakealam kay Jeon. “Good idea!” sagot naman ni Dewei “Sige kung ganun, Mark at Kaerel magkita tayo  mamaya sa park, at sabay sabay na tayo pumunta sa bahay namin, tapos ikaw Jeon pupuntahan kita sa bahay nyo, alam kong hindi ka papayagan ng kuya mo, so para for sure ipagpapaalam na kita” dagdag ni Dewei  Pagkadating ko naman sa bahay namin, dumeretsyo agad ako sa kwarto ko para mag gayak ng mga gamit na dadalhin ko, habang nilalagay ko yung mga damit ko sa travel bag ko, napangiti na lang ako dahil naalala ko yung sinabi sakin ni Kaerel kanina, kung alam ko lang na gusto nya din pala ako, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa non at umamin na ako sa kanya, so lumalabas pala na kasalanan ko pa kung bakit sya nag kaganun? Eh kung hindi ba din naman sya isa’t kalahating tanga, dapat umamin na din sya sakin non, sya naman dapat ang unang aamin dahil sya ang lalaki eh, pabebe pa kasi non eh, tapos ngayon magagalit sakin. “Jeon!” biglang imik naman ni kuya dito sa may likuran ko kaya napaigtad ako sa gulat. “Kuya, may kamay ka naman siguro para kumatok diba?” reklamo ko sa kanya “Mukhang may pupuntahan ka na naman ah” taas kilay nyang tanong sakin “Mang gagawa lang kami kuya ng project kela Dewei, saka ngapala Kuya mag vovolunteer kami nila Dewei sa orphanage tapos mamayang gabi gagawa kami ng vase and flower craft” “So ibig sabihin hindi ka dito tutulog ?”  “Oo kuya, susunduin naman ako ni Dewei dito mamaya, ipag papaalam ako sa iyo”- sagot ko “Okay na, saka ihahabilin din dapat kita kay Dewei, may aasikasohin akong trabaho dun sa ospital ng kaibigan ko, baka ipapasok ako ng trabaho” paliwanag ni Kuya sakin “Ah so? Kela Dewei muna ako titira?” nakangiti kong tanbong sa kanya “Dito si Dewei titira satin” sagot ulit ni Kuya sakin 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD