*JEON’s POV*
Pagkahila ko kay Dewei papalabas ng canteen , hinila ko naman agad sya papunta sa C.R , Ramdam ko sa ilong ko na may lumalabas pa ding dugo , Kaya pagkarating namin sa C.R binuksan agad ni Daehwi yung gripo saka ko dali dali hinugasan yung ilong at bibig ko
“Bat dumugo ilong mo ? “ – tanong sakin ni Dewei , Di ko naman alam isasagot ko sa kanya kasi di ko din naman alam kung anong dahilan ng pagdugo ng ilong at pag-ubo ko ng dugo
“Magpa check-up ka na kaya “ – sabi ni Dewei habang pinupunasan yung mukha ko , kinuha ko naman sa kanya yung panyo at pinunasan ko yung sarili ko kita ko naman sa mata ni karry na nag – aalala sya kanina sakin , Kahit naman pala papano may pake pa sya sakin , alam ko yung ganung titig , kilalang kilala ko sya
“Nagagawa mo pang ngumiti nadugo na nga ilong mo “ – sabi ni Dewei sabay tapik sa braso ko kaya nginitian ko si Dewei saka ako lumabas sa cr , habang naglalakad kami papunta ulit sa room namin biglang umimik si Dewei
“alam mo naasar ako sayo “ – sabi nya kaya napatingin ako sa kanya
“Bakit naman ?’ – tanong ko
“alam ko na ang tunay na dahilan kung bakit galit sayo si Papa Kaerel akala ko naman dahil sa kwento mo ikaw ang kawawang kawawa yun pala mas dehado si Papa Kaerel , ang sama mo din eh no “ – sabi nya sakin
“Pano mo naman nasabi yan ?” – tanong ko ulit sa kanya
“basta ! “ – sabi ulit nya
“Sa tingin mo Dewei , babalik pa kaya sya dun sa dating ugali nya ?” – tanong ko ulit kay daehwi napatigil naman si Dewei sa paglalakad tapos umimik sya
“Sa tingin ko hindi na kasi sya din yung may sabi kanina eh , na hinding hindi na daw sya babalik “ – sabi nya tapos nagsimula ulit kaming lumakad , Di ko din naman masisi si Kaerel eh , Ako din naman kasi may kasalanan , Dapat nun palang sinabi ko nang gusto ko sya , nung time na pinakilala samin ni mama yung fiancée ko daw pwede ko naman sanang tanggihan si mama nun eh pero di ko ginawa , Ano kaya gagawin ko para bumalik sya sa dating ugali nya. Nung malapit na kami dun sa may pinto ng room namin biglang may humara sa harap namin ni Dewei.
“Kaerel ?” – imik ko , tapos inabot nya sakin yung hawak nyang bulaklak
“IHHHHHHHHH~KINIKILIG AKO ~!!!!!!” – irit ni Daehwi tapos hampas sya ng hampas sa balikat ko di ko naman alam kung aabutin ko ba yung bulaklak na binibigay sakin ni Kaerel
“Kung inaakaala nyong sakin galing yan , nagkakamali kayong dalwa , pinaaabot lang sakin ni Mark to “ – imik nya kaya napalingon kaming
dalwa ni Dewei dun sa pwesto ni Mark kita ko naman na nag-ha-hi sya saming dalwa ni Dewei di ko alam pero medyo nadisappoint ako kasi di galing kay Kaerel yung bulaklak , Pagkakuha ko kay Kaerel nung mga rose tumalikod agad sya at pumasok dun sa room nila , ngumiti naman sakin si Mark saka sumunod sya kay Kaerel
“Kinilig na talaga ako dun , akala ko pa naman kay Papa Kaerel na galing yung bulaklak , pero infairness ha Jeon haba talaga ng hair mo “ – sabi ni Dewei sakin habang higit higit nya ako papasok sa room namin , nilagay ko naman sa locker ko yung mga rose saka ko nilock at umupo sa upuan ko sakto naman na pumasok na yung kasunod na teacher namin, kinuha ko naman yung libro ko saka binuksan , kahit nakikinig ako sa paliwanag ng teacher namin di naman pumapasok sa utak ko , nalabas lang sa kabilang tenga , iniisip ko pa din kasi yung mapapabalik ko si Kaerel sa dating sya , Pano kaya kung hindi na talaga sya bumalik sa pagkatao nya dati ? Lumuhod kaya ako sa harap nya at magmakaawa ? Hindi eh ! ayaw na ayaw nya ng mga ganung scene , Pano kaya kung magpacute ako sa kanya ? lalo namang hindi baka maaduwa pa sakin yun ,
“OMO!” – bigla kong imik alam ko na kung anong gagawin ko na hinding hindi nya hahayaang mangyari
“May problema ba Ms. Lai ? ?” – tanong ni Sir sakin tapos yung mga kaklase ko nakatingin na lahat sakin
“Wala po “ – imik ko saka umayos ako ng upo at nakinig ulit kay Sir , di ko naman mapigilan ngumiti , perfect timing , tignan lang natin Kaerel kung di ka bumalik sa dating ikaw , HAHAHAHA
“Maliwanag ba sinabi ko Class ?” – tanong ulit ni Sir
“Na ano po ?” – taanong ko naman kay sir
“Ms. Lai kanina ko pa pinapaliwanag , ulit ulit ko ng sinasabi di pa din ba malinaw sayo ?” – sabi ni Sir sakin , di ko naman alam ang isasagot k okay Sir , Kasalanan mo to Kaerel eh !
“Sabi ko every block pipili kami ng representative para sa Cooking and pastry baking na lalaban sa ibang school , Ang napili ko dito sa block nyo ay ikaw at si Dewei since kayo ang magaling dito sa block na to , Makakasama nyo yung napili din dun sa kabilang block , malinaw na ba ?” – paliwanag sakin ni sir , ngayon lang nag sink in lahat sa utak ko lahat ng sinabi ni Sir
“Maliwanag nap o sir “ – sagot ko sa kanya so kung kaming dalawa ni Dewei ang napili means di ko maisasagawa yung plano ko kasi magiging busy kami sa pagpapractice sa kitchen neto , kaasar naman saka kung kelan may brilliant idea na ako , nabulilyaso pa.