“Tss” – ismid ko at sumakay na ulit ako ng bike ko para bumalik sa bahay ni Dewei , Lagot ako sa baklang yung mamaya iba pa naman tumalak yun kala mong nagmimisa sa haba ng mga sinasabi , Nung time na ititipa ko na yung bike ko , napatingin naman ako sa harapan ko , Napatakip na lang ako ng bibig at di ko napigilan mapaluha nung Makita ko si Kaerel na nasa harap ko ,nakatitig lang sya sakin , yung mukha nya walang reaksyon , Nananaginip ba ako ? o guni – guni ko lang ba talaga to , dahan – dahan ko naman binaba yung bike ko para lumapit sa kanya kaso iniwasan nya ako ng tingin at nagbike sya palayo sakin , Di naman ako makapaniwala sa ginawa nya , Si Kaerel ba yun ? Tanong ko sa sarili ko , Oo talagang si Kaerel yun eh kaso bat di nya ako kinausap ? natulala naman ako at napako yung paa ko sa kinatatayuan ko , Bigla na din ulit bumuhos yung ulan , kasabay nun naramdaman ko yung sakit na ginawa nya sakin , Di ko ramdam yung pagpatak sakin ng malakas ng ulan kasi puro sakit sa dibdib ang nararamdaman ko , Kinuha ko naman yung bike kong nakahiga sa kalsada at inakay ko pauwi kela Dewei , di ko mapigilan umiyak habang akay – akay ko yung bike ko , Bat ganun sya ? Hangin lang ba ako sa kanya para lampasan nya ako ng ganun ?, kahit ba naman multo sya hindi ba naman nya ako kayang ngitian. Buti na lang malakas ang ulan , di kita sa mata ko na natulo luha ko kasi kada patak ng ulan napatak din luha ko , Nung makarating ako sa may tapat ng bahay ni Dewei , nagsisisigaw sya sakin , di ko naman maintindihan yung sinasabi nya kasi binging – bingi na ako sa lakas ng ulan , Kita ko si Dewei na papalapit sakin may dalang payong , binigay nya sakin yung payong saka nya inakay papasok ng garahe nila yung bike ko , Nung makarating na ako sa loob ng bahay nya , dali dali syang umakyat sa kwarto nya at kumuha ng damit pangpalit ako , di pa din ako makapaniwala na ginawa sakin ni Kaelan yun , Yung tagal ng pinagsamahan namin nun , nawala na sa kanya , kung kita nya lang kung gano ako nahirapan
“Ano ba ? Kanina pa ako imik ng imik di mo ko nakikinig ? Gano ba kadaming tubig ang pumasok dyan sa tenga mo ha ?”- galit na sabi sakin ni Dewei kaya humarap ako sa kanya at napapikit ramdam ko na bumagsak ulit yung luha ko
“ano ba nangyayari sayo ? Di ka naman ganyan ah , Dumalaw lang tayo kay Kaerel kanina nagkaganyan ka na” – sabi sakin ni Dewei habang pinupunasan nya yung buhok ko
“Gusto mo bang matiik ako ng kuya mo ? Nagtxt pa naman sakin , sabi ko andito ka samin , Alam mo ba naman ang sabi ? Ingatan daw kita at pag may nangyari daw sayong di maganda ibabaon nya daw ako sa kalapit ng puntod ni Kaerel , Naiintindihan mo ba yun ? Ibabaon ako ng buhay ng kuya mo ? Tapos ikaw ? Ahhhh ! awan ko na sayo ! Ang tagal ng wala ng kaibigan mo bat di ka pa makamove on move on , Siguro may kasalanan kang ginawa sa kanya ano ? kaya ganyan ka na lang makaiyak , Everytime na lang na dadalaw tayo sa kanya , nagkakaganyan ka , “ – talak ni Dewei sakin pero ang nasa isip ko pa din ay yung nakita ko kanina , baka kamukha lang ni Kaelan yun , kasi di gagawin ni Kaelan sakin yun eh , Siguro nga multo nya lang yung nakita ko , Siguro , siguro !
“hoyyyyy babae nakikinig k aba sakin ?” – sabi nya sabay hampas sa balikat ko saka naman ako natauhan sa pagkakatulala ko
“Ano ? Sasabihin ko na ba sa kuya mo na dito ka matutulog ?” – tanong nya sakin habang hawak nya yung cellphone nya
“Pano ? May pasok tayo bukas ?” – tanong ko sa kanya tapos kinuha ko yung towel na nakapatong sa balikat nya at pinunas sa buhok at katawan ko
“Don’t worry , may uniform ako na pang girl dyan pinangarap ko kasi magsuot ng uniform na pang girl sa School kaso baka ikick out ako pag pumasok akong nakapang babae na uniform, “ – sabi nya sabay tawa nya , saka naman dinapuan ng ngiti yung labi ko kaninang walang ginawa kundi manginig , napabuntong hininga naman ako
“Sent , ok dito ka na tutulog , napag-paalam na kita”- sabi nya habang nakangiti sya sakin , Thankful ako kay Dewei kahit papano andito sya para sakin , kahit down na down ako , sya lang may lakas ng loob na batukan ako .
“Alam mo , may bagong lipat dyan sa harap ng bahay namin , Galing daw Italy? “ – sabi nya sakin habang nag – aayos sya nung mga ginamit na pangtuyo sakin , Lumingon naman ako dun sa sinasabing bahay ni Dewei ang dilim , sabay lingon ko naman ulit kay Dewei
“Saan mo naman nabalitaan yan ?” – tanong ko sa kanya ang lakas talaga ng sagap ng panga ng baklang to , kahit mga ganung bagay napapag babalitaan nya , Eto din gusto ko sa kanya eh , di ka mahuhuli sa balita at trending.
“Dyan sa labas mismong dun sa may ari , ang ganda ni Ateng na napagtanungan ko Girl , pero wala talagang mas tatalo sa kagandahan ko “
– sabi nya habang hinahawak hawakan nya yung pangahan nyang mukha dun sa tapat ng salamin , ganito talaga ako magsalita sa kanya , lampas , kaya asar na asar to sakin eh
“Kahit ikaw , di kayang talunin tong gantong beauty “- dagdag nyang pagmamahanga sakin , napangiti naman ako sa kanya nun at umimik ng--
“Alin bessy ? yung mala 100 tons mong panga dyan sa mukha mo ? syempre di ko kayang abutan yan , ikaw lang binigyan ng ganyang beauty eh “ – pang –aasar ko sa kanya , Yung lungkot ko kanina , dinadaan ko na lang sa pang – aasar kay Dewei , Sinamaan naman ako ni Dewei ng tingin sabay taob nya dun sa salamin na hawak nya
“Oh di sige , ikaw na maganda ! Multohin ka sana ni Kaerel mamaya “ – sabi nya sakin sabay tayo nya , Sinundan ko naman sya saka niyapos sa likod
“Joke lang naman bessy , saka maniniwala ka bang nakita ko si Kaerel kanina ?” – sabi ko sa kanya , sya naman tinanggal yung kamay ko na nakayapos sa kanya saka sya humarap sakin , di maipinta yung mukha nya
“Alam mo ihahatid na lang kita sa inyo , kinikilabutan ako sayo , kanina pa!” – sabi nya habang pinipispis nya yung balikat nya , Halata naman talaga sa kanya na kinikilabutan sya , Kaya tumawa ako para mawala – wala pagkatakot sa mukha nya
“Alam mo ikaw nakakaloko ka eh , Ano ? sinasapian ka ba ? “ – sabi nya ulit sakin sabay batok , napapispis naman ako sa ulo ko sa sobrang lakas ng batok nya sakin , Naglakad naman sya papunta sa kusina kaya sinundan ko sya at umupo ako dun sa lamesa nila sabay nangalumbaba ako at pinapanood ko lang sya sa bawat kilos na ginagawa nya .
“Hindi mo ba ako tutulungan ?” – tanong nya sakin habang naghuhugas sya nung mga gulay na lulutuin nya , Kaya tumayo naman ako at nakisawsaw sa ginagawa nya , pagkatapos ko hugasan yung mga gulay na ilalahok nya dun sa lulutin nya , hiniwa ko na ng maliliit , ayaw nya kasi kumain ng malalaking gayat , naaalala ko naman sa kanya si Kaerel , parehas sila pagdating sa bagay na to napapatwa naman ako sa sarili ko habang naghihiwa ng gulay
“Alam mo ikaw , ang sarap mo ipasok sa mental “ – sabi nya sakin habang hinahalo nya yung ginigisa nya
“Di bessy may naaalala lang ako “ – sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ko na ulit yun gginagawa ko
“alam ko naman kung sini eh kaya di ko na tatanungin “ – sabi nya ulit then kinuha nya na yung ginayat ako at inilahok dun sa niluluto nya , umupo naman ulit ako dun sa lamesa nila at napatingin dun sa may maliit na bintana sa taas ng dingding nila , Yung kaninang makulimlim na langit napalitan naman ng madaming bituin , Sana maganda ang klima bukas , Siguro pupunta muna ulit ako kay Kaerel bukas bago pumasok , magpapasalamat ako sa kanya dahil nagpakita sya sakin , Ok na sakin na kahit di ko sya nayapos , ok lang sakin na ganun yung inasal nya alam ko naman kung bakit eh saka naiintindihan ko naman sya , napahwak naman ako sa ulo ko sabay pikit at huminga ng malalim , Kalimutan mo na mga nangyari ngayon , May bukas pa , wag mo dibdibin yung mga ganyang bagay – bagay jeon , Kaya mo yan , Nagawa mo nga netong mga nakaraang taon , ngayon pa kaya
“Oh ayan na po madam kumain ka na !” – sabi sakin ni Dewei sabay lapag nya nung platong may laman na carbonara tapos kumuha sya ng tinidor at itinusok dun sa carbonara ko , tapos umupo sya sa may harapan ko, Nakangiti lang ako sa kanya nung mga time na yun , Kahit papano di nya ako pinababayaan
“Ano ? titingin ka lang bas akin o hahayaan mong yung mga lamok ang kumain dyan sa carbonara mo ?” – asar nyang sabi sakin habang nasubi sya nung niluto nya
“Thank u bessy “ – sabi ko sabay ngiti sa kanya
“ok lang yun saka , sino pa ba magpapakain sayo kundi ako ? baka mamaya pag tumarak mata mo sa sobrang gutom itusok pa ako ng kuya mo sa katabing lupa ni Kaerel “ – pagbibiro nya sakin tapos nagtawanan kaming dalawa , Habang nakain kami , kwento sya ng kwento ng masasayang bagay , Alam ko naman kung bakit ginagawa nya yun eh , para mawala yung lungkot ko, Pagtapos naming kumain nagtulungan kami maghugas nung mga pinggang ginamit namin , then sabay na kaming umakyat sa kwarto nya , wala syang tigil sa kakawento kaya hanggang kahit nakahiga na kami , kwento pa din sya ng kwento.