CHAPTER 4

2205 Words
Pagkamulat ko ng mata ko , Bubong agad ng bahay nila Dewei ang nakita ko , Pumikit muna ako ulit saka huminga ng malalim , Lumingon naman ako kay Dewei , ang ganda pa ng tulog nya , nag dalawang isip naman ako na gisingin sya kaya dahan – dahan ko tinanggal yung pagkakayapos nya sakin saka ako tumayo at kinumutan ko muna sya bago ako pumunta sa wardrobe nya para kunin yung uniform na sinasabi nya , pagkabukas ko nung cabinet nakita ko naman agad yung uniform kaya dahan dahan ko kinuha para di magusumot , Pagkakuha ko , dumeretsyo na ako sa C.R nya para maligo , Nung time na nagshoshower ako , pinababayaan ko lang bumagsak sa mukha ko yung tubig ng shower , di pa din maalis sa isip kung totoo ba yung nakita ko kahapon o multo nya lang yun , Ramdam ko naman yung init nung tubig dahil sa binuksan ko kanina yung heater , kaya pinagpatuloy ko na maligo , pagkatapos ko nagbihis na agad ako at lumabas ng C.R , ang sarap pa din ng tulog ni Dewei nakanga-nga pa sya , Napatingin naman ako sa paa ko , naisip ko kung anong susuotin ko na sapatos . Pumasok naman sa utak ko yung rubber na suot ko kahapon , Siguro naman tuyo na yun kasi drinayer ni Dewei kagabi yun , Kaya dali – dali akong bumaba ng hagdan at pumunta sa Washing Room nila , nakita kong nakahanger yung rubber ko kaya kinuha ko , Humiram din muna ako ng medyas na nakahanger . Pagkasuot ko , napatawa na lang ako sa sarili ko , Hindi kaya ako pagtawanan sa School mamaya , ang baduy ng gayak ko , Well bahaala sila , Wala akong pakealam sa sasabihin nila ., Agad akong lumabas ng bahay nila Dewei at kinuha ko yung bike na pinarada nya kahapon sa garahe nila , Saka ako sumakay at pinatakbo , Kahit naman di ko isipin kung san ako papunta , naka program na sa katawan ko na sa libingan ako ni Kaerel dederetsyo , habang binabike ko papunta sa puntod ni Kaerel , ramdam na ramdam ko yung lamig ng hangin , Halos sisikat palang kasi ang araw , Kakaunti pa din yung mga taong nakakasalubong ko , Pagdating ko naman sa puntod ni Kaerel agad akong bumaba sa bike ko at sinandal dun sa may puno , Inayos ko muna yung bulaklak ko na nilagay kahapon kasi baka natumba ng hangin , then saka ako umupo at tinitigan yung pangalan nya , “Kaerel Brian Wang” –bulong ko sa sarili ko habang sinasaka ko ng daliri yung pangalan nya sa puntod , Di ko naman mapigilan ngumiti habang sinusulat ko yung pangalan nya “Thank you dahil kahit papano nakita kahapon , Kahit walang reaksyon yung mukha mo , kahit di mo ako kinausap , Salamat dahil pinagbigyan mo yung hiling ko na makita kita “ – sabi ko sa kanya habang nabuntong hininga “Pero sa susunod na Makita kita , hihilahin na kita pauwi sa bahay “ – dagdag ko habang tinatanggal ko yung mga nalilipad na dahon sa puntod nya “Galit ka pa ba sakin ? Kung alam mo lang sana kung ano yung ginawa ko nung nawala ka ,” – sabi ko ulit sabay ngiti “Nene , Boyfriend mo ba yan ?” – tanong sakin nung matandang janitor na naglilinis ng mga puntod “Bestfriend ko po”- sagot ko sa kanya habang nakangiti “Ah akala ko Boyfriend mo , Kasi lagi kita nakikitang nadalaw sa kanya , Alam mo ang swerte nya nene sayo kasi kahit andyan na sya ngayon , di mo pa din nakakalimutan na puntahan sya “ – sabi sakin nung matanda habang nagwawalis. “Syempre naman po , pangako po namin sa isat isa na walang iwanan , kaya kahit sya yung sumira sa pangako nya atleast ako tinutupad ko pa din yun kahit wala na sya “- sabi ko dun sa matanda para namang kinurot yung puso ko dun sa sinabi ko , kung pwede ko lang hilingin na mabuhay ulit sya gagawin ko na makasama ko lang ulit sya at para itama yung mga maling nagawa ko sa kanya “Kanina may dumalaw din sa kanya , mas maaga pa sayo , nakikita mo ba yang bulaklak sa kabila ?” – sabi ni tatang kaya napalingon ako dun sa kabilang side nung puntod ni Kaerel , nagtaka na lang ako kasi meron nga “Medyo baklain po ba ?” – tanong ko dun sa matanda sa pag-aakala kong si Dewei yung pumunta “Hindi nene eh , Lalaking lalaki yung dating nya “ – sabi nung matanda habang denedescribe sakin “Ahm , matangkad po ba tapos yung buhok nya medyo semi lang yung gupit ?” – tanong ko ulit dun sa matanda sa pag-aakala ko naman si Kuya yung pumunta “Hindi rin nene eh , basta yung buhok nya medyo may bangs sya tapos mga hanggang dun ang tangkad nya sa puno na yun “ – sabi ulit nung matanda habang sinusukat yung tangkad nung puno , nagtataka naman ako kasi alam ko wala namang ibang kaibigan si  Kaerel    nung nabubuhay pa sya , kasi nga kami lang lagi yung magkasama , Kami lang dalawa masaya na kami , Pilit ko naman inaalala kong may malapit na kamag –anak si Kaerel kaso wala talaga eh , ate nya lang yung kasama nya kasi nasa ibang bansa mga magulang nya , di naman pwedeng papa ni Kaerel kasi matagal na din wala papa ni nya , ayon sa kwento sakin ni Kaerel nun , baby pa lang sya di na nya nakita papa nya . Pero sino kaya yun ? Di rin naman pwedeng yung naging fiancé ko nun kasi di nya naman alam kung san nakalibing si Kaerel saka simula nung tinakbuhan ko sya sa kasal namin wala na akong naging balita sa kanya . “Mga kasing edad mo siguro yun nene “ – imik ulit nung matanda , kaya lalo akong nagtaka at naguluhan , Ka-edadan ko ? Imposible talaga wala syang kaibigan na iba , napakamot na lang ako sa ulo ko habang nakatingin sa puntod ni Kaerel , Pero ok na din yun , Thank you sa kanya dahil dinalhan nya ng bulaklak si Kaerel , Imsure matutuwa si Kaerel kasi paborito nya tong bulaklak na dinala nung lalaki , kagaya nung bulaklak na dinadala ko “Sige nene , madami pa akong lilinisin , maiwan na muna kita ha “- paalam sakin nung matanda habang nakangiti kaya tumayo ako saka nagbow at ngumiti dun sa matanda , nilingon ko naman ulit yung puntod ni Kaerel para mag-paalam na kaso umimik ulit yung matanda ng.. “Hanga pala nene , nung dumating ka kanina , halos kaaalis nya lang” – sabi nung matanda kaya sumagot ako ng --- “Ay ganun po ba , sayang naman po di ako nakapag thank you sa kanya “- imik ko “Hayaan mo nene , pag nakita ko ulit sya na dumalaw dito ipapaabot ko yung thank you mo , “- sabi nung matanda , binigyan ko naman ng magandang ngiti yung matanda , pasasalamat ko. “Ano ba pangalan mo nene ?” – uling tanong nung matanda “Yljeon Lai po , pero Jeon na lang po itawag nyo sakin”- sabi ko tapos hinagip ko na yung bike ko “Sige Jeon , sasabihin ko na lang sa kanya Thank you mo” – ulit na imik nung matanda at tuluyan na syang pumunta dun sa kabilang parte nung Heavenly park para maglinis , napangiti naman ulit ako bago sumakay sa bike ko , “Sige Kaerel , Mauuna na ako , maaga pa pasok ko ngayon “ – sabi ko muna kay Kaerel saka ko pinatakbo yung bike ko papuntang School , Siguro sa tinagal –tagal kong andito sa Heavenly nasa school na si Dewei , panigurado magagalit sakin yun , mabilis ko naman pinatakbo yung bike ko kasi konting oras na lang mag ta-time na , kasabayan ko naman dito sa kalsada yung mga kotse , bawal kasi ang truck at bus sa lane na to , di na din ako pinapansin ng mga traffic enforcer kasi lagi naman nila ako nakikitang dumadaan dito , binabati pa nga nila ako eh , Nung halos malapit na ako sa School namin , traffic pa sa may unahan ko , kaya sa ayaw at sa gusto ko , kelangan ko sumunod sa traffic light kasi baka pulutin na naman ako ni Kuya sa Cell Shelter pag sumuway na naman ako , Pinipindot –pindot ko naman yung busina ng bike ko para di ako maboring kakahintay dun sa bilang , di ko din mapigilan ngumiti , di ko alam kung bakit minsan talaga may mga bagay na hindi mo kayang ipaliwang kung bakit nagbabago ang mood ng tao , Pagkatapos nung bilang agad ko pinatakbo yung bike ko , medyo nagpreno na ako nung unang pumasok yung kotseng nasa harap ko sa gate ng school namin , Pagkapasok nung kotse nabungadan ko naman agad si Dewei , ang sama ng tingin sakin , Sabi ko na nga ba eh , Magagalit sakin tong taong to , Ngingiti – ngiti naman ako sa kanya habang nalapit , Sya naman pairap – irap lang sakin , Dala nya din yung bag ko at Black Shoes , Galing kaya sa bahay tong baklang to ? “Goodmoring bessy ?” – ngiti kong bati sa kanya , paasar naman nyang inabot sakin yung mga gamit ko “What is good in the morning kung di pa nasikat ang araw nasa bahay na agad ang kuya mo at pinagagalitan ako “ – asar nyang sabi sakin habang nakapameywang “So si Kuya nagdala neto ?” “ – tanong ko habang binubuklat ko kung anong laman nung plastic bag “Hindi siguro , Lumipad lang yan papunta sa bahay ko “ – sabi nya tapos may pagkainis pa din sa tono ng boses nya kaya binaba ko yung gamit ko tapos yinapos ko si Dewei “Sorry Bessy , Hayaan mo sasabihin ko kay Kuya wag ka na nya pagalitan “ – sabi ko sa kanya habang nagprepretty eyes at nag popout ako “Sige na nga , tumigil ka lang dyan sa ginagawa mo , ang sakit sa mata eh “ – sabi nya sakin habang inaalis nya yung kamay ko sa beywang nya “Magpalit ka na , mag flaflag ceremony na andito pa tayo “ – sabi nya tapos hinakmit nya yung lalagyan ng sapatos ko na nakalapag dun sa semento sabay kinuha nya yung sapatos ko sa loob nung cartoon saka binigay sakin “Oh dyan ka na magpalit “ – sabi nya tapos inupo nya ako dun bench malapit dun sa may gate “Susuotan mo ako ng sapatos ?” – gulat kong tanong sa kanya kasi for the first time pagsisilbihan nya ako “Ano ka si Cinderella ? saka yung mga gantong beauty di bagay maghubad ng sapatos ng iba , Magpalit ka mag-isa mo , masisira lang make-up ko pag pinagpawisan ako “ – inis nyang sabi sakin tapos binuklat nya yung pamaypay nya at pinaypay sa kanya , Napangiti na lang ako sa kanya , Kaibigan nga kita , HAHA . Tapos hinubad ko na yung rubber ko at ipinalit dun sa cartoon na pinaglagyan nung black shoes ko “Yaaaaaah !!!!!” – sigaw ni Dewei habang natayo sya kaya napatingin naman ako sa kanya kita ko nanlalaki yung mata nya “Medyas ko yan ah !!!!!” – sabi nya tapos nakatingin sya dun sa may talampakan ko kaya napatingin din ako paa ko , Napatawa na lang ako kasi nakalimutan ko sinuot ko ngapala yung medyas nya kanina. “Sorry bes , Wala kasi akong masuot kanina eh “ – sabi kong nakangiti sa kanya tapos pinagpatuloy ko na yung pagsusuot ko ng sapatos “Yaaaa” – asar nyang sabi sakin , tapos yung tono ng boses nya ang landi , sarap talagang sapakan ng sapatos netong baklang to , sobrang landi “kaasar ka naman eh , baka sa susunod yung panty ko na yung Makita kong sout mo “ – sabi nya sakin kaya di ko napigilan mapatawa ng malakas tapos tumingin ako sa kanya sabay iling , habang tinatabi ko yung mga gamit ko di ko pa din mapigilan tumawa dahil sa sinabi ni Dewei, Yun ang hinding hindi ko gagawin sa talambuhay ko , ang suotin ko yung panty nya, Langya talaga tong baklang to , walang pakealam kahit madaming tao eh , basta masabi nya yung gusto nya sabihin , go lang ng go ang bibig “Tara na nga “ – sabi ko sa kanya tapos tumayo ako saka sinakbit ko yung bag ko then umakbay ako sa kanya , Pagkarating ko sa locker namin , sinuksok ko agad yung sapatos ko sa loob , nagulat na lang ako nung “Yiiieee “ – tili ni Dewei habang kinikilig , napatingin naman ako dun sa hawak nya , Haba talaga ng hair ng baklang to, may nag – abot na naman ng sulat “Ano daw sabi dyan ?” – tanong ko tapos pilit ko sinisilip yung nakasulat , agad nya naman tinakip at nilagay sa locker nya ulit “Wala ka na dun , pang – akin lang yun , “ – sabi nya habang nilalock nya yung locker nya di naman maalis sa bibig nya yung ngiti nya “Galing sa crush mo no ?” – usyoso kong tanong sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD