CHAPTER 5

1930 Words
“Eh ano naman sayo kung galing kay Crush yun ? “ – sabi nya , napailing na lang ako habang nakatawa sa kanya , naalala ko kasi yung last time na may nagpadala din sa kanya ng sulat , sabi magkita daw sila sa ganung lugar kaso tong baklang to, nag hintay lang sa wala , ilang araw din syang nagmukmok nun , “alam ko na yang nasa utak mo ! tigilan mo ako, di na mauulit yun !” – sabi nya habang nag reretouch sya ng make – up nya “Ppap!ppap!” –paputok nya nung labi nya pagkatapos nyang maglagay ng lipstick , kala mo namang sinipa ng tatlong kalabaw nguso nya sa sobrang pula nung lipstick “Tara na ! line na daw !” – sabi nya sabay hagip nya sa braso ko saka pinulupot yung braso nya . Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa Flag Ceremony area wala syang tigil ng kakangiti sa mga nakakasabay naming mga lalaki , Minsan ikaw na sa sarili mo ang mahihiya sa sobrang kalandian ng kaibigan mo , Siguro kung naging babae lang to si Dewei buntis na to hanggang lalamunan sa sobrang keri, Wag lang madaitan ng lalaki kala mo ng gagasahin na nya yung lalaki , Pagkarating namin dun sa open area nung school kung san magflaflag ceremony , nang – agaw agad ng line si Daehwi sa unahan , Ayaw nya kasing sa hulihan sya naline , di daw kita beauty nya dun kaya ako kahit ayaw ko dito sa unahan dito na ako napapatayo , kagagawan ng baklang to , Nung nakalinya na lahat nung estudyante  , sinimulan na mag prayer ., Everytime na nagflaflag ceremony kami wala akong ginawa kundi luminga – linga habang nagpaprayer sila , Tinitignan ko kasi yung seryoso at hindi seryoso , binabatukan naman ako ni Dewei pag nahuli nya akong di nakikinig , Then pagkatapos nung prayer sinimulan na nila yung ritwal nila sa Flag Ceremony , ako lang kasi ang hindi nakikiflag ceremony . halos isang oras sila magpaflag ceremony, Pagkatapos ng flag ceremony , pumulupot ulit si Dewei sa braso ko , Kala mo namang ahas eh . Tapos lumakad na kami para pumunta sa Class Room namin “Anong araw ngayon ?” – tanong nung principal dun sa taas nung stage kaya lahat kami napalingon ulit sa kanya tapos bumalik ulit kami sa mg alinya namin “Monday po “ – sigaw ni Dewei “Alam nyo naman routine natin every Monday di ba ? Pero bat parang nakalimutan nyo ata ngayon” – sabi ulit nung principal , bigla naman humigwat si Dewei sa pagkakapalupot sakin sabay tulak sa likod ko kaya halos madapa na ako dun sa may unahan “Hoy bakla !!” – sigaw ko sa kanya tapos sya ngingiti – ngiti sakin “Sir sya po ! “ – malanding sabi ni Dewei , Sya ? Anong sya ? tapos lumingon ako dun sa principal sa Stage binibigay nya sakin yung mike , Bigla naman may di magkaintindihan dun sa kabilang linya tapos pilit nilang pinaakyat yung kaklase nila , “Sir parang ayaw naman po nya , Kaklase nalang po namin “ – sabi nung kabilang section , lumapit naman si Dewei sakin ng nakapameywang “Hoyyy ~ Nauna Section namin !!! mga garapal kayo !!!” – sigaw ni Dewei dun sa kabilang Section , Pilit ko naman tinatakpan yung bibig nya , sya naman pilit na inaalis yung kamay ko , Nung time na umakyat na yung kaklase nung kabilang section dun sa stage umimik na naman si  Dewei  ng “Hoyy ! Hooyyy Tukmol ! Bumaba ka dyan  ! nauna kami , sa kabilang linggo ka na lang “ – sabi nya dun sa lalaki na nasa stage na “Pero andito na ako sa taas eh “ – katwiran nung lalaki kay daehwi , Pansin ko naman kay  Dewei   na naiirita na “Oh tapos ? Ano ka walang paa para bumaba ulit ? Baka gusto mo itusok kita dyan sa semento at gawing flag pole ? Ano ? don’t dare me ! Baba dyan !!” – sigaw ni  Dewei   habang pinababa nya yung lalaki sa unahan , napakamot na lang yung lalaki sa ulo , wala na syang nagawa kundi bumaba na lang sa sobrang tinis ng boses ni  Dewei   gagawin mo na lang yung mga sinasabi nya “Hoy babae akyat dun ! “ – sabi nya sakin habang sinasignan nya ako na umakyat , nung nakarating na ako sa taas , ako naman ang nahiya kasi lahat ng mata nila nasa akin “Anong course mo nene ?”  - tanong sakin nung principal “HRM po “ – sabi ko di ko naman mapigilan manginig yung kamay ko “Pangilang Block ka nene ? “ – tanong ulit sakin nung principal “Pang 2nd block po “ – sagot ko ulit , di talaga ako sanay ng naakyat sa mg Stage ng di kasama si Kaerel , Sya lang kasi nakakapag pagaan ng loob ko “Hoy Jeon ! “ – tawag sakin ni  Dewei   kaya napaalingon ako sa kanya “Inhale !” – sabi nya habang na inhale sya , kaya sumunod ako sa kanya  . kelangan ko din kasi para na akong may Parkinson disease dahil kanina pa ako nanginginig “Exhale !” – sabi ulit ni  Dewei   tapos nantitilos yung nguso nya kaya napatawa ako “Oh yan ! ready nap o yan Sir “ – sabi nya kay principal tapos bumalik na ulit sya kung san sya nakapwesto kanina “Oh sige so etong kakantahin mo ngayon ? Para kanino ?” – tanong sakin nung principal , Eto kasi ang patakaran dito sa School na to , Mission kasi ng boung campus na isa – isahin ang mga estudyante at malaman ang saloobin ng bawat isa sa pamamagitan ng isang kanta , Mission din kasi ng school na kung sakaling may broken family sa mga isa sa estudyante , sila ang nagawa ng paaran para maayos , Kaya dito sa School na to ako pinapasok ni Kuya eh , par amag-kaayos kami ni mama kasi simula nung nag run away bride ako , di na nya ako tinuring na anak , Pero wala na sakin yun , Kung sya nga di nya marespeto yung mga desisyon ko , saka isa pa benenta nya ako dun sa fiance ko na yun , simula nun tinuring ko na wala na akong mama “Para po sa Bestfriend ko “ – sabi ko dun sa principal “Bestfriend , ? Hindi ba  para sa mother or father mo ? Bakit kay Bestfriend ?” – tanong ulit nung principal , Tumahimik naman lahat , yung kaninang parang bubuyog ngayon boses ko na lang at nung principal ang naririnig ko “Wala nap o akong mother at father , “ – sabi ko ulit dun sa principal “Ah Ganun ba ? Pagpasensyahan mo na kami nene , So si Bestfriend , andito ba sya ngayon ? “ – ngiting sabi sakin nun gprincipal “Sir wala nap o !” – sabat ni Dewei “Nasa ibang school ba ?” – tanon gulit sakin nung principa , iimik na sana ako kaso naunahan na naman ako ni  Dewei   magsalit “Na-tegi na po Sir “ – imik ulit ni  Dewei   , nagtinginan naman sakin yung mga ibang estudyante “Ay sya ganun ba ? Sige na iha , padinig ako ng message mo sa bestfriend mo “ – sabi sakin nung principal tapos tinapik nya muna yung balikat ko saka umupo dun sa may upuan sa likod ko , Inabot din ni  Dewei   dun sa isang estudyante yung kakantahin ko tapos binigay naman nung estudyante yung papel dun sa controller ng sound , tapos unti unti ng nagfafade in yung kakantahin ko “Yiiiieee  beshy ko yan !” – pagmamalaki ni  Dewei   dun sa baba tapos papalapalak – pak sya habang natalon , itinapat ko na din yung mike sa bibig ko at sinimulan kumanta /insert hello,goodbye/ by hyolyn “You came to me by coincidence , and embraced me , and as we blankly stared at each other , You said goodbye , You only passed through in my dreams , Now you’re in front of me “  “Loves has come , You’re leaving , I waited for you but I cant see you anymore , always like a fool , the flowing tears tell me , goodbye now , goodbye , hello , hello , hello , hello , hello “ “When we meet again I’ll be the first to say , Im alright hello , Will I see you atleast in my dreams ? I close my eyes “ “Loves has come , You’re leaving , I waited for you but I cant see you anymore , always like a fool , the flowing tears tell me , goodbye now , goodbye “ “I hope time hurries up and brings you to me  , I hope you will tell me just once things that are unbelievable “ “Where are you ? Do you know my heart , I miss you ? in a place I cant never see you again , I shout to the night sky hello  “ “Loves has come , You’re leaving , I waited for you but I cant see you anymore , always like a fool , the flowing tears tell me , goodbye now , goodbye , hello , hello , hello , hello , hello “ Dahan – dahan kong nilayo yung mike sa bibig ko , Yung luha na kanina ko pa pinipigil habang nakanta ako bigla ng bumagsak kaya napatungo ako , Agad naman ako nilapitan nung principal at kinomfort ako saka kinuha nya sakin yung mike at umimik , di ko naman maalis yung kamay ko sa mukha ko kasi tulo ng tulo yung luha ko ,  Pag si Kaerel kasi ang pinag – uusapan parang dinudurog yung puso ko  “So iha , kung nasan man yung kaibigan mo ngayon siguro lagi ka naman nya binabantayan , saka kasi alam mo naman wala ako magagawa kasi wala na pala sya , Kung sigurong buhay sya tapos nagkaaway lang kayo, pwede gumawa school natin ng paraan para magkabati kayo kaso , Wala talaga ! Pasensya na iha “ – sabi sakin nung Principal tapos binubulungan nya ako ng masasayang bagay par atumigil ako sa pagiyak , nung time naman nan carried away ko na yung luha ko , Itinayo na ako nung principal , sabay sabay naman pumalakpak yung mga nasa baba,  Si  Dewei  naman nakangiting – nakangiti sakin tapos halata sa kanya na proud na proud sya habang napalakpak , inakay na ako nung principal pababa tapos unti – unti ng naalis yung mga ibang estudyante para pumunta sa mga room nila , Habang naglalalakad kami , daldal naman ng daldal sakin si  Dewei   , Pagkabungad palang namin dun sa pintuan ng Room namin , sinalubong agad ako ng palakpakan ng mga kaklase namin “Ayyy ang sayaaa “ – palirit ni  Dewei  tapos ang landi nya maglakad habang nakakapit sa braso ko “Jeon sino yung kaibigan mo na tinutukoy mo dun ?” – usyoso nila sakin , Umupo naman si  Dewei   dun sa may desk ko at tinalakan yung mga kaklase naming nagtatanong sakin “Mga tsismoso , Di nyo ba alam pinuputol na mga dila ng tsismoso ngayon, Dun nga kayo sa mga sarili nyong upuan !” – sabi nya , Inirapan naman sya nung mga kaklase namin bago bumalik sa upuan nila “Bakla ! “ – sigaw nung isa kong kaklaseng lalaki sa kanya “Oh eh ano ngayon ? Inggit ka ? eh di magbakla ka din !” – sagot ni  Dewei   tapos kinuha nya yung make up kit nya dun sa mini bag na nakasakbit sa kanya “Aga – aga sinisira beauty ko “ – sabi nya habang naglalagay ng eyebrow at foundation “Ang taray mo kasi “ – sabi ko  tapos kinuha ko yung libro ko sa bag ko at pinatong sa desk ko 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD