Napabalikwas ng bangon si Madison ng magising at napagtanto na nakahiga s'ya sa isang kama at puting kisame ang agad na nabungaran n'ya. Pag bangon n'ya saka lang n'ya napansin ang pamilya ni Jasper at Jasper na naroon. Mabilis s'yang bumaba ng kama ng makita si Heather na naka higa sa kabing kama n'ya, muntik pa s'yang matumba kung hindi lang s'ya na agapan ng isa sa kapatid ni Jasper na nasa paanan ng kama n Heather. "Hands off." malakas na sigaw ni Jasper na pinalong sinaway ni Daniella. Natatawa naman nag taas ng dalawang kamay si Jansen na lumayo kay Madison habang napapailing. Hinawakan naman ni Madison ang maliit na kamay ni Heather habang tintitigan ang anak na ang laki ng ipinayat sa loob ng 1-year na hindi n'ya ito nakita. Hindi ba ito pinakain ng maayos? Kasalanan ba n'ya k

