Halos madapa si Madison sa pag takbo papasok ng hospital ng malaman n'ya na isinugod daw sa hospital si Heather ng kagabi. At na ngangailangan daw ng blood donor si Heather dahil tinamaan ito ng dengue. Naka kuha na ang mga ito ng dugo na isasalin ngunit hindi sapat dahil meron din nakita ang mga ito na isang maliit na tumor na tumutubo sa gilid ng lungs nito na kailangan tangalin, hindi daw naman yun cancerous pero kailangan tangalin na s'yang marahil na nagiging dahil kung bakit ito nag cocollapse sa tuwing umiiyak ito ng sobra. Kaya na ngangailangan ang mga ito ng maraming dugo para isagawa ang operation para kay Heather. Nasa daan pa lang s'ya nakatawag na s'ya sa hospital na mag dodonate s'ya ng dugo para kay Heather at on the way na s'ya. Ngunit napalingon ang lahat ng nasa harapan

