Kab 7

4411 Words
Nagdilig ulit ako sa hardin pagkatapos kong kumain sa hapagkainan. Ate Dian was on the swing while reading a book. Wala siyang cellphone o kahit anong gadget upang pagkaabalahan niya. Naisip siguro ni Papa na mas maiging putulin ang koneksyon niya sa mga kaibigan niya lalo na roon kay Vern Alejo. May mga balita akong nababasa sa social media na ipapa rehab daw siya kahit hindi naman kinompirma ng kaniyang magulang na positive siya sa illegal na droga. Parang iyon na ang naging basehan ng mga tao na drug addict ngang talaga siya. Mabilis akong lumipat sa kamalig kahit pa nag aalangan ako. Baka naroon kasi si Juandro. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero pakiramdam ko mas uminit ang dugo niya sa akin ngayon at sigurado akong ayaw niya akong makita o kahit makausap. Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi ng tawad pero siguro kung hihingi man ako hindi ngayon ang tamang oras para roon. Jezel insisted on helping me again. Sinabi kong hayaan niya nalang muna ako. Magpapakain lang naman ako ng baboy sa kamalig. Pero nag offer nanaman siya na siya nalang ang kukuha ng feeds sa bodega kaya pinayagan ko nalang.  Papasok na ako ng kamalig nang makita ko si Juandro roon sa loob. Mukhang ilalabas na niya si Garbo. He was wearing cargo pants paired with a dark blue sleeveless T-shirt with open sides and it revealed how ripped his biceps were. I can also see the side of his chest down to his abdomen showing. His brows were drawn together in a tight arc, and his jawline is well-defined. Even though his actions are modest, they still scream vigor. Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ako sa paglalakad o babalik nalang ako rito mamaya pagkaalis niya? Napalunok ako at unti unting umatras.  "Saan ka pupunta?" His voice was almost a growl. Muntik na akong mapatalon dahil hindi ko inaasahang papansinin niya ako. "May..." nag hanap ako ng idadahilan. "May babalikan lang sana ako," Tumigil siya sa harapan ko at pinakatitigan ako. My gaze lowered on his black boots beuase don't think I could ever label his. "Anong babalikan mo?" Nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang hawak ko. Isang maliit na balde ng tubig at isang maliit na balde ng feeds ang hawak hawak ko sa magkabilang kamay. Gusto kong mapa-face palm sa ka-estupidahan dahil sa naisip kong dahilan. "'Yung-" "Why? Are you avoiding me? Are you mad at me, Rio?" Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaangat ng tingin. Akala ko ba siya itong galit sa akin? "K-Kukunin ko lang 'y-yung cellphone ko... sana," Ayaw ko na sanang maalala ang mga nangyari kagabi. Hiyang hiya ako. Ako pa ang may ganang sigawan siya at magalit gayong siya itong binigyan ako ng meryenda at pumayag na mag alaga ako ng kabayo nila. "You're lying," "Huh? Hindi. Nagsasabi ako ng t-totoo," "Bakit hindi ka sa akin makatingin ng diretso kung ganoon?" I bit my lip and put down the two pales. At sinubukan kong tingnan siya ng diretso. "Hindi naman sa uh... iniiwasan kita, Juandro. Ano lang... akala ko galit ka at ayaw mo akong makita kaya a-ako nalang mag aadjust," Naningkit ang mata niya sa akin habang pinapasadahan ng kaniyang dila ang kaniyang labi. "Bakit ako magagalit sa'yo?" his lips moved a bit, surpassing a smirk. "You just yelled in my face that you're not marrying my brother." "Kasi... hindi ko napigilan ang emosyon ko no'n at nasigawan nga kita," I shook my head. "Kaya pasensya na talaga," Sa pagkakataong iyon ay umangat na ang gilid ng labi niya. The humor on his face was very visible. Pakiramdam ko may nagawa nanaman akong kahihiyan at pinagtatawanan niya ako sa isip niya. 'Yun tuloy ang dahilan ng biglaang pag init ng pisngi ko. "Bakit? Hindi mo pa ba nararanasang sigawan ang ibang tao?" "Hindi eh," "Wow! Now, I feel so special," he chuckled. Sumimangot ako at kinuha nalang ulit ang mga timba. "Papakainin ko na si Groot," Sumeryoso na ang mukha niya ngunit may bahid pa rin ng biro, at kung gagawa pa ako ng kahihiyan na ikinakatuwa niya baka mamatay na siya sa pagpipigil ng tawa. May sasabihin pa yata siya pero mas pinili niya lang na ibahin iyon. "Okay Miss," hinila na niya rin ang tali ni Garbo at nilampasan na namin ang isa't isa. Kaya lang naagaw ni Loki ang atensyon ko roon sa kaniyang stable, ngumunguya siya ng damo at nakadungaw sa amin. Muli kong binalingan si Juandro. Hindi pa naman siya nakakalayo. "Juandro! Kailan ako pwedeng magsimula sa pag aalaga kay Loki?" Nilingon niya agad ako ngunit patuloy parin sa pag lalakad, ako nama'y paatras. "Whenever you want," "Okay!" Napakatakaw ni Groot habang pinapanood ko siyang kumain ng feeds. Sobrang dungis na nga ng nguso niya at mabuti nalang malakas lakas na siya ngayon. Humalukipkip ako at pinasadahan ng tingin ang stable. Mukhang kakalinis lang iyon dahil wala na akong nakitang dumi ni Groot at parang kakatuyo palang ng sahig. Hindi ko lang sigurado kung si Mang Pastor ang naglinis o si Juandro mismo. Hindi naman imposibleng siya nga. Magdadalawang linggo na akong narito at kung may napansin man ako sakanya, hindi siya 'yung tipo ng mayamang nandidiri sa ganitong uri ng kapaligiran. Or maybe, it's simply that I'm accustomed to being surrounded by wealthy people who act the same way, and Juandro was the only one in the throng who was able to command the limelight with ease. Kaya siguro hindi ko maiwasan minsan na mamangha.  Alam kong may mga taong mayayaman na pinaghihirapan at dumaan sa proseso upang makarating sila sa kung saan sila ngayon, ngunit may mga kilala rin akong koneksyon at apelyido sa alta sosyedad ang rekisito upang magkaroon sila ng marangyang buhay. Pero si Juandro, kahit pa nasa kaniya na lahat ng iyon, ang pangalan, kayamanan at katanyagan, narito pa rin siya sa maliit na sulok ng probinsyang ito at nagtatrabaho parin ng may putik sa paa. Umupo ako sa gilid ni Groot at pinasadahan ng daliri ko ang likod niya. "Wala pa yata akong nakakasalamuhang ganoon," pagkausap ko. Nagtagal pa ako roon ng ilang sandali. Bago ako umalis ay nilapitan ko pa si Loki at hinagod hagod ang buhok niya. Maamo naman siya at hindi mailap sa akin kaya nae-excite tuloy akong alagaan siya. Pagbalik sa mansyon, inabala ko ang sarili ko sa pag aayos ng kwarto ko. Kahit pa panay naman ang linis ni Jezel doon, iniba ko lang ang lugar noong round table at yung mga halamang may malalaking vase. Ang ibang halaman na may maliliit na vase ay binaba ko at pinalitan ng mga halamang nadidiligan sa hardin. Naisip ko kasing mamamatay rin ang mga 'yun dahil hindi gaanong naaarawan. Tumulong din ako sa pagluluto sa kusina. Si Ate Maya ang nakatoka ngayon kaya malaya akong nakakatulong sa pagluluto. Kung si Manang Melba kasi, kung hahayaan niya akong tumulong, pag aabot lang ng mga sangkap ang pinapagawa niya. Kay Ate Melba nakakapag chop ako ng mga gulay at mga iba pang nilalagay na sahog. "Grabe ang bago naman niyang niluluto mo Miss Rio! Amoy na amoy hanggang sa labas!" Pumasok sa kusina si Jezel ng may mga dalang gulay sa bayong. Isa isa niya itong nilagay sa lalagyan ng mga gulay habang si Ate Maya naman ay nagbababa na ng mga plato at kutsara upang dalhin sa hapag. "Kaya nga eh. Mukhang naalagaan ng mabuti sa kusina," ngisi ni Ate Maya. Nagluto ako ng paksiw na bangus sa tanghaling iyon. Naalala ko dati sabi ni Manang Sonya mas masarap daw ang paksiw na bangus kung bangus galing sa Dagupan ang gamit. Ito rin naman ang madalas na lutuin ni Manang noon kaya sa panonood siguro sakanya, natuto ako. "Gusto niyo bang tikman?" I offered pero nilalagyan ko na ang dalawang platito noong sabaw ng paksiw. "Matikman nga 'yan," Halos umabot ang ngiti ko sa tainga noong makita ang mga reaksyon nila. "Walang halong kaplastikan ah? Pero mas masarap pa 'to sa luto ni Mama," halakhak ni Ate Maya. Biniro siya ni Jezel na naroon daw si Manang Melba noong sinabi niya 'yon kaya't nataranta ito at nagtawanan kami. Halos isang minuto yata siyang hindi gumalaw sa pwesto at ayaw lingunin ang direksiyon ng pintuan. Gumalaw lang siya noong kumbinsido siyang inaasar lang siya ni Jezel. "Ewan ko sa inyong dalawa!" natatwang iling niya at nagpatuloy sa ginagawa, ngayo'y nagsasandok na ng kanin. Pinahinaan ko ang apoy ng kalan at hinihingat na lamang maluto ang paksiw. I leaned my back on the couter top just across the stove. "Ay! Miss Rio!" Lumapit sa akin si Jezel kaya napadiretso ako ng tayo. "Kanina kasi nagtatanong si Aiza sa akin," humina ang boses niya. Nagpamaywang si Ate Maya at nakinig na rin. "Tungkol saan?" "Kay Sir Hakim. Kung kumusta na raw ang paghahanap niyo roon sa nakabuntis?" My forehead wrinkled. "Paano naman niya nalaman 'yan?" "Hindi ko rin alam. Baka nabanggit ni Miss Dian sakanya?" "Oh? Nangangamoy isda 'yan ah!" si Ate Maya. "Bakit naman magkakainteres si Aiza tungkol diyan?" "Wala namang pakialam si Ate Dian tungkol dito kaya imposibleng may alam siya tungkol sa paghahanap namin ni Hakim?" Naiwan kami roong naguguluhan at may kaniya kaniyang tanong sa isipan. "Pero musta na nga ba, Miss? May nahanap na kayo?" "Uh... meron naman na. 'Yung pinsan ni Hakim may lead na raw. Kaya hindi siya umuwi kagabi dahil sinusundan nila 'yung lalaki," Malakas na napapalakpak si Ate Maya. "Sabi na nga ba eh! Dean's lister 'yang si Hakim kaya't hindi 'yan makakabuntis!" I chuckled a bit but my head's still rolling on our conversation earlier. Kaso baka lang naman kuryuso si Aiza kaya niya natanong iyon. Bahagya kong iwinisik ang mga naiisip ko. I just hope that before this day ends, the real father of Lianna Untalan's child will be caught. Natigil lang ang usapan naming tatlo roon noong pumasok si Juandro at dumiretso ulit sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Ate Maya and Jezel both moved as quickly as they could as if Juandro's presence had put an invisible line between us three and they needed to return to work. Sinulyapan ko si Juandro at nagtama agad ang tingin namin. He was staring at me as he nonchalantly drank from the big glass. Because he's sweating, beads of sweat from his neck were falling down on his adam's apple. His untidy hair and soiled shirt were also both damp. "Sir, handa na po ang tanghalian  maya maya," Tinanguan lang niya si Ate Maya at kaswal na itong umalis para ihanda ang hapag. "Magandang araw, Sir Juandro," kaswal din  na bati ni Jezel at umalis na rin doon. Ngayon kami nalang ang natitirang dalawa. Binaba niya ang baso sa countertop. Ako nama'y chineck na 'yung niluluto ko. Agad na kumalat ang aroma at asim noon sa ilong ko. "Are you cooking?" Sinulyapan ko siya. Nakalapit na pala siya. Agaran kong binalik ang tingin ko sa niluluto. "Patapos na," "Ikaw ang nagluto niyan?" Nahihiya akong tumango. "So you know how to cook? I'm surprised," may multo nanaman ng ngisi sa kaniyang labi, parang nang aasar. "Uh... natutunan ko lang sa Maynila," "Talaga?" Tumango ako. Sa mukha niya para bang ayaw niyang maniwala na ako ang nagluto noong paksiw. "Ano 'yang niluto mo? Paksiw?" dumumgaw siya kaya napa atras ako ng konti. Tiningnan niya ako noong napansin niya iyon. "Uh oo. Paksiw," "Ikaw talaga ang nagluto?" I scoffed because he doesn't really believe me. "Ako nga... gusto mo tikman mo pa?" biro ko at pinatay na ang kalan at ang tangke. "Sige," Shocked, I looked at him. "Ha?" "Titikman ko, Rio. Bawal ba?" his brows shot up. Alam kong nagbibiro lang ako noong hinamon ko siya pero hindi ko inaasahang seseryosohin niya naman. "S-Sige. Kukuha lang ako ng-" aalis na sana ako para kumuha ng platito pero hinawakan niya ang braso ko. Parang libo libong boltahe ng kuryentebang naglandas sa katawan ko. Nanginginig ang labi ko at nag ugat sa kinatatayuan. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, parang pati langgam hindi makakaraan. He was looking at me playfully habang ako'y nakatingala sa kanya. Bagama't pawisan, naamoy ko pa rin ang panlalaki niyang pabango. Or was it his natural scent? I don't know I can't think of anything but that moment. Parang nag slowmo sa harapan ko ang pagkuha niya ng kutsaron sa kamay ko bago niya binitiwan ang aking braso. Binuksan niya ang kaserola at nagbuga agad iyon ng usok dahil sa init. Pinaglaruan ko ang daliri ko. Nababahala ako. Pano kung hindi niya magustuhan? Paano kung pangit pala 'yung paraan ng pagluluto ko ngayon? Hindi naman sa wala akong kumpyansa sa sarili, lagi namang pinupuri dati 'yung luto ko kaya nagkaroon din ako ng tiwala kahit papaano, pero ngayon parang natitibag ng pagtikim lang ni Juandro ang tiwala ko sa kakayahan ko sa pagluluto. Kung pwede nga lang bawiin 'yung sinabi ko at sabihing si Ate Maya ang nagluto... Kaso naisip kong matitikman din naman niya ito pag nasa hapag na kami at siguradong malalaman niya rin sa huli. Hindi nalang ako mag eexpect ng masyado sa magiging komento niya. Ayaw ko na rin sanang tingnan ang reaksyon niya ngunit nahihila niya ang paningin ko. Inihipan niya ng isang beses ang umuusok na sabaw sa kutsaron atsaka inubos iyon. Nag iwas agad ako ng tingin noong matapos siya. "Uh, m-mauna na ako roon," turo ko sa hapag at amba na sanang aalis. Mabilis siyang humarang sa daan kaya nabalik akonsa pwesto ko. "Hindi mo ba ako tatanungin?" "T-Tungkol saan?" "Kung nagustuhan ko ba ang luto mo?" Dumaloy ang init sa buong mukha ko. Hindi niya ba nahahalatang awkward iyon? "Uh nagustuhan mo ba?" uutal utal kong sambit. Halos mag apoy na ang pisngi ko sa init. Ang kaba sa dibdib ko'y umaapaw at mas mabilis pa sa ragasa ng ilog ang pintig nito. Malalim akong humugot ng hiningi. Ano pa bang magagawa ko para iwasang itanong iyon sakanya gayong siya ang nagsabi sa akin. Sa totoo lang, kung kanina'y nababahala ako sa komento niya, ngayon mas gusto ko nalang makawala rito at umalis sa harapan niya. The problem is he wouldn't let me. "Pwede na," he said cooly. I heaved a deep sigh and said, "Thank you..." and left immediately. Buong akala ko'y kaming dalawa nanaman ang magsasalo sa tanghalian sa araw na iyon. Lubos nalang ang pasasalamat ko nang dumating si Ate Dian. Mukhang good mood siya ngayong araw. Dating pwesto nanaman kaming tatlo. Nakalagay na sa lamesa ang mga iba pang niluto ni Ate Maya kanina at syempre 'yong paksiw. I looked in the direction of Juandro, who was scooping soup off the serving plate where the Paksiw was. Tumikhim ako at nagsimula na sa pagkain. "What a lovely it is," naagaw ni Ate Dian ang atensyon namin. "Why? Did you cause trouble again with our housemaids?" Juandro said sarcastically. "Oo," binalikan iyon ni Ate Dian nang mas sarkastikong tono. Juandro's eyes darkened.  "When are you gonna change that habit?" "Eh, if I ever got out of here, I surely will," "Looks like you're already looking forward to it," Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang nakikinig sakanila. While Ate Dian's fury was already building up for that conversation, Juandro was casually eating his lunch. "You know what, Juandro? I've learned to love this place, and it is pretty ideal for me. You know, I adore looking at pretty things around me. Including you, who's very very kind to me," sarkastikong aniya. "Actually, looking my sister's face right makes me wanna hug her," Napakurapkurap ako at medyo nahulog sa sinabi niya. But already knew where's this going. "Knowing that mother has just sent me brand new clothes... at hindi siya pinadalhan ni kahit isang rolyong sinulid lang," malakas siyang humalakhak at mataray akong tiningnan. Umiling ako at mabilis nang tinapos ang pagkain para makaalis doon. It's all I could think about, to get out of there and no longer hear what Ate Dian's gonna say again. Tumakbo ako sa maberdeng damuhan ng rancho papuntang kamalig. Masakit sa balat ang sikat ng araw pero hindi ko na naalalang magpayong pa. Pulang pula tuloy ang mukha ko noong makita ko sa repleksyon ng sa tubig na nasa maliit na timba. Kinuha ko iyon at binuhos sa plastic na malaking mangkok upang inumin ni Groot. Naabutan ko si Mang Pastor kanina at siya na sana ang magpapakain kay Groot pero nag oprese akong ako nalang ang gagawa tutal tapos naman na siya sa pagpapakain sa mga kabayo roon. Ngunit bago siya umalis may kinuha siya sa bayong na dala niya. "Pinapadala ni Jepoy, Ma'am Rio. Para sa inyo raw at kay Sir Juandro," inabot sa niya sa akin ang kulay lilang flower crown at the bracelet. "Kaso hindi naman nagsusuot ng ganito si Sir kako," "Ayos lang po! Ako nalang ang magbibigay sakanya," kinuha ko iyon at tiningnan pa ang detalye. "Pakisabi po kay Jepoy, salamat at miss ko na sila roon," "Naku, panay nga ang tanong Ma'am kung kailan kayo babalik," Siguro tatanungin ko nalang ulit si Juandro kung kailan siya pumupunta roon at makikisabay nalang ako. Hindi ko pa naman masyadong alam ang paliko liko rito. At nasa tago ang kabahayan nila. Kung tabi lang sana ng highway pwedeng magpahatid nalang ako sa driver kahit pa mag isa akong pupunta roon. "Siya, Ma'am, iwan ko na kayo rito para maalagaan niyong mabuti ang bagong alaga niyo," sumingkit ang mata ng matanda dahil sa ngiti. "Sige po... salamat po ulit, Mang Pastor," I wore the flower crown and it complimented my long dark hair. Manipis lang naman ang buhok ko kaya ramdam na ramdam ko ang kapit ng mga rosas sa ulo ko. Sinuot ko rin ang bracelet pansamantala at sinubukang hulaan kung ano nga bang pangalan ng bulaklak na ito. Sa mga sandaling iyon nakaamoy ako ng kakaiba sa paligid ko. When I looked down I Groot's feces on the ground. Natawa ako at kumuha ng timbang may tubig sa labas at walis tingting. Tsaka ko nilinisan ang dumi ni Groot. "Ang bilis namang magiling ng kinain mo Groot," natatawa kong sabi. Kung tutuusin kakatapos nga lang niyang kumain. Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa sentido ko. Doon ko naaninag ang papalapit nang si Juandro. Bago na ang damit niya at mukhang kakatapos lang niyang maligo. I will take a bath too when I'm done here. Nagpatuloy ako sa pagwawalis ng tubig sa sahig patungo sa maliit na butas sa gilid ng stable. Juandro was leaning cooly on the metal gate while watching me. "Bakit hindi ka pinadalhan ni Mrs. dela Carcel ng mga bagong damit?" Nahinto ako saglit dahil sa tanong niya. I know the answer already but I was just ashamed to say it out loud, especially in Juandro's face. I shrugged to make it look natura for me. "Marami naman na akong dinalang damit sa maleta... naisip siguro niyang sobra-" "She's not close with you?" Hindi ako makasagot ng maayos. Maybe I was too uncomfortable to talk about it because... I'm afraid I'll admit the real reason in the end... that she hates me and I don't know what the reason is. "Mas... mas close ako kay Papa," "Then the answer to my question is no. Why?" Pinapanood niya ako ng maigi. Pakiramdam ko nga nahuhulaan na niya agad ang mga susunod kong galaw. Pero sinubukan ko ang lahat para lang maipakitang hindi ako naaapektuhan. I can't just stand in front of other people and have a mental breakdown. "H-Hindi ko rin alam," "Malupit ba siya sa'yo?" his questions were consistent as if he's interested or just completely out of curiosity. "Minsan lang naman. Uh, hindi ba ganoon naman talaga ang mga ina?" Dumilim ang mata niya at bahagyang nadepina ang buto sa panga. "Is your mother hurting you? Physically?" Gulat ko siyang tiningnan. "Hindi kailanman," iling ko. "Kung ganoon sa salita siya bumabawi," Hindi ako nagsalita at nadistract sa kumakalabog kong puso. "Are you okay?" he said sincerely. O baka halusinasyon ko lang iyon? Maybe he was just asking because wants to ask. There's no other reason behind that aside from he's curious. Ngunit sa sobrang emosyunal ko at naalalang ngayon ko lang yata narinig ang mga salitang tinanong niya sa loob ng mahabang panahon. If my memory serves me correctly, I last heard those words as a child, when it was common to fall and get cuts. Everything now appears to be a weakness of yours. And you just have to laugh it off because crying isn't something a grown girl does. Everyone will stare at you and comment on how weak you are because you sobbed. Bahagyang nangilod ang luha ko ngunit huminga lang ako ng malalim at sinagot siya. "Oo naman. Walang problema. Uh, ikaw? Okay ka lang ba?" "Not when your eyes are bloodshot," I chewed on my lower lip to prevent myself from breaking down. Pero hindi ko inaasahan na sunod sunod nang magsisihulugan ang luha ko. "P-Pasensya na," sabi ko at mabilis na pinalis ang mga iyon. "Sandali lang," Mabilis akong tumalikod at kinalma ang sarili. Nilagaw ko sa gilid ang walis tingting at pinalis ang mga luha na naglandas sa pisngi ko. Alam kong nakakahiyang umiyak sa harap ng taong hindi mo naman masyadong kakilala... pero bakit parang ayos lang sa akin, ngayon. I was just afraid he'd see my tear-streaked face. "You don't have to turn your back on me, Rio. I understand what you feel. But you'll be alright," Mas lalo lang yatang nakatulong ang sinabi niya sa pag uunahan ng luha ko sa aking pisngi. I was shamelessly crying and it's so embarrassing. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago tumigil ang pagpatak ng luha ko. Hindi na siya nagsalita pagkatapos ng sinabi niya. Hindi ko narinig ang pag alis niya. Hinintay niya pa yata akong tumahan. I turned around awkwardly just to see him still leaning on the metal gate. May dumaang pag aalala sa mga mata niya ngunit madali niya iyong tinago. "Do you feel okay now?" Tipid akong ngumiti at lumapit sakanya. Inalis ko ang flower bracelet sa braso ko pinakita sakanya. "Pinadala pala ni Jepoy p-para sa'yo," Nagtagal pa ang mapanuri niyang tingin sa akin bago balingan iyon. "Para akin 'yan?" "Uh, oo. Gawa ni Jepoy," "Pero... mukhang mas bagay sa'yo," My face heated. "H-Hindi na. M-Mayroon naman ako," turo ko sa suot kong flower crown. Nag aalinlangan pa siya ngunit sa huli ay pumayag naman. "Pwede mo bang isuot sa akin?" Nagkatinginan kami. "Sige..." Halos manginig ang mga daliri ko habang isinusuot iyon sa kaniyang palapulsuhan. His skin was as hot as the sun's rays, warming my skin like it's a kiss. The purple flowers didn't match well with his complexion, but I think that's part of what makes it so lovely. "Gusto mo bang ilabas si Loki ngayon?" "Ngayon?" "Yeah," "S-Sige. Pwede ba?" "Sure," Halos malimutan ko na ang lahat ng nangyari kanina dahil lang sa pag gigiya ko kay Loki sa kung saan ko siya gustong papuntahin. Syempre nasa tabi ko si Juandro at pinapanood din ang ginagawa ko. Nasa gilid kami, malapit sa mga puno upang maliliman kami. "Sa tingin mo... pwede ko na ba siyang sakyan?" Hinahawakan niya rin ang taling hawak ko. Kanina nga ay ayaw niya akong pahawakin, baka raw biglang mag amok si Loki at mahila pa ako. Pero noong matagal tagal naman na napapayag ko rin siya, kaso hindi pa rin niya binibitawan ang tali. "Hindi pa pwede. Kailangan mo munang bumuo ng koneksyon sakanya. Kapag nagawa mo 'yun, lahat ng utos mo sakanya  agad niyang susundin," Bumuo ng koneksyon. Iyon muna siguri ang paggugugulan ko ng atensyon sa ngayon. Buong hapon yata kaming nagpaikot ikot sa rancho para lang mapalapit kami ni Loki sa isa't isa. Juandro never left me there alone and I wonder why because he's got a lot of things to do. Kaya noong pabalik na kami ng mansyon hindi ko mapigilang isatinig iyon. "Uh... salamat nga pala sa pagsama kahit na may... ginagawa ka," "Do you feel better now?" My lips curled and I nodded. "Good then. I'll see you around..." "See you," sabi ko. Pagkabalik na pagkabalik ko sa kwarto, dumiretso na agad ako sa CR at nag shower ng may malaking ngiti sa labi. Maybe, I really feel better now. Tinawanan ko nalang 'yung isiping umiyak ako sa harap ng isang tao tapos nakita niya pa kung paano ako umiyak. That's the most embarrassing yet funniest thing that ever happened to me. Nagsuot na ako ng damit. Kinatok na nga ako ni Jezel para sa hapunan ngunit noong tumunog ang cellphone ko sa side table ng aking kama mas pinili kong tingnan muna iyon. It was Papa calling. "Papa!" masaya kong pagbati. "Rio, I've missed you, hija..." tahimil ang background niya kaya siguro'y break time niya or nakauwi na siya sa bahay. "I missed you too, Papa. Kumusta po?" "Everything's fine here, hija. Walang dapat ipag alala," Out of curiosity, I asked him. "Papa, bakit nga po pala kayo napatawag?" "I was just concerned, hija, if you're doing fine there?' "Oo naman, Papa. Wala rin pong p-problema rito," I thought of Hakim's problem. And I think I just lied to my father. "How's your bond with Hakim? Okay lang ba siyang kasama? Hindi ka ba pinipilit sa kung anu anong bagay?" Kumunot ang noo ko. Ano kayang meron? "Mabait po si Hakim, Papa. Uh... 'yun nga lang medyo ano... may mga babae lang na ano..." "The reason why I am asking you is that Hakim... his name's dominating the internet because of this articles about him-" Kumalabog ang puso ko dahil kahit hindi na ituloy ni Papa, may ideya na ako sa sasabihin niya. "Getting Governor Untalan's daughter pregnant but doesn't want to claim that the baby is his," Naestatwa ako roon ng ilang sandali habang kagat kagat ang aking kuko. Pilit kong pinoproseso kung nasa reyalidad ba ako o piksyon. "May alam ka ba rito hija?" Wala akong ibang nagawa kung 'di iexplain sakanya ang lahat. I understand him and he's a bit concern and worried but I assured him I'll be alright here. There's no face of harm and media here. After all, I'm in the province. Mabilis kong tinipa ang numero ni Hakim sa cellphone ko pagkatapos ng tawag namin ni Papa. Matagal bago niya iyon sinagot. "Hakim," nag aalala kong tawag sakanya. "I'm f****d," halata sa boses niya ang takot at pangamba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD