Hawak hawak ko sa bisig ko ang baboy habang pinapanood ang sasakyan ni Hakim palabas ng kanilang tarangkahan. Pagkababang pagkababa ko ay nagpaalam na siya.
Nang makalabas na ng gate ang kaniyang Valkyrie doon ko lang naalala ang responsibilidad ko sa napulot kong baboy. Buong byahe ko yatang iniisip kung anong pwedeng ipangalan sakanya.
"Doon nalang kita papaliguan ah?" pagbaling ko sa silungan ng kabayo.
Iniisip kong sa hardin nalang para mas malapit ngunit mas maliwanag naman doon sa silungan at may hose din doon.
Papunta na ako roon nang may mapansin akong tao na nakatayobsa tapat ng ilaw sa portiko ng mansyon. Ang pamilyar na tikas, mainit na awra at ang tangkad ay nagsusumigaw ng presensya ni Juandro.
Bagama't kalahati lang ng mukha niya ang naliliwanagan ng ilaw nasisiguro kong siya iyon.
Napabagal ang paglalakad ko noong naglakad din siya. Even if I wasn't sure where he's heading I lowkey waited for him.
"Miss Rio! Ikaw ba 'yan?"
Sa gilid ng mansyon, nakita ko si Jezel na tumatakbo papunta sa akin. Sinulyapan ko si Juandro at patuloy parin siya sa paglalakad.
"Oo, Jezel,"
"Naghapunan na ba kayo, Miss?" tanong niya nang tuluyang makalapit.
"Kakatapos lang namin ni Hakim kaso kinailangan niyang umalis ulit,"
"Mabuti naman, Miss! Ano pala 'yang hawak mo, Miss Rio? Bat may dala kang baboy?"
"Ah... Oo. Napulot sa daan. Papaliguan ko lang sandali roon sa silungan,"
"Samahan ko na kayo Miss-"
"Where'd you get that?" pag eksena ni Juandro sa usapan.
Muntik nang mahimatay si Jezel sa gulat.
"Biglang tumawid eh... Mabuti nalang at tama lang ang pagkakahinto ni H-Hakim ng kotse niya," tiningnan ko ang baboy."Mahina na siya at marumi kaya pinulot ko..."
Kinagat ko ang labi ko sa haba ng aking eksplanasyon. Hindi ko nga alam kung paano ko naituwid ang ibang salita lalo na't ang titig ni Juandro sa akin ay nakakalusaw. He maintains his solemn demeanor. At nanliliit ako dahil napaka awkward ko sa harapan niya.
"Mukhang nakawala sa piggery ni Aguire," he concluded. "Ako na ang magpapaligo,"
Agad akong umiling sa kaniyang offer. "A-Ayos lang. Ako na. Uh kaya ko naman..."
"Sasamahan nalang kita kung ganoon,"
"A-Ayos lang talaga, Juandro,"
Hindi siya nakinig sa akin bagkus ay inutusan niya si Jezel. Halos mabali ang leeg niya sa palipat lipat niyang tingin sa amin ni Juandro. Bigla tuloy akong nahiya.
"Jezel, can you get us some feeds please. Nasa bodega iyon, pakisabi nalang kay Ian,"
"Masusunod, Sir,"
Nagkatinginan muna kami ni Jezel bago siya yumuko at umalis doon. Tumikhim ako at sinundan na si Juandro. He led the way. Kung kanina'y nangunguna siya sa paglalakad, ngayon ay sinasabayan niya ako. Maliwanag ang buong paligid, lalo na't may nakahilerang lamp post sa haligi ng rancho. Nasa kanya ang susi kaya doon kami mismo dumaan sa gate ng rancho.
Pinauna niya muna akong makapasok bago siya sumunod at tumabi ulit sa akin.
Hindi ko alam kung kailangan ko bang magsalita o ano dahil napakatahimik na ng atmospera sa pagitan namin. Dinagdagan pa ng mga nakakailang niyang tingin.
"A-Ako na riyan,"
Nakita ko siyang kinuha ang hose kaya naisip kong baka gusto niyang siya na ang magpaligo. Nakakahiya naman dahil ako ang nagdala rito noong baboy at naabala ko pa siya sa pagsama sa akin tapos siya pa ang magpapaligo.
"Inaayos ko lang," inabot niya sa akin ang hose.
I chuckled. "Sorry..."
May maliit na bangkong upuan doon kaya doon ako umupo at ibinaba 'yung baboy sa sementadong sahig ng silungan. Tama lang naman ang kabuuang laki noon. Ang apat na haligi ay sinusuportahan ng kawayan at ang bubong ay aluminum. May ilang bloke ng dayami sa gilid. Iyon siguro ang mga pinapakain sa kabayo.
Inilagay ni Juandro sa gilid ko ang lagayan ng sabong bareta. Ngumiti ako at pinasalamatan siya. Inayos ko muna ang buhok ko bago mag umpisa. He sat down with one knee bent, looking at the pig. Sinubukan niyang hawakan ito.
"It probably got sick of hot temperature,"
"Siguro nga. Ang init kasi kanina eh..."
Nagtagal ang mata niya sa akin hanggang sa matapos ako sa pagtatali ng aking buhok. He tilted his head and stood up. Sumandal siya roon sa isa sa mga kawayang sumusuporta sa bubong ng silungan.
He's wearing a grey sweatpants and a white V-neck T-shirt. Ang kaniyang krus na kwintas ay nakadantay sa kaniyang dibdib. Medyo magulo ang kaniyang buhok. Ang kaniyang shower gel ay amoy na amoy ko. Mukhang kakatapos lang niyang maligo. Biglang nag init ang pisngi ko nang mapagtantong wala pa akong ligo at nadumihan pa ako dahil sa paghawak sa baboy.
"You sure you know how to bath that?"
Binuksan ko na ang hose at tinapat sa baboy. Mahina itong humalinghing kaya hinaplos haplos ko.
"Uh oo... may a-alaga kasi akong aso roon sa Maynila at uh... lagi ko ring pinapaliguan dahil mahilig 'yun sa tubig eh," I chuckled when I remembered how Thor was so fond of water.
"Really? You have a pet. What's the name of your dog, then?"
"A-Ano, Thor..."
Noong masulyapan ko siya'y umangat ang gilid ng kaniyang labi. Nakahalukipkip siya't nakadungaw sa akin habang ako'y nakatingala sakanya. Nag init ang pisngi sa isiping baka pinagtatawanan niya ako.
"Mahaba kasi yung ano... buhok niya. Atsaka blonde kaya p-pinangalanan kong... Thor," sinubukan kong ipaliwanag iyon.
"Well, Thor's not a bad name,"
"Talaga?" tiningala ko ulit siya ngunit kitang kita ko ang pagpipigil niya ng tawa.
Gusto ko pa sanang mamangha dahil ngayon lang siyang nakitang ganito ngunit masyadong naapektuhan ang emosyon ko. Naglaho ang ngiti ko at agad na nag iwas ng tingin. Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pagpapaligo sa baboy.
Kinuha ko ang sabong bareta at kinuskos iyon sakanya.
"Come on, are you mad?" mapanglaro ang kaniyang boses.
"Huh? Hindi naman..." sabi ko nang hindi siya nililingon.
"Looks like you are,"
Nakita ko ang paglapit ng mga paa niya sa kinaroroonan ko ngunit hindi ko pa rin siya tiningnan.
"Hindi nga..."
He sat down again with one knee bent, staring at me. I could see it in my peripjeral vision.
"Well, I don't mind if you'd name your horse Loki,"
Inignora ko siya. Kampante na akong ignorahin siya hanggang sa matapos ako roon ngunit tumatak ang sinabi niya sa utak ko. I didn't get it at first, but as soon as I did, I looked at him with my eyes almost balling out.
"A-Anong sinabi mo?" tanong ko ngunit halata na sa reaksyon ko ang kasiyahan.
He only smirked at me.
"Nasabi na ba ni Mang Pastor sa'yo yung... sinabi ko sakanya?" I'm unable to keep a huge grin from appearing on my face. "A-At pumayag ka?"
"Kinda,"
My hand suddenly flew into my mouth. I'm not sure how I'm going to disguise my joy and pleasure any longer. It keeps coming out of nowhere.
Gusto kong magtatalon sa tuwa ngunit tanging 'Thank you' lang ang naimungkahi ko sakanya.
"Do you wanna see him?"
"Teka... ngayon? Ngayon agad?"
"Yeah. Besides where'd you put the pig after feeding it?"
"Uh oo nga! May extra stable ba roon sa kamalig?"
"I'm sure there is,"
Buong minuto yatang pakiramdam ko nakalutang ako sa langit. Hindi ko na matanggal ang ngiti ko sa labi ko mula noong sinabi ni Juandro iyon. He offered a hand. In the end, he volunteered to help dry the pig, and I agreed.
Tamang tama lang ang pagdating ni Jezel noon. May hawak siyang maliit na timba na puno ng feeds.
"Kami na ang bahala rito. You can go back to your work," sabi agad ni Juandro sakanya.
Takang taka si Jezel habang palipat lipat ang tingin sa amin. Sa huli mas pinili nalang niyang manahimik at bumalik sa mansyon tulad ng utos sakanya.
Dinala ko sa bisig ko ang baboy habang si Juandro naman ay dala dala ang timba. Sabay kaming naglakad papunta sa barn ng kanilang mga kabayo.
Malayo layo ang barn sa mansyon at kung pagmamasdan mo ang malayong parte ng rancho ay napakadilim na. Hindi na yata sini-switch doon ang lamp post o wala ng lamp post doon.
Binuksan ni Juandro ang tarangkahan ng barn at nang pumasok kami nakita kong malaki pa yata sa normal na bahay ang kamalig nanito. Nasa magkabilang gilid at nakahilera ang maraming stables ng kabayo. Ang ilan ay bakante, ang ilan nama'y may laman. Nakita ko pa 'yong kabayong madalas na gamitin ni Juandro. Maluwang ang daan sa gitna at kung titingala ka makikita mo ang isang attic sa pinakadulo ng barn.
"Wow," nasambit ko.
Bukod sa napakalaki ay napakaliwanag din sa loob. Wala ako sa sarili habang sinusundan ko lang si Juandro. I can't help but to admire how clean the whole barn was. Kaya noong huminto siya sa paglalakad ay bumunggo pa ako sa likod niya.
"Sorry!"
Napabuntong hininga lang siya at binuksan ang tarangkahan ng isang stable na walang laman. Ito ang pinakahuling stable sa kamalig at tapat lang ito ng attic.
"Gusto mong umakyat dyan?" tanong niya noong mapansin sigurong panay ang tingala ko.
Pumunta siya sa loob ng stable at inilapag ang timba. Pumasok din ako roon.
"Ayos lang naman. Uh... wala na ba si Mang Pastor?"
"Yeah. Umuuwi siya tuwing alas singko o alas sais pagkatapos niyang pakainin at painumin ang mga kabayo,"
Tumango ako at nilapag ang baboy. Malinis ang sahig ng stable at tama lang ang luwang. Kung tutuusin maluwang na ito para sa baboy.
"What do you wanna call him?" tanong niya.
Inabot niya sa akin ang plastic na lalagyan at isang malaking scoop.
"Heimdall?"
Nag scoop ako noong feeds at nilagay sa plastic plate.
"'Yan na kasi y-yung pangalan ng ano...pusang napulot ko rin sa Maynila..."
The corner of his lip rose. Namamangha ngunit mas bahid ng panunuya ang mukha. To complete his ridicule, he only has to snicker.
Kinuha ko ang baboy at nilapit doon sa plastic plate. The pig snorted and that made me giggle.
"How about Groot?" ngisi niya.
"Kanina ko pa... iniisip 'yan,"
"Groot, then," aniya at lumuhod para haplusin ang baboy.
Napangiti ako sa ginawa niya. My smiles remained even when our eyes met for a long seconds.
Nag iwas siya ng tingin at tumayo. Tumayo rin ako at sinundan siya sa labas.
"He'll stay here for now. Gusto mo ba siyang alagaan o ibalik sa pigery?"
Hindi ko naisip na may ibang may ari pala ng baboy at kung hindi ko siya binalik bak sabihing ninakaw ko.
"Dito muna siya... at ibabalik kung malakas na,"
"Okay, then. Say good night to your new pet,"
I chuckled and said good night to Groot. 'Yun nga lang ay abala siya sa pagkain kaya hindi ako napansin.
Sa kabilang column naman kami ng stables nagtungo ni Juandro. He walked with great authority on the earth, and I admired how he made it look so easy. Parang nakakahiya pang nakabuntot ako sakanya. He's very tall and has a well-cut body type and intimidating posture. Kompara sa akin na hanggang dibdib niya lang yata.
His shirt was hugging his body very well, same as his grey sweatpants on his bulky legs.
Nilingon niya ako. At noong mapansing nasa likuran niya ako ay hinintay niya akong maabutan ko siya.
"What are you doing?" his voice was low but clear.
"W-Wala. Ang galing mo lang maglakad," I joked but he didn't laugh at it.
Tumigil kami sa tapat ng isang stable, tabi lamang noong kabayo ni Juandro. His horse neighed so he tried to scold him.
"Garbo, is that what I am teaching you?" aniya na para bang amang pinapangaralan ang anak.
Hinagod niya ang buhok ni Garbo at umamo naman agad ito.
"Alright, you need to rest," isang tapik pa sa kabayo ay tumabi na ulit sa akin si Juandro.
"Para mo na siyang kapatid,"
"Yeah. Garbo reminds me of Hakim when he was still a donkey," aniya. "Anyway, the grey horse... that's Loki," turo niya sa kabayong nasa loob ng stable na tapat namin.
Halos tumalon ako sa tuwa noong lumapit ako roon. Hinaplos ko ang ulo ng kabayo at hinayan lang niya akong gawin iyon.
"Hi!" I even greeted. "Hi Loki!"
"Medyo mahihirapan ka lang sa pag aalaga. Pero 'yong ibang hindi mo kayang gawin, ipapagawa ko parin kay Mang Pastor,"
"Ayos lang! G-Gusto ko nga 'yun eh..."
"Kailangan mo silang pakainin tuwing umaga at gabi. Bigyan ng tubig tatlong beses sa isang araw. Kailangan mo rin linisan ang mga dumi nila at kailangan din silang paliguan at spray-an ng insect repellant. You have to clean the stables and replace their beddings with new ones too..."
Napalunok ako. Parang dumaan lang sa tainga ko 'yung mga sinabi niya at wala nang maalala sa sobrang dami noon. Alam ko namang mahirap talaga ang pag aalaga ng hayop pero iba pa rin 'yung kasiyahang balik noon.
"O-Okay lang naman... kung tutulungan ako ni Mang Pastor siguradong mapapadali..."
"No. He's already busy with the other horses. And the other helpers are busy too."
Kinagat ko ang labi ko. Isa ito sa hindi ko naisip noong nagbabalak akong mag alaga.
Dumaing si Juandro habang nakatingin sa akin. "Alright, I'll help you out,"
Gusto ko sanang magbunyi sa narinig ko kaso naisio kong marami na siyang ginagawa.
"H-Huwag na. Ayos lang. Uh... si Groot nalang muna ang pagtutuonan ko ng pansin,"
"Come on, ako na nag o-offer,"
"Salamat, Juandro. P-Pero ayaw na kitang abalahin... marami kang ginagawa at-"
"Hindi, ayos lang 'yon sa akin. I can manage my time,"
Wala na akong nagawa kung 'di ang tumango sakanya.
"Okay," I almost whispered.
"Sumunod ka sa akin may ipapakita ako sa'yo,"
Gusto ko pang magtanong kung ano 'yun ngunit nagpatianod lang ako sa direksiyong nilalakad niya. It felt like my stomach was being tickled the whole time we were there.
Nang iginaya niya ako sa isang hagdan paakyat ng attic ay mas lalo lang kinikiliti ang tiyan ko. Pinauna niya ako sa pag akyat.
Ano nalang ang pagkamangha ko noong makita ang buong attic.
Kompleto sa higaan, sofa, round table, flat screen TV, maliit na ref at radyo. May mga house plants din doon pampadagdag disenyo.
"Sinong natutulog dito?" tanong ko.
"Minsan ko lang tinutulugan to kapag may nagle-labor na kabayo," aniya at dumiretso sa maliit na ref.
May kinuha siyang fruit tart doon at juice na naka bote.
"Kumain ka na ba?"
"Oo. Kakatapos lang-"
"Eat this," sabay bigay niya sa akin noon.
Hindi na tuloy ako nakapalag. "Okay,"
Kahit pa kakakain ko lang ay natakam ako roon sa fruit tart. Wala namang mawawala kung kakainin kaya binuksan ko ang lalagyan noon at sinubukang kumagat.
"May ipapakita pa ako sa'yo,"
Nilingon ko si Juandro, akala ko ito lang 'yung ipapakita niya. Noong makita kong hinila niya ang sliding door at may teresa sa labas halos hindi ko na malunok 'yung tart. Masyado naman na akong nasosorpresa sakanya.
"Wanna see the sky and mountains?" he said teasingly.
Mabilis akong sumunod sakanya roon sa teresa.
The cold breeze brushes my hair and cheeks. Nakakaginhawa ngunit nanginginig ang aking kalamnan. Dagat ng nagtatayugang puno ang nasa harapan namin at kung wala siguro ang dalawang lamp na nagsisilbing ilaw namin doon, nakakatakot na rito.
Naglakad ako palapit sa railings, tulala ako habang pinagmamasdan ang anino ng mga bundok sa malayo. The stars adorned the dark sky, the moon reigns supreme as if it will never be replaced by the sun tomorrow, and silence has triumphed over the din of the day.
Wala nang mas papayapa pa sa lugar kung nasaan ako ngayon.
I wonder if how many girls Juandro has already brought here... to feel this way.
I considered myself lucky to be given the chance.
"Anong nasa isip mo?"
Nakita ko ang pamumungay ng kaniyang mata. Ang kalahati ng kaniyang mukha ay natatamaan ng liwanag ang isa nama'y natatamaan ng dilim ng gabi. My gaze drew a circle around his face, tracing and studying the finer points of his features. His face has well-defined bone structures. He had a deep set of eyes tama lang ang kapal at arko ng kaniyang kilay. His lips were thin and often wet and his nose is Grecian-shaped.
Nagkibit balikat ako. "Iniisip ko kung nadala mo na ba si Ate Dian dito o... ang ibang tao,"
Naningkit ang mata niya, parang malalim din ang iniisip.
"Are you perhaps asking me if I already brought girls here and f****d them?"
My face heated the moment I heard his words. Mabilis akong umiling.
"H-Hindi-"
"Not in front of the horses, Rio," he vigorously said.
'Yung tanong ko lang naman tungkol kay Ate Dian ang gusto kong malaman ang sagot pero napakalayo naman ng sinagot niya.
I was unable to answer. Nanuyot yata ang lalamunan ko. Mabuti nalang at dala ko 'yung juice na bigay niya. Pasimple akong tumagilid at ininom iyon. He was watching closely and I'm sure as hell I am red as a tomato right now.
"Saan nagpunta si Hakim? Did he mention a name like Mavy?"
"Pupuntahan niya raw 'yong pinsan niyo dahil may lead na raw. Sasama pa sana ako kaso hindi siya pumayag,"
"That's probably Mavy,"
"Bakit? Paano mo nalamang may alam 'y-yung Mavy?"
He heaved a deep sigh. "Cuz I was the one who found the lead,"
Gulat, nilingon ko siya. "P-Paanong... akala ko hindi siya nanghingi ng tulong sa'yo... base sa sinabi niya sa akin,"
"Hindi talaga. Kusa kong ginawa. It's just that seeing you both go out and return home with empty hands hurts my eyes. Instead of prioritizing what has to be prioritized first, you seemed like you're having a good time,"
There was a hint of anger and... bitterness in his voice.
"Wala kaming ibang bagay pang ginagawa ni Hakim. Inuuna namin ang dapat
naming gawin,"
"I was wondering if Hakim had taught you anything during your time together,"
Tumikhim ako. "W-Wala naman. Naghanap lang kami nang naghanap, 'yun lang,"
"At tinulungan mo siya. Bakit? Anong dahilan?" lumapit siya, tumama ang kaniyang braso sa sa akin. "Anong pinaplano niyong dalawa?"
I was confused at first. Malinaw namang tinulungan ko si Hakim hindi dahil sa pinilit niya ako, I helped him because he needed a hand. Hindi ba ganoon namin talaga?
"Tinulungan ko siya dahil bukal sa kalooban kong tumulong. At wala naman akong ibang pinagkakaabalahan,"
He laughed sarcastically as if I was talking nonsense. Sumeryoso ang mukha ko. Ano nanaman kaya ang nangyari at nag iba bigla ang kaniyang mood?
"I know why you and your sister are here,"
Para akong binuhusan ng yelo sa pag iiba ng tono ng kaniyang boses. He sounded like police inside the interrogating room I was the one who's being interrogated.
"Your sister has a very very bad image in the city, right? She even destroyed you in the media but people never cared because you are the unpopular dela Carcel princess,"
Para akong binubuhusan ng malamig na tubig sa sinasabi niya. I know all of this but why does he need to bring it up?
"And your business has recently risen from the ashes. So, to keep the dela Carcel family's good name, Ricardo dela Carcel paired his daughters to the grandsons of Manuel Barrios, a respected business tycoon,"
Nahulog ang tingin ko sa pagkaing hawak hawak ko.
"G-Gabi na. Siguro kailangan na nating bumalik sa mansyon-"
"Let me tell you a secret, Rio,"
Halos wala ako sa sarili noong magpasyang umalis na roon. Iyon nga lang hindi pa ako nakakapasok sa loob ay napahinto na ako.
"It's about your business... and your father,"
Hinarap ko siya. "Please kahit ako nalang ang insultuhin mo huwag lang si Papa,"
Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin. Napaatras ako dahil doon.
"Sabihin mo 'yan sa mga totoong nang iinsulto sa Papa mo. Consider the investors, customers, and other businesses who continue to devastate your father as the result of your sister's actions,"
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Your business is beginning to sink again,"
I want to register all these pieces of information I heard from Juandro but I was too overwhelmed to take it all in. I don't know if he's saying the truth but it's still possible.
"If my brother ever asks you to be his fiancé, would you say yes?"
Umiling ako.
"Why?"
"Hindi pa ako... hindi pa ako handa,"
"Even if it will save your father's feet? You won't?"
Nahulog ang tingin ko sa sahig. Bakit niya ito ginagawa sa akin. Bakit pakiramdam ko naiipit ako sa gitna ng dalawang pader, at hindi dapat ako narito. If he speaks again, I'm afraid my emotions will be at an all-time high.
"You know what will happen if you marry him. You'll be under the undying Barrios-Ruamero legacy,"
Humugot ako ng malalim na hininga. Umiling ako sa sarili. I wasn't sure if I didn't want to respond to him or if I simply didn't know the best answer. All I could think of was how young I am and how Hakim is not someone I would want to spend my life with.
So I walked out...
Hindi ko naman siguro kailangang sagutin iyon ngayon. And I admit that I'm exhausted. I just don't say it out loud but I am.
"Mas mabuti pang pag isipan mo na ang tungkol diyan,"
Binaba ko sa round table ang mga pagkain na binigay niya at bumaba na sa hagdan. Malalaki at mabibigat ang lakad ko kahit pa noong palabas na ako ng kamalig. Gusto ko nang tumakbo ngunit hindi ko magawa.
Niyakap ako nang malamig na simoy ng hangin nang tuluyan akong makalabas. I was half running in the middle of the ranch when Juandro's hand stopped me by grabbing my arm. Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa akin.
Nagtama ang paningin namin. His cheeks were flushed with surprise, but he concealed it by tightening his jaw.
"Alam mong hindi ako magpapakasal sa Ate mo,"
"Hindi rin ako magpapakasal sa kapatid mo,"
"Why?"
"Ano rin ang dahilan mo?" balik ko.
I was still overwhelmed because of our conversation earlier. Maybe it triggered some parts of me that shouldn't be touched.
He licked his lip and looked away, frustrated.
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot, imbes ay umalis na ako at hindi na siya nilingon pang muli.
I could tell that my emotions were heightened and I hate it.
Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kwarto ko. Nilugay ko ang aking buhok at dumiretso sa bathroom.
Umupo ako sa sahig habang dahan dahang tumutulo sa katawan ko ang mainit na tubig mula sa shower.
And, just as rain washes away the dirt of the world when it rained, the streams flowing down on me took away the frustration I had previously felt.
Pinaglaruan ko ang labi ko at mariing napapikit. Nagi-guilty tuloy ako sa inasal ko, parang hindi ako 'yun. Konti nalang ay sigawan ko si Juandro para mailabas ang galit ko.
Hindi ko naman siya sinisisi, siguro'y gusto niya lang maging aware ako sa nangyayari sa labas ng buhay ko. Alam ko namang magaspang ang ugali niya kaya dapat inintindi ko nalang.
Gusto ko ng tawagan si Papa bago ako matulog. Kaso naisip kong baka nagpapahinga na rin siya atsaka malalim na rin ang gabi. Pero tatawagan ko siya bukas para kumustahin.
Mataas na ang araw noong magising ako. Halos pikit pa nga ang mga mata ko. Kung hindi lang siguro nag tumunog ang cellphone ko ay natutulog pa rin ako. Sa sobrang pagod ko siguro ito.
Ito yata ang unang beses sa mahabang panahon na nagising ako ng late.
Umupo ako sa kama sa pag aakalang tawag iyon galing kay Papa ngunit nagkamali ako.
"Hakim," humikab pa ako.
"Good morning, love. Have you eaten?"
"Uh... hindi pa eh. Ikaw ba?" sa sobrang lutang ko hindi ko naisip na baka hindi pa siya umuuwi. "Hindi... ka pa ba umuuwi?"
"Hindi pa. Nag stay ako sa bahay ng pinsan ko. Don't worry we didn't party, we were up all night searching for our runaway son of a b***h,"
"Hindi niyo pa siya nahahanap?"
"Lumipat ng location. But we're already tracing him,"
Magkausap kami ni Hakim sa cellphone habang ginagawa ko ang ritwal ko sa umaga.
Our call just ended when he said he needed to go. Wala naman akong nagawa kung 'du hayaan siya. Sinabi ko lang na i-update niya ako, sumang ayon naman siya roon.
Pagkalabas ko, nakita ko si Ate Dian na nag iinat sa tapat ng pinto niya. Mukhang kakalabas niya palang din.
Mataray niya akong hinead to foot. Akala ko'y papansinin nanaman niya ang mga pangit na detalye sa akin at pagtatawanan ngunit nakakagulat na ngumiti lang siya.
"What a lovely day!" Sigaw niya at tumawa.
Sinundan ko pa siya ng tingin noong iniwan na niya ako roon. Ano kayang mayroon sakanya ngayon?
Iwinaglit ko ang pang umagang isipin at sinundan si Ate Dian. She was happy today and even the maids were also wondering what the reason is.
Dumiretso sa hapagkainan si Ate at tumungo na rin ako roon. Naririnig ko na ring kumakalam ang sikmura ko.
Papasok palang ako naaaninag ko nanang pigyura ni Juandro roon sa sentro ng hapag.
Napalunok ako. Nagtama ang paningin namin ngunit bumitaw ako agad. Hindi ko naisip na magkikita pa pala kami pagkatapos ng nangyari kagabi.
"Good morning, Miss Rio," agaw ni Jezel sa atensyon ko.
"G-Good morning," nauutal utal ko pang sabi.
Nasa kabilang sentro si Ate Dian at nakita kong tinaasan niya ng kilay si Juandro bago niya tawagin si Aiza upang pagsilbihan siya.
Hindi ko alam kung saan ako uupo. Ngunit narinig kong dinarag ni Jezel ang upuan sa pinakagitna.
"No meat for today, Aiza!" sigaw ni Ate Dian noong magkamali si Aiza.
"Sorry, Madame,"
Ngumiwi si Jezel at nagkatinginan kami. Magiliw naman siyang ngumiti sa akin.
"Kayo Miss Rio, anong gusto niyo?"
"Ah! Ako na ang bahala Jezel," pigil ko sakanya noong aamba na siyang pagsisilbihan ako.
"Sige, Miss! Grabe! Napakabait niyo talaga! Wala akong masabi," aniya na para bang may pinaparinigan.
"Of course, she is! She's being paid for that! She's an actress!" halakhak ni Ate ngunit walang bumili noon.
Umalis na si Jezel. Tumikhim lang ako at nagsimula na sa pagkain. Habang nagsasandok ay nakikita ko sa gilid ng aking mata ang nanunusok na tingin ni Juandro.
Hindi ko alam kung hindi ba ako komportable dahil doon o hindi lang ako komportable dahil sa nangyari kagabi, o pareho lang ang dahilan ng aking pagkailang?
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na nangahas na sulyapan siya kahit minsan.
Hindi nagtagal ay natapos na siya at nangangalahati palang ako sa aking pagkain.
"Psst!" pagtawag sa akin ni Ate Dian.
"Oh... Ate, bakit?"
"Bakit ganoon 'yun makatingin sa'yo? Parang gusto ko niyang higupin ng buhay,"
Tukoy niya kay Juandro.
"H-Huh?" patay malisya kong sabi.
"Hindi mo kasi tiningnan eh! Anong ginawa mo ngayon, impakta? Baka nanira ka ng bahay ng kwago, doon pa naman siya nakatira,"
"Ate, hindi ko alam ang sinasabi mo,"
At buong oras yata akong ginulo ni Ate tungkol doon.