Lagi kaming magkasama ni Hakim sa mga sumunod na araw. He was busy, perhaps we are both busy. Tinutulungan ko siya sa paghahanap ng ebidensiya na nagpapatunay na hindi niya anak ang dinadala ni Lianna Untalan.
"The doctor said, the case is complicated. Kailangan talagang ipanganak muna ang bata para sa DNA,"
Kinagat ko ang labi ko habang nakadungaw kami sa mga files na nakalapag sa malaking desk. Nasa library kami ngayon ng mansyon. Ginabi na nga kami roon dahil sa pag iimbestiga.
"Tapos five weeks and a half palang daw 'yung baby," I said looking down the files. "K-Kailan ba kayo... kailan niyo ginawa iyon?
"Mga last week ng January,"
My forehead wrinkled. "Akala ko nag break na kayo noong simula ng January?"
He laughed at me. "Oh! Sorry! Medyo hindi ko yata nasama 'yon noong kwinento ko. May dinaluhan akong party sa Urdaneta. We saw each other accidentally, then we did it,"
Habang nagkikwento siya ay tiningnan ko ang kalendaryo at binilang kung ilang weeks 'yung last week ng January hanggang ngayong March. Napasinghap ako. Kung titingnan talaga parang nabuntis niya yung si Lianna Untalan.
Binura ko ang mga kutob ko kahit pa minsan ay tama iyon.
"Tapos? Saan mo siya dinala? Iniwan mo?"
"Gentleman ako, Rio. Syempre sa mamahaling hotel ko dinala. We had fun though... until she begged me to come back. She's so obsessed with me. I just saw it in her eyes. She was willing to give up anything just to have me,"
Nahilot ko ang sentido ko. Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa mga impormasyong nalalaman ko araw araw.
"I don't know why people are so obsessed with me," mayabang niyang dagdag.
"Kung hindi tayo matutulungan ng mga medical results at medical files na 'to, kailangan maghanap tayo ng ibang butas,"
"Wait!"
Nagkatinginan kami. Mula sa pagkakaupo sa swivel chair ay napatayo si Hakim. I watched his expression changed from frustrated to being hopeful.
"How do girls move on from their exes?"
"Hindi ko alam... h-hindi pa naman ako nagkakaroon ng ex eh..."
Pumitik siya. "No, let's be specific. Lianna... she's kinda wild," he smirked. "Paano ba mag move on ang isang katulad niya mula sa lalaking saksakan ng appeal at humor, well, that's me,"
"Paano?"
"Of course hindi niya magagawa iyon," humalakhak siya.
Tumaas sabay ang kilay ko.
"Love, don't you get it? Hahanapin niya ako sa ibang lalaki kasi nga hindi siya maka move on. So there should be someone, a boy, definitely, that's involved here. And that's the real father of Lianna's child,"
Halos malaglag ang panga ko noong mapagtanto iyon. May punto nga si Hakim.
"Kung ganoon, nasa labas lang ang sagot para masolusyunan ito," I said.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat, nangingiting umiling.
"Thanks for the idea, though. Baka hindi ko 'yun naisip kung hindi mo sinabing may ibang paraan. We'll be stuck here forever,"
I chuckled shyly. "Ganoon naman talaga. Kung hindi mo masolusyunan ang problema mo, mayroon at mayroong paraan na naghihintay sa labas,"
"Now, will you come with me tomorrow?"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Let's meet her friends. I'm sure they know something about the suspect,"
Sumang ayon ako sa gusto ni Hakim. Kaya kinabukasan, tulad ng nakasanayan ko, maaga akong nagising. Ngayon lang ulit yata ako nakapagdilig. Noong mga nakaraang araw kasi ay sinasama niya ako sa labas. Pinupuntahan namin ang kaibigan niyang doktor na si Dra. Manolid. Medyo naweweirduhan nga lang ako sa mga malalagkit na tingin niya kay Hakim kaya minsan natatagalan kami sa clinic niya.
"Paano 'yun Miss Rio kapag nalaman ng gobernador? Apat na araw na kayong naghahanap ng ebidensiya ni Sir Hakim, imposibleng hindi pa sinasabi ni Liana Untalan sa ama niyang gobernador ang tungkol dito," ani Jezel na siyang kasa kasama ko sa hardin.
Nagkibit ako ng balikat. "Sabi ni Hakim siya na raw ang bahala roon. At mas nauna pa niya yatang nakausap si gobernador kaysa kay Lianna Untalan,"
Namamanghang napatango si Jezel.
"Sana may alam ang mga kaibigan niya. O kung mayroon man makipag cooperate sila at maging tapat,"
"'Yun nga rin ang iniisip ko. Sana matapos na ito. Masyado nang nai stress si Hakim, e..."
"Ayaw niyo 'yun Miss, lagi kayong may bonding time ni, Sir..." tinukso niya pa ako.
"Tumigil ka Jezel," halakhak ko. "Wala kaming ginagawang masama. Gusto ko lang siyang tulungan at nangako ako sakanyang sasamahan ko siya,"
"Kasalan na ba sunod, Miss?"
"Hindi ah! Wala pa sa isip ko 'yan!"
Totoong wala pa sa isip ko ang magpakasal. Hindi pa nakikita ang sarili kong naglalakad sa altar at pinagtitinginan ng mga tao. Baka sa sobrang hiya ko ay mahimatay ko sa gitna ng carpetted aisle. At isa pa, bata pa ako. Ni hindi ko pa nga nararanasang magka boyfriend sa buong buhay ko.
Kaming tatlo lang nina Hakim at Juandro ang magkasabay noong agahan. I just barely see Ate Dian go outside her room the past days. Kung nakikita ko siya, kung hindi siya kumukuha ng pagkain sa kusina at nagsi-swing sa ilalim ng Mahogany, nang aaway naman siya ng kasambahay.
Minsan lang din sila mag usap ni Juandro. Nakakabahala nga dahil mukha yatang tinototoo niya na hindi niya na ako kakausapin kahit kailan.
Mas lalo pang nadagdagan ang dahilan upang totohanin iyon ng awatin ko silang dalawa ni Hakim. Silang dalawa'y inis na inis din sa isa't isa. Ate Dian has never been so enraged with anyone before. Kung ang galit niya sa akin ay nasa difficult stage na, mas nalagpasan pa yata non ng galit niya kay Hakim.
"Can you do something about Princess Shrek, Prince Shrek?" baling ni Hakim kay Juandro noong nasa hapag kami.
Nasa sentro si Juandro at nasa magkabilang gilid niya kami ni Hakim.
Masama niyang pinukulan ito. "Why not you? You made her mad,"
"I don't know why she's very worked up with me. Wala naman akong ginagawa," inosenteng ani Hakim habang sarap na sarap sa Buttered Shrimp.
"Tss! Wala kang ginagawa? Are you very sure about that, donkey?"
"Wala..."
"Talaga? Sigurado ka?" naghahamong niyang balik. "Aside from you let your ex-girlfriend touched her, I know you what you-"
"Gago!" he cut him off. "Babaw mo. What do you want me to do? Kneel in front of her and say sorry?
Palipat lipat ang tingin ko sakanila. Sa huli ay sumuko ako at tahimik nalang na kumain. Ngunit sa gilid ng mata ko napapansin ko ang ilang sulyap ni Juandro sa akin.
Hindi na bago sa akin ang seryoso niyang awra kahit pa ilang araw kaming hindi na ulit nagka usap. Masyado siyang abala sa pamamahala ng kanilang negosyo pati na rin sa kanilang rancho. Naging abala rin ako sa pagsama kay Hakim. Hindi ko nga sigurado kung nabanggit na ba ni Mang Pastor sakanya ang balak ko.
Siguro tatanungin ko nalang siya tungkol doon kapag kami lang dalawa.
"You're saying that as if her sister isn't here,"
Napaangat ako ng tingin ng dahil doon.
Ngumuso si Hakim. "It's just that... she told me that calling me Lucifer was a big insult to hell,"
Juandro shook his head, may multong ngiti sa kaniyang labi. Hakim was serious. I bit my lip. The secondhand embarrassment seemed to float freely in my soul.
"P-Pasensya na kung sinabihan ka nang ganoon ni Ate. Ah... talagang medyo masakit lang siyang magsalita,"
"No, Rio. She's a total devil,"
"That's why you better finish your s**t ass problem as soon as possible and figure out the other problems you left here,"
"You're such a killjoy. Alam mo namang magkakaroon kami ng oras sa isa't isa ni Rio tapos inaapura mo kami," Hakim's lip rose a bit as if teasing his brother.
"Masyado mong ine-enjoy ang mga babae. 'Yan tuloy at kinakarma ka ngayon,"
Dumaing si Hakim. "Okay, that's it! Okay, that's it! Don't worry, I'll take care of this. We'll finish this in two days. Rio is here with me. You don't have to go all Penelope on me,"
Napainom ako ng tubig habang abala silang dalawa sa pagbabangayan. Juandro just gave him a deathly glare. Umismid si Hakim at tiningnan ako.
"Kain ka lang, love," he said sweetly.
"Salamat... ikaw rin," tipid akong ngumiti.
I saw how Juandro's brows furrowed as his eyes set on me. Uminom siya ng tubig at mabilis akong nag iwas ng tingin.
Muntik ko nang mabitawan ang kubyertos ko nang padarag siyang tumayo. Tapos na pala siya kumain ngunit lukot na lukot ang mukha. Animong pumusta sa liga tapos talo 'yung team na sinuportahan niya.
Umiling si Hakim. Natatawa habang sinusundan ng tingin ang kaniyang kuya.
"Get used to him. He's always on his period,"
Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. I'm well aware of his rough attitude.
Hakim was sporting a playful smirk as I walked down the stone staircase of their mansion. Naka polo at khaki pants ito. Both of his hands were on his pockets while leaning his back on the Valkyrie. Tumuwid siya ng tayo at pinagbuksan ako ng pinto.
Nagpasalamat ako at inilagay ang seatbelt. Sa malayo, nakita ko si Juandro sa silungan ng kabayo na malapit lang sa mansyon.
Hinahagod niya ang buhok ng kabayo. He looks so lonely there. I almost stopped breathing when his eyes went from his horse to our direction. Tinted ang bintana ng Valkyrie ni Hakim ngunit pakiramdam ko ay nakikita niya parin akong nakatingin sakanya.
"May nakalimutan ka ba sa loob, love?"
Mabuti nalang at naagaw ni Hakim ang atensyon ko.
"W-Wala naman,"
"Off we go then..."
Tahimik ako sa tabi niya buong byahe habang siya naman ay talak nang talak. Minsan hindi ko na alam kung paanong mula sa problema niya kay Lianna Untalan ang usapan tas mapupunta sa pagtatanong niya sa akin kung anong mas gusto ko, Jollibee ba o McDo?
"Noong high school ako sa McDo kami nag date nong nililigawan kong cheerleader sa school. Siya nag request ah. Pero sakin, okay lang naman kung sa mamahaling restaurant ko siya dalhin,"
"Masarap din naman ang menu nila sa McDo,"
Ngumiwi siya. "Pangit lang 'yung fries pag nalamigan na ng aircon. Aircon kasi nila nasa 10 degrees ata," humalakhak siya. "Dinaig ang winter season sa ibang bansa,"
Natawa ako sa kwento niya. One thing I found out about Hakim, he's good at interacting with people. He knows how to communicate without being dull with words. Magaling din siyang makisabay. Siguro siya ang buhay ng tawanan sa kanilang magkakaibigan. I wonder too if he's way more chaotic before or nothing has changed?
"No offense sa McDo,"
"Mas gusto mo sa Jollibee?"
"You can say that. Luwang kaya ng CR nila. Mas malinis pa sa CR ng school. Doon nga ako madalas nagsasalamin eh,"
"H-Ha? Akala ko naman kung mas gusto mo menu nila,"
Malakas siyang humalakhak. "Sabi na nga ba 'yan nasa isip mo eh,"
"Ano pa ba dapat?"
"Wala naman. Stay innocent, love,"
Mabilis magpaharurot ng sasakyan si Hakim. Panay ang sabi ko sakanyang pahinaan niya lang ang takbo kaso iniisip niya yatang nasa The Fast &The Furious siya. Kung hindi nga ako naka seatbelt baka tumilapon na ako sa dashboard. Balak ko pa sanang magpicture kaso baka mablurred lang.
"We're here,"
Inaayos ko pa ang buhok kong nagulo noong pinagbuksan niya ako. I stepped out of the car and noticed we're inside a subdivision. Puro puting mga bahay bahay ang nakikita ko atsaka napakatahimik ng daan.
Nag doorbell si Hakim sa isang maliit na gate katabi ng malaking main gate ng isang American themed house.
Pingbuksan kami ng naka unipormeng kasambahay. Halos malaglag lang ang panga niya noong makita si Hakim.
"Is Edisan here?"
"O-Opo, Sir. Tawagin ko lang si Ma'am," nauutal pang sabi niya at umalis.
Lumapit ako kay Hakim upang tanungin ang naiisip ko.
"Edisan? Siya ba 'yung close friend ni Juandro?"
Ngumuso siya. "Oo, paano mo nalaman?"
My face boiled with the way his voice screamed malice. "U-Uh... naalala k-ko lang noong n-nabanggit ni uh... Juandro..."
Punong puno ng malisya ang kaniyang mukha habang tinatantya niya ako ng tingin.
The gate opened again. Niluwa nito ang babaeng naka messy bun, dark blue running shorts at black spaghetti-strapped. I froze for a moment to admire her beauty.
The last time I saw her she was few feet away from me but I already knew that she's beautiful. Ngayong malapitan na lalong nag iskrima ang kaniyang kagandahan sa mata ko.
Tama lang ang pagkamorena niya. Namumula pa nga ang kaniyang pisngi dahil sa init ng araw. I noticed her sensual hazelnut eyes and the light brown small dots just below them. Maliit ang kaniyang mukha, matangos ang ilong at maninipis ang kulay rosas na labi. She's tall and curvy. Bagay siyang maging modelo.
"Hmm. An unexpected guest," humalukipkip iyong si Edisan at sumandal sa pader ng maliit na gate.
"I need your help,"
"Not you solving a problem made by your ex-girlfriend by bringing up a new girl on this," sarkastiko niyang sabi tas sinulyapan ako.
"This is Rio by the way,"
Lumapit ako at inabot ang kamay. "H-Hi. Ako nga pala si Rio,"
Matagal pa niyang tiningnan ang kamay ko.
"Come on, Eds,"
Ngumuso siya at tinanggap ang kamay ko.
"Edisan," at bumitaw siya. "Iba na taste mo sa babae?" the question was for Hakim but she's looking at me.
"In case you forgot Eds, I already know your opinions about me. But I'm not interested in hearing it right now. What I'd like to know is whether you know anything about a boy Lianna dated after me,"
She bit her nail while smiling widely at Hakim. "One night with me will gonna solve everything, H,"
Her eyes were really enticing.
"You could be on my list but... not ineterested. Nagmamadali ako,"
Edisan rolled her eyes and stood straight. Sinenyasan niya kaming sumunod sakanya sa loob ng bahay. Nagkatinginan kami ni Hakim.
"Okay lang ba?" I asked, nervous.
"Yeah. I know she's kinda weird but she's a friend of Shrek so we gonna trust her,"
Wala naman akong magagawa. Itong plano ni Hakim ang pinakamagandang choice na nahanap namin. All I can hope for is that this will be effective and efficient.
Naglakad kami sa stone path upang makapasok sa main door ng bahay. Just like in Barrios mansion, nakalatag ang bermuda sa paligid ng bahay na ito.
"Where's Juandro? Minumulto na ata kami ng lalaking iyon. Ilang araw na kaming hindi sinisipot," tanong ni Edisan.
Minimalist lang ang design ng bahay. Two storey at walang masyadong kasambahay. It's very quiet here we could host a funeral. Ngunit noong napag alaman kong wala pareho ang magulang niya rito medyo naawa ako.
She grabbed the cute fat cat lying down the mat before sitting in one of the sofa. Nasa tanggapan kami ng bahay at inimbintahan niya rin kaming umupo.
Ngumiti ako nang makitang bini-baby talk niya ang pusa.
"Juander is very introvert but I love my baby..."
Mahinang napamura si Hakim sa tabi ko.
"Alright, we know it, you love your cat and all that but we're really in a rush. If you could just answer my question we'll leave right away,"
"But I want you to stay for a while,"
"I told you I'm not up for a hookup today, tomorrow, and in the next few days!"
Sinamaan siya ng tingin ni Edisan.
"Atsaka hindi ako pumapatol sa mas matanda sa akin,"
Pinatong ni Edisan ang pusa sa kaniyang hita. Marahan niyang hinahaplos ang ulo nito. Namiss ko tuloy ang pag aalaga ng hayop dahil doon. Kung libre na talaga ang pagkakataon, tatanungin ko na si Juandro tungkol sa pag aalaga ng kabayo.
"Hindi ko naman ka close yang Lianna na 'yan. Yes, we always see each other because my friends were friends with her but they don't like her that much, neither do I,"
"Can you list down the names of your mutual friends on my cellphone? Baka isa sa kaibigan mo ang nakabuntis,"
"Huh? Ano bang plano mo?"
Hakim told her his plans. Kinwento niya rin kay Edisan kung paano nagsimula ang lahat.
"Basta malaki ang kutob ko na may di-nate siya agad pagkatapos namin naghiwalay,"
"Tanga. You hooked up with her nung last week ng January, tapos yung nasa medical result five weeks and a half pregnant na siya, oh March na ngayon, e 'di ikaw nga nakabuntis!"
"Hindi nga ako. Ang kukulit niyo talaga. I play safe, Eds. You know that,"
"Takot ka lang mag alaga ng bata eh. Ano bang masama? Hindi ka naman na batang ama kung sakaling nabuntis mo nga siya. Twenty two ka na, hello?"
"Are you crazy? Twenty-two's still young. If this will reach the old man you know I'm totally f****d,"
"Alright! I'm gonna list them down. Quit talking,"
Bumulong bulong pa si Hakim sa tabi ko. He talked to me the whole time Edisan was listing down the names that could lead us to our 'suspect'.
"She likes Shrek but you know Shrek, he's never kind. That's why his friend's going after me,"
"Ang kapal ng mukha mo. I don't have any emotional attachments to you!"
"Everyone likes me, Eds. The hell are you talking about?"
They continued to bicker. Kahit pa noong paalis na kami ay ganoon pa rin ang usapan nila. I just shook hands again with Edisan before I stepped inside the Valkyrie.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Hakim bago i-start ang engine ng sasakyan.
"This is gonna be a very long day, love,"
"Kaya kailangan na nating mag simula,"
"Agree,"
Pinatakbo na niya ang sasakyan palabas sa subdivision. Binigay niya sa akin ang kaniyang cellphone at nakita ko sa notes ang mga nakalagay na pangalan doon.
"What's the first name on the list?"
"Ashbelle,"
Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Hakim ang bahay noong Ashbelle. Malapit lang iyon sa subdivision kaya nakarating kami agad.
"Wala akong ideya. Akala ko nagkabalikan kayo noon? 'Di ba kayo ang magkasama noon sa Soundbox Bar?"
"Yes, but after that, we didn't see each other again so I was thinking maybe she dated someone after me,"
"Pasensya na, Hakim. Wala akong nalalaman na ganyan eh,"
Nagkatinginan kami ni Hakim at nagpasyang isunod ang nasa pangalawa sa listahan. It says Agatha.
"Baka may kilala kang kinikita niya noong mga last week ng January?" I asked the girl.
"Wala. Akala ko nagkabalikan sila ni Hakim. Nakita ko silang sabay na umalis sa bar noon eh,"
Napabuntong hininga si Hakim. Apat na katao pa sa listahan ang sinunod namin ngunit pare-pareho lang sila ng sinasabi. Either they thought Hakim and Lianna were back or they broke up.
Hakim was playing his lips with his knuckles. Tulala na siya roon at kung hindi ko pa siya kinalabit ay hindi pa niya ini-start yung sasakyan hanggang ngayon.
Napagdesisyunan naming kumain muna sa isang sikat na restaurant sa loob ng SM Rosales. Maraming tao kahit na weekdays. Iba't ibang mukha ang nakita ko roon. Mga magkakapamilya, magkakaibigan at magkakasintahan ang dumadaan sa bawat sulok ng mall.
Mula sa labas nalipat ang atensyon ko kay Hakim. Ginulo niya ang kaniyang buhok matapos basahin ang text sa kaniyang cellphone. We were waiting for our order at that time.
"Okay ka lang ba?" I asked.
"Just a little worried,"
"Okay lang 'yan. Marami pa namang naka...uh...lagay na pangalan doon sa notes,"
"Paano kung wala rin silang maibigay na sagot?" he muttered a curse. "I'll be real dead soon,"
"Ngayon ka pa ba mapanghihinaan ng loob?"
We've come this far and I know I should be telling him these things. Alam kong may mga tao talagang sumusuko sa gitna ng proseso kapag nagiging komplikado na ang sitwasyon. And I think it's more of a waste of time. Kung ganoon lang din ay dapat hindi na niya inumpisahan ang lahat ng ito.
"Kailangan nating tapusin itong sinimulan natin,"
"You're right. I know. Just... don't mind me. I'm just talking nonsense," he chuckled to hide his real emotions.
Thoughts were already clouding his mind, it's obvious. If he lets them affect him he'll never get this done right.
Bumalik kami sa pagpupunta sa tahanan ng mga natitirang pangalan na nakalista. Unfortunately, that day, we didn't find the answer we were looking for. Bumalik lang kami kay Edisan upang manghingi nanaman ng listahan ng mga pangalang kakilala si Lianna Untalan.
Kung wala lang ako roon siguro tuluyan nang sumuko si Hakim. Hindi na nga siya makausap noong pauwi kami. Kahit pa panay ang pagbibigay ko ng pag asa...mapalubag lang ang kaniyang loob.
"Damn, I don't know if this is still working or we already have to give this up,"
Sa sumunod na dalawang araw ay nagpatuloy kami sa paghahanap. Nanghingi na rin siya ng tulong sa pinsan niya. I told him that it's less hassle if we ask Juandro to help us pero mamamatay raw muna siya bago mangyari iyon.
Umiling si Hakim. Nakaigting ang kaniyang panga, nanghihimutok ang ugat ng kamay dahil sa higpit ng hawak sa steering wheel... at napakaseryoso ng kaniyang mukha.
Ngayon ko palang ata siya nakitang ganoon. I'd like to think that he's only angry and not giving up. Pero parang parehong nangyayari iyon sakanya. Gabi na at papauwi na kami noong pinanghinaan nanaman siya ng loob.
"Maybe this wasn't the real card, Rio. We just wasted our time,"
"Oo nga. Pero ginawa naman natin ang lahat. May iba pang p-paraan,"
Sinulyapan ako ni Hakim. Anger flashed before his eyes. Naninibago akong ganoon siya. It's like he's way different when he's frustrated and angry.
"I don't kno-"
Malakas kaming napahiyaw sa biglaang niyang pag brake. May kumalabog sa harapan ng sasakyan kaya niya nagawa iyon.
Gulat kaming nagkatinginan at nilipat ang atensyon sa harap.
"Ano 'yun?" I asked.
Hindi niya ako sinagot imbes ay lumabas siya ng sasakyan. Mabilis kong inalis ang seatbelt at lumabas din. Nakailang dasal ako sa isipan habang dahan dahang naglalakad sa harapan.
Isang hangisngis ng hayop ang narinig ko. Hakim was staring blankly at it. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang maliit na baboy na nakahiga sa harap ng kotse.
"Kailangan na nating umuwi," naglakad si Hakim pabalik sa kotse ngunit hindi ko siya pinansin.
Imbes ay nilapitan ko ang baboy at chineck kung natamaan ba iyon. Mukhang hindi naman dahil nakatayo pa.
"Rio! It's just a piglet!"
Kinagat ko ang labi ko at pinasadahan ng tingin kapaligiran. Wala kami sa highway at ang daang ito ay palatandaan na malapit na kami sa mansyon. Kung wala lang streetlight ay magmimistulang haunted ang daan.
"Ah! Sandali lang,"
Kinuha ko ang baboy at dinala sa loob ng kotse. It looks so weak and sleepy.
"It's gonna die, eventually,"
"Pakakainin ko lang. Kawawa naman..." pagdadahilan ko.
Hindi na ako inawat pa ni Hakim. Kinalong ko ang baboy at hinaplos haplos ito. Marumi pa ito. Saan kaya ito nanggaling? Papaliguan ko nalang siguro at pakakainin bago matulog.
Hakim was about to start the engine when his phone rang. He lazily picked it up.
Ang walang kabuhay buhay niyang mukha ay nakulayan dahil sa tawag. Nanlalaki ang mga mata at napapaawang ang labi dahil sa pinakikinggan niya.
"s**t!? Totoo ba? Hindi 'to prank!? Susunugin kita ng buhay kung pinagloloko mo ako. f**k! Alright! I'll be on my way!"
Nagkatinginan kaming dalawa, hindi siya mapakali dahil sa excitement.
"Tumawag 'yong pinsan ko. May lead na raw siya tungkol sa nakabuntis,"
Natuwa ako sa narinig ko. "T-Talaga? Taga saan daw? Puntahan na natin ngayon?"
Binuhay niya ang makina at nag drive. "Nagtatago raw eh. f**k, I knew it. I wasn't the father. Tanginang irresponsableng kampon ni satanas 'yan nadamay pa ako!"
"P-Pero paano nakakasiguro 'yung pinsan mo?"
He smirked. "Let's just say he's the smartest cousin,"
"Pupunta ba tayo sakanya ngayon?"
"Hindi. Ihahatid muna kita sa mansyon tsaka kami magkikita,"
Tumaas ang dalawa kong kilay. "Ayos lang naman. Samahan nalang kita,"
He scoffed. "I really appreciate all the things you did for me, Rio. But you need to rest. Masyado na kitang naabala nitong mga nakaraang araw,"
"Wala kang naabala, Hakim. Bukal sa loob kong tulungan ka,"
"Thank you for that, really. But I need to drop you home. Tsaka meron ka pa yatang gagawin," sabay baling niya sa baboy na nasa kandungan ko.
Ngumiti ako at hinaplos iyon. Lumikha iyon ng ingay na ikinagulat at ikinatuwa ko!
"Ligtas ka na, huwag kang mag alala. Papakainin kita at papaliguan mamaya," I chuckled while talking to the piglet.
"Baka hindi na ako sikatan ng araw pag hindi kita inuwi kay-"
Masyado na akong naabala sa baboy kaya hindi ko na nasundan pa ang sinabi ni Hakim.
It's been a long day, as it has been for the past several days, and my night is only getting started.