Kab 4

4252 Words
Malulungkot ang mukha ng mga bata noong nagpaalam akong aalis na kami. Dapit-hapon na nang magpasya si Juandro na kailangan na naming umuwi. "Mag iingat kayong dalawa pauwi," hinatid din kami ni Aling Rosie, kasama ang mga bata, kung saan pinastol ni Juandro ang kabayo. "Salamat po ulit Aling Rosie," sabi ko. "Naku! Sana makabalik ka ulit dito, hija!" Ngumiti ako. "Titingnan ko po," "Maayos na 'yung mga kahoy, Aling Rosie. Kailangan lang ibilad sa araw dahil basa pa. Don't worry if I catch Mang Pastor when we're home, I'll tell him," si Juandro. "Mabuti nga, hijo." anang matanda at binalingan ang mga bata sa tabi niya. "Ano mga bulilit, hindi pa ba kayo magpapaalam sa bagong kaibigan niyo?" I kneeled to welcome them again. "Babalik ka pa po rito, Ate Rio?" tanong Jepoy. "Oo naman!" ngisi ko. "Kung isasama ako ni Kuya Juandro niyo, babalik ako," "Kung ganoon po gagawan ka pa po namin ng maraming aksesorya," Sumang ayon agad ang ibang bata sakanya. "Sige ba. Magugustuhan ko 'yan!" "Sige po, Ate Rio. Ba-bye po!" ani Jepoy at sinundan din iyon ng mga kaibigan niya. "Ba-bye Ate Rio! Sana bumalik kayo!" Ginulo ko ang buhok niya bago tumayo at tahimik na lumapit kay Juandro. He was watching me intently as he licked his lower lip. "Tapos ka na?" Tiningnan ko ang mga bata at bumaling sakanya. "Uh oo... umuwi na tayo," "Alright," Tinulungan nanaman niya akong makasampa sa taas ng kabayo. Nagpaalam din sakanya ang mga bata pero tinaguan  niya lang ang mga ito. Sumampa na siya at ganoon ulit ang posisyon namin noong papunta kami rito. "Ingat kayo sa daan!" dagdag pa ni Aling Rosie. Sinilip ko sila at kumaway. Hinila na ni Juandro ang kabayo para makaalis na kami. Ngiting ngiti ako dahil nang makalayo kami ay naririnig ko pa rin ang mga sigaw ng bata. His hand found its way to my stomach to keep me from falling. Naagaw ng atensyon ko ang bracelet na binigay sakaniya ni Jepoy, nakasuot parin iyon sakanya hanggang ngayon. Ang flower crown ay hindi ko parin inaalis. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Parang kinakalabit ang tiyan ko. "Jepoy fancy you a lot, hmm?" dumikit siya sa akin at ramdam na ramdam ko nanaman sa likod ko ang matigas niyang dibdib. Mabilis nahulog sa lupa ang mood ko at napalitan iyon ng pagkataranta. His hot breath filled my left ear, it made my cheeks boiled. "Ah!" natawa ako nang may halong kaba. "Bata pa naman at laro laro lang siguro, normal lang naman ang paghanga." "Bakit? Nasubukan mo na ba dati? Have you ever had a boyfriend before?" Hindi ko alam kung bakit napunta na roon ang usapan pero matapat ko siyang sinagot. "W-Wala akong boyfriend. Uh... hindi pa kailanman ako nagkaka boyfriend," "That's why my brother's teaching you things." Nangunot ang noo ko. Naguguluhan ulit ako sa sinabi niya. Ano namang tinuturo sa akin ni Hakim? "Do you have a crush on him, then?" Mabilis akong umiling. Mabait naman si Hakim sa akin pero hindi naman ako mabilis magkacrush sa isang tao. Atsaka kakakilala palang namin at kailangan pa naming kilalanin ang isa't isa. Kung nagkacrush man ako dati, siguro kay Robbie ng Angus, Thongs and Perfect Snoggings lang. Atsaka bata pa ako noong napanood ko iyon. Wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng malawak na paghanga sa isang lalaking hindi piksyon na matatawag ko talagang naging 'crush' ko. "Is he your first kiss?" "H-Huh!?"  Hindi ko na napigilang hindi mapatingin sakanya. Sa dami niyang tanong para akong nagsasagot sa exam.  Mula sa daan ay napunta sa akin ang kaniyang tingin. "Wala pa akong first kiss," "Tss," masungit niyang binalik ang tingin sa daan, ang mga mata niya ay para nanamang nananaksak sa talim. Ngumuso ako at tumahimik nalang. Attitude niya talaga ang pagiging masungit, snob at hindi pagtanggap ng opinyon. Papalubog na ang araw habang binabaybay namin ang mahabang bukirin pauwi ng kanilang mansyon. Hindi ko maiwasang mapahanga sa tanawing napaka bukod tangi. Ang isang grupo ng ibon ay papunta na sa timog, ang kalangitan ay kulay kahel at rosas na. At ang araw ay malapit nang mamaalam. Its golden rays continued to reach everything around me, including my skin and Juandro's. Nagtagal ang tingin ko sa balat ng kaniyang braso. His skin shines brightly, as though it's where the sun's rays are directed after a long display from above. It's like the home of the sun's rays, I could tell. I'm sure my name would glow if I write it on his skin. Ilang minuto lang ang dumaan at nakarating na kami sa mansyon. Nasa tapat palang kami ng tarangkahan ay naaninag ko na ang sasakyan ni Hakim sa tapat ng fountain. Naroon sina Manang Melba at ibang kasambahay. Nabigla ako nang makita ko si Ate Dian na naroon din, parang sinisigawan si Hakim. Umiwas si Hakim sakanya at dumiretso sakanyang kotse at sumakay roon. "I loathe all of you here! You disgust me! You womanizer piece of s**t!" Ilan lang iyon sa narinig ko kay Ate Dian bago kami tuluyang nakalapit. Mabilis na humarurot ang sasakyan ni Hakim paalis ng mansyon. Nakatingin sa amin ang mga kasambahay. Ate Dian's sharp eyes followed Hakim's car until it's gone. Binaba ako ni Juandro, nagpasalamat ako sakanya at mabilis na nilapitan si Ate Dian. "Ate anong nangyari?" Walang bakas noong Lianna ang naiwan doon pero bakit nagkakagulo pa rin. At bakit galit na galit si Ate? Masama akong tiningnan ni Ate ngunit nilagpasan niya ako. Si Juandro ang nilapitan niya na nasa likod ko lang pala. "You stood me up, walang hiya ka!" aniya at dinuro si Juandro. Nanlaki ang mata ko at sinubukan siyang awatin. "Sinabi ko sa'yong irereschedule ko nalang ang date natin," si Juandro. Hindi makapaniwalang napadaing si Ate Dian. "Date mo mukha mo! All my exes brought me to fancy restaurants and bars kapag magdi-date. Tapos ikaw!?" "What's your problem with that? I have to work and it's much more convenient if-" "Shut up!" at tiningnan ako ni Ate. "Iniwan mo ako rito para sa impaktang to? I waited for you and you never came back! You don't even have the guts to make out with me!" Nakita ko ang unti unting pagbabago ng ekspresyon ni Juandro. From being calm to having a great amount of rage whirling in his eyes. "The f**k are you saying?" "Why? If I get naked here would you f**k and praise me?" naghahamon ang tingin ni Ate. "Of course not! Because you are gay!" Nanlaki ang mata ko at pinigilan si Ate.  "Ate, tama na!" Ngunit hinawakan lang ni Ate Maya ang braso ko. Jezel went beside me too. "Or..." masama akong binalingan ni Ate. "You like manangs like my sister that's why you despise hot girls like me. You like old maids like her, right? Malaki lang ang s**o pero pangit naman! Pa virgin at innocent pero malandi naman talaga!" Nanubig ang gilid ng aking mga mata sa pang iinsulto ni Ate sa akin. I know should never feel this way because I'm used to it. She's mean but she's my sister. Na kahit anong sabihin niya kailangan kong unawain dahil pamilya ko siya. Ayaw ko lang na mas malayo ako sakaniya dahil lang sa pagtatampo ko at galit. Mas lalo lang akong kinabahan nang marahas na hinablot ni Juandro ang kamay niya. Napupumiglas si Ate Dian  ngunit mariin ang hawak ni Juandro sa braso niya. He's burning with rage, lahat kaming nandoon ay nakikita iyon. He's the king of the jungle, like a lion, and he's well aware of it. It's a lot easier for him to seize his victim, growl angrily, and do whatever he pleases. "What will you do!? Bitiwan mo ako! Help!" "I'm gonna make you shut up!" aniya. "No! He's gonna hurt me! He's gonna hurt me! Aiza!" Tinawag pa ni Ate iyong tagapag silbi niya ngunit isang nagbabantang tingin lang ni Juandro ay para na siyang naestatwa roon. "I hate you! I hate you so much! You're gonna pay for this asshole! Kayong dalawa ng kapatid mo! You humiliate me! You stood me up!" Hindi nagsalita si Juandro ngunit patuloy lang siya sa pagkaladkad kay Ate Dian. Susundan ko na sana sila nang pinigilan din nila ako Ate Maya at Jezel. "Juandro! Huwag mong sasaktan si Ate!" sigaw ko pa ngunit hindi man lang natinag si Juandro. I realized if he's angry, he's angry. Sinenyasan din ako ni Manang Melba na ayos lang. "Hindi naman nananakit si Juandro. Kakausapin lang niya siguro si Miss Dian," Malalim akong bumuntong hininga at tinanggap nalang ang mga sinasabi nila. Mukha lang nananakit si Juandro pero kahit paano'y may tiwala naman akong wala iyon sa ugali niya. Kwinento sa akin ni Ate Maya at Jezel ang buong nangyari kanina. They offered me dinner to eat already but I refused. Bukod sa gusto kong marinig ang mga nangyari rito noong wala ako, nag aalala pa rin ako kay Ate Dian. Juandro took her upstairs, hindi ko lang alam kung sa kwarto niya ba sila pumasok o kay Ate pero panay ang sulyap ko sa hagdan. "Grabe," iling ni Ate Maya. Naroon kami sa bar counter. Nakaupo sila sa high end chair ngunit nakasandal lang ako at nakikinig sakanila. Magkakatapat lang naman kami kaya malinaw sa pandinig ko ang mga detalye kahit pa hininaan niya ang kaniyang boses. "Parang nagdala ng riot dito 'yung ex-girlfriend ni Sir Hakim. Siya lang pero mag isa. May pinakitang PT at files galing sa doktor. Buntis nga siya." Kahit pa may kutob na ako kanina ay nagulat pa rin ako. "Akala niya'y tinataguan siya ni Sir Hakim. Siguro kung hindi dumating si Sir manununog na 'yun ng mansyon. Grabeng magwala," "Hindi ba anak siya ni Governor Untalan, Ate Maya?" si Jezel. "Oo. Spoiled brat. Ayan tuloy nabuntis! Nagsabunutan kaya sila ni Miss Dian. Akala nung babae siya yung bagong girlfriend ni Hakim," My eyes widened because of the information that I heard. Kaya pala galit na galit kanina at sinisigawan ni Ate Dian si Hakim. She's definitely so pissed about what happened. Reyna ng away si Ate kaya hindi siya magpapatalo. "Mabuti nga't dumating agad si Sir eh, inaawat namin 'yung dalawa, hindi namin mapaghiwalay. Riot talaga kanina," ismid ni Ate Maya. Kinagat ko ang labi ko. Ganoon pala kalala ang mga ex girlfriend ni Hakim. Ano kayang ginawa niya at baliw na baliw sila sakanya? "Ano naman pong sinabi ni Hakim pagkarating niya rito?" I asked. "Ayun, hindi naniniwala si Hakim. Sabi'y ipapa imbestiga niya. Kung DNA sana ay mas madali kaso kailangan pang hintayin na lumabas yung bata," Iniisip ko lang kung gaano kakomplikado ang mga nangyayari ay naaawa na ako kay Hakim. "Eh saan pupunta si Hakim?  Bakit siya umalis?" "Sinundan niya 'yung babae. Nagbanta kasing ilalabas sa publiko nabuntis siya ni Sir Hakim pero hindi papanagutan," "Pero imposibleng hindi 'yun nabuntis ni Sir, siya yata first boyfriend nung Lianna Untalan," "Pwedeng hindi naman niya nabuntis. Notorious playboy 'yang si Sir Hakim may sinusundan 'yang method method para 'di makabuntis," "Oo nga no? Muntik ko nang makalimutang dean lister din si Sir. Lagi sigurong nagwiwithdrawal?" humalakhak si Jezel. Pinandilatan siya ng mata ni Ate Maya. Nangunot ang noo ko. "W-Withdrawal?" ulit ko sa sinabi ni Jezel. Hindi nakasagot ang dalawa at tila ba naestatwa pa kaya mas lalo akong nagtaka. Nginuso ni Ate Maya ang likuran ko. I turned around and saw Juandro. Tahimik niyang binuksan ang ref at nagsalin ng tubig mula sa kinuhang pitsel. We were silent the whole time he was there. Narinig ko ang pagsinghap ng dalawa nang ibottom's up ni Juandro ang baso. It seems like he's very pissed and I am not surprised. I just thought maybe he had a hard time making my sister behave. "S-Sir, gusto niyo na po bang maghapunan? Nakahanda na po, Sir," uutal utal na sambit ni Ate Maya. Binaba ni Juandro ang baso bago kami lingunin. Nagtagal pa ang tingin niya sa akin bago bumaling kay Ate Maya. "Sige," iyon lang sabi niya at umalis na roon. Tumikhim si Jezel. "Sabayan mo na si Sir Juandro, Miss," Gusto ko pa sanang makipag usap sakanila ngunit kailangan na nilang magtrabaho at pagsilbihan si Juandro. Tumango ako. Iniisip ko si Ate Dian. Ano kayang ginawa ni Juandro sakanya. Pwede ko naman siguro siyang tanungin habang kumakain kami. Maraming hinain sina Manang Melba para sa hapunan. Ang hirap pumili, ngunit sa huli yung beef steak nalang ang naisipan kong ulamin. Nasa sentro si Juandro at umupo ako sa kanan niya. Napukol ang atensyon ko sa flower bracelet na suot parin niya hanggang ngayon. Halos mapa facepalm ako noong maalala kong hanggang ngayon ay suot ko parin 'yung flower crown. Tinikom ko ang bibig ko at dahan dahang nilagay iyon sa ibabaw ng hita ko. Napatingin si Juandro sa ginawa ko. Tipid lang akong ngumiti. Ang malisyosong tingin ni Ate Maya sa aming dalawa ay napansin ko. Her gaze went from the flower crown to Juandro's bracelet. Nanuyot ang lalamunan ko kaya nag umpisa na akong kumain at nagpokus sa ginagawa kahit pa minsan ay nahuhuli ko ang mga nakakailang niyang tingin niya sa akin. He cleared his throat and he caught my attention. Akala ko ako ang kakausapin. "Maya, where did Hakim go?" tanong niya kay Ate Maya na nagsasalin ng aming inumin. Si Jezel naman ay naiwan doon sa kusina at naghahanap ng malilinisan. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang nakikinig sa usapan nila. "Sinundan po si Miss Untalan, Sir," "Nakaabot na ba kay Lolo ang nangyari?" "Naku!" umiling si Ate Maya. "Mabigat pong habilin ni Mama na huwag munang ipagsabi kay Senyor Manuel, Sir," "I see. Give Hakim his time, he'll fix it eventually," Ngumiti at sumang ayon si Ate Maya sa kaniyang sinabi. Ngumuso ako. Hindi ako makahanap ng tamangbtiming para itanong kung kumusta si Ate Dian. Lalo na't narito si Ate Maya at parang matanglawin ang kaniyang tingin. Inappreciate ko nalang ang sarap ng ulam habang kumakain doon. "What were you talking about earlier?" akala ko si Ate Maya pa rin ang kausap ni Juandro. Dumaan ang ilang segundo ay walang sumagot. Nang mag angat ako ng tingin ako pala ang kinakausap niya. "Ah 'yung nangyari lang kanina... gusto ko lang malaman," "But I heard withdrawal?" naningkit ang mata niya sa akin. Umawang ang bibig ko at nagkatinginan kami ni Ate Maya. Gusto niyang magsalita para sa akin ngunit hindi niya maituloy. "s****l kinds of stuff interest you now, Rio?" seryoso niyang wika ngunit ngayon ay may multo ng ngiti sa labi. "H-Huh?" "Nadaplisan ka lang ng kaonti, naging interesado ka naman agad," Pinilig ko ang ulo ko. Bakit malayo nanaman ang pinuntahan ng pinag uusapan namin? "W-Wala akong ideya sa sinasabi mo," "Tss," iritado niyang sambit at hindi na nagsalita. Matatapos na yata si Hakim noong iniwan muna kami ni Ate Maya roon. Malalim akong huminga at binalingan si Juandro. Tahimik lang siya, seryoso ang mukha at parang may galit sa kinakain. "Uh..." nakuha ko ang atensyon, kinagat ko ang labi ko. Namemental block nanaman ako. Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. "Do you need something?" aniya nang nawala ang sasabihin ko. I swallowed. "K-Kumusta si Ate Dian?" "Naglalabas lang ng emosyon but she's fine," Of course she's not. Una palang, salungat na siya sa planong ito. Kaya lang kung sumalungat din ako ay baka hanggang ngayon masyado pa ring pariwara ang buhay niya. "Anong ginawa mo sakanya?" my voice was full of curiosity. Tinaasan niya ako ng kilay. Iyan nanaman at parang nagtatransform nanaman siya sa pagiging dragon. "Did you think I will hurt your sister?" Agad akong umiling ngunit ano nalang ang ginhawa ko nang marinig iyon sakanya. "H-Hindi... natanong ko lang," "I may be cruel with everyone sometimes but I will never hit a woman," Nagtagal ang tingin ko sakanya. Umusbomg ang ngiti sa aking labi. He immediately turned his gaze from me to his food. "Even if they're always complicated," dagdag niya pa. "Pasensya na rin sa mga sinabi niya kanina. Talagang medyo masama siyang magsalita kapag galit," "Lagi niya bang ginagawa 'yon sa'yo? Kahit hindi siya galit?" Nag aalangan akong sagutin ang tanong niya. Pakiramdam ko'y magbubukas ako ng pinto para sa isang stranghero at may malalaman siya ng kaonti tungkol sa buhay  ko...na hindi ko pa kailanman naibahagi sa iba. "M-Minsan lang,' "Maybe every day? You looked like you're used to her bad mouth," "Uh, oo, sanay naman na ako kaya okay lang," "'Di araw araw nga siyang malupit sa'yo," he stated and all of a sudden the bullets I reserved to defend my sister are nowhere to be found. Her words have always been sharp and memorable in my life. I've always told myself that words are just words and that in the end, she'll always be my sister. Even in my innermost thoughts, I continued to protect her. And I should continue to defend her. But this time, in front of Juandro, a complete stranger, who remains a mystery to me, I felt as if all of the promises I made to myself were slowly slipping away. Nagtangis ang bagang ko at hindi siya sinagot. Pinagpatuloy ko ang pagkain ngunit hindi tulad niyang nakatingin parin sa akin. He was waiting for me to talk. Required bang sagutin ko siya? Naiilang lang ako dahil kumakain ako habang siya nama'y nakatitig. "You don't always have to protect her. Takot ka lang na baka masaktan mo siya. She obviously envies you, and you know that to yourself. And you felt bad about it. Pero wala ka ng magagawa roon. Take this as advice, but you should start embracing your role even if it means you'll have to hurt someone... even it's the one you care about," Tulala ako habang paulit ulit na nagsisirko ang mga sinabi ni Juandro kanina sa hapag. Napakabigat ng emosyon ko ngayon. Pakiramdam ko sa loob lang ng isang araw ay napag aralan na niya ako. My feelings are raw because I believe he understands how I've felt throughout the years. At the same time, I'm concerned that he will learn more about me and my life. Parang wala pa nga akong ideya sa ending nito, siya ay may nahihinuha na. Kinatok ko si Ate Dian. Hinatiran siya ng hapunan ni Aiza sa kwarto dahil ayaw niyang bumaba. I thought she needs someone to talk to. Noong nakarinig ako ng kalabog sa pinto at sinigawan niya akong ayaw niya akong makita ay nagkamali pala ako ng naisip. I just spend the night looking at the well-carved ceiling of my temporary room. Kahit sa lalim ng pagtulog ko ay nagrereplay pa rin sa akin ang mga sinabi ni Juandro. I woke up early and I was still thinking about his words. Nakasilip na ang araw ngunit hindi parin mainit sa balat ang sikat nito. Nagtanong ako kung umuwi ba si Juandro kagabi, oo raw ngunit madaling araw na. I asked for his number and tried texting him before I got in the shower last night but he never responded. Inisip kong hayaan muna siya at mamaya nalang kausapin dahil siguradong pagod siya at natutulog pa. Nagpaalam ako kay Manang Melba na payagan sana ako sa kahit pagdidilig lang ng mga halaman sa hardin ng mansyon tuwing umaga ang gagawin ko. Ang dami ko pang sinabing rason bago ko siya napapayag. Doon ko ginugol ang buong oras ko gaya ng ginagawa ko dati sa Maynila tuwing umaga. Jezel has always helped me in many things including assisting me in the garden. Masaya siyang kasama at madaling kasalamuha, given na rin siguro na magkasing edad kami. We were talking about what course we will take this coming school year when a chestnut-colored horse scared us out. Napatili kami ni Jezel nang makitang nginangatngat niya ang ilang house plants na nakapalibot sa isang anghel na estatwa roon. Nasa malayong gilid ng mansyon ang hardin. Mula sa metal swing na nakasabit sa Mahogany ay makikita mo ang kalakihan nito. Pinoprotektahan ni Jezel ang mga halaman habang sinubukan ko namang hilain ang tali ng kabayo upang malayo siya roon. Naisip kong naligaw ito o kaya nakatakas mula sa barn house na nakatayo sa rancho ng mga Barrios. Naisip kong hindi pa ako masyadong nadadako roon dahil hindi masyadong naaagaw ng pansin ko ngunit alam kong malawak iyon at magandang pagpractice-an ng horse riding. May sumipol sa likuran namin. The horse neighed but I didn't let go of the rope yet. Ang matandang lalaki ay pamilyar na sa akin. "Mang Pastor! Muntik nang mag mukbang itong alaga niyo ah, buti napigilan namin," Natawa ang matanda at sumingkit ang mga mata nito dahil doon. "Pasensya na't dalawang linggo ko palang natuturuan ito matapos siyang pakawalan mula sa barn house," aniya at sinuklay ang buhok ng kabayo. Ngumiti ako at doon ko na binitiwan ang tali ng kabayo. Mang Pastor, though, noticed me. "Tamang hagod lang sa buhok at pagkausap, Ma'am, mapapa amo mo na ang kabayo," Sinubukan kong gayahin yung ginagawa niya. The horse was quiet and looked so enchanted with our touch. Bumungisngis ako at natuwa. Parang pag aalaga lang sa aso. Bigla ko tuloy namiss si Thor. Kumusta na kaya siya? I almost jumped when I thought of something very very exciting. "Mang Pastor," I called. "Sa tingin niyo pwede po akong mag alaga rin ng kabayo?" He laughed heartily. "Si Ma'am, nakahawak lang ng kabayo gusto na agad mag alaga ng isa," Nagkatinginan kami ni Jezel at natawa rin. "Gusto ko lang pong maranasan. Sa Maynila may alaga akong aso, tingin ko mas makulit pa siya sa kabayong ito," paghaplos ko sa kumikinang na gintong buhok ng kabayo. "Siya at babanggitin ko kay Sir Juandro. Kahit ako ang nag aalaga ay siya pa rin ang nagdedesisyon pagdating sa mga ganito," Masaya akong napatingin sakanya at hindi makapaniwala. "Maraming salamat po, Mang Pastor!" Ipagdadasal ko nalang na pumayag si Juandro. Tutal marami naman silang kabayong inaalagan. Hindi naman masama kung mag alaga ako ng isa hindi ba? Nang matapos ako sa pagdidilig ng hardin, tinanong ko kay Aiza kung kumain na ba si Ate Dian ngunit ayaw raw itong magpa-istorbo. Tumango lang ako. Maybe she just needs space, though I think she always needs it. Sa malaking book stand ako naglagi sa mga sumunod na oras. Matatagpan lamang ito sa bulwagan ng mansyon. Tapat lang iyon ng sala set.  Alam kong may sariling library ang mansyon ngunit doon nakatoka ang mga maglilinis ngayon kaya mas pinili kong dito nalang mag buklat buklat ng libro. Pulos tungkol sa travelling, healthy lifestyle at elite life ang nakikita kong content ng mga libro salungat sa mga kinahihiligan kong self-help books. "Rio," Sa gitna ng paghahanap ko ng libro ay narinig ko ang boses ni Hakim. Agad ko siyang nilapitan at tinanong. "Hakim, okay ka lang? Nag text ako sa'yo kagabi," His hair was disheveled like it is its natural style. Kahit pa mukhang sabog ay nagsusumigaw pa rin siya ng kagwapuhan. His earring shines and it added to his overall attractiveness. "I'm sorry. My phone was deadbatt," naihilamos niya sa mukha ang kamay. "Can we talk?" "Uh sige..." Umupo kami roon sa sofa. Sa sobrang lapit namin ay pansin ko na pansin ko ang pagkataranta niya. Problemadong problemado ang kaniyang mukha at hindi mapakali ang kamay. His eyes were bloodshot too. "I know you think I'm the most reckless, piggiot jackass you've ever encountered in your entire life-" Hindi pa man din niya natatapos ang sinasabi ay umiling na ako nang paulit ulit. "But I'm not like that anymore, Rio. I'm going to keep my word. Yesterday, I decided that making a change would be a wonderful way for me to end my terrible life, and I began taking the path of change," Nakatingin lang ako sakanya at sinserong pinakikinggan ang lahat ng kaniyang sinasabi. "I'm sure you're aware that I spent a lot of time with girls. Yes, I did it with her, but it wasn't the first time I'd done it," pagbubulgar niya. "Hell, I'm not going to risk it. I'll never impregnate someone I don't see myself spending the rest of my life with," Hindi na siya mapakali at ang pagkataranta sa kaniya ay mas nangingibabaw. Pumipiyok na rin ang kaniyang boses. Hinawakan ko ang kamay niya upang matigil iyon sa panginginig. "Tangina, kabang kaba ako kahapon. Akala ko masisira na ako. Lianna made a threat to me. I know that as soon as she publishes that f*****g article, it will reach the old man, and it will be the end of me," he licked his lower lip and shook his head. "He's gonna take everything from me," "Huwag kang mag alala, hindi ito makakarating sa Lolo mo. Kung makarating man, naayos mo na ang gulong ito," I gave him my most assuring smile. Mariin siyang pumikit at nagmura. Pagkadilat niya ay namumula pa rin ang mga mata. "Do you believe me?" bigla niyang pasok. "I mean I'm not forcing you to believe me but I'll give you my word, the child she's carrying is not mine. I don't have any shreds of evidence yet but I know the truth. I know myself," "N-Naniniwala ako sa'yo," He exhaled a sigh of relief. "Would you promise to stay by my side and help me get through this, Rio?" Hindi naman mahirap gawin iyon hindi ba? Beside, Hakim's been nice to me. Tumango ako. "Oo, Hakim... Tiwala lang at malalagpasan mo rin ito," A smile crept on his lips. "I wish all girls are like you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD