Nakailang mura si Hakim habang sumusulong kami sa tubig upang makaahon na. Nang nasa baywang ko na ang lebel nang tubig ay iniwan na niya ako roon mag isa.
Aligaga niyang pinulot ang damit niya at tumakbo. Nasa kalahati na siya ng pagtakbo nang bigla siyang huminto.
"Rio, make it faster!" anito.
Tumango ako at natatarantang sinuot ang pang itaas na damit. Narinig kong nagsipulan ang mga kaibigan ni Hakim nang makabalik siya roon sa cottage. Minura niya lang ang mga ito.
I was watching them from afar until someone blocked my sight of them. It was Juandro who's looking at me like I've done something very bad and he's disgusted about it.
Pinasadahan niya ako ng tingin. "Your shorts," aniya.
Uminit ang pisngi ko nang makitang nakababa iyon ng kaonti ngunit kitang kita ang underwear ko. Muntik ko na iyong makalimutan dahil sa sobrang pagkataranta. Nanginginig ko iyong binutones at zinipper.
"Rio!" sigaw ni Hakim mula sa cottage, hawak na niya ang mga gamit namin.
"Leave her things, ako na ang bahala sakanya,"
Gulantang akong napatingin kay Juandro. Wala namang salitang lumabas sa bibig ko kahit pa sabihin kong ayos lang.
Pero saan naman ako sasakay pabalik ng mansyon kung tumanggi ako sakanya?
"Alright! Mauna na ako!" hindi na pormal na nakapagpaalam si Hakim ngunit kinakantyawan parin siya ng mga kaibigan niya hanggang mawala siya sa paningin namin.
"Let's get your things," ani Juandro.
Nahihiya lang akong tumango at naglakad. Sinabayan niya ako at sinamahan pa hanggang cottage. I thought he doesn't know Hakim's friend but it looks like he's also friends with them. Naninibago lang ako dahil akala ko'y mailap siya sa tao.
Kinausap siya ng mga kaibigan ni Hakim habang inaayos ko ang mga gamit ko. I took my towel out to cover my wet clothes. Siguro sa mansyon nalang ako magbibihis kung talagang nagmamadali na si Juandro.
"Lianna's back?" si Agassi Bides
Inalok niya nang isang shot si Juandro na tinanggap naman nito.
"Yeah," tipid niyang sagot.
Nag usap sila na parang isa lang ito sa mga araw na magkakasama sila.
"Oh no!" pabirong sabat ni Marietta. "Is this the Rapunzel of December or the Tiana of December?"
"The Rapunzel one I guess," si Agassi.
"No, the Tiana one. Remember, Christmas eve?" pagtatama ni Juandro.
"s**t! She's worse than Rapunzel," si Marietta lang ang natawa.
Agassi just shook his head. I really don't know what's with them and the sudden Disney princesses cameo.
Binalingan ako ni Juandro at pinasadahan ng tingin.
"Ready to leave?"
"Uh..." tumango ako.
"Let's go then..."
Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ni Hakim at humingi na rin ng pasensya sa biglaang pangyayari.
"Snow White meeting Tiana... what a scene," dagdag pa ni Marietta na mas lalo pang nagpagulo sa isipan ko.
Kanina tinawag niya akong Snow White of February, iyong Lianna naman ay Tianna. Nangunot ang noo ko nang medyo nahinuha ko na. So each of Hakim's ex-girlfriends has a name that corresponds to the month in which he met them? Kung tama ang hula ko ay ako nga at 'yong Lianna ang tinutukoy ni Marietta.
"No, she won't. I won't take her home yet..."
I looked at Juandro and he's already looking at me, it's almost as if it's against the law not to look at me.
"Let's go," halos bulong iyong boses niya sa hangin.
Para akong tutang sumunod sakanya hanggangs sa makalabas kami sa b****a ng buong lugar. Hakim's Valkyrie was not in the parking lot anymore. Pinasadahan ko ng tingin ang lote, hinuhulaan kung saan nga ba ako isasakay ni Juandro.
At kung saan niya ako dadalhin.
He won't take me home yet, he said. Bakit? Para maiwasan ang gulong maaaring mangyari kapag nakita ako noong Lianna. Paano kung totoo ngang nabuntis siya ni Hakim? Babalik na ba ako sa Maynila?
"This way,"
Nagtaka ako't nalampasan na namin ang lote ay hindi pa rin kami nakakarating sa sasakyan niya.
Napaawang ang labi ko nang makitang hinaplos niya ang buhok ng kabayong nakatali sa sanga ng puno ng Alateris. 'Yun pala, roon niya ako isasakay.
"Have you ever tried riding a horse?" tanong niya, sumisingkit ang mata dahil sa sinag ng araw.
"H-Hindi pa e..." lumapit ako nang tinapik niya ang saddle.
"Alright, put your right foot on the stirrup and try to balance your weight and try to be on the top of him,"
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Nilagay ko ang kanan kong paa sa tinuro niya kanina at humawak sa saddle. Halos mawala ako sa ulirat nang dumausdos ang paa ko pagkatalon ko.
Napahiyaw ako. Akala ko bumagsak na ako sa lupa ngunit may naramdaman akong brasong nakasuporta sa baywang ko.
"Stupid," narinig kong bulong ni Juandro at walang kahirap hirap akong inangat habang hawak hawak ang aking baywang.
"S-Sorry,"
Kinagat ko ang labi ko nang nasa ibabaw na ako ng kabayo. Pasimple kong hinawakan ang pisngi kong halos mag apoy na sa init.
"Uh saan ka-"
Tatanungin ko na sana siya kung sa harapan ba siya pupwesto para makaatras ako nang kaonti sa likod ngunit nakita kong walang kahirap hirap siyang umangat at pumwesto na sa likod ko.
"Are you scared," mas dinikit niya pa ang kaniyang katawan sa akin.
All I could think about was his chest against my back and his hips against mine, gripping me in place as if I'm gonna fall.
"Should I be?" tumingin ako sa gilid.
I could feel her intense stare in my peripheral vision. Para niya akong hinihigop gamit lamang ang kaniyang presensiya. I could never complain cuz what will happen if I did? I couldn't do anything either. It's like I'm sired to him but I am just afraid to admit it cuz it's wrong. He's Hakim's older brother.
"No," his voice was full of anger ngunit hindi ko alam ang ikinagagalit niya.
Napatingin ako sa kalahati ng kaniyang mukha nang inabot niya ang tali ng kabayo. The perfect bone structure, stern face, admirable eyes, and beautiful skin. My thoughts about him are no longer confined to the deepest recesses of my mind.
I imagined him to have the visage of a dark cloud ruling over a clear blue sky, mysterious and scary but easily seen and admired. People would stare at him, and if he was full and pushed to his limits, he'd pour hell down on them and still reign supreme.
Tumawa ako nang may kaba. "Baka mahulog ako. Unang beses ko palang nakakasakay sa kabayo," I told him honestly.
I've watched rodeo and people who rode horses. But I've never imagined myself being on the top of a horse someday.
"Hindi ka mahuhulog dahil hahawakan naman kita,"
Dahan dahang gumapang ang kamay niya sa aking tiyan. Parang may nangalabit sa kaibuturan ng aking tiyan pero agad ko iyong inalis sa isipan.
Sa takot kong baka mahulog ako ay hindi na ako nagsalita.
"Let's go, Garbo," aniya bago hilain ang tali ng kabayo.
Mataas ang araw ngunit hindi naman masakit sa balat. Tama lang ang takbo ng kabayo ngunit pinapalibutan ng mga puno ang dinaraanan namin kaya't mahangin. At
first, I was so afraid but Juandro's hand on my tummy assured me I won't fall shamefully on the grown.
"Saan p-pala tayo pupunta?"
"To our plantation. But it's much farther than the part where Lolo brought us yesterday,"
"Okay..."
Tatanungin ko na sana siya kung naroon din ba si Ate Dian pero tingin ko'y nandoon naman siya base sa narinig kong usapan nila kagabi.
I wanted to ask more about Hakim and the girl but I don't know how to make it sound normal for me knowing I'm sort of an awkward person and he's short-tempered. Baka mairita ko siya.
Kaya buong byahe ay lumilingalinga lang ako sa tanawin. Even when his hand was still on my tummy and distracting me. Mabuti nga lang at nakatalikod ako sakanya. Hindi niya nakikita ang reaksyon ko.
Naalala ko bigla noong nakita ko siya kahapon na may kasamang babae, ngayon ako naman ang nakasakay sa kabayo niya. Pinilig ko ang ulo ko baka sa ibang lupalop nanaman mapunta ang mga isipin ko.
The day is lovely. Summer days are lovely. Pakiramdam ko hinding hindi ako magsasawa sa walang hanggang maberdeng bukirin at ng bundok na animong ginuhit sa kalangitan na nakapalibot sa amin. There is a paradise and this one is part of it.
Niliko niya ang kabayo sa isang daan sa ilalim ng kapunuan. Crickets starts screaming at us even in broad daylight. Kinabahan ako dahil malayo na sa sibilisasyon ang tinatahak naming daan.
Pupunta kami sa plantasyon nila. Iyon ang paulit ulit kong tinanim sa utak. I am just paranoid and I should refrain from thinking too much.
I felt relieved when I saw houses made of bamboos and nipa from afar. Nang makalapit kami ay unti unti kong nakikita ang mga taong nagtatrabaho, naglilipat ng mga buko at ng mga tubang nakuha sa puno ng niyog.
Tinigil ni Juandro ang kabayo at naunang bumaba. Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay inangat na niya ako at binaba. Nagkatinginan kami ng matagal. Ang mga kamay ko'y nasa braso niya. Hindi ko alam kung halusinasyon ko lang iyon ngunit may dumaang galit sa kaniyang mata. Hindi ko rin alam ang dahilan. Baka ganto lang talaga siya?
Nag iwas ako ng tingin at lumayo. May lumapit na matandang babae sa amin.
"Juandro," aniya ngunit ang tingin ay sa akin.
Unti unti itong ngumiti nang may mapagtanto.
"Siya na ba?"
"Hindi po Aling Rosie. She's Hakim's girl. You may call her Rio," ani Juandro sa mababang boses. "Rio, this is Aling Rosie, her husband is Manong Pastor. Nagtatrabaho rin sila sa amin."
Binigay ko ang kamay ko at nakipagkamayan. May kapayatan si Aling Rosie ngunit makikita sa mukha niya ang pagiging approachable.
"Ako po si Rio,"
"Nakakapanibago. Ngayon ko lang nakita ang anak ni Ricardo,"
Ngumiti ako. "Kilala niyo po si Papa?"
"Hindi mo ba alam na naglagi rin ng dalawang buwan ang Papa mo rito noon. Taga payo niya si Senyor Manuel noong kolehiyo,"
Nasorpresa ako sa narinig. Ang buong akala ko ay magkakilala lang si Papa at Senyor dahil sa negosyo, hindi ko kailanman naisip na magkakilala na sila noon pa man.
"Gutom ka na ba, hija? Mabuti nalang at nakapagluto na ako ng tanghalian,"
"Susunod nalang kami, Aling Rosie," ani Juandro kaya napatingin ako sakanya.
Sinabihan lang kami ni Aling Rosie na sumunod nalang pagkatapos ay umalis na rin siya.
"You need to change your clothes. You're soaking,"
Muntik ko nang makalimutang nabasa pala ako dahil sa hot spring! Pero mukhang natuyuan na dahil naarawan kami kanina at nahanginan habang nakasakay sa kabayo.
"Ah oo! Saan ba ang a-ano... CR nila rito?"
"Follow me,"
Sumunod nanaman ako sakanya. Puro kalalakihan at mga bata lamang ang nakikita ko sa komunidad nila. Ang iba'y binabati si Juandro ngunit nagtatagal ang matang kuryuso sa akin. Nginingitian ko lang sila. They seem very busy with work.
Sa isang maliit na barong barong malayo sa mga bahay bahay ako dinala ni Juandro. Kasya lang yata ang isang tao roon at ang haligi ay pingtagpi tagping mga sako.
"Go inside. I'll wait here," aniya.
"D-Dito?" turo ko sa barong barong.
"Yes. It's a CR," hinila niya ang cover na sako ng isang dingding.
May bowl nga roon at mga timba at tabo.
Umawang ang bibig ko at tumango tango. Pumasok na ako at siya na mismo ang nagsara noong sako, nagpasalamat naman ako sakanya. I started changing my clothes with the spares I have in my backpack.
Sa kalagitnaan ng pagpapalit ko ay bigla siyang nagsalita.
"What were you two doing in the spring earlier?"
Wala namang ibang tao roon kaya sigurado akong ako ang kausap niya.
"Kami ni Hakim o-"
"When I saw you, you were very close to each other,"
"A-Ano inaalis niya lang 'yung-"
"He's undressing you. You two were making out?"
Agad na nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Mali ang iniisip m-mo. Tinatanggal niya lang y-yung ano k-kasi... para..." hindi ako makahanap ng eksaktong salita para roon.
"Ano? You're about to make out but I showed up? In a public place? Did you like huh?"
"H-Hindi sa ganon-"
"No. You were clearly making out. He was undressing you and he's probably already touching-"
Tumigil siya at hindi na sinundan pa ang sinasabi. Napipi ako roon at hindi madepensahan ang sarili sa mga paratang niya. Paano ko nga ba maipapaintindi sakanya na wala kaming ginagawang kababalaghan ni Hakim kung hindi niya ako pinapakinggan?
Tumahimik ang paligid. He probably left because I pissed him off. Pinagpatuloy ko nalang ang pagpapalit ng damit at noong natapos ay lumabas na rin.
Nagulat nga lang ako nang makita ang likod ni Juandro. He never left.
Para akong nag ugat sa kinatatayuan ko noong humarap siya. His eyes were already dark. Tiim na tiim ang bagang at mabibigat ang hakbang palapit sa akin.
I shuddered as he got closer and saw how her eyes pierced my soul.
"When I assumed you were different from your sister, I was mistaken,"
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
"I am very disappointed, Rio," iling niya at tinalikuran ako.
Nahulog ang tingin ko sa lupa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang hirap lumunok. Para akong sinaksak ng mga salita niya. Nang maramdaman kong tumulo ang luha ko agad ko iyong pinalis.
Kahit pa noong nasa kainan na kami ay mabigat parin ang pakiramdam ko. Masyado yatang matalim ang salita niya at tumatak pa sa isipan ko. Pati yata sila Aling Rosie ay napansin iyon dahil palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
Magkatapat lang kami sa isang parihabang mesa. Nasa sentro si Aling Rosie at may mga kasamahan pa kaming ilang trabahador doon upang makisalo sa tanghalian.
"Hijo 'yong mga niyog na nakolekta kahapon ay na pick up na ng truck niyo upang ihatid ng eroplano sa Davao," Aling Rosie broke the defeaning silence.
"Nagmamadali na si Mr. Pillo dahil in demand ang alak niya sa Italya,"
Nakapokus lang ang tingin ko sa pagkain, inihaw na bangus na may palamang kamatis at sibuyas ang ulam namin at pritong talong. Tahimik lang ako ngunit nakikinig pa rin sakanilang usapan, hindi na nangahas pang mag angat ng tingin lalo na kay Juandro.
"Mas gusto yata ng mga foreigner ang timplang tuba ano, hijo?"
"Yes,"
Sinubukan din akong kausapin ni Aling Rosie, kadalasan tungkol kay Papa at sa negosyo namin. May alam naman ako sa negosyo namin kaya nasasagot ko naman ang tanong niya.
Si Juandro ang pinakaunang natapos sa amin. Nagpaalam siya na tutulong muna sa mga trabahador. Nag angat lang ako ng tingin noong palabas na siya sa kubo kubo kung saan kami kumakain.
Nang matapos na ang lahat sa pagkain, tinulungan ko si Aling Rosie na magligpit ng pinagkainan m. Noong una'y tumanggi siya ngunit wala naman akong ibang gagawin kaya napilit ko siya sa huli. We transferred the dishes to the wooden house just beside the kubo kubo. Iyon pala ang bahay nila.
Maliit lamang ang kanilang kusina pero presko dahil open iyon at nakikita ko ang mga abalang trabahador sa malayo.
"Hulaan ko, nag away kayong dalawa ni Juandro, ano?" wika ni Aling Rosie.
Siya ang nagsasabon ng mga pinagkainan at ako naman ang taga banlaw.
"Nagkasagutan lang po,"
Natawa ang matanda. "Mukhang hindi yata magugustuhan ni Hakim kapag malaman niyang inaaway ng kaniyang kuya ang girlfriend niya,"
Ngumisi ako at umiling. Hindi ko naman boyfriend si Hakim pero mukhang iyon na agad ang nasa isip niya.
"Ewan ko nga po at parang laging galit si... Juandro sa akin,"
"First time lang yatang nangyari 'yan. Halos walang pakialam ang batang 'yan sa mga babaeng nirereto sakanya ni Senyor Manuel,"
"Sabi nga rin po ni Ate Maya,"
"Bakit nga pala kayo ang magkasamang dalawa? Nagsabi kasi siya kahapon na dadalhin niya ang Ate mo rito at ako ang mag aakompaniya sakanya habang nagtatrabaho itong si Juandro,"
'Yun nga rin ang akala ko.
"Magkasama po kami ni Hakim kanina sa Hilltop, kasama ang mga kaibigan din niya kaso dumating si Juandro at sinabing nasa mansyon nila 'yung ex-girlfriend ni Hakim at sinasabing nabuntis niya ito,"
Gulat ngunit natatawa parin si Aling Rosie. "Hindi talaga nawawalan ng problema 'yang si Hakim sa babae. Manang mana sa ama niya noon..."
Matagal pa kaming nagkwentuhan ni Aling Rosie. Pinasyal pa nga niya ako sa mga kabahayan noong matapos kami. Maraming mga bata rito at ang iba'y nakikita kong tumutulong na sa pagtatrabaho kasama ang mga magulang nila. I wonder if they still attend school?
Nilapitan ako ng isang grupo ng mga bata na sa tingin ko'y hindi bababa sa pitong taong gulang ang mga ito.
"Hello po, Ate! Maganda po kayo, Ate! Bagay sainyo itong gawa kong bracelet!" anang isang madaldal na batang lalaki.
Lumuhod ako para tingnan ang gawa niya.
"Wow! Ginawa mo ba ito? Ang ganda naman!"
Bracelet na gawa sa pinagdikit dikit na santan ang binigay niya sa akin.
"Ako rin po, Ate!"
"Gumawa rin po kami!"
Pinakita rin nga mga kasamahan niya ang gawa nilang bracelet na ikinatuwa ko. Hinayaan ko ang bata na isuot sa akin iyon. A smile crept on their faces as I show them the bracelet on my wrist.
"Gagawan ka pa po namin!" anang bata.
"Sige ba!"
Masaya silang nagtakbuhan palayo upang kumuha ng Santan. Nakangiti rin si Aling Rosie sa mga ito at sa akin. Siya ang nag akompaniya sa akin habang wala pa si Juandro. 'Yun nga lang noong kinailangan nang tumulong ni Aling Rosie sa mga trabahador ay wala pa rin si Juandro. Akala ko maaari na kaming umalis pagkatapos ng tanghalian, at lumipas na ang ilang oras ay hindi pa rin siya nagpapakita.
"Susundan ko nalang po si Juandro,"
"Sigurado ka ba? Pwede ka namang manatili sa bahay at manood sa telebisyon,"
"Maraming salamat po pero ayos lang po,"
"Sige kung ganoon. Dumiretso ka lang sa unang hilera ng niyugan at kumaliwa kapag may nakita kang puno ng Acacia, siguradong naroon si Juandro,"
"Sige po. Maraming salamat po ulit sa pagpapakain at pamamasyal..."
"Ikinagagalak kong gawin iyon, hija,"
Nagbeso kami bago ako pumunta sa sinasabi niya. Hindi ko kabisado ang buong lugar kaya kahit na sinabi na ni Aling Rosie ang dapat kong daanan at tandaan ay nagtanong tanong pa rin ako sa mga tao roon. Magalang at mababait silang lahat. Nakakahiya nga lang dahil mukhang naaabala ko sila.
"Nandoon po si Sir Juandro, nagsisibak," tinuro ng mama ang malaking puno ng Acacia.
Bumaba ang tingin ko at nakita ang pamilyar na likod ni Juandro. Nagsisibak nga siya ng kahoy.
"Salamat po!"
Dumiretso ako sa may Acacia. May ilang trabahador ding naroon, kinokolekta ang mga kahoy na nasibak na ni Juandro. Lumapit ako ng kaonti, hindi niya pa napapansin ang presensiya ko.
"Uh... Juandro," lumiit ang boses ko nang tinawag siya.
"Hm?" aniya nang hindi ako tinitingnan at nagpatuloy sa pagsibak.
"A-Anong oras pala tayo uuwi?"
"Kung kailan ko sasabihin,"
"Naisip ko baka umalis na 'yong babae-"
"You have no idea what Hakim's exes were like. They are stupid, obsessive and delusional. Siguradong naroon pa 'yun sa mansyon hanggang ngayon at hindi aalis hangga't hindi niya nakukuha si Hakim."
"Pero bakit kailangan ko pang lumayo kung si Hakim lang naman ang pakay niya,"
"Narinig mo ba lahat ng sinabi ko?"
"K-Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko ang sakaling sugurin a-ako,"
The corner of his lips rose a bit but it shows no humor. "Hindi mo alam 'yang sinasabi mo," putol niya agad sa usapan.
Ngumuso ako at naglakad, pinapasadahan ng tingin ang buong lugar hanggang sa mapunta ako sa harapan niya.
Sinulyapan niya ako at nginitian ko siya. Masungit niya lang akong dineadma.
"Galit ka pa ba?" kuryuso kong tanong.
"I am not mad," pagkatapos ay sinibak niya ang kahoy.
Hindi ba siya galit sa lagay na iyon? Kanina nga kung makatingin siya ay parang may ilegal akong ginawa. Kung nakakamatay ang tingin baka ngayon ay pinaglalamayan na ako.
Gets ko nang disappointed nga siya dahil wala nga raw akong pinagkaiba kay Ate Dian. Sa anong dahilan ba? Karamihan kasi ng nakakapansin sa amin, magkasalungat daw kami ng ugali. Ngunit hindi naman big deal sa akin iyon. Gusto ko lang malaman ang dahilan ni Juandro at bakit nasabi niyang wala akong pinagkaiba kay Ate.
"H-Hindi naman kasi kami... walang nangyari sa amin ni Hakim," pasok ko sa usapan namin kanina.
Gusto ko lang maipaliwanag ang side ko, 'yun lang.
Nakita ko ang biglaang pagdilim ng kaniyang ekspresyon.
"I don't wanna hear it-"
"G-Gusto ko lang namang linawin ang mga nangyari dahil napakalayo noon sa mga sinabi mo kanina,"
"Ayaw ko nang pag usapan pa 'yan," he lazily said, not interested.
Natikom ko ang bibig ko at tumango. Mukhang matigas talaga ang ego niya at wala na akong magagawa.
Bumuntong hininga ako at umupo sa ugat noong puno ng Acacia. Nilagay ko ang baba ko sa aking braso at pinanood siya sa ginagawa. Siguro mauupo nalang ako roon hanggang sa ideklara niyang aalis na kami.
Nasa ganoon lang akong posisyon sa mga sumunod na minuto ngunit minsan minsan ko siyang nahuhuling sumusulyap sa akin. Agad naman siyang bumabaling sa ginagawa at mukhang pati sa kahoy ay may galit siya. His hold on the ax was firm, and whenever he pulled it up after a chop, his arms flexed as if they were about to burst.
Halos makatulog na ako roon kakanood sa kaniya at ng mga kasama niya mabuti nalang at nahanap ako ng mga bata kanina kaya nagising ang kaluluwa ka.
They brought more flower bracelets. Natuwa ako nang iba't ibang uri na ng bulaklak ang ginamit nila.
"Ate sabi ni Nana Rosie, Rio ang pangalan mo?" ang madaldal na batang lalaki ulit iyon.
"Tama. Pangalan ko 'yun! Ikaw, anong pangalan mo?"
"Jepoy po!" bibo niyang sagot.
"Ate crush ka ni Jepoy!" laglag sakanya noong kaibigan niyang babae.
Agad niya itong sinuway at nagtawanan sila.
Natawa ako at biniro siya. "Bata ka pa at may crush ka na agad?"
"Sinungaling sila," depensa niya.
Kinantyawan siya ng mga ito ngunit nakikisali rin siya sa sigawan nila.
"Ate Rio, ginawan ka niya ng koronang gawa sa bulaklak!" nangibabaw ang boses noong isa.
"Talaga? Patingin nga, Jepoy?"
Nahihiyang pinakita sa akin ni Jepoy ang flower crown na gawa sa maliliit na puting bulaklak. Namangha ako roon dahil sa murang edad ay maganda na ang pagkakagawa noon.
"Ang ganda! Ang galing mo naman. At ang galing niyong lahat," sabi ko sakanila.
"Isuot ko sa'yo Ate?" ani Jepoy.
Natutuwa akong tumango. "Sige ba! Snadali lang at aayusin ko muna ang buhok ko,"
Hindi naman gaanong sumabog ang buhok ko ngunit dahil nabasa at hindi ko na nasuklay, naging magkakadikit.
"Jepoy, baka madumihan mo si Ma'am ah? Nanliligaw ka na yata?"
Habang sinusuklay ko ng daliri ko ang buhok ko nagsalita ang isa sa nangongolekta roon ng kahoy. Kung hindi ako nagkakamali nasa late 30s na siguro ang lalaki.
"Okay lang po!" wika ko sakanila.
"Pasensya na po Ma'am kung medyo makulit ang anak ko,"
"Wala pong p-problema. Ang galing nga po niyang gumawa nito eh..." ngiti ko at tinaasan ng dalawang kilay si Jepoy.
Hinayaan kami roon ng kaniyang ama. Boys rarely do things that girls often do at a young age and it makes me happy.
Si Jepoy ang naglagay sa buhok ko noong flower crown na ginawa niya para sa akin. Dinig ko ang pagkamangha ng mga bata lalo ni si Jepoy noong nakasuot na iyon sa akin.
"Uh bagay ko ba?" I bit my lower lip.
Sabay sabay silang tumango. I chuckled and thanked Jepoy for it. Nang madako ang tingin ko sa banda ni Juandro, nagtama ang paningin namin. His expression is solemn and looking at me intently. My smile has vanished, and I simply divert my sight aside to avoid his scathing stare. I also looked at the other accessories the kids created using various types of flowers.
"Ate Rio, gusto ko pa pong ibigay itong bracelet," kalabit ni Jepoy sa akin.
Nakita ko ang bracelet na gawa rin sa bulaklak na kagaya noong flower crown.
"Okay lang. Sa'yo na 'yan... para magkaparehas tayo hindi ba?" ngisi ko.
"Kaso hindi naman nagsusuot ang mga lalaki nito, gumagawa lang sila eh... gaya ko,"
"H-Huh? Nagsusuot naman ang mga lalaki ng mga mabubulaklak na damit ah, bracelet pa kaya na gawa sa bulaklak?" pagpapaintindi ko.
Ngumuso ito. "Pero masyadong malaki ito sa akin,"
Kinagat ko ang labi ko at binalik muli ang tingin sa direksiyon ni Juandro. Tapos na yata siyang nagsibak at nagpupulot nalang ng mga kahoy na nasibak niya.
"Kilala mo si Juandro hindi ba?"
"Opo!"
"Hmm. Ibigay mo nalang sakanya 'yan,"
"Tatanggapin niya po?"
Hindi ako nagsalita ngunit tumango ako ng may nanunuyang ngiti. I cheered Jepoy up at sa huli'y lumapit din siya kay Juandro kasama niya ang ibang kaibigan.
"Kuya Juandro?"
"Yeah?" tumigil siya sa pagpupulot at tinuon ang atensyon sa bata.
"Nagsusuot ka po ba ng bracelet? Sabi po kasi ni Ate Rio pwedeng mag suot ng bracelet ang mga lalaki..."
"Why don't you wear it instead?"
Halos mahulog ang panga ko. Ang sungit naman niya.
"Eh hindi po kasya eh..."
Sinulyapan niya muna ako bago ibalik ang tingin sa bracelet.
"Okay. Ikaw nalang magsuot sa akin,"
The corners of my lips rose. Gusto kong pigilan ang ngiti ko ngunit kusang lumabas iyon. I had no idea why his simple agreement made me so delighted.
Nang masuot na ni Jepoy ang bracelet sakanya ay namangha ulit sila.
"Wow! Bagay rin pala sa lalaki!" tiningnan ako ni Jepoy at tinanguan ko siya. "Parehas po kayo ni Ate Rio pero korona naman sakanya,"
"Thanks. I like it," tiningnan muna ako ni Juandro bago niya iyon sabihin kay Jepoy.
"Walang anuman po 'yun Kuya Juandro... bagay rin po ba ni Ate Rio ang korona?"
Parang gusto kong lamunin ng lupa. Lalo na noong nagtagal sa akin ang tingin ni Juandro. Anong init nalang ng pisngi ko sa sobrang hiyang naramdaman.
"Bagay naman niya..." seryoso niyang sabi.
Nahihiya akong ngumiti sakanya at nagpasalamat. Sa huli ay nag iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.