Kab 2

4631 Words
Si Hakim ang bunso at dalawa lang silang magkapatid ni Juandro kay Engineer Alessandro Barrios, ang naghahari sa rock and cement business sa Cebu at ni Mrs. Penelope Barrios na tubong Cebu rin. Si Senyor Manuel ang tubong Pangasinan ngunit nang dahil sa aktres ang kaniyang namayapang asawa noon na si Alessia Ruamero, doon sila namalagi sa Maynila kasama ang batang Alessandro. Ito ang mga ilan lang sa naikwento ni Ate Maya, anak ni Manang Melba, noong tumambay ako sa kusina dahil kakatapos lang naming mag dinner. Nag oprese ako sa paghuhugas ng pinggan dahil si Jezel, ang magsisilbi sa akin sa loob ng dalawang buwan, ay inaayos na raw ang kwarto ko kaya akala ko'y makakatulong ako rito. "Miss Rio, ikaw palang yata ang unang babaeng naglagi dito at nagboluntaryong maghugas ng pinggan," Nilagay ko ang mga nahugasan nang baso sa cabinet doon. "Ah nakasanayan ko lang po siguro... at hinahayaan naman po ako doon sa amin na tumulong." Natawa si Ate Maya. "Baka nga kung nandito si Mama at nakikita ka niyang nagbabalik ng mga baso riyan, mapapagalitan ako," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Pero syempre pagsasabihan lang!" Si Manang Melba ang mayordoma ng mansyon. Si Maya ay kinalakihan na raw ang pagtulong dito sa mansyon dahil maagang namatay ang kanilang haligi ng tahanan. "Matanong lang Miss Rio, nagka-boyfriend ka na ba?" Natigilan ako ngunit agad ding umiling. "Talaga?" "Wala pa po sa isip ko..." "Paano kung bigla kang ayain ni Sir Hakim magpakasal?" Nagkibit balikat ako. Hindi ko kailaman naisip iyon. At sa tikas palang ni Hakim alam ko na agad na playboy siya. Siguro siya 'yung nabanggit ni Ate Dian na... womanizer. "Hindi naman siguro," Pinasadahan ako ng tingin ni Ate Maya mula ulo hanggang paa. "Kahit yata sinong babae pinapatulan noon, e. Lalo ka na at may pangalan ang pamilya niyo sa alta sosyedad," "Hindi naman siguro ako papatulan noon. At parang mapanglaro lang si Hakim at mukhang hindi nagseseryoso," "Hay naku! Sinabi mo pa. Imbes na samahan si Sir Juandro sa negosyo nila rito sa Pangasinan, ang inatupag ay pagbabarkada at pagpaparty," Hindi na ako nagulat doon at sa impormasyon niya tungkol kay Juandro. "Kilala mo naman si Sir Juandro hindi ba? Napakasipag noon! Masunurin kay Senyor Manuel at nangunguna sa klase. 'Yun nga lang katulad ng kaniyang kapatid... mahahanapan mo rin ng baho. Masungit at mukhang may galit yata sa mundo." Natigilan ako at naalala kung gaano kabusangot ang mukha niya kanina. Mahal rin yata ang ngiti niya at mukhang tama nga ang mga impormasyong nakuha ni Ate Dian tungkol sakanila. "Para ngang walang balak mag asawa ang mga 'yan 'e at kahit ilang beses na silang pinainan ni Senyor Manuel ng babae pero walang dumadakma. O kung dumakma man ang isa, iiwan din namang luhaan sa huli ang babae," iling ni Ate Maya. Ngumuso ako. "Marami pang nauna sa aming nireto kung ganoon?" "Noong edad desi siyete siguro si Sir Juandro nagsimula. 'E ngayon bente tres na siya't gagraduate na. Kung  balak niyang mag asawa edi dapat nakapili na siya ng pakakasalan hindi ba?" "Hmm. Baka naman uh gusto niya munang mag aral at huwag munang isipin ang pag aasawa..." "Sabagay may punto ka. Hindi naman pala lahat ng walang girlfriend ay walang balak mag asawa," Nang bumaba si Jezel upang ipag alam na pwede na ang magiging kwarto tinapos ko lang ang paglalagay ng mga nahugasang pinggan at baso bago umakyat doon. Sa kaliwang hall ang papunta sa magiging kwarto ko at katapat lang din noon ang magiging kwarto ni Ate Dian. Lumabas silang lahat upang magpahangin sa teresa at magpababa na rin ng kinain. Sumama ako ngunit hindi rin nagtagal at mas piniling tumulong nalang sa kusina. Sinundan ako ni Hakim ngunit hindi rin siya nagtagal doon. Sinamahan ako ni Jezel doon at tinanong kung ano pang mga kailangan ko. Pero sa tingin ko'y wala naman na. Napakalaki ng kwarto, may teresa palabas ng sliding door, king size bed, maliit na chandelier sa sentro ng ceiling, mga ilang landscape picture na nakadikit sa pader, walk in closet at banyong pwede nang maging kwarto sa laki. Umiling ako kay Jezel. Magka edaran lang kami ngunit heto at pinili niyang magtrabaho muna ngayong bakasyon upang may pangkolehiyo sa susunod na pasukan. "Mukhang kompleto na lahat ng gamit dito," "Bongga po 'di ba, Miss Rio? Mas malaki pa nga yata itong CR kesa sa bahay namin," biro niya. "Oo nga eh..." Naglakad ako sa tapat ng tukador at nakita ang sarili sa bilugang salamin. Parang pang prinsesa naman yata itong kwarto at hindi nababagay sa akin, naisip ko. Mas malaki ito sa kwarto ko sa Maynila at pangmayaman pa ang lighting ng chandelier sa cream-colored na dingding. Kompara sa kulay rosas kong kwarto...napakalayo ng kabuuang disenyo ng kwartong ito sa personalidad ko. Pero wala na akong magagawa dahil sa loob ng dalawang buwan ito ang magsisilbing kwarto ko. Iniwan na ako roon ni Jezel noong makitang komportable na ako roon at maayos na ang lahat. Nagshower muna ako at nagpalit ng damit. Sa tingin ko ito na ang pinakamahabang araw sa buhay ko. I felt very tired and it makes me want to bury myself in bed for more than eight hours. Umupo ako sa harap ng tukador at nag ayos. Naka pangtulog na ako at parehas na parehas ang print ng pajama at ng pang itaas ko. Naglagay ako ng moisturizer sa mukha. May kakapalan ang kilay ko at bilugan ang shape ng aking mata. Namana ko kay Papa ang matangos tangos kong ilong at ang labi naman ay kay Mama...minsan naiisip ko na nakuha ko naman yata lahat ng detalye sa mukha ko mula kay Mama. Nilagyan ko ng  cream ang mga tigyawat ko sa noo. Maputi ako at medyo hindi halata ang mga iyon sa kalayuan ngunit gusto ko paring matanggal dahil dumi parin iyon. Kakatapos ko lang magsuklay noong may kumatok sa pinto. Pinuntahan ko iyon at nakangising mukha ni Hakim ang sumalubong sa akin. Nang lumagpas ang tingin ko sa paparating na dalawang tao, nakita ko ang ngiting ngiti si Ate Dian habang seryosong nagsasalita si Juandro sa tabi niya. Tumigil lang sila nang makarating na sa tapat naming pinto. "Just came here to say good night. Do you like your room." mababa ang boses ni Hakim. Bumalik ang tingin ko sakanya. "Uh oo naman! Good night din! Salamat sa pag accompany sa uh akin. Mabait ka at nakakatawa." Tumaas ang gilid ng kaniyang labi. Ngunit masyado akong nadisistract noong dalawa sa likod niya. Nakita kong sinubukang halikan ni Ate si Juandro sa labi. Nakapikit pa ito noong hinalikan niya ito ngunit wala pang limang segundo ay bumitaw na si Juandro. Ngumuso si Ate at sinamaan siya ng tingin. Napansin yata ni Hakim na nawala sakanya ang atensyon ko kaya sinundan niya rin kung saan ako nakatingin. "But it looks like humor doesn't impress you that much..." Bumalik ang tingin ko sakanya at napaatras noong bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit noon akala ko magkakahalikan na kami. "H-Huh? anong sabi mo?" kinagat ko ang labi ko. "Nevermind." he chuckled. "Bukas maghanda ka ng bikini mo, may pupuntahan tayo. I will introduce you to my friends," "B-Bukas? Saan naman?" "Yep! Basta! Surprise!" Gusto kong humindi nang matandaamg wala akong bikini ngunit napakasama ko yata para tanggihan siya gayong napakabait niya sa akin at pormal niyang sinabi sakin ang plano niya. "Hmm. Sige..." "Alright, then. See you tomorrow, love. Sleep so well, 'kay?" "Okay..." Akala ko ay aalis na siya pagkatapos noon. Handa na sana akong isara ang pinto ngunit naramdaman ko nalang mabilis na pagdapo ng labi niya sa pisngi. Naestatwa ako roon at hindi agad naproseso ang nangyari. "Come on, it's just a good night kiss," palusot ni Hakim ngunit kitang tawang tawa siya sa reaksyon ko. Sinulyapan niya sina Ate Dian at Juandro bago ulit bumulong sa akin. "Want me to kiss you more?" Napakurapkurap ako at agad na nag init ang pisngi. Natatawa akong umiling. "Matutulog na ako. Bukas nalang," "Sure..." Napatingin ako sakanya at nanunuya niya akong tiningnan. Ngumiti lang ako ng tipid bago dahan dahang isara ang pinto. Nahagip ko pa ang usapan nina Ate Dian at Juandro. "What's your plan for us tomorrow?" "I will take you to our coconut plantation," Nagmaktol si Ate Dian. "Nanaman? Kakapunta palang natin kanina, ah? Atsaka ang kati roon. At anong gagawin ko roon, mag papaka Jane? Habang nagpapaka Tarzan ka?" "I have to work and check on our lands, you will enjoy-" "No! That's very lame and boring for me. I want to party-" Nakita ko ang pagdilim ng mata ni Juandro ngunit sa palagay ko'y hindi iyon napapansin ni Ate dahil iritado rin siya. "You've been talking too much all day. That's enough for tonight. Good night." ani Juandro. Tuluyan ko nang sinarado ang pinto ngunit alam kong iniwan niya na si Ate Dian doon. Tumawag saglit si Papa kahit pa nasa daan palang daw sila. Mama's asleep. He told me he would call at least one or two times a week. Nag agree naman ako roon dahil alam kong kahit narito kaming mga anak niya ay magpapatuloy parin sila sa pag aasikaso ng negosyo namin. Buhay na buhay pa rin ang diwa ko kahit malalim na ang gabi. Siguro ay naninibago ako? Wala pang isang araw namimiss ko na agad ang buhay ko sa Maynila. Kumusta na kaya ang mga tao sa mansyon? Si Thor at Heimdall? Hindi ko maiwasang hindi sila isipin. Pero siguro natutulog na sila sa mga oras na ito. Nakatulugan ko na rin ang pag iisip sa kanila at sa sinasabing pupuntahan namin ni Hakim. Maaga akong nagising kinabukasan. Kinatok ko si Ate Dian ngunit hindi pa siya gising. Mahamog pa sa labas nang masilip ko. Ngunit ang mga kasambahay ay nagkalat na sa tanggapan ng mansyon upang maglinis. Lahat sila ay magalang akong binabati at ganoon din ako sakanila. "Tsaa, Miss Rio?" sumulpot si Jezel sa gilid ko. "Ayos lang. Gising na ba si Hakim?" "Hindi pa po bumababa, Miss," Tumango ako. Nadako ang atensyon ko sa labas, sa tapat ng fountain ng mansyon. Nakaparada ang isang itim na sasakyan. Nakikita ko ang seryosong mukha ni Juandro sa malayo habang matiim na nakikinig kay Senyor Manuel. Nakatilikod man sa akin ngunit nasisiguro kong si Senyor iyon. "Aalis si Senyor Manuel?" "May aberya po yata sa opisina. Pero aalis din naman talaga ang Senyor dahil walang mamamahala sa opisina nila sa Maynila, napaaga lang ngayon dahil may nag emergency call..." Tumango tango ako. Umalis din agad si Jezel at nagsabing tawagin ko lang daw siya kung may kailangan ako. Kahit di sanay na pinagsisilbihan, tumango nalang ako. Pinagbuksan ng pinto ni Juandro si Senyor Manuel. Tinapik muna siya nito bago pumasok sa pasenger seat. Dumungaw pa si Juandro dahil may sinasabi pa yata sakanya ang matanda. He nodded as he listened. Tipid siyang ngumisi at umiling bago isarado ng tuluyan ang pinto ng kotse. Pinanood niya pa ang kotseng umalis at tinaas ang kamay sa ere. Nagulat naman ako sa kinatatayuan ko nang biglang may sumakop na kamay sa baywang ko. "Good morning, love. Early-bird, huh?" the playful voice of Hakim almost stopped me from breathing. "G-Good morning," naiilang kong bati. Pasimple kong inalis ang kamay niya ngunit mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa baywang ko. He's hugging me from behind and even when he just woke up he smells so fresh and delicate. Hinayaan ko lang siya. "Let's eat breakfast before going, okay with that?" "Uh... Sige lang," Tumingin ako sa harapan at nakitang papalapit na si Juandro sa amin. "Are you comfortable with this?" lumambot ang boses ni Hakim. Tinatantya niya ang aking reaksyon. Sinulyapan ko siya. "Oo naman," "Are you sure?" I smiled to assure him. Hindi ko nga lang sigurado kung totoo ba ako sa sinasabi ko. I just think that maybe this is just part of the experience I was expecting. "Do you want us to cuddle? While waiting for our breakfast," I laughed awkwardly, lalo pa noong nariyan na si Juandro. "Sa susunod nalang siguro ang... uh cuddle..." sabi ko kahit hindi pa lubos alam ang salitang iyon. Dinaanan lang kami ni Juandro. Uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko narinig niya ang  usapin namin. "Great!" masayang bulaslas ni Hakim at pinansin ang presensya ng kapatid. "Umalis na si tanda?" Nagpasalamat nalang ako't bumitaw na sa yakap si Hakim ngunit hinawakan niya pa rin ang likod ko at naglakad kami. "Yeah," masungit na sagot ni Juandro, hindi man lang tumingin sa kapatid. "Bad morning huh, Shrek? Like you've been getting no morning erections all your life," "Shut the f**k up," aniya at iniwan kami roon. Tawang tawa si Hakim sa reaksyon ng Kuya niya. "Shrek always says that. Anyways, let's check out our food, baka luto na," I agreed with him. Kaming dalawa lang ang kumain sa hapag noon dahil tulog pa si Ate Dian at hindi na mahanap sa mansyon si Juandro. Umakyat lang muli ako sa kwarto para mag half shower at magpalit ng damit. Manipis na puting V-neck cropped top ang sinuot ko at pinaresan ko ng denim shorts. Napalunok ako nang makita ang hitsura sa salamin. Kitang kita ang balat ko sa hita at kung gagalaw ng kaonti, nakikita rin ang aking pusod. Ngayon lang yata ako nakapagsuot ng ganito sa loob ng mahabang panahon. Pero wala na akong choice. Wala akong bikini at tanging ito nalang ang option ko. Sinukbit ko ang aking backpack at bumaba na. Sa malaking sofa, nakaupo si Hakim at mukhang inaayos ang zipper ng kaniyang backpack. Nagulat pa akong naroon si Ate Dian sa harap niya, nakahalukipkip at nakangisi. Siya ang unang nakapansin sa akin. Hindi siya makapaniwalang natawa nang pinasadahan ako ng tingin. "I thought you're going out for an outing, not to a kid's party?" Pinasadahan din ako ng tingin ni Hakim. Wala siyang reaksyon. "Uh... sorry. Wala kasi akong mahanap na uh bikini," Mas lalo lang natawa si Ate Dian. "Bikini? Really? You're making the saint wear something like a bikini, skirt chaser?" Ngayon ko lang yata nakitang nairita si Hakim ng mabilis. "I don't remember being close with you that you're free to call me names, Miss Dian," seryoso niyang sabi kay Ate bago ako binalingan. "Whatever you wear, love. It's okay. Let's get out of here," Nauna na siyang lumabas at hindi na ako hinintay. Susunod na sana ako nang hinablot ni Ate Dian ang braso ko. "Don't tell me you'll be acting like a b***h here and allow that freaking playboy to use you!?" galit ang tono ni Ate. Napatingin sa amin ang ilang naglilinis ng flower vase sa malayong parte. "Ate Dian hindi naman niya ako ginagamit-" "He will! You'll be going out with him, at anong gagawin niyo? Sure ka bang ipapakilala ka lang niya sa mga friends niya? For Pete's sake, you two just met yesterday and he's already hitting on you!" "I-Imposible naman m-magustuhan niya ako," "Of course it's very impossible for a man like him to like a girl and take it seriously! Kaya nga niya kinukuha ang loob mo hindi mo ba napapansin? Because once you fell for his trap he's gonna treat you like a b***h and make you worship him," Hindi ko na mahinuha at iorganisa ang mga spekulasyon ni Ate Dian sa isip ko. Heto nanaman siya at lagi nalang pinapangunahan ang lahat. She's quick to judge people but still has a huge circle of friends in Manila. "Ipapakilala lang naman niya raw ako... at mabait naman si Hakim sa akin. Mukhang hindi naman niya ako ilalagay sa kapahamakan," Ate Dian made an exaggerated sigh and she couldn't believe what I just said. "I don't trust him! I don't trust anyone here!" sigaw sigaw niya at umalis na sa harapan ko. "Why am I in this f*****g big blank mansion surrounded by crazy people when I should be spending my life with the people who believe in me!" "Ate!" "Shut up! I am never gonna talk to you again!" sinigawan niya ako. Nilapitan ako ni Jezel upang tanungin kung okay lang ba ako. Wala naman sa akin iyon. At tuwing magkakausap kami ni Ate Dian ay nauuwi lang naman sa bangayan na siya mismo ang nag uumpisa. Kahit ano pang eksplanasyon ko, para sakanya siya ang tama at kailangang sumang ayon ako roon. "Ayos lang Jezel. M-May pupuntahan pala kami ni Hakim ngayon at medyo matatagalan siguro kami... hindi ko sigurado. Pero pakibantayan na rin si Ate Dian para sa akin," Puno ng pag aalinlangan ang mata ni Jezel. Alam ko namang alam na nila ang malupit na ugali ni Ate Dian pero wala parin silang choice kung 'di ang makisama. "Walang problema, Miss Rio. Ingat po kayo!" "Salamat!" Bumaba na ako sa hagdan ng mansyon papunta sa sports car, na sa tingin ko'y latest na Astin Martin sports car, sa tapat ng fountain. Nakasandal doon si Hakim at nakahalukipkip, malayo ang kaniyang tingin ngunit noong makita ako ay ngumisi siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa tabi ng driver's seat. "Where are you going?" biglang sumulpot si Juandro na may dala dalang mga kahoy sa balikat. Iba na ngayon ang suot niya kumpara sa puting T-shirt at preskong pajama na suot niya kanina. Naka kulay itim na T-shirt na siya at maluwang na pants. Nakayakap ang mamahaling belt sa kaniyang balakang  at suot suot niya parin ang krus niyang kwintas. Ang kaniyang balat ay parang ginto sa ilalim ng sikat ng araw, malayo sa mestisizong kutis ni Hakim. "To hell, bro. Keep working hard," tapik  niya sa balikat nito bago umikot at umupo sa driver's seat. Buong oras na tahimik ako sa byahe. Sampung minuto lang ata bago kami nakarating sa lugar na sinasabi ni Hakim. Halos malaglag ang panga ko nang mapag alaman kong sa isang spring niya ako dinala. "Welcome to Hilltop Adventure," aniya at ginabayan ako sa daan. Nagbayad siya ng entrance habang pinapalibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Pwede rin palang mag zip line dito, mag hiking, atv driving, mountain biking, bungee trampoline at may hot and cold swimming pools rin sila. "Tara sa spring. Mas maganda roon kesa sa mga pools, natural at walang halong kemikal. And it's beside Mt. Balungao so the air is very cold, kaya marerelax ka sa init ng spring..." Ngumiti ako at medyo naexcite. Ngayon lang ako makakaligo sa spring o kaya makalapit sa isang bundok ng ganito. "Bides ang may ari nito. If that surname rings a bell to you," "Hindi gaanong pamilyar," "Well, the youngest heir is my friend and he's here." "Talaga?!" "Will introduce you to him," Sa pinakadulo yata nakalugar ang spring at hindi tulad doon sa bandang harap kung saan maraming pool at maraming tao, dito ay parang bilang lang. Sa isang malaking cottage kami dumiretso. May videoke roon at malaking bilugang mesa na punong puno ng mga pagkain at alak. "Oh!!! Valkyrie hybrid boy is here!" sabi noong kumakanta sa tapat pa talaga nung mic. Malakas na humalakhak si Hakim at niyakap ang lalaki. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao roon. Karamihan sa kanila ay lalaki at dadalawa lang ata ang babae kung wala ako roon. Nakangiti sila, ang iba'y kuryuso ang tingin sa akin. Ngumiti nalang ako. Napansin ako noong lalakeng niyakap ni Hakim. Matangkad siya at mestizo rin. May kung anong nakakaakit sa mata at kaniyang pag ngiti. Ngunit hindi na stable ang mga mata niya at tingin ko'y natamaan na siya ng alak. "By the way Aga this is Rio..." Rai stretched his hand to me for a shake and I accepted it. "Nice meeting you Rio," "Rio this is Agassi Bides..." Ngumiti ako sakanya pabalik. "Nice meeting you rin. Uh Hakim told me y-you're a Bides heir," "They always say that's me," he chuckled and offered me a drink. Nag aalinlangan kong kinuha iyon ngunit pinilit niya ako. Tumawa lang ako tinanggap ngunit hindi pa ininuman. Hindi pa ako kailanman nakakatikim ng alak. "This is Rio," pinakilala pa ako ni Hakim sa mga ibang naroon. "Nice meeting you," lagi ko namang tugon tuwing nakikipagkamayan. "Snow White of March huh, Hakim?" anang babaeng kurbang kurba ang kilay at morena. "Oh no, Marietta. No Disney princesses for me from now on," Natawa iyong si Marietta. "Are you serious?" Hakim just shrugged. "I guess. Still in the process of trying to get my old life back," "Oh shut up! If this is the 'whatever it takes' stage that you were saying, damn you!" Naghalakhakan lang ang dalawa. Wala akong naintindihan ni isa sa pinag uusapan nila. Hindi ko rin alam  kung bakit may nasamang disney princess 'daw' sa usapan nila? Pinaupo ako ni Hakim sa itinirang espasyo para sa amin nang matapos ang pagpapakilala. They offered him a drink and he accepted it right away. Bottom's up. Napalunok ako at tiningnan ang basong binigay ni Agassi na hindi ko pa naiinuman. Isang lalaki na kasama rin namin ang nagrequest ng kanta roon kay Agassi Bides at hinandog niya iyon sa akin. Nakitawa at nakipalakpak din ako sakanila. It's a catchy song at hindi makapagkakailang may boses itong si Agassi kahit pa hindi na tuwid ang pagkanta niya, siguro kung hindi lasing ay perpekto na ang kaniyang boses. "Wanna taste it?" nguso niya sa baso ko. Ngumiti ako at umiling. "You innocent girl, tsk tsk!" Hinayaan ko siyang kunin ang baso at siya na mismo ang tumagay noon. Habang tumatakbo ang oras, nakailang shot na si Hakim habang ako'y juice palang ang naiinom. Binibigyan niya rin ako ng mga chips at kung anu-anong pagkaing naroon. He's talkative when he's sober and very talkative when he's drunk. "Tara ligo na tayo!" aya niya sa akin matapos ibottom's up ang basong inabot sakanya. "H-Huh? Pero lasing ka na," "Hindi pa kaya," bulong niya. "Uh... malalim ba 'yun?" "Sa mababaw lang naman tayo..." aniya. Pumayag na nga lang ako. At baka kapag di ko siya sinamahan mapunta naman siya sa malalim na parte ng spring. Walang kahirap hirap na hinubad ni Hakim ang army green niyang T-shirt. Kinabahan ako noong nauna siyang maglakad sa akin. Tumakbo ba siya at tsaka nag dive doon. "Hakim!" tawag ko at tumakbo na rin. Walang bakas ng kaniyang pag ahon noong nakarating ako roon. Kakaahon lang doon noong mga lalaking narito kanina, kaya ngayon wala ng katao tao sa spring. "Hakim!" sigaw kong muli. Narinig kong tumawa lang ang mga kasamahan niya. Sumimangot ako at lumusob na rin. Maligamgam ang tubig tulad ng inaasahan ko ngunit ang kaba ko  noong hanggang baywang na agad ang  tubig sa nilusungan ko ay nag apoy. "Hakim!" patuloy kong sigaw. Nag aalala na ako. Gusto kong humingi ng tulong sa mga kaibigan niya ngunit hindi naman sila umaaksyon at parang normal lang ang nangyayari. Niyakap ko ang sarili noong humangin. Patuloy parin ako sa pagtawag kay Hakim  habang lumulusong. Nagulat nga lang ako noong biglang sumaboy ang tubig sa akin dahil sa biglaang pag ahon. Nakita ko sa Hakim doon sa tapat ng pa arkong tulay sa gitna ng spring. Malakas siyang humalakhak at pinagtawanan pa ako. Napabuntong hininga ako. Hindi naman nakakatawa ng biro niya. "Tampo na ba 'yan? Come here, love," Hanggang kili kili niya na ang lebel ng tubig roon, paano pa kaya kapag pumunta ako roon. "Come here, Rio! It's not very deep! It's worth it, promise!" Umiling ako. "Malalim nga eh!" "Do you trust me?" sigaw niya pabalik. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Now or never, Rio. Nilakad ko ang direksiyon papunta sakanya. Kitang kita ko ang mayabang niyang ngisi. Nang makalapit ako sakanya ay mabilis niyang niykap ang baywang ako at inangat ako ng konti. Hanggang balikat ko na yata ang tubig doon kung hindi niya iyon ginawa. "You know how to swim?" "K-Kung alam ko 'e 'di sana nahanap na kita  kanina pa," Humalakhak siya. "I'll teach you then," "Huwag na! Atsaka uh lasing ka hindi ba?" "Nawala nga kalasingan ko noong sumisid ako. I could teach you still, come on..." Umiling ako. Takot mga ako sa paglangoy... sa pagsisid pa kaya. Siya siguro dahil pro siya parehong bagay. He groaned in frustration jokingly. Natatawang umiling. Sumalok siya ng tubig gamit ang isa niyang kamay at binasa ang buhok. Paulit ulit niya iyong ginawa. "Hey, can you take off your top at least?" seryoso niyang wika. "I-Ito?" tiningnan ko ang crop top ko at nakitang bumakat na pala ang purple kong bra. "Yes," tumingin siya sa labi ko. "B-Bakit?" hinilamos ko ang  aking palad sa mukha pataas sa aking buhok. "It's more relaxing if the heat coming from the spring is touching your skin directly, without a cover..." Nag aalangan ako. Nakakahiya, normal lang na bra ang suot ko at baka may makakita. "Walang namang makakakita. We're under a freaking bridge, love," Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang paligid. Tama nga naman siya. Kami lang ang naroon at walang makakakita. Tinanggal ko ang crop top ko at pinakiramdam ang init na dala ng tubig. Napasinghap ako at napapikit. Para akong nawala sa sarili at napunta ako sa pinakamapayapang lugar sa mundo. Nang binuksan ko ang mata ko naroon parin si Hakim. Nahuli ko nga lang  siyang nakatingin sa dibdib ko. Nang inangat niya ang tingin sa akin ay namumungay na ang mga mata niya. "How about your shorts?" aniya na ikinagulat ko. "K-Kailangan pa ba-" "As if someone will see it underwater. Wala namang sumisisid ngayon. Hindi ko nga nakikita mula rito ang pang ibaba mo eh," Kumalabog ang puso ko. Naalala ko lahat ng sinabi ni Ate Dian kanina sa akin. But half of me is also saying that he just wants me to feel comfortable and have the best experience while bathing on a hot spring. Lumunok ako at tumango. "Let me," dagdag niya na mas lalo kong ikinagulat. "Relax..." bininiro niya pa ako. Humawak ako sa magkabila niyang braso at hinayaan siyang iunbutton at unzip ang shorts ko. "Refreshing right?" aniya. Sumang ayon ako roon. Kaya pala pinagdadala niya ako ng bikini. 'Yun pala ang purpose noon. I tried so hard to stay still while he's working on my shorts... his fingers caressing my tummy. Ibababa na niya sana ang shorts ko ng may narinig kaming pamilyar na boses. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinaroroonan ko. "Where is my brother? Is Hakim here?" ang malalim at nakaka intimidate na boses ni Juandro ang narinig namin. Tinawag niya si Hakim. Napamura lang si Hakim habang nakahawak pa rin ako sa braso niya. Uminit ang pisngi ko at halos masunog sa hiya nang dumungaw si Juandro at nakita kaming nasa ganoong posisyon. Dismayado ang mukha nito ngunit kita pa rin ang galit doon. Ang madilim niyang mata ay tumagal sa akin bago niya nilipat kay Hakim. Napayuko ako sa hiya. "The hell are you playin'? Why do you always love to interrupt, big chung?" inis na sambit ni Hakim. "The f**k are you still doing there? We've been calling you from the mansion and you never cared to pick up," puno ng galit ang boses ni Juandro. "Well, if you still don't see what's happening here, Rio and I went out for a date," "Then your date is over. Your ex is at the mansion," "Who?" "Lianna," "Li- What!? The crazy and obsessive?!" gulantang na sambit ni Hakim "I don't know. All your girls were like that," sinulyapan ako ni Juandro ngunit mabilis lang iyon. "And what does she want now?" "She's pregnant with your baby. You got someone pregnant, stupid donkey," halos mawalan na nang pasensya si Juandro sa kapatid. Nalaglag pareho ang panga namin ni Hakim sa balita niya. "What!?" mas napalakas ang boses ni Hakim. Kahit ako'y hindi alam ang susunod na magiging reaksyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD